Chapter 23

1961 Words
Chapter 23 - My Mom "Can I stay here till later? Ayoko kasing magstay sa bahay. May dumating kasi at ayoko siyang makasama kaya kung ayos lang sa’yo, can I stay here? Uuwi rin naman agad ako." Nagpuppy eyes pa ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa’kin pero tumalikod na siya at naglakad paalis. "Oy! Teka! Pumayag ka na ba?" habol ko sa kaniya pero ‘di niya ko pinapansin. "Arf! Arf!" biglang tahol n’ong si Zen. "Ahhhhhh!" napasigaw na naman ako tapos tumakbo ako kay Winter sabay kumapit ako sa balikat niya habang nakatalikod siya sa’kin at ipinanghaharang ko siya doon sa aso niya. Kagagaling ko lang sa banyo kaya ayokong maging ice cream ulit ng asong ‘to! Sunod naman ng sunod si Zen sa kung anong direksyon ko pero pinanghaharang ko lang si Winter. Para kaming tanga ngayong tatlo. "Zen! Sit down!" utos ko doon sa aso kasi ayaw talaga akong tigilan. Umupo naman siya. Hooooh! Buti naman! Bumitaw na ako sa pagkakakapit ko sa balikat ni Winter. Nang akmang tatayo ulit si Zen ay... "Stay!" nanatili naman siyang nakaupo. "Goodboy!" nakangiting sabi ko. Sinubukan kong himasin ‘yung ulo niya pero bigla siyang kumahol kaya napatago ulit ako sa likod ni Winter. Sumilip ako kung ano nang ginagawa ni Zen. Nakaupo pa rin siya. "Sobrang takot ka pala sa aso,” sabi ni Winter na ikinabitaw ko sa pagkakapit ko sa kaniya. "H-hindi noh! A-akala mo naman dyan! Tingnan mo nga, close kaya kami." defensive na sabi ko sa kaniya saka dahan-dahang lumapit kay Zen. Sinubukan ko ulit na himasin ‘yung ulo niya at hindi na siya kumahol kaya medyo nawala na ‘yung takot ko sa kaniya. Umupo ako at hinarap ko si Zen. "Handshake." ipinakita ko ‘yung palad ko sa kaniya. Itinaas niya naman ‘yung kamay niya kaya kinuha ko ‘yon. "Ako si Russell! Nice to meet you Zen!" sabi ko habang nakangiti kay Zen. "Arf!" tahol niya kaya napahiga ako sa gulat. Nakita ko naman na parang natawa si Winter kaya tumayo ako bigla. "Did you just laugh at me?" tanong ko sa kaniya. Bigla niya namang binalik ‘yung poker face niya at umiling-iling. "Liar! I saw it!" umiling-iling ulit siya. "Ang punishment mo sa pagtawa mo sa’kin ay papayag ka ng magstay ako dito hanggang mamayang hapon." nakatingin lang ulit siya sa’kin. Haaayyyy... Kung may language lang ang titig, pag-aaralan ko na ‘yon para magkaintindihan kaming dalawa. Mayamaya ay... Grrrrroooowlll... (kumulo ‘yung tyan ko...) Napatingin kami parehas sa tyan ko. Pati si Zen, napatingin rin. "Hehehehe... ‘Di pa kasi ako nakain simula kagabi. Umalis din agad kasi ako sa bahay namin ng hindi nagbreakfast." napapakamot sa ulo kong sabi ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya. "Dito ka lang, magluluto lang ako." napangiti naman ako nang sobrang lawak. Mwehehehe! Yeees! Makakakain na ko, matitikman ko pa ang luto niya! Biglang parang na excite ako nang sobra. Buti na lang pala at ‘di ako kumain kagabi! May naalala naman akong itanong sa kaniya. "Nga pala, nasaan Dad mo? Nasa trabaho ba siya? Baka kasi madatnan niya ko dito, nakakahiya naman." tumigil naman siya sa paglalakad. Biglang parang nagbago ‘yung masayang atmosphere kanina. "He's resting..." Hindi ko naintindihan ‘yung dulo n’ong sinabi niya kasi pahina ng pahina. Ang narinig ko lang ay ‘yung he's resting lang. "Ahhh..." kahit hindi ko talaga naintindihan eh nag ahhhh na lang ako. Baka nagbabaksyon sa isang lugar para makapagpahinga. Ibig sabihin, mag-isa lang si Winter dito habang nagbabakasyon ‘yung Dad niya? Wala naman kasi akong nakitang kahit isang maid dito. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at pumasok na siya doon sa kusina. Nalaman kong kusina ‘yon kasi nakatapat dito ‘yung pinto kaya kitang-kita ko ‘yung loob n’on. Umupo muna ako doon sa may sofa kung saan ako niwrestling ni Zen kanina. Tumabi naman sa’kin si Zen at humiga sa tabi ko. Hindi na ako natatakot sa kaniya kasi mukhang harmless naman siya. Nilabas ko muna yong cellphone ko para hindi ako mainip sa paghihintay. Naglaro ako ng kung ano ano at maya-maya ay may naaamoy na akong pagkain. Halos masinghot ko na si Zen sa pag-amoy n’ong niluluto ni Winter. Sinigang yon! Tumayo ako para sundan ‘yung amoy at pumasok ako doon sa may kusina at nakita ko siya na nagluluto na naka-apron at nakatali ‘yung buhok niya. Bakit para napakaganda niya sa paningin ko ngayon? Bagay pala sa kaniya ang nakaipit ng gan’on ang mahaba n’yang buhok. `Yung apron niya, may picture ni Zen. Napaisip naman ako doon sa WV na mga nasa painting. WV? Winter Vasquez?! Ba't ‘di ko naisip yon?! Narealize ko kasi ng maalala ko ‘yung painting na asong golden retriever na si Zen pala. Napatingin ako sa kaniya ng may paghanga. Sobrang humanga ako sa kaya ng malaman kong siya nagpainting ng mga ‘yon. Hindi ko akalain na magaling pala siya doon. Katulad ng nararamdaman kong paghanga ngayon ‘yung paghangang narinig ko siyang kumanta. May nalaman na naman akong bago sa kaniya. Napangiti ako. Ngayon ay tinitikman niya na ‘yung niluluto niya sa kutsara. Napatulala na lang ako sa kaniya ngayon. Napapanguso ako habang humihigop siya ng sabaw doon sa kutasara.. Bigla naman siyang tumingin sa’kin kaya napaayos ako ng tayo. "Tapos ka na ba? Gutom na kasi ako." plain na pagkakasabi ko tapos tumalikod na ako para lumabas pero naumpog ako kasi pader pala ‘yon. Napahawak naman ako sa ulo ko. Bullsh*t! Ang sakit n’on ah! Lumabas na ako ng nakahawak pa rin sa ulo ko habang namumula ako sa kahihiyan. Umupo na ako doon sa upuan sa may dining area kasi napakalapit lang naman n’on doon sa inuupuan namin ni Zen na sofa kanina. Mayamaya ay lumabas na si Winter doon sa kusina dala-dala ‘yung niluto niya. Hinubad niya na ‘yung apron niya pero hanggang ngayon ay nakaipit pa rin ‘yung buhok niya. Tumayo ako para tulungan siya sa paghahain. Nang nakahain na ang lahat ay nagdasal muna kami parehas bago kumain. Meron ding pagkain si Zen sa may bowl niya na dog food. Kinuha ko ‘yung tinidor at kutsara para kumain na. Naglagay ako ng ulam sa plato ko at nagsimula na kong kumain. Nomnomnomnom! Ang saraaaaaappppp! "Wow! Ang sarap naman nito! Marunong ka pa lang magluto!" may laman pa ‘yung bibig ko habang sinasabi ko ‘yon. Sa sobrang sarap kasi eh nawalan ako ng manners sa pagkain. Bigla akong may naalala sa lasa nito. Ganto rin kasi ‘yung lasa n’ong luto ng Mom ko n’ong bata pa ko. Favorite ko rin ang luto n’yang sinigang. Naaalala ko tuloy ang Mom ko sa kaniya. *—***—* Nang tapos na kaming kumain ay umupo lang ako doon sa may sofa habang nakikipagharutan kay Zen... Mayamaya ay binuksan ni Winter ‘yung T.V. Ang laki n’ong T.V. nila. Ang palabas doon ngayon ay isang comedy movie... Pinanood naming tatlo ‘yung palabas. Few minutes later... Hagalpak na ako sa kakatawa sa sobrang nakakatawa ‘yung palabas. Ang sakit na nga ng tyan ko eh! Habang tawa ako nang tawa dito eh tahimik lang nanood si Winter sa tabi namin ni Zen. Napatigil tuloy ako sa pagtawa. Nahiya naman ako. Ako lang ‘yung tumatawa. Tapos n’ong malapit nang matapos, hindi ko mapigilang maluha sa sobrang kakatawa talaga. Hooh! Ngayon na lang ulit ako nakapanood ng ganitong sobrang nakakatawang movie! Napatingin ulit ako kay Winter at poker face pa rin hanggang sa ganito. Lupet! Hindi man lang ba siya natawa kahit konti doon sa palabas? Kung hindi ko talaga siya nakasama nang matagal, aakalain kong robot talaga siya. Pero sa tingin ko, sa usapang pamilya lang siya sensitive. Well, halos lahat naman ng tao may weaknesses. Nang matapos na ‘yung movie... "Pwede bang maglakad-lakad tayo sa labas? Isama na rin natin si Zen." para lang kasi kaming tanga ditong tatlo na nakaupo sa sofa at nakatulala sa kawalan... Tumango-tango naman siya. Hay buti naman! Nabibingi ako sa sobrang katahimikan eh. *—***—* Habang naglalakad-lakad kaming tatlo ay hawak ni Winter ‘yung leash ni Zen. "Magkababata ba talaga kayo n’ong gagong—ah.. I mean n’ong bagong transferee na yon? Si Vincent." tanong ko sa kaniya out of the blue. Kumahol naman si Zen bigla. Tumango-tango naman siya... Tss! Kabanas naman! Eh ‘di sila na magkababata! Binilisan ko ‘yung lakad ko habang nakasimangot. Paglingon ko, ang layo ko na sa kanila kaya bumalik ulit ako. Nadaanan namin ‘yung bahay namin kasi nga malapit lang talaga ‘yung kanila sa’min. Naalala ko na dapat hindi kami dumaan dito kasi tumakas lang ako kanina. May secret exit kasi ako sa kwarto ko kaya kahit isara nila lahat ng malalabasan para hindi ako umalis eh nakakaalis pa rin ako. "Tara, wag na tayong dumaan di—”pero huli na ang lahat. Bumukas ‘yung gate namin at lumabas doon ang isang kotse na kulay Violet. Tss! My Mom. Bumukas ‘yung pinto n’ong kotse at lumabas si Mom doon. "Oh! Gino! Where did you go? Hindi mo ba alam na dumating ako?" tanong niya sa’kin. "Alam ko." malamig na sabi ko sa kaniya. "Eh kung gan’on, bakit ka umalis na naman? Don't you want to see me, your pretty, beautiful and gorgeous Mom?" tanong niya pa na nagpapacute pa sa’kin. Ramdam ko na nalulungkot siya pero dinadaan niya lang sa pagpapacute sa’kin. "Oo." hindi ako nakatingin sa kaniya. "A-Ahh.. gan’on ba?" sabi niya na malungkot. "Oo nga pala, sino itong magandang babaeng kasama mo? Is she your girlfriend?" "It is none of your business." ngayon ay nakatingin na ako sa kaniya. Nakita ko namang nasaktan siya doon sa sinabi ko. "A-Ahhh.. Sige. Mauuna muna ako sa inyo ha. I have to go somewhere but I'll come back later. Gino, I want you to stay in our house para naman makapag bonding tayo ng Dad mo mamaya. Gusto ko kasi kayong makasama ngayon. Lagi naman kasing pag umuuwi ako sa birthday mo, wala ka naman kaya kami lang ng Dad mo ang magkasama. Sige. I have to go now. Bye!" sabi niya habang papasok na doon sa kotse niya. Nang makaalis na ‘yung kotse ng Mom ko eh seryoso lang ako tapos napatingin ako kay Winter tsaka kay Zen. Nakatingin lang sila sa’king dalawa. "Tara, ihahatid ko na lang kayong dalawa sa bahay n’yo." nakakunot na ang noo ko. Nagbago na ‘yung mood ko dahil sa pag-uusap lang namin ng Mom ko. "Why did you treat your Mom like that?" tanong ni Winter sa’kin. Tumingin ako sa kaniya at nakatingin siya sa’kin nang deretso. "Because she deserved it." seryoso kong sabi. "Hindi niya deserve ‘yon! Kung gusto mong maintindihan ka nila, then try to understand them first,” sabi niya na parang may pinanghuhugutan siya. Ano naman kayang problema niya eh hindi niya naman alam kung ano ba ang punot-dulo nito. "Teka nga, bakit ba parang apektado ka masyado?" ngunot noong tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang napayuko. "Uuwi na kami ni Zen." Naglakad na sila paalis. "Oy! Teka!" sigaw ko pero ‘di siya lumilingon. Nang hindi ko na sila makita, napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nice! Nagsimulang masaya ang araw na ‘to pero matatapos din pala sa awayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD