Chapter 30

2150 Words
Chapter 30 - Our Names ~Russell~ "Ano ba ‘yung wish mo?" tanong sa’kin ni Winter habang sinusuot niya ‘yung helmet niya. Hindi pa siya sumasakay dito sa motor. Ako eh nakasakay na ko't sinusubukang paandarin ‘yung makina. "Ako? Simple lang naman ang wish ko." Tumingin muna ako sa kaniya at naghihintay lang siya sa sasabihin ko. "To never see you crying again and to never make you cry anymore." nakangiti kong sabi sa kaniya. Kahit hindi ko makita nang maayos ‘yung mukha niya dahil sa helmet na suot niya ay alam kong nagulat siya doon sa sinabi ko tapos nag-iwas siya ng tingin sa’kin. Napangiti na ako. Sinubukan ko ulit na paganahin tong motor pero ayaw talagang gumana. Tiningnan ko ‘yung Gas meter at nakita ko na ubos na pala ‘yung gas nito. Malayo rin naman kasi tong napuntahan namin kaya siguro naubos ‘yung gas. Teka! Pano na to? Pano kami uuwing dalawa nito? Naisip ko ‘yung cellphone ko. Kinuha ko ‘yun sa bulsa ko at sinubukan kong tawagan ‘yung driver ko pero walang signal. Probinsya kasi dito kaya mahirap makahanap ng signal. Shete naman oh! Napatingin ako kay Winter na nag-aantay sa’kin na magpaandar ‘yung motor. "May problema tayo..." hinubad ko na ‘yung helmet na suot ko. "We're out of gas tapos wala pa kong masagap na signal." hinubad niya na rin ‘yung helmet na suot niya. Saan kami nito ngayon pupunta? Madilim na ‘yung paligid at delikado sa’min lalo na kay Winter na magstay lang dito. Naalala ko ‘yung vacation house ko. Tapos napatingin ako sa susi ng motor ko. Buti na lang at dito ko inilagay ‘yung susi n’ong vacation house ko. May matutuluyan na kami kahit papaano tapos bahala na bukas kung paano kami makakauwi. Naglakad lang kami ng kaunti tapos ay nakarating na kami doon sa bahay bakasyunan na pagmamay-ari ko. Pinark ko lang ‘yung motor ko sa may gilid n’ong bahay at binuksan ko na ‘yung pinto. "Dito muna tayo magpapalipas ng gabi kasi wala na rin naman tayong magagawa." Pumasok na kami pareho pero naalala ko na iisang kwarto nga lang pala ang mayroon tong bahay na ‘to kasi para sa’kin lang naman kasi ‘yon. Hindi ko naman inakala na pupunta ako dito ng may kasama at babae pa. Mukhang sa sahig ako matutulog ngayong gabi... Pumunta ako sa may malaking cabinet ko kung saan nakalagay ‘yung mga damit ko. Mayroon kasi akong mga nakatagong damit dito in case na maisipan kong pumunta dito. Minsan kasi, dito ako nagiistay ng mga tatlong araw. Minsan nga, umaabot pa ng isang linggo. Hindi alam nila Dad ‘yung tungkol dito sa bahay na ‘to kasi binili ko ito gamit ang ibang pangalan para hindi niya matrace na sa’kin ‘to. Ginawa ko ‘yon para hindi nila ako mapwersang umuwi sa bahay at makasama si Mom. I really despise her for being my Mom. Haayyyy... Ang kumplikado talaga ng buhay ko pag tungkol sa mga magulang ko. Napatigil ako sa pag-iisip nang malalim at napatingin naman ako sa may gilid ko kasi may parang nakatayo doon. "Ay Butiki! Ano ba Winter?! Sinabi ng wag kang manggugulat eh!" sigaw ko sa kaniya habang habol ko ang hininga ko at nakahawak ako sa dibdib ko. Nakatingin lang siya sa’kin. Nevermind. Kumuha ako ng damit doon sa may cabinet iba pa doon sa una kong kinuha at ibinigay ko sa kaniya ‘yon. "Oh! Ikaw na unang maligo tapos ito muna isuot mo. Wala ka namang dalang iba pang damit bukod doon sa uniform mo , ‘di ba." Kinuha niya sa’kin ‘yung damit na ibinibigay ko sa kaniya at pumasok na siya sa C.R. Umupo muna ako doon sa may kama habang iniintay siyang matapos maligo. Mayamaya ay lumabas na siya. Shet! Wetlook! Para siyang isang model ngayon sa harapan ko habang pinupunasan niya ‘yung buhok niya n’ong tuwalya. Bumilis ‘yung t***k ng puso ko. Nakita ko namang napatingin siya sa’kin kaya napa-iwas ako ng tingin. Nakita ko ‘yung isang malaking salamin na nakasabit sa dingding at nakita ko ‘yung mukha ko. Pulang pula ‘yung mukha ko lalo na ‘yung tenga ko. Bullsh*t! Agad kong itinabing ‘yung twalya ko sa ulo ko para ‘di niya makita ‘yung pamumula ko. "B-buti n-naman at t-tapos ka na. T-tagal kong nag-antay." Sh*t! Nauutal pa ko! Tumayo na ako at nagmamadaling pumasok doon sa C.R. F*ck! Bakit lahat ng bagay na bago ko lang nakikita sa kaniya eh sobrang parang lagi na lang nakakapagpatibok ng mabilis sa puso ko at sobra ring nakakaapekto sa’kin? Ano ba tong ginagawa niya sa’kin? Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako. May naisip akong plano. Mwehehehe! Siya naman ngayon ang pangangangahin ko dahil sa sobrang kagwapuhan ko lalo na kapag wetlook. Maraming nahihimatay na babae kapag nakikita nila ako pagkatapos ng swimming class. Tingnan natin kung malabanan mo ang karisma ko. Lumabas na ako at nagpose ako na malamodel saka dahan-dahan kong pinagpag ‘yung buhok ko. Half-naked rin ako ngayon at nakatapis lang ako ng twalya kaya kitang kita ngayon ‘yung anim na abs ko. Nagpose pa ulit ako ng konti. Mweheheheh! Siguradong naglalaway na siya ngayon dahil sa sobrang kagwapuhan k- Anak naman ng repolyo oh! Nakadungaw siya sa bintana kaya hindi niya nakita ‘yung pag-eemote at pagpopose pose ko dito. Kaasar naman oh! Sayang sa effort! Naramdaman niya atang lumabas na ako sa C.R kaya nilingon niya ko. Inulit ko lang ‘yung pinaggagagawa ko kanina. Ito na ‘yung tsansa ko. Hindi naman pwede ‘yung ako lang ‘yung naaakit sa kaniya. Nagpose lang ulit ako at pagkatingin ko sa kaniya... .... Fwooooohhhhh (hanging dumaan...) Ngayon ko napatunayan na malalakas talaga ang mga babae sa temptation. Tsk! Wala man lang epekto sa kaniya ang anim na abs ko? Umayos na ako ng tayo ng nakita ko na nakatitig lang siya sa’kin. "A-Ahhh... H-Heheheh... T-Tapos na kong maligo." nauutal kong sabi sa kaniya. Nakatitig pa lang rin siya sa’kin. "Magpapahangin lang ako sa labas." naglakad na siya palabas. Waepek ngang talaga pero nevermind... Nagmadali akong magbihis para masundan siya. Baka mamaya, kung ano pang mangyari sa kaniya sa labas. Nang maabutan ko siya ay umupo kami sa may dalawang malaking bato na magkatabi. Ang tahimik. Nabibingi ako sa katahimikan. Nagisip ako ng maitatanong para naman may magbasag n’ong katahimikan. "Why Winter is your name? Why not Autumn? or Spring? Much better if Summer..." tanong ko sa kaniya out of the blue. Napayuko siya at tahimik lang siya. Napa-isip naman ako doon sa sinabi ko. F*ck! Parang pinapahiwatig ko doon na ang pangit n’ong pangalan na binigay sa kaniya ng mga magulang niya! Kailangan kong bawiin yon! Naku naman! "Ahhh... Don't mind what I have said. It's not that I don't like your name. In fact, I like it. No, I love it." ngiting-ngiti kong sabi. Napatingin naman siya sa’kin. Napa-isip rin ako doon sa sinabi ko. "Ahhh... Don't mind that also. It's just tha—“ "Ipinanganak ako sa Japan habang Winter season kaya ‘yun ang pangalan ko..." Tumingin siya sa kalangitan saka isinwaysway ang paa niya. "Ha? Japanese ka ba?" "May lahi kaming japanese kasi ang lola ko ay pure japanese at lolo ko ang pilipino." Napatango-tango ako. Kaya pala siya maypagkasingkit tapos ang puti puti pa. "Eh ‘di nahirapan ‘yung Mom mo na pumunta sa ospital sa lamig ng panahon?" tanong ko ulit sa kaniya. "Oo... Nahirapan si Dad na dalhin si Mom sa ospital sa lakas ng snowstorm doon kaya wala siyang nagawa kundi siya ang magpaanak kay Mom sa bahay namin. Napaanak niya naman ng safe si Mom kahit papaano at sabi niya sa’kin, tuwang-tuwa daw siya kasi siya ‘yung unang nakakita sa’kin at sobrang thankful siya sa Winter season kasi nangyari ‘yung gusto niya na siya ‘yung unang makakahawak sa’kin kaya ‘yun ang ipinangalan niya sa’kin. Pumayag din naman si Mom." nakangiting sabi niya pero kitang-kita ko ang pangungulila sa mga mata niya. "Ahhhhhhh..." patango-tango kong sabi. Ang ganda ng boses niya pag mahaba mong napakikinggan. Ngayon, alam ko na ang pinanggalingan ng pangalan niya. Nakita kong naluluha na siya kasi siguro, naaalala niya ‘yung Mom niya na namatay kaya nagpanic naman ako. Kelangan ko ulit na baguhin ang atmosphere pero may naisip ako... "Teka... May pinagsabihan ka na bang iba tungkol dito?" Tumingin ako sa kaniya. Naninigurado ako kung ako una n’yang pinagsabihan. Baka kasi mamaya, nakwento niya na rin ‘yung tungkol sa bagay na ‘yon doon kay Vincent. Diba nga kasi, magkababata sila kaya hindi imposibleng hindi alam na ‘yun n’ong ungas na Vincent na yon! Umiling-iling siya kaya parang nagdiwang ‘yung puso ko. Party party inside! Wooooow! Ibig sabihin, ako lang ang pinagkatiwalaan niya ng tungkol sa history ng pangalan niya! Ibig sabihin, ganun na kalaki ‘yung trust niya sa’kin, na nasasabi niya na ‘yung mga bagay na kahit sa mga importanteng taong dumaan na sa buhay niya dati eh hindi niya sinabi. Ewan ko kung bakit sobrang natutuwa ako masyado. Mababaw ba? Tumingin siya sa’kin... "Ikaw, bakit Russell pangalan mo?" tanong niya naman sa’kin at mukhang hindi na siya naluluha. "Ahh.. Ako? Wala lang. Trip lang ng Mom at Dad ko na ‘yun ang ipangalan nila sa’kin. Kasing gwapo ko daw kasi ‘yung pangalan ko." nakatingin ako sa langit habang sinasabi ‘yon. Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa kaya napangiti ako. Napapatawa ko na rin siya sa mga gan’ong jokes... Well, ‘di naman joke ‘yung gwapo ako. "Gino na lang ang itawag mo sa’kin,” sabi ko sa pagitan ng katahimikan sa’ming dalawa. Napatingin naman siya sa’kin kaya napatingin rin ako sa kaniya. "Gino na itawag mo sa’kin at wag ng Russell. Magkaibigan na naman tayo, ‘di ba?" Nakangiti ako sa kaniya na puno ng sincerity habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. Hindi ko mabasa kung anong emosyon ng mga mata niya. Tumango-tango siya. Napangiti ako. Ngayon ay kinoconsider niya na ako na isang kaibigan...(^//////^) "Bakit mo ko gustong maging kaibigan? `’Di ba, galit ka sa’kin non?" Sapul naman ako doon sa tanong niya na ‘yon. Napakamot ako sa ulo ko. "Bakit? ‘Di ba pwedeng magbago ang mga tao? Dati pa namang may nangyayari na mga magkaka-away tapos naging matalik na magkaibigan. Bakit? Ayaw mo ba kong maging kaibigan?" balik tanong ko naman sa kaniya. Umiling-iling siya. Napangiti ako ng malawak. Sa kaniya na mismo nanggaling... na gusto niya kong maging kaibigan. "Sabi mo ‘yan ha. Wala ng bawian." ngiting-ngiti kong sabi sa kaniya. Nagulat ako sa sunod n’yang ginawa. She kissed me in my forehead. Hindi agad ako nakagalaw. Biglang kumabog nang malakas ‘yung dibdib ko ng maramdaman ko pa rin ‘yung lambot ng labi niya sa noo ko. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at nawala ako sa sarili ko. Nang lumayo na siya sa’kin, nanlalaki ang mga mata kong tumingin ako sa kaniya. "W-why d-did you—” Nginitian niya ko na nakapagpatigil sa’kin sa pagsasalita. "Ginagawa ko ‘yan sa mga taong pinasasalamatan ko." Nakangiti n’yang sabi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Sa ginawa niya sa’kin at sa mga sinabi niya na ‘yon. Kinurot ko ‘yung braso ko at napaaray ako. Hindi naman ako nananaginip katulad n’ong una ko siyang makitang ngumiti sa’kin sa kwarto ko. "Sorry kung ngayon lang ako magpapasalamat sa pag-aalaga mo sa’kin n’ong may sakit ako. Salamat din dahil—" hindi niya na tinapos ‘yung sinabi niya dahil biglang umihip ang malamig na hangin at napakuskos siya sa mga braso niya. "Tara. Bumalik na tayo doon sa bahay. Baka magkasipon pa tayo dito,” sabi niya at tumayo na siya at naglakad paalis. Naiwan ako doon na nakatulala pa rin at hindi talaga makapaniwala. Napahawak ako sa noo ko. Para namang umakyat ‘yung mga dugo ko sa mukha ko at nag-init ang magkabila kong pisngi. Ngayon pa lang ako naaapektuhan n’ong halik niya dahil sa pagkagulat ko... Napatingin ako sa kaniya na naglalakad na papalayo. "You are really something." bulong ko sa hangin habang nakatingin pa rin ako sa kaniya na tulala pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD