Chapter 22 - Zen
~Russell~
(Sunday)
Nagising ako ng may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
Hindi ko pinansin ‘yon at tumagilid ako ng paghiga at nagtaklob ako ng unan sa mukha ko.
Nakatulog ako ng onti nang may magtanggal ng kumot sa katawan ko.
Nagising ako dahil doon.
"Gino! Dalian mo at maligo't magbihis ka na!" gising sa’kin ni Manang Rosa pero dahil antok na antok pa rin ako ay hindi ko siya pinakinggan at pumikit ulit ako.
Bigla niya naman akong pinalo sa pwet ko kaya napaupo ako.
"Ano ba Manang?! Ang aga-aga pa oh! Why do you need to wake me up this early?! Sunday ngayon , ‘di ba!" naiirita kong sabi niya saka humiga ulit ako at tinaklob ko ulit sa mukha ko ‘yung unan pero pilit na tinanggal ‘yon ni Manang.
"Parating na ‘yung Mommy mo kaya mag-ayos ka na." napa-upo ulit ako doon sa sinabi niya.
"What did you say?" nagulat kong tanong sa kaniya.
"Ang sabi ko, darating ngayon ang Mommy mo ka—”
"Eh , ‘di ba sabi mo last week of the month pa siya darating?! Bakit siya papunta dito?!" ‘di ko na siya pinatapos.
"Bibisita lang siya ngayon pero aalis din siya mamayang hapon kaya tumayo ka na dyan at magbihis."
"Bullsh*t!" napamura ako at nagmamadali akong tumayo at pumunta sa C.R.
"Wag mong balakin na umalis ulit dito sa bahay at taguan ang Mommy mo kundi magagalit na naman sa’kin ang Dad mo ha."
Naaawa man ako kay Manang sa gagawin ko but I really don't want to see her.
*—***—*
Dingdong!
Dingdong!
Nagdodoorbell ako ngayon sa bahay nila Winter.
Oo... Tama... Sa bahay nila Winter.
Nagtingin-tingin ako sa paligid kung may nakasunod sa’kin pero wala.
Walang nagbubukas ng gate.
Naisip ko na katukin na lang ‘yung gate at biglang bumukas ‘yon ng kusa.
Wala naman kasing lumabas na tao na nagbukas n’on.
Napaisip ako.
Mukhang naiwan atang bukas tong gate.
Delikado ‘to ah.
Baka mamaya pasukin sila dito ng masasamang loob.
Derederetso akong pumasok.
Ichecheck ko kung may hindi ba magandang nangyayari sa loob.
Pero tahimik naman ‘yung bahay.
Kinatok ko ‘yung pinto.
"Winter! And’yan ka ba?!" sigaw ko habang malakas na kinakatok ‘yung pinto.
Bumukas naman ‘yon at bumungad sa’kin si Winter na nagpawala ng matinding pag-aalala ko.
Nakapangbahay siya.
Napatingin ako sa suot niya.
Nakasando siya at nakashorts lang siya.
Napatingin ako sa ibang direksyon.
"B-Bakit mo iniiwang b-bukas ‘yung gate n’yo? P-Pano kung pasukin kayo dito ng m-magnanakaw?!" sigaw ko sa kaniya kahit naiilang ako sa kaniya.
Pero talagang naiinis ako.
Hindi dahil sa kaniya kundi sa pagiging careless niya.
Pano pala talaga kung masamang tao ngayon nag kumakatok sa pinto niya at nasa trabaho pa ang daddy niya?
"Gan’yan ka ba kapabaya sa sarili mo na pati gate ng bahay nyo, ‘di mo man lang masiguradong nakasara?" naiinis kong tanong sa kaniya.
Tumingin naman siya doon sa gate tapos sa’kin.
...
Isasara niya na dapat ‘yung pinto pero napigilan ko sa pagharang n’ong paa ko.
"Gan’yan mo ba dapat tratuhin ang taong nag-aalala para sa’yo at nagpuyat para alagaan ka? ‘Di mo man lang ba ako aaluking pumasok sa loob?" malamig na sabi ko.
Dahan-dahan namang bumukas ‘yung pinto at nakita kong naglakad na siya papasok doon sa loob.
Napangiti ako.
Haha! Meron akong alas sa kaniya!
Kala niya ha!
"Pwede na ba kong pumasok?" malakas na tanong ko para marinig niya doon sa loob.
(Silence)
Wala namang sumasagot.
'Silence means yes' naman kaya pumasok na ako.
Ang tahimik naman dito.
Nandito kaya ang Dad niya?
Baka nasa trabaho kasi mukhang siya lang ‘yung nandito...
Nagtingin tingin ako sa paligid at napawow ako sa ganda ng mga painting na nakasabit sa dingding.
Inisa-isa ko ‘yung tignan at kahit abstract ang ilan sa mga ‘yon ay napahanga talaga ako sa ganda.
Magkano kaya bili niya sa mga to?
Mahal siguro kasi halatang gawa ng mga propesyonal eh.
Nakita kong may mga nakasulat sa mga sulok n’on.
"W V" basa ko doon sa dalawang letrang nakasulat sa may painting.
"Nu naman kaya ibig sabihin nito? Water vapor? Wind vender? Baka white vuffalo? Ay... B pala ‘yung sa buffalo tsaka wala namang puting gan’on..." nagsasalita lang ako ngayon sa sarili ko nang may mapansin akong nakatayo sa gilid ko kaya napatingin ako doon.
"Ay butiki!" nagulat ako kasi si Winter, nakatayo at nakatitig lang sa’kin.
Alam mo ‘yung alam mo naman na may tao sa gilid mo pero nagulat ka pa rin?
Nagpalit na siya ng damit. Nakapanjama at loose shirt na siya.
Siguro napansin niya na naiilang ako sa kaniya kanina gawa n’ong suot niya.
"Ano ba?! Wag ka ngang manggulat dyan!" nakahawak pa ko sa dibdib ko dahil nagulat talaga ako.
Nakatitig lang siya sa’kin.
Haaaaayyy...
Ayan na naman yang titig n’yang mahiwaga.
Nevermind.
Lagi naman siyang gan’yan.
"Ang ganda naman ng mga painting na ‘to. Mahilig ka ba dito?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin lang doon sa mga painting.
Walang sumasagot.
Silence means yes.
"Magkano ba ‘yung mga ganito? Diba mahal to?"
Wala ulit sumasagot.
Silence means yes ulit.
"Ano ibig ng W V?" tanong ko pero hindi talaga siya sumasagot.
Tss!
Tinatanong lang ehhh!
Nagtingin-tingin pa ko.
May painting na babaeng maganda.
Realistic na realistic talaga kasi parang kaharap mo lang ‘yung babaeng ‘yon. Meron rin isang babae ang nakatalikod at nasa isang garden siya na punong puno ng mga bulaklak.
Sa mga abstract naman, lahat n’on ang dadark ng mga colors.
Para akong nasa exhibit ng mga paintings ngayon sa ganda ng mga ‘to.
Habang nagiikot ikot ako eh may nabangga akong malaking bagay kaya napatingin ako.
Teka! Ito ‘yung vase na binili ko sa kaniya dati ah.
`Yung snow flake vase.
Mukhang inaalagaan niya tong mabuti kasi wala akong makitang kahit konting alikabok doon.
Napatingin ako sa kaniya na nakatayo lang malapit at nakatingin sa’kin.
Nginitian ko siya at tumingin naman siya sa ibang direksyon.
Tiningnan ko ‘yung painting na nasa harap ko ngayon.
Aso siya na Golden Retriever.
Kinilabutan ako sa painting na ‘yon.
I hate dogs!
I f*cking hate 'em!
Nakagat kasi ako ng aso dati sa pwet ko n’ong bata pa ko.
Sinipa ko kasi kaya hindi ako tinigilang habulin hanggang nakagat niya ko sa pwet ko kaya hanggang ngayon, dala ko pa rin ‘yung trauma ko n’on at ‘yung peklat ko sa pwet.
Naputol ang makabagbagdamdamin kong pag-alala sa asong kumagat sa’kin noon ng parang may nangingiliti sa paa ko.
Naghubad kasi ako ng sapatos bago pumasok dito kaya nakapaa lang ako.
Parang may dumadaplis doon sa paa ko na kung anong mabuhok kaya napatingin ako sa ilalim n’ong lamesa dito sa harap ko pero laking gulat ko ng may asong nakahiga doon sa ilalim.
Nanlake ang mga mata ko.
Aso?!
F*ck sh*t!
Namawis ako ng malamig. Hindi rin ako makagalaw sa pagkakaupo ko ngayon.
Ano nang gagawin ko? Baka pag gumalaw ako eh magising siya tapos kagatin ako! Tha f*ck men! Tumatagaktak na ‘yung pawis ko.
Bigla namang lumapit si Winter sa’kin at dahil sa paglapit n’yang ‘yon ay nakita kong nagising ‘yung aso. Lumabas ‘yon mula sa ilalim n’ong lamesa at nakita ko ngayon kung gano ‘yon kalake. Golden Retriever ‘yon.
Lalo akong namawis ng malamig ng kaharap ko na ‘yung aso. Nakatigitg siya sa’kin at gan’on din ako sa kaniya. Hindi na ako makahinga.
Ngumanga ‘yon kaya napasigaw ako.
"Wahhhhhhhhh!" sigaw ko saka ako tumayo at umakyat sa may sofa.
Napatingin naman sa’kin si Winter.
Nakita ko na naghikab lang ‘yung aso.
Nagulat ako ng tumingin ulit sa’kin ‘yon.
Biglang tumigil na naman ang paghinga ko.
At tumakbo ‘yon paakyat ng sofa kung nasaan ako kaya...
"Hindeeeeeeee!" sigaw ko at dinambahan niya ko kaya napahiga ako doon sa sofa.
Dinidilaan niya ng dinidilaan ‘yung mukha ko.
"Ahhhh! I-ilayo mo sa-sakin ‘to!" sigaw ko habang iniiwas ‘yung mukha ko na basang basa na ng laway n’ong aso.
Tumigil na sa pagdila sa mukha ko at nanatiling nakahiga dito sa dibdib ko.
Hindi na ako makahinga sa bigat niya!
May narinig naman ako na tumawa kaya napatingin ako doon.
Nakita ko na natawa si Winter habang nakahawak pa sa tyan niya.
Halatang aliw na aliw siya sa’min.
Napatulala ako sa kaniya dahil doon.
Hindi ko inaasahan sa tana ng buhay ko na makikita ko siyang tumawa ng gan’on.
It's like she's laughing her heart out.
Sobrang ganda niya rin pag tumatawa siya...
"Arf!"
Napabalik ako sa sarili ko dahil sa pagtahol nitong asong ‘to na nakahiga sa dibdib ko.
Pilit akong tumayo habang si Winter eh tawa pa rin nang tawa.
"W-Wag ka ngang t-tumawa dyan at alisin mo tong aso mo sa’kin..." nahihiya kong sabi sa kaniya pero ang totoo eh ayoko siyang patigilin.
Ewan ko ba dito sa bibig ko!
‘Di naman ‘yon ang gusto kong sabihin pero ‘yon ang lumalabas dito.
Bumaba na ng kusa ‘yung aso mula sa dibdib ko kaya nakatayo na ako at pakiramdam ko ay ang pula pula ng mukha ko sa hiya.
Bullsh*t talaga!
Nakita niya ko kanina na parang baklang nagsisigaw dahil sa takot doon sa aso niya pero worth it naman kasi napatawa ko siya kaya ayos na rin.
Isa ‘yon sa hindi ko malilimutang pangyayari sa’ming dalawa, na napatawa ko siya ng gan’on.
Lumapit sa kaniya ‘yung aso niya at humiga sa may paahan niya.
Umupo na ako at pinunasan ko ‘yung mukha ko.
"Anong pangalan niya?" tanong ko sa kaniya ng medyo kumalma na ako.
"Zen,” sabi niya tsaka umupo at hinimas ‘yung alaga niya.
"Ahh. Lalaki pala siya,” sabi ko na lang habang patuloy na pinupunasan ‘yung mukha ko.
Tumayo naman siya at lumapit sa’kin saka ako hinawakan sa braso ko.
Napatingin naman ako sa kaniya.
Hinila niya ko papunta doon sa C.R nila.
Nandon kami sa loob parehas.
Napatingin naman ako sa kaniya...
Bakit niya naman kaya ako dinala dito?
Hindi kaya...
Bigla namang parang umakyat ‘yung lahat ng dugo sa mukha ko.
Hindi ko alam na pinagnanasaan niya rin pala ako katulad ng mga ibang babae.
"Ahhh... M-masyado ka naman atang mabilis. Dapat magdate muna tayo bago ‘yung gan—”hindi natapos ‘yung sasabihin ko ng ituro niya ‘yung lababo doon.
Napatingin naman ako doon.
"Maghilamos ka,” sabi niya saka lumabas na.
Naiwan naman akong nakanganga.
Ahhhhhh...
Yun pala.
Kala ko naman kung ano na.
Kasi eh!
Walang pasabi-sabi.
Yan tuloy, kung anu-ano na naiisip ko.
Napatingin naman ako sa kabuuan nitong banyo.
Napakasimple lang dito.
Hindi ‘yung inaasahan ko na puro pink ‘yung bubulaga sa’kin.
May shower at hindi tulad n’ong akin na may bathtub.
Maghihilamos na sana ako ng makita ko ‘yung isang toothbrush sa isang lalagyan dito sa may gilid nitong lababo.
Napangiti ako kasi may design ‘yon na princess.
`Yung toothbrush na pangbata.
May childish side din pala siya...
Naghilamos na ako at binasa ko na rin ‘yung buhok ko para presko.
Pagkalabas ko, hinanap ko kung nasaan siya.
Saan na kaya yon?
May nakita akong isang kwarto...
Bubuksan ko sana ‘yung pinto n’on dahil naiisip ko na baka nandon siya sa loob pero bago ko pa man mabuksan ‘yon ay...
"Anong ginagawa mo dito?" tanong n’ong nasa likod ko kaya napatingin ako doon.
"Ahhh.. Akala ko kasi andito ka. Kanina pa kasi kita hinahanap." kumakamot sa ulo kong sabi sa kaniya.
"Ano bang kailangan mo? Bakit ka pumunta dito?" nakatitig lang siya sa’kin at blank ang expression niya.
"Ahhh... Ano kasi... ‘yung kasing ano... Dumating si ano... tapos umalis ako kasi ano... tapos naano ako dito kas—”puro anong sabi ko sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa’kin ngayon kaya napatigil ako sa kakaano.
"Sige na nga. Sasabihin ko na nga..." sumusukong sabi ko sa kaniya.
"Can I stay here till later? Ayoko kasing magstay sa bahay. May dumating kasi at ayoko siyang makasama kaya kung ayos lang sa’yo, can I stay here? Uuwi rin naman agad ako..." nagpuppy eyes pa ko sa kaniya.
Hindi siya sumasagot.
Nakatitig lang siya sa’kin at gan’on din ako sa kaniya.
Gagamitan ko na naman ba siya ng mottong 'Silence means yes'?