Chapter 24 - Groupings
Kinabukasan...
~Russell~
Bago ako dumeretso sa school, dumaan muna ako sa bahay nila Winter.
Gusto ko kasing makipagbati sa kaniya doon sa pag-aaway namin dahil sa Mom ko. Pinagdoorbell ko ‘yung driver ko pero walang nagbubukas n’ong gate.
Limang minuto na siyang nagdodoorbell doon pero wala talaga.
Tiningnan ko ‘yung relo ko pero 7 pa lang ng umaga eh 7:30 pa ang simula ng klase namin.
Medyo malapit lang naman dito ‘yung school kaya hindi aabutin ng ilang minuto para makarating doon.
Napakaaga niya namang pumasok.
Nasa kaniya ba ang susi ng gate ng Primo High para pumasok siya ng gan’ong kaaga.
Pinapasok ko na ‘yung Driver ko dito sa loob ng kotse n’ong wala talagang nagbubukas n’ong gate at pinagdrive ko na siya papunta sa school.
*—***—*
"Class! Kailangan n’yong maggrupo-grupo para sa project na ibibigay ko sa inyo. Alam n’yo namang in the second week of next month na ‘yung Acquaintance Party ninyo, hindi ba? Kayong mga fourth year ang inatasang maghandle n’on at dahil kayo ang Section A, Dapat kayo ang pinakaresponsable sa party na ‘yon. Claro?" mahabang paliwanag sa’min nitong matandang masungit naming teacher sa Music and Arts na si Ms. Gomez.
Nagyes naman ‘yung mga kaklase ko.
Ms. pa rin ang tawag namin sa kaniya kasi matandang dalaga siya.
"Bago ang party ay mayroon munang mga programs na gaganapin so ang gusto kong mangyari ay mag-iisp kayo ng kaniya-kanya n’yong pakulo na ipeperform n’yo kasama ang mga kagrupo n’yo na ako ang pipili."
Ngayon eh nakahalumbaba lang ako sa desk ko.
As usual, nabobored na naman ako.
Hindi rin naman ako sasali dyan sa sinasabi niya.
"Eh Mam, pwede po ba ‘yung kami na lang ang mamimili ng mga kagroupmates namin?" narinig kong tanong ng isa sa mga babae naming kaklase.
Aba, malakas ang loob ng isang ‘yon na magtanong kay Mam. Sungit ah.
"Hindi ba't sinabi ko kanina na ako ang mamimili ng mga kagrupo n’yo? Kung ano lang ang sinabi ko, ‘yun lang ang masusunod! Ayoko ng may magtatanong pa ulit na obvious naman ang sagot. Claro?" she said while glaring doon sa nagtanong sa kaniya kanina.
Para namang mapapaihi na sa palda ‘yung babae ‘yon.
Sungit talaga ng isang ‘to kaya hindi nagkaasawa!
"Yeeees Mam..." parang mga grade one na sagot ng mga kaklase ko sa kaniya.
"Ang mga gimik na pwede n’yong gawin ay pwede kayong mag theater act, bumuo ng dance group, o kaya singing group. Basta kayo na ang bahala kung pano kayo gagawa ng gimik. Claro?"
Walang sumasagot sa kaniya.
"Claro?!" sigaw niya kaya napasagot ‘yung mga kaklase ko.
Ang totoo n’yan, may code name ang mga kaklase ko sa kaniya.
Naririnig ko rin ‘yon sa iba pa n’yang students.
'Ms. Claro' ‘yon kasi palaging may claro sa dulo kapag nagsasalita siya at kapag hindi ka nagyes, you're doomed pero hindi ako apektado doon dahil iwas sa’kin ang matandang ‘yan.
"O sige, ito na ang mga magiging kagrupo n’yo. Lima kayo sa isang grupo. Pag tinawag ko kayo, tumayo kayo ha. Blah blah blah..." dada lang siya ng dada n’ong mga pangalan n’ong mga kaklase kong magkakagrupo.
Tumingin ako ng pasimple kay Winter.
Deretso pa rin lang ang tingin niya sa unahan.
Haayy..
Ibang-iba talaga siya kapag nasa school siya.
Meron na naman siyang aura na nagsasabi na 'Hindi kita kilala at ayaw kitang makausap'... ‘yung gan’on.
Napatingin ako sa unahan niya.
Nakalingon si Vincent sa kaniya ngayon at parang tangang nakatunganga lang sa kaniya.
Hmmm...
Maasar nga ang isang ‘to.
Pangahas eh!
Kinulbit ko si Winter kaya tumingin siya sa’kin.
"Galit ka pa ba sa’kin?" tanong ko sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa’kin.
"Sorry okay... Sorry..." hinawakan ko ‘yung kamay niya at napatigil ako kasi an lambot talaga n’ong kamay niya.
Parang may dumaloy na namang kuryente sa kamay ko mula sa kamay niya.
Gantong ganito din ako n’ong una kong mahawakan ‘yung kamay niya sa may Vase shop.
Nakita kong parang nagulat din siya sa ginawa ko.
Sincere naman ‘yung pagsosorry ko sa kaniya pero may halo din yong pang-aasar kay Vincent lalo na ‘yung sa part na hinawakan ko ‘yung kamay niya.
Parang ayaw ko ng bitawan ‘yung kamay niya.
Tumingin ako kay Vincent na malamig na nakatingin sa’kin.
Parang nanghahamon pa ata.
Nginisian ko siya.
Tingnan lang natin kung makapanghamon ka pa.
Hinawakan ko ‘yung noo ni Winter gamit ‘yung isa ko pang kamay at nakita kong parang naalarma ‘yung gago.
Mwehehehe..
Tumingin rin sa’kin si Winter.
"I'm just checking if you're okay today. Alam mo na, baka may sakit ka na naman. Kung gan’on, sa bahay na lang kita ulit gagamutin at aalagaan. `’Di ba, ayaw mo naman sa ospital?" tumayo naman si Vincent at lumapit sa’kin saka hinawakan ‘yung braso ko pero napatigil siya nang banggitin ni Ms. Gomez ‘yung pangalan niya at parehas kaming napatingin sa unahan.
"Oh! You're so kind pala Mr. Fajardo. Salamat at tutulungan mo kong patayuin si Mr. Primo na kagrupo mo. Kanina ko pa kasi siya tinatawag ng tinatawag but he is not listening to me. Thank you again." nakangiti pa siya habang halatang nagpapacute sa kaniya.
Napangiwi naman kami pareho sa itsura ni Ms. Gomez ngayon.
Isa lang ang masasabi ko ngayon...
Creepy!
Tinabig ko na ‘yung kamay ni Vincent na nakahawak sa braso ko.
Baka mamaya may germs pa ‘yung kamay niya, malipat pa sa’kin.
"I will not participate..." tinatamad kong sabi saka nagdekwatro ako.
Bumalik na si Vincent sa upuan niya pero nananatili siyang nakatayo.
"Carlo Pilar!" tinuloy niya na ‘yung pagtatawag n’ong mga pangalan n’ong mga kaklase ko.
Alam na kasi nilang pag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko.
"Sophia Smith!"
Haaay... Katamad talaga!
Umub-ob na lang ako sa desk ko at pumikit.
Matutulog na lang ako...
"And lastly, Winter Vasquez. This is the last group. Sayang at apat lang kayo nila Mr. Fajardo sa grupo n’yo..." napamulat ako sa narinig ko.
Winter?
Ibig sabihin, kung sasali ako, magiging magkagrupo kami ni Winter...
Tumayo ako mula sa pagkakaub ob ko sa desk ko.
Nakatayo pa rin silang apat.
Napatingin sila sa’king lahat pati na rin si Ms. Gomez.
Napatikhim ako.
"What's the matter, Mr. Primo?" takang tanong niya sa’kin.
"Why? You don't want me to participate?" nakataas na kilay kong tanong sa kaniya.
Kung kasungitan ang pag-uusapan, wala pa siya sa kalingkingan ko.
"But you said earlier that you will not participate."
Napatingin naman ako sa iba n’ong sinabi niya ‘yon.
"No, you heard it wrong. I said, I will participate, not the other way around..." tumingin na ako sa kaniya ng seryoso.
"Ahh.. Okay. No problem at all."
Pinaupo niya na kaming lima.
"Class! Iremind ko lang sa inyo, kapag nanalo kayo doon sa performance nyo, I will consider the grades of the future winner and also, kayo ang magiging bida sa party so better do your best. That's all. You can now take your lunch."
Nagsitayuan na ‘yung mga kaklase ko at tumayo na rin si Winter.
Tatayo na rin sana ako para yayain siyang sabay kaming kumain pero lumapit agad sa kaniya si Vincent at hinawakan ang kamay niya saka naglakad na sila palabas ng room.
Grrrrrr! Sinusubukan talaga n’ong isang ‘yon ang pasensya ko!
Palabas na rin sana ako ng room ng may humarang sa’kin kaya napatigil ako.
"Ahhh... ano...” sabi nitong babaeng parang tangang nakatingin sa sahig.
Aalis na sana ako pero hinawakan niya ‘yung braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.
Nu kayang problem ng isang to?
Tumingin siya sa’kin at kita ko na namumula siya.
"Hindi mo ba ko natatandaan Russell?"
Tiningnan ko naman siyang mabuti.
Ahhh! Ito ‘yung isa doon sa apat na kasamahan n’ong Cherry.
"Ah sige. Baka hindi mo na ako natatandaan. Ako si Sophia Smith. Kagroup mo ko sa project natin sa Music and Arts."
Tiningnan ko lang siya.
"Are you done? Do you have something else to say?" tanong ko sa kaniya na tinatamad.
Anu ba yan?!
Hindi ko na tuloy alam kung nasaan na sila Winter ngayon kasama ‘yung gagong Vincent na yon!
"Ahh.. Oo. Sorry kung naabala kita...” sabi niya ng nakayuko.
Tss! Papakilala lang, wrong timing pa!
Lalabas na ako ng pinto ng si Carlo naman ang masalubong ko.
`Yung tanga kong kaklase.
Ang sama ng tingin niya sa’kin.
Taka naman ako.
No’ng problema naman niya?
Pero hindi ko na pinansin ‘yon kasi nagmamadali ako.
Wala akong oras para pansinin ang mga bagay na gan’on ngayon.
Tumakbo ako para hanapin sila at nakita ko na papasok na sila ng Canteen...
Tumakbo ako para maabutan sila.
Pagkapasok ko ay nakapila na sila para kumuha ng pagkain.
Pumila rin ako kaso may nauuna sa’king isang lalaki kaya kinulbit ko siya at malamig ko siyang sinenyasan na palit kami ng pwesto.
Sumunod naman siya kaya magkakasunod na kami ngayong tatlo.
Kumuha ako ng mga pagkain ko at gan’on din sila.
Mukhang hindi nila ako napansin.
Pagkatapos nila ay umupo na sila sa isang table.
Pumunta muna ako doon sa table kung saan ako lang ang pwedeng umupo na dati ay inupuan ni Winter kaya nagkaron ng gulo dito sa Canteen.
Ipinatong ko muna doon ‘yung mga pagkaing kinuha ko tapos ay lumapit ako sa kanila.
Hindi pa sila nagsisimulang kumain.
Hinawakan ko ‘yung braso ni Winter kaya napatingin sila pareho sa’kin.
"Eat with me." seryosong sabi ko sa kaniya.
Hinila ko na siya patayo at dadalhin ko na sana siya doon sa table ko pero biglang may humawak sa kabila n’yang braso kaya napatigil ako.
"Hindi ka lang pala puro kayabangan, bastos ka rin. Kita mo namang kumakain ‘yung tao , ‘di ba?" seryoso sabi sa’kin ni Vincent.
Binitawan ko muna ‘yung braso ni Winter at gan’on din siya.
Nilapitan ko siya.
"Mind your own business." seryoso kong sabi sa kaniya.
Unti-unti nang nag-iinit ang ulo ko.
Hindi porket hindi ko siya ginagawang trash eh pwede niya na kong kalabanin!
Baka kasi sabihin niya na duwag ako, na ginagamit ko ang impluwensya ko sa school na ‘to para gantihan siya.
Well, doon siya nagkakamali.
"What if I don't want to? You're just an ill-mannered jerk so don't order me around." tumingin siya sa’kin ng nanghahamon.
Sobra akong nabadtrip sa sinabi niya.
Susuntukin na sana namin ang isa’t isa pero may biglang pumagitna sa’ming dalawa.
Si Winter.
Tumingin siya sa’min pareho ng masama.
Kinalma ko ang sarili ko at kita kong gan’on din si Vincent.
Hinawakan ni Vincent ang kamay niya at parang hihilain niya siyang paalis pero ako naman ngayon ang humawak sa isa pa n’yang braso...
"Who do you want to eat with? I or him?" tanong kay Winter kaya napatingin siya sa’kin.
Mas maganda kasi kung siya ang magdedesisyon para patas.
"Hindi na ako kakain,” sabi niya tsaka inalis pareho ang pagkakahawak namin sa kaniya at naglakad na palabas ng canteen.
Tumingin ako kay Vincent ng masama at gan’on din siya sa’kin.
"May araw ka rin sa’kin,” sabi ko na lang sa kaniya at lumabas na ng canteen.
Susundan ko si Winter.
Nakita ko na sumunod siya sa’kin.
Mukhang may balak din siyang sundan si Winter.
Hmm! Paunahan na lang tayo!