Chapter 29

4819 Words
Chapter 29 - Our Bonding ~Russell~ Nakatulala lang ako sa kaniya ngayon. Parang nag-iba ‘yung itsura niya kasi ‘yung full bangs niya eh nakagilid na at kulot na ‘yung dulo nang maayos na gupit na buhok niya at may make-up rin siya pero light lang. Hindi ko mapigilang humanga ngayon sa kaniya. Ngayon lang ako naka-appreciate ng ganda ng isang babae nang sobra to the point na mapapanganga ako. Marami na kong nakitang magagandang babae noon pero iba ‘yung paghanga ko kay Winter ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung gaano siya kaganda. "Ahem! Ahem! Baka matunaw ang girlfriend mo wafu. Bahala ka, baka hindi kayo makapagdate n’yan." pang-aasar sa’kin n’ong baklang nag-ayos sa kaniya kaya naman napaayos ako ng tayo. "Wait Cherry. Is that Winter?" narinig kong sabi n’ong isa sa likod ko kaya napatingin ako sa kanila. Ang sama n’ong tingin n’ong tatlo kay Winter pero nakita ko na parang malungkot naman ‘yung Sophia. "Kasama mo ba siya Russell?" tanong sa’kin n’ong Cherry. "Yap. Got any problem?" malamig na tanong ko sa kaniya. "I can't believe this!" sabi pa n’ong isa. Nilapitan n’ong Cherry si Winter at hinawakan nito ‘yung mukha niya. "So ganito ka pala. Maria Clara sa school, slut naman kapag nasa labas na." pang-iinsulto niya kay Winter. Nangunot naman ang noo ko. "Stop while I still have my patience." banta ko sa kaniya. "Oy Miss. Wag ka ngang mang-away dito. Nagugulo n’yo ‘yung ibang customer!" lumapit sa kaniya ‘yung baklang nag-ayos kay Winter. Tiningnan lang siya ng masama n’ong Cherry at lumayo naman siya nanahimik na pero mukhang nagtitimpi lang siya dahil customer niya tong Cherry na ‘to. Tumingin na ulit si Cherry kay Winter. Blank expression lang ang binigay nito sa kaniya. Magpapaapi na naman ba siya katulad no'ng dati?! "Wag mong isipin na porket natapalan na yang mukha mo ng make-up eh ikaw na ang pinakamaganda. Nagkukunwari ka pa na parang robot sa school eh ang totoo naman pala eh tinatago mo lang yang pagiging slut mo. Gan’yan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" nginisian niya si Winter. Nakita ko naman na nasaktan si Winter sa sinabi niya kaya lumapit ako at inilayo ko siya kay Winter. Hawak ko ngayon ang braso niya. "I said stop it!" nagtitimpi pa ko ngayon kasi babae siya. Alam ko kung gano naaapektuhan si Winter kapag mga magulang niya na ‘yung napag-uusapan at hindi ko hahayaan na matrigger niya yon! "Wag kang mangialam dito Russell! Kailangan kong turuan ng leksyon yang babaeng yan!" inalis niya ‘yung pagkakahawak ko sa braso niya at tsaka hinarap ulit si Winter. "What did you do to Russell? Siguro, you did something to him. You're so pathetic. Ginagawa mo ang lahat para mapansin ka ng iba. Siguro slut din ang nanay mo. Sabi nga nila, like mother like daught—” Paaaakkkk! Nagulat ako sa ginawa ni Winter sa kaniya. Sinampal niya si Cherry kaya hindi na nito natapos ang sinasabi nito. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi lang galit, kundi matinding galit na hindi ko pa nakita sa kaniya dati. Hindi naman makapaniwala si Cherry habang nakahawak siya doon sa pisngi niya na sinampal niya. "Cherry!" sigaw naman n’ong tatlo sa likod ko. "You b***h!" akmang sasampalin niya rin si Winter pero mabilis na nahawakan ni Winter ‘yung kamay niya kaya hindi siya nito nasampal. "Ayos lang na insultuhin n’yo ko ng kung anu-ano pero tandaan mo, hinding-hindi ako makakapayag na insultuhin mo pati ang mga magulang ko!" ramdam ko ang galit mula sa kaniya. Parang ibang tao na siya ngayon sa’kin. Hindi na siya ‘yung Winter na hindi marunong magalit at lumaban. ‘yung Winter na hinahayaan lang na maapi-api siya. "Ulitin mo pa na insultuhin ang mommy ko, hindi lang sampal ang makukuha mo." seryoso-seryosong n’yang sabi doon sa Cherry na halong pagbabanta. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Cherry. Hindi niya rin siguro inaasahan na makakarinig siya ng mga gan’on kay Winter. Napa-upo siya sa sahig at nilapitan naman siya n’ong tatlo n’yang kasama. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot ko doon sa baklang nag-ayos kay Winter. "Keep the change." nakatingin lang siya doon sa sampung libong ibinigay ko sa kaniya. Nilapitan ko na si Winter at hinawakan ko ang kamay niya. Lalabas na sana kami pero... "You b***h! I'll make sure you'll pay for this!" galit na galit na sabi ni Cherry habang matalas na nakatingin kay Winter. Blangko lang ang ekspresyon ni Winter habang nakatingin sa kaniya. Kinuha ko ulit ‘yung wallet ko sa bulsa ko at kinuha ko ang ilang laman n’on at hinagis ko sa kaniya. Napatingin naman sila sa’kin pareho-pareho. "Ako na magbabayad. If it is not enough, just tell me. I'll give you more." seryoso akong ngayong nakatingin kay Cherry at natulala naman siya sa sinabi ko. Naglakad na kami paalis ni Winter ng walang imikan sa isa’t isa. Mayamaya ay tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Tumingin ako sa kaniya at siya, balik na naman sa dati. Niyakap ko siya kahit na maraming tao ang nakatingin sa’min ngayon. "Just ignore everything that she had said. You're not a slut but an angel. She's just jealous of you that's why she said that. Don't take it in your heart, okay?" mahinang sabi ko sa kaniya. Naaasar ako sa apat na babaeng yon! Sinira nila ‘yung araw naming dalawa. Kaasar naman! Gusto ko sanang ipasyal si Winter dito para naman makabawi ako sa kaniya sa nangyari sa kaniya kahapon pero hindi pa kami masyadong nagsisimula, nasira na agad! Nang maramdaman kong tumango-tango siya ay humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kaniya. Tiningnan ko lang siya. Wala pa ring ekspreyon ‘yung mukha niya pero I saw a glimpse of assurance in her eyes. Assurance na sinasabing wag na kong mag-alala. Napangiti na lang ako pero napansin ko na napatitig siya sa may likod ko kaya napatingin ako doon. Cotton Candy stall ‘yon. Napatingin ulit ako sa kaniya. Parang kumikinang na ‘yung mga mata niya. Nakatitig lang ako sa kaniya at nagkusot ng mga mata ko. Sya? Kumikinang ang mga mata dahil sa... sa Cotton Candy?! Mukhang gusto n’yang bumili n’on pero wala siguro siyang dalang pera kasi hinila ko lang siya kanina dito ng walang pasabi-sabi. Naiwan niya siguro sa bahay nila ‘yung wallet niya. Napailing-iling na lang ako. Kung gano siya kalalim, meron rin siyang kababawan. Tumingin siya sa’kin at bigla niya ulit binalik ‘yung blank expression niya. Nginitian ko siya. Pumunta ako doon sa may stall ng cotton candy at bumili ng isang balot. Buti na lang at may naiwang 500 sa wallet ko kasi alam ko namang hindi tumatanggap ng card ang mga ganitong stall. Pagkabili ko ay bumalik ako sa kaniya at binigay ko sa kaniya ‘yon. Para naman siyang batang binigyan ng candy, well binigyan ko naman talaga siya ng candy—Cotton Candy. Napangiti ulit ako. Sana, dati ko pa alam na makikita ko ang ganitong side niya kapag binilhan ko siya nito. Eh ‘di sana, ‘di ko na siya inaway-away kasi ‘yun lang naman ‘yung gusto kong mangyari dati. Na makitang magbago ‘yung expression niya. Binuksan niya na ‘yung cotton candy na binili ko sa kaniya at kumain siya habang naglalakad kami. Tumingin siya sa’kin kaya napatingin ako sa kaniya at parang inaalok niya ko n’on pero umiling lang ako. Baka nga kulang pa sa kaniya ‘yon eh. "Mahilig ka pala sa cotton candy." nakatingin lang ako sa kaniya habang sarap na sarap siya sa pagkain n’on. Tumango-tango lang siya pero napansin ko na may kalat sa bibig niya na maliit na cotton candy. Para talaga siyang bata. Pinunasan ko ‘yon gamit ang thumb ko kaya napatigil siya sa pagkain at paglalakad at napatingin sa’kin. Tinikman ko ‘yung nakuha kong cotton candy sa bibig niya. Ang tamis. Nakatingin lang siya sa’kin. Nginitian ko siya at nakita kong biglang namula ‘yung pisngi niya kahit expressionless pa rin ‘yung mukha niya. Naglakad siya ng mabilis at naiwan akong nakatayo doon. "Gusto mo, lagi kitang bigyan n’yan?" bigla siyang tumigil sa paglalakad at napalingon sa’kin. Nagulat ako nang tumingin siya sa’kin na parang naeexcite at naglakad pabalik sa’kin. Nakatingin pa rin siya sa’kin at tumango-tango. Napangiti ako. Unti-unti na siyang nagiging komportable sa’kin. Sobrang nakaramdam ako ng saya kasi binubuksan niya na sa’kin ‘yung totoong siya. "Wag na pala. Baka magkatooth decay ka, mabungi ka pa." Pagkasabi ko n’on ay bigla ulit siyang bumalik sa blankong ekspresyon niya at nauna na namang maglakad. Nagtampo? Nagtampo?! Wahahaha! Ang cute naman! Sobrang nakakaamuse! "Wait!" tumakbo ako papunta sa kaniya. Hindi niya lang ako pinapansin kaya lalo akong napangiti. Nang maubos niya na ‘yung binili kong cotton candy eh naglakad-lakad lang kaming dalawa pero napansin ko ‘yung mga taong nakatingin sa’min. "TagaPrimo High ‘yung babae oh. May kasama siyang gwapo!" "Tototo pala talagang magaganda ang mga nag-aaral doon." "Uy! TagaPrimo High oh!" "Waahhh! Nakakita na rin ako ng tagaPrimo High sa personal!" Nakakakuha kami nang maraming atensyon dahil nakauniform si Winter. Napatingin naman ako doon sa may isang shop ng mga damit. Couple Love ang brand ng damit nila. (Imbento ko lang po ‘yon) Tumingin-tingin ako sa iba pang mga shops pero ang lalayo ng ng iba pang shops ng damit kaya doon na lang ‘yung napili ko. Hinawakan ko ‘yung kamay niya at pumasok kami doon sa loob. "Hi, Mam, Sir. Ano pong kailangan nila?" tanong n’ong saleslady na sumalubong sa’min. "Bibili ako ng pamalit niya," sabi ko doon sa saleslady. "Ahh... Ganun po ba? Ang meron lang po kami ay couple shirt." Nakangiti siya ngayon habang ipinakita sa’min ‘yung mga couple shirt na binebenta nila. Akala rin siguro niya ay girlfriend ko si Winter. Napatingin ako kay Winter pero nakatingin lang siya doon sa saleslady. "No. Not that." Ang totoo talaga n’yan eh gusto ko ‘yung couple shirt na sinabi niya pero baka makahalata si Winter na date ‘to kaya iba na lang ‘yung bibilhin ko. Well, date na ‘to para sa’kin kasi kasama ko siyang namamasyal at kaming dalawa lang. Diba date ang tawag don? "Ehh.. Sir. Couple shirt lang talaga ang meron kami kaya nga po Couple Love ang brand ng store na ‘to." Napangiti ako ng onti pero hindi ko pinahalata sa kanilang dalawa. Magpapapilit pa ko ng isa pa para hindi mahalata ni Winter na ‘yun talaga ang gusto kong bilhin. "Eh pwede ba ‘yung isa lang ang bilhin ko?" Alam kong medyo risky ‘yon kasi baka pwede ‘yung isa lang. "Pwede naman p—" "Ay sige na nga. Can I see the designs? Nadumihan rin naman ako kanina kaya kailangan ko rin ng damit." hindi ko pinatapos ‘yung saleslady doon sa sinasabi niya. Panira ng plano eh! "S-Sige po Sir." parang naweirdan siya sa’kin pero ngumiti pa rin siya at dinala kami sa mga Couple Shirt nila na display. Kinuha ko na lang ‘yung nasa pinakaunahan na kulay puti pero kulay black ‘yung long sleeves n’on. May kasamang pantalon ‘yon na kulay black at ‘yung kapartner n’on na isa pa na kulay puti rin pero kulay pula naman ‘yung sleeves niya. May pantalon ding kasama ‘yon na kulay pula rin. Binigay ko sa kaniya ‘yung pula tsaka ‘yung pantalon n’on. "Oh. Magpalit ka ng damit." Hindi ako makatingin sa kaniya. Nahihiya kasi ako. Nakatingin lang siya sa’kin at hindi niya kinukuha ‘yung inaabot ko sa kaniya kaya naman hinawakan ko ‘yung balikat niya at itinalikod siya sa’kin tsaka naglakad ako kaya napapalakad din siya. Nang makarating kami sa fitting room, ibinigay ko sa kaniya ‘yung mga damit niya. "Blame your dog. Pinahiga niya ko sa kalsada kaya madumi ‘yung likod ng damit ko pati pantalon ko kaya kailangan ko rin ng damit. Ikaw naman, masyado kang nakakakuha ng atensyon dahil sa uniform mo." Walang imik na siyang pumasok sa loob ng fitting room at doon naman ako sa kabila n’on. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at kasabay ko lang ding lumabas si Winter sa fitting room na pinagbihisan niya. Napatingin kami sa isa’t isa. Parehas kaming napaiwas ng tingin. "Wow! Bagay na bagay po talaga kayong dalawa. Isang sobrang ganda at isa namang sobrang gwapo!" papalapit ‘yung saleslady sa’min. Mas lalo naman akong namula. Nilabas ko ‘yung Card ko at inabot ko doon sa saleslady. "Are you accepting cards for payment?" tanong ko sa kaniya. "Ahh.. Yes Sir. Wait lang po ah." Umalis na siya dala ‘yung card ko. Napatingin ako kay Winter. Dugdug!Dugdug!Dugdug! Grabe! Sobrang ganda talaga niya kahit simpleng longsleeve shirt at pantalon lang ang suot niya. Lalo na at kulay pula pa. She looks so attractive and beautiful. Napatingin naman ako sa sapatos niya at napatawa ako. Nakablack shoes pa rin siya na partner ng uniform niya kanina. Naghanap ako kung may sapatos ba silang tinda dito at meron naman. Magandang sapatos ‘yon na bagay sa pantalon at long sleeve shirt niya kaya lumapit ulit ako doon sa saleslady na nag-asikaso sa’min kanina para sabihin na bibilhin ko rin ‘yung sapatos. May pinapirmahan lang siya sa’kin sa resibo at binalik niya na sa’kin ‘yung card ko. Humingi ako sa kaniya ng paperbag para doon ko ilalagay ‘yung mga suot namin ni Winter kanina. Lumapit ako kay Winter na nag-aantay sa labas nitong shop. Dala ko ‘yung paper bag at ‘yung sapatos na binili ko para sa kaniya. Napatingin siya sa’kin. Napatingin ulit ako sa sapatos na suot niya at napatawa ako nang mahina. Tumingin din siya doon. Lumuhod ako sa harapan niya at inilabas ko doon sa box na lalagyanan ‘yung sapatos. Tinanggal ko ‘yung blackshoes n’yang suot sa isa n’yang paa at isinuot ko doon ‘yung sapatos na nabili ko. Kulay yellow ‘yon at may lace na design sa unahan at sa mga gilid. Ganon din ‘yung ginawa ko sa isang paa niya. Pagkatapos kong isuot sa kaniya ‘yon eh tiningala ko siya at nakatingin siya sa’kin. "Ang baduy naman kasi kung gan’yan ‘yung suot mo tapos nakablackshoes ka na pangschool , ‘di ba?" sabi ko sa kaniya na nakangiti. Nginitian niya rin ako. Natulala ako. Inalis niya agad ‘yung ngiti niya nang mapansin niya na natulala ako sa kaniya. Tumayo na ako. "T-Tara na nga." nauutal pa ko. Hindi pa rin talaga ako sanay na makita ang mga ngiti n’yang ‘yon. ~Vincent~ Umalis ako sa bahay ng maaga para hanapin kung saan ang bahay nila Winter. Hinatid ko na kasi dati si Winter pero bumababa na agad siya sa labas pa lang ng village na ‘to kaya hindi ko alam kung saan ang saktong bahay niya. Nag-ikot-ikot ako sa village nila para hanapin ‘yung bahay niya at ng makita ko na ‘yung bahay ay nagdoorbell ako doon. Hinihiling ko na sana eh hindi pa siya nakakapunta ng school kasi gusto ko siyang makausap at yayayain ko rin siyang lumabas. Naagdoorbell pa ko ng makailang ulit pero walang nasagot. "Baka pumasok na siya. Early bird pa naman ang isang ‘yon." nasabi ko na lang sa sarili ko. Sayang! Hindi pa naman ako pwedeng pumasok sa school dahil nasuspended ako ng isang linggo dahil doon sa pananapak ko doon sa mga nangharang sa’min ni Winter. Dapat lang naman sa kanila yon! Nang wala talagang sumasagot at nagbubukas n’ong gate mula sa loob eh umalis na ako. Next time na nga lang. Maggagala na nga lang muna ako mag-isa. ~Russell~ May nadaanan kaming photo booth ni Winter kaya hinila ko siya papasok doon. Hinayaan niya lang ako na hilahin siya. Gusto ko na may souvenir man lang akong makukuha sa araw na ‘to. Anim na limang piso ang kailangan para magkaroon kami ng apat na picture. Kinuha ko ‘yung wallet sa bulsa ko at buti na lang at may barya ako dahil doon sa pagbili ko ng cotton candy kanina. Naghulog na ako n’ong barya. Pinindot ko na ‘yung start at nagbilang hanggang lima ‘yung timer. Umaayos na ako ng upo pero nakatingin lang sa’kin si Winter. Nang nasa two na ‘yung bilang eh hinawakan ko ‘yung magkabilang pisngi niya at hinarap ko doon sa may camera. Ngumiti na ako. Click! Tatlo na lang ‘yung bilang imibis na lima. Humarap na siya at humarap na rin ako. Click! Para maiba naman ‘yung pose eh umakbay ako sa kaniya habang nakawacky pero napatingin siya sa’kin. Click! Nakaakbay pa rin ako sa kaniya habang nakapeace ‘yung isa kong kamay. Humarap na rin siya doon sa camera at nagflash na ‘yon. Hinintay namin na lumabas ‘yung mga pictures. Isa-isang lumabas ang mga ‘yon. Una muna, ‘yung nakahawak ako sa magkabilang pisngi niya para iharap siya sa camera habang nakangiti ako. siya, poker face lang. Lumabas na ‘yung pangalawa. Nakaharap na kami parehas pero poker face pa rin siya habang ako eh gwapong-gwapong nakangiti. Palubugin ko bunbunan ng aangal! `Yung pangatlo, nakyutan ako doon kasi nakatingin sa’kin si Winter na para siyang nagulat kasi inakbayan ko siya habang ako naman eh nakawacky. Hinintay ko na lumabas ‘yung pang-apat pero lumabas bigla si Winter dito sa may Photo Booth kaya napatingin ako sa kaniya. "Oy! Teka! Intayin mo ko!" sigaw ko kasi baka iwanan niya ko eh ang tagal lumabas nitong picture. "Dali! Bilisan mo namang magprint!" para na kong baliw ditong kinakausap ‘yung machine habang patingin tingin sa may pinto. Tsk! Baka iniwan niya na ko! 3/4 na ‘yung lumabas doon sa picture. Ang tagal! Bakit ito yata ang pinakamatagal na maprint? Patingin-tingin pa rin ako sa may pinto at nang lumabas na ‘yung picture ko ay lalabas na sana ako para sundan si Winter pero napatingin ako doon sa ikaapat na picture na ‘yon. Napangiti na ako nang makita ko na ‘yon. Dun kasi sa picture, nakaakbay ako sa kaniya at nakangiti habang nakapeace sign pero hindi ko inaasahan na nakangiti rin siya dito sa picture. Ito lang ang picture naming dalawa na nakangiti siya. Napangiti ako ng mas malawak. Lumabas na ako at nakita ko na naghihintay siya sa labas nitong photo booth. Kala ko kasi, nilayasan niya na naman ako. No’ng makita niya ko eh umiwas siya ng tingin sa’kin habang namumula ‘yung pisngi niya. Alam niya na na alam ko na. Napangiti ulit ako. Lumapit ako sa kaniya at inakbayan ko siya at iniyakap ko siya sa sarili ko. Napatingin naman siya sa’kin. "Gutom na ako. Tara. Kain na tayo." nakatingin na rin ako sa kaniya habang nakangiti at umiwas naman siya ng tingin sa’kin. Nagbablush ulit siya. Wihiiiiiiii! Naaapektuhan na siya sa’kin! Naglakad na kami papunta sa isang restaurant dito sa mall. Inaalis niya ‘yung pagkaakbay ko sa kaniya pero lalo ko lang siyang inaakbayan habang malawak na nakangiti kaya wala siyang nagawa kundi hayaan na lang ako. Mwehehehe! Kumain lang kami doon saglit at nagsimula na ulit kaming maglakad-lakad. Buti, hindi siya nagtatanong kung bakit kami naggagala ngayon. Nang mapadaan kami sa Tom's World ay pumasok kami doon at naglaro lang kami ng naglaro doon, well, ako lang pala ‘yung naglalaro kasi nanonood lang siya. Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Mukhang mas nakakuha kami ng atensyon dahil dito sa couple shirt na suot namin. Pero hindi ko na inisip ‘yon. Naglalaro lang ako ngayon n’ong larong may hahampasin ka kapag lumabas ‘yung mga ulo doon sa butas. Tuwang-tuwa ako kasi ngayon na lang ulit ako nakapaglaro ng ganito. Iniisip ko na si Kiel ‘yung lumabas na ulo kaya malakas kong hinampas ‘yon. Tas ‘yung sumunod naman eh inisip ko na si Shin ‘yon kaya lumagapak talaga nang sobra. Tas n’ong may lumabas ulit sa butas ay inisip kong si Vincent ‘yon kaya gitil na gitil ko ‘yung hinampas. Halos masira ko na ‘yung machine nang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kung sino ‘yon. Si Winter. Pinapatigil niya na kong maglaro kasi baka masira ko pa tong machine na ‘to. Nakita ko ‘yung isang staff dito na lalaki na ang sama ng tingin sa’kin. Nabasa ko sa damit niya ay 'Maintenance' kaya umalis na lang kami doon. Baka mapagalitan pa ko. Nadaanan namin ‘yung basketball game kaya napatigil ako sa paglalakad. Napalingon naman sa’kin si Winter. "Laro tayo nito." aya ko sa kaniya pero nakatingin lang siya sa’kin. Parang ayaw niya ata. Napanguso naman ako at nagpuppy eyes pa sa kaniya para maglaro kami nito parehas. Gusto ko kasi magkalaban kaming dalawa para masaya pero hindi pa rin siya naimik. Napabuntong hininga na lang ako at bagsak ang balikat na naglakad paalis doon kasi mukang ayaw niya talaga. "Sandali lang." Napalingon ako sa kaniya kasi hinawakan niya ‘yung braso ko. Nag-iwas siya ng tingin sa’kin. "Sige. Laro tayo n’yan." Napangiti naman ako ng malawak sa sobrang tuwa. "Kung sino ang manalo sating dalawa, magwiwish siya doon sa loser at kelangang gawin n’ong loser kahit ano pa ‘yon." hamon ko sa kaniya. Tumango-tango lang siya. "Sabi mo ‘yan ha. Walang bawian." nakangisi lang ako sa kaniya at nagsimula na kami. Tig-isa kaming dalawa ng machine at sabay na sabay na naghulog ng token. Medyo nahirapan ako sa paglalaro nito dahil hindi naman ito ang specialty ko, soccer talaga ang sport ko pero naglalaro rin naman ako ng basketball paminsan-minsan. Nang matapos na ‘yung timer eh ang taas n’ong score ko. 105. Mwehehehe! Sigurado ng ako ang panalo nito! Ano kayang hihilingin ko sa kaniya? Pasayawin ko kaya siya sa harap ko n’ong "Pamilyang Bear" ‘yung may tatay na bear, nanay tsaka anak na bear. Bwahahaha! Mas maganda siguro kung mag chicken dance na lang siya. Hangcuuuuute n’on pag gan’on! Tumingin ako sa may score niya habang nakangisi pero nanlaki ‘yung mga mata ko. Imposible! Hindi maaari ‘to! Nagkusot pa ko ng dalawang mata ko. Baka kasi nagkamali lang ako ng tingin. This ain't true! 106?! Lamang siya sa’kin ng... Ng isa! Bakit nagkaganito?! Tumingin ako sa kaniya at poker face lang siya sa’kin. "Ako ang panalo." plain na pagkakasabi niya. Namawis naman ako ng malamig. Para kasi doon sa tono n’ong pananalita niya, mas brutal pa sa mga iniisip ko kanina ‘yung ipapagawa niya sa’kin. "Teka! Baka naman nandaya ka. Imposible eh! Nandaya ka no?!" akusa ko sa kaniya. Hindi talaga kasi ako makapaniwala na natalo ako ng isang babae sa basketball. Kahit soccer ang specialty ko sa sports, hindi pa rin karaniwan ang isang babae na matalo ang isang lalaki sa ganitong sport. Takte! Saan ba talagang planeta siya galing?! Umiling-iling lang siya doon sa bintang ko sa kaniya. Hindi pa rin ako naniniwala. "Hindi eh! Siguro sira tong scorer n’ong akin!" sinipa-sipa ko pa ‘yung machine pero nakita kong nakatingin na naman ng masama sa’kin ‘yung maintenance staff dito kaya tinigil ko na. "Losers should not rant." Napatingin ako sa kaniya. "Hindi ako loser no! Wala lang ako sa kondisyon para maglaro ng basketball ngayon..." pagdadahilan ko pero nakatitig lang siya sa’kin. "Sige na nga! I accept defeat! Ano ba wish mo?" napipilitan pa ko n’ong sinabi ko ‘yon. Nakakasira naman ng ego ‘yung ganito. `Yung akala ko eh talo ko siya sa ganito kaya ito ‘yung pinili kong paglabanan namin pero nagkamali ako. Haaayyyy! Kakaiba talaga siya! She is really full of surprises. "Sunset." maikling sabi niya. Nangunot naman ang noo ko sa pagtataka. "Sunset? Anong sunset?" "Gusto kong makakita ng sunset." panglilinaw niya doon sa wish niya. Napa-isip naman ako doon sa sinabi niya. Akala ko naman, pakakantahin niya ko dito sa gitna ng mall ng mga children rhymes o kaya pasasayawin ng mga kung anu-anong sayaw na weird. Ako lang pala nag-iisip n’on. Buti, mababaw lang siyang mag-isip. Pero kung sunset lang ang hinahanap niya, may alam akong lugar kung saan napakaganda ng sun setting. Napatingin ako sa relo ko. Tamang-tama. Medyo maaga pa. Hinawakan ko ‘yung kamay niya at hinila ko siya. Para kaming tanga ngayon dalawa na tumatakbo sa loob ng mall. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. Pagkalabas namin ay dinala ko siya pabalik doon sa motor na pinark ko sa may parking lot nitong mall. Binigay ko sa kaniya ‘yung helmet na gamit niya kanina. Nakatayo lang siya kaya... "You said you want to see the sunset? What are you doing now?" No’ng maintindihan niya na ‘yung ibig sabihin ko ay sinuot niya na ‘yung helmet niya at umangkas na siya. "Kumapit kang mabuti. Bibilisan ko na ‘to." Pinadyak ko na ‘yung makina at gumana na ‘yon. Yumakap na siya sa bewang ko at mahigpit nga ‘yung pagkakayakap niya sa’kin. Mwehe! Pinaandar ko na ‘yung motor at binilisan ko. Siguro naman ay makakarating kami sa tamang oras doon sa bilis ng pagpapatakbo ko pero hindi naman ‘yon gan’on kabilis. `Yung bilis na hindi naman kami madidisgrasyang dalawa. Nang makarating kami sa may isang kalapit na probinsya kung saan naandoon ‘yung vacation house na binili ko noon, pinark ko ‘yung motor doon sa saktong lugar kung saan mo makikita ang napakagandang pagbaba ng araw. Dito ako palaging natambay sa lugar na ‘to kapag umuuwi si Mom sa bahay. Dahil ayaw ko siyang makita eh dito ako napapadpad parati at mag-isang pinapanood ang pagbaba ng araw. Bumaba na siya sa motor at gan’on din ako. Hinubad ko na ‘yung kelmet ko. Nakatayo lang kami at nagsimula nang bumaba ang araw. Dahan-dahan niya nang hinubad ang helmet na suot niya kaya napatingin ako sa kaniya at nakita ko sa mga mata niya ang ibang klase ng kasiyahan na hinding-hindi ko pa nakita sa kaniya. Kitang-kita ko kung gano siya kasaya at may mga luhang tumulo sa mga mata niya. Ibang klase talaga siya. `Yung bang pag makita ko lang siyang masaya ng ganito, nahahawa ako nang sobra. No’ng umiiyak siya sa dibdib ko dahil sa nabuksan ni Vincent ‘yung nakaraan niya, parang nahawa niya rin ako at naramdaman ko ‘yung sakit na naramdaman niya. Parang virus ‘yung emotions niya kaya siguro ‘di niya pinapakita pero kung ganito naman siya kasaya, kahit epidemya pa yan, wala akong pakialam na mahawa. Basta makita ko lang siya na ganito kasaya. Hindi ko alam na may mas igaganda pa pala siya sa kung gaano na siya kaganda. Para siyang bulaklak na unti-unting namumukadkad. Nang dumilim na ang paligid dahil sa pagbaba ng araw ay hinarap ko na siya. Pinunasan ko ang mga luha sa gilid ng mga mata niya gamit ang dalawang hinlalaki ko. Bigla na lang siyang napahagulgol at ‘di ko inaasahan ‘yon. Halatang pinipigilan niya pero hindi niya kaya kaya naman niyakap ko siya. "Don't cry. If you want to see the it again, just tell me. I will always be by your side while watching the setting of the sun." bulong ko sa kaniya saka ko tinapik tapik nang mahina ang likod niya para pakalmahin siya. Yumakap na siya pabalik sa’kin at ibinaon ang mukha niya sa dibdib ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak at niyakap ko naman siya nang mahigpit. "All the things that you want to do and the things that you want to see, we will do it together. I promise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD