Chapter 31

2707 Words
Chapter 31 - Wet Look ~Russell~ Bumalik na ako doon sa bahay. Kanina nga ay nagdadalawang isip pa ko kung papasok ba ko o hindi dahil alam kong mapupuno ng awkwardness ang bahay na ‘to dahil sa nangyari kanina pero pumasok na ako kasi biglang umulan nang malakas. Ayoko namang matulog dito sa labas at ginawin nang sobra. Baka papakin pa ko ng lamok, instant blood donation pa ang magawa ko. Pumasok na ako sa kwarto. Nakahiga na si Winter sa kama. Nakabalot siya ng kumot at nakatagilid patalikod dito sa pinto. Napag-usapan na rin kasi namin kanina na siya sa kama at ako naman sa sahig. Pumunta ako sa may gilid ng kama at nakita kong may nakalatag ng bedsheet at may unan na rin. Napangiti ako. Nalaman ko ngayon na hindi siya makasarili. Another fact about kay Winter na naman. Humiga na ako. Napatingin ako sa kisame pero nasisilaw ako kasi nakabukas ‘yung ilaw kaya tumayo ako para patayin ‘yon. Papatayin ko pa lang ‘yon ay... "Wag!" "Ay! Palakang pusa!" gulat na gulat na sabi ko dahil sa biglang pagsigaw niya. Napahawak pa ko sa dibdib ko. Napatingin ako sa kaniya at pagagalitan sana siya sa panggugulat sa’kin pero nakita kong parang takot na takot siya. "Wag mong patayin ‘yung ilaw... Please..." para siyang nagmamakaawa sa’kin kaya ibinaba ko na ‘yung kamay ko na dapat ay pipindot doon sa switch n’ong ilaw. "Takot ka ba sa mga multo?" bigla ko lang natanong sa kaniya. Naisip ko kasi na baka kaya ayaw n’yang ipapatay ‘yung ilaw ay natatakot siya sa mga multo. Umiling-iling lang siya. "Ayaw ko ng madilim..." yumuko siya. "Ahhhh... Sige... Matulog ka na. Hindi ko na papatayin ‘yung ilaw..." nakangiti kong sabi sa kaniyang with assurance para ‘di na siya matakot. Bumalik na ako sa higaan ko. Ayoko namang pilitin siya sa ayaw niya kaya ayan... kahit nasisilaw ako sa ilaw... Tiis tiis na lang... Another fact again about her, takot siya sa madilim. Malista nga bukas. Makalipas ang mahabang sandali... Hindi ako makatulog. Pabiling-biling na ako dito pero hindi pa rin ako makatulog. Naisip ko si Winter. Kung iisipin ko... Nandito kami ngayon sa iisang bubong at magkasama... Walang ibang tao sa labas kundi kami lang talaga... Konting distansya lang ang layo namin sa isa’t isa... Nangyari na ‘to sa’min dati n’ong magkasakit siya pero malaki ‘yung pinagkaiba n’on sa ngayon kasi— Tama na nga! Kung anu-ano tong naiisip ko! Biglang nagflash sa isip ko ‘yung paghalik niya kanina sa noo ko. Ang lakas talaga ng epekto niya sa’kin! ‘Di na ako nakatiis at dahan-dahan akong umupo at sinilip ko siya kung tulog na ba siya. Nakahiga siya kaharap sa kisame ‘di katulad kanina na nakatalikod siya dito sa pwesto ko. Nakapikit lang siya. Buti pa siya, tulog na. "Haaaaaaaayyyy..." buntong hininga ko. "May pangarap ka ba?" bigla siyang nagsalita kaya nagulat ako at napahiga ako sa may higaan pero tumama ‘yung ulo ko sa may cabinet na may nasa uluhan ko. "Aray aray aray!" nakahawak ako ngayon sa ulo ko at namimilipit sa sakit. Bullsh*t! Ang sakit! Hindi ko naman kasi inaasahan na gising pa rin siya. Narinig ko naman na napaupo siya. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "I'm okay... I'm okay... Naumpog lang ako ng... mahina... Hehehe..." pagaassure ko sa kaniya. Mahina? Eh halos mabiyak ang bungo ko sa pagkakaumpog ko eh! Humiga na ulit siya. Nang mawala na medyo ‘yung sakit n’ong ulo ko... "Ano ulit ‘yung tanong mo?" nakangiwi pa rin ako ngayon pero umayos na ako ng higa. "Kung may pangarap ka ba?" ulit naman niya. Napaisip naman ako doon sa tinanong niya. "My dream?... I think I don't have one yet..."narinig ko naman na parang umusog siya. Napatingin ako sa gilid nitong kama at nakita ko siyang nakatingin sa’kin habang nakatagilid na nakahiga sa gilid n’ong kama. "Pero bakit?" kita ko na nagtataka siya. Parang dumadaldal yata siya ngayon pero ayos lang, mas maganda na ‘yon kaysa n’ong dati na dinedeadma niya lang ako. Tumingin ako sa may kisame. "No’ng bata ako, I can't think of having a dream cause I think I have all of the things in this world. Happy family, abundant life, good looks (tiningnan ko siya sabay wink) and material things. Why wish for something that I already have? I didn't think of anything that I want to have and want to be in the future..." mahaba kong sabi sa kaniya. Naaalala ko ‘yung masasayang alaala ko kasama ‘yung mga magulang ko dati. Bigla akong nakaramdam na gusto kong bumalik sa oras na ‘yon. Tumingin ulit ako sa kaniya. Kita ko na interesado siyang makinig sa istorya ko. "But later on, I hated everything that I have at isa na doon ‘yung Mom ko." nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita. "Before, we were really close like other mother and child do. We love each other so much. Before, she reads me books while I am in my bed so I will be asleep. Plays with me morning till evening happily. Kisses me before I go to school. Takes care of me always when I am sick and cooks me delicious foods everyday but all of it ended." I smiled bitterly. Halatang curios naman siya ngayon. "It is because of her dream boutique." naalala ko kung gano kasaya ‘yung Mom ko nun n’ong matapos maipagawa ‘yung Boutique niya sa may Tagaytay. "Dati niya pa gustong magkaroon ng sariling boutique at nang pagbigyan siya ni Dad na magkaroon n’on ay nagsimula nang malayo ang loob namin sa isa’t isa." nakita ko naman na parang nalungkot siya sa mga narinig niya. "Kaya pala gan’on mo na lang itrato ‘yung Mom mo...” sabi niya na halatang malungkot. "Yah... Palagi na lang kasing ‘yun ang inaasikaso niya same to my Dad. Naging priority na nila ‘yung mga business nila. Sabi nila, it is for me, for my future but I keep feeling na they are lying and just using me as an excuse for their own. Kaya kapag nakakakita ako ng mga pamilyang may kaya lang pero masaya silang magkakasama, I envy them so much. Nahihiling ko pa nga minsan na sana hindi na lang kami naging ganito kayaman." Napabuntong hininga ako. Namayani ang katahimikan sa’ming dalawa pagkatapos kong magkwento pero maya-maya ay umayos na siya ng higa at humarap sa may kisame at nagsalita... "Sana hindi mo maranasan ‘yung pagsisising naranasan ko noon..." puno ng kalungkutan n’yang sabi. Nagtaka naman ako sa sinabi n’yang ‘yon. Magtatanong sana ako tungkol doon pero nagsalita ulit siya... "Ako, gusto kong maging isang kilalang painter... ‘yun ang pangarap ko n’ong bata pa lang ako..." pagchechange topic niya. Pero bigla kong naalala ‘yung naggagandahang painting na nakadisplay sa bahay nila. Ako naman ang tumagilid ngayon. Kita ko naman siya kahit nandito lang ako sa baba. "Tamang tama... Ang galing mo kaya sobrang magpaint." puri ko sa kaniya kasi magaling naman talaga siya. Napatingin naman siya sa’kin pero biglang umihip ang malamig na hangin kaya napakuskos ako sa mga braso ko. Iisa lang kasi ang kumot at nasa kaniya ‘yon. Mas gusto ko rin naman na nasa kaniya ‘yon. Mukhang napansin niya na giniginaw ako kaya umupo ulit siya. Naramdaman ko na may bumalot sa katawan ko. Pagtingin ko, kumot ‘yon. Napatingin ako sa kaniya. Humiga rin agad siya at tumalikod na sa’kin. Napangiti ako. Ang ginawa niya ay ibinigay niya sa’kin ‘yung kalahati n’ong kumot at ‘yung kalahati naman ay nasa kaniya. Nakahiga siya sa gilid na gilid na ng kama para umabot sa’kin ‘yung kalahati n’ong kumot. "Thank you..." mahina kong sabi pero sinigurado ko na maririnig niya ‘yon. Hindi siya sumagot. Pumikit na ako. Haayyy... I really like all of the things she does. zzzzzzzzz... *—***—* Kinabukasan, nagising ako na nakakumot. Bumangon na ako at umunat habang humihikab. Pumasok na ako sa may C.R. habang nakapikit pa rin at nagkakamot ng pwet. Inaantok pa ko. Naglakad ako papuntang lababo pero n’ong naramdaman kong naiihi ako ay pumunta ako sa may pinto ng toilet. Dalawa kasi ang pinto dito sa may C.R. Una, pagkapasok mo, lababo pa lang tapos ‘yung pangalawang pinto ay para naman doon sa may Bath tub at toilet. Pagkabukas ko n’ong pinto, minulat ko na ‘yung mata ko dahil parang may gumagalaw sa loob. Kinusot kusot ko pa ‘yung mata ko para luminaw. What the! Napatalikod ako bigla dahil sa gulat. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Bakit naman kasi umagang-umaga, gan’on agad ang madadatnan ko? Isinara ko ng dahan-dahan ‘yung pinto dahil mukhang hindi niya ko napansin. Nang maisara ko na ‘yon ay napasandal ako doon. Bathump! bathump! bathump! Iba na ‘yung t***k ng puso ko. Para ng may nagcoconstruction doon sa loob! Sino ba namang hindi magiging ganito ang reaksyon kung... kung... Wahhhhhh! Ayoko ng alalahanin ba dahil ayokong magmukhang p*****t! Pero n-nakita ko kasi h-hinuhubad na ni Wi-Wi-Winnter ‘yung shirt niya h-habang nakatalikod sa’kin kaya n-n-nakita ko ‘yung n-napakaputing l-likod niya tsaka ‘yung k-kabitan niya ng b-b-b-bra... Wahhhhhhhhhhhh! Pakiramdam ko, ang p*****t ko na! Nangangamatis na siguro ako ngayon sa hiya. Pumunta ako sa lababo para maghilamos. Wala namang tunog ‘yung pagpatak ng tubig sa gripo. Hinilamos kong mabuti ‘yung mukha ko at tumingin sa salamin. Sobrang pula ng mukha lalo na ng tenga ko. Nakita ko na naman sa isipan ko ‘yung l-l-l-likod niya—Ahhhhhhh! Pervert na talaga ko?! Ipinilig pilig ko ‘yung ulo ko para mawala ‘yon sa isipan ko. Gino! Calm down! L-L-Likod niya lang ‘yon... Okay?! Huminga ako nang malalim. Nakita ko ‘yung isang toothbrush na pink sa may gilid ng lababo na nakalagay sa lalagyanan kaya doon napunta ‘yung atensyon ko. Napa-isip ako. Kapag kasi gumamit ako ng toothbrush dito eh tinatapon ko na agad. Napatingin tuloy ako sa may cabinet sa taas nitong lababo. Dito kasi nakalagay ‘yung mga pangpersonal hygiene ko. Binuksan ko ‘yon. Andun mga nakahilera ang mga bagong toothbrush, toothpaste, shampoo, sabon at kung anu-ano pang personal hygiene. Binili ko talaga ang mga ‘yon dahil ginagamit ko ang mga ‘yon pag pumupunta ako dito. Kumuha ako ng isang bagong toothbrush. Mukhang ‘yung toothbrush dito sa gilid ng lababo na nakalagay sa lalagyan eh kinuha ni Winter mula rito at ginamit. Hinawakan ko ‘yung toothbrush na ‘yon at idinikit ko dito sa bagong toothbrush na blue na gagamitin ko. Hmmm... Bagay! Napangiti naman ako. Mayamaya ay narinig kong may lumalagaslas na na tubig sa loob ng C.R. Naalala ko na naman ‘yung nakita ko kanina... Okay na eh! Nakakalimot na ako tapos bigla ko pa ulit maaalala! Dahil doon ay namula na naman ako kaya nagtoothbrush na ako gamit ‘yung toothbrush ko pagkatapos kong ibalik ‘yung toothbrush niya sa lalagyan. Lumabas na ako pagkatapos n’on dahil ayokong madatnan niya ako doon. No’ng lumabas na siya, hindi ako makatingin sa kaniya... Naglakad na kong papuntang C.R. pero madadaanan ko siya papunta doon. Wetlook na naman siya! "Ginamit ko ‘yung isang toothbrush..." plain na pagpapaalam niya sa’kin. "A-A-Ayos l-lang..." sh*t! Ito na naman ako sa pagi-stutter ko! Pumasok na ako sa loob ng C.R. at nagshower. Pagkatapos kong magshower ay lumabas na ako. Nakita kong nakaupo lang siya sa kama at nakauniform na ulit siya. Nakatingin lang siya sa may bintana. Mukhang maaliwalas na ‘yung panahon ngayon kaysa kagabi na malakas ang ulan. "Papasok ka ngayon?" tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa’kin. Nakabihis na ako pero basa pa rin ‘yung buhok ko kaya kinukuskos ko iyon ng twalya. No’ng napatingin siya sa’kin ay umiwas rin agad siya ng tingin. Umiling siya pagkatapos. Napatingin ako sa may orasan dito at alas nuebe na pala. Naalala ko ‘yung motor ko. Wala pa rin ‘yung gas kaya hindi kami makakauwi pero meron namang medyo malapit napagasulinahan dito kaya pwede muna namin yong lakaring dalawa. Lumabas na kami pareho ng bahay. "Maglalakad muna tayo saglit tapos pag nakarating na tayo doon sa pagasulinahan, pwede na tayong makapagmotor..." Nilolock ko na ‘yung pinto ngayon ng bahay na ‘to. Tumango-tango lang siya sa’kin. Naglakad na ako papunta sa motor ko at sumunod na siya sa’kin. Naglakad na kami para makapaghanap ng gasulinahan habang hawak ko tong motor. Konting oras lang ‘yung nilakad namin at buti na lang at nakahanap din agad kami ng gasoline station. Buti na lang rin at hindi katulad sa Maynila ang init ng araw dito. Dito, hindi nakakapasong masyado ang init ng araw. `Yung tama lang pero pagpapawisan ka pa rin. Nang magasulinahan na tong motor ko ay sumakay na ako at pinaandar ko na ‘yung makina. Pinaangkas ko na si Winter. Doon ay minotor ko na pauwi habang siya eh nakayakap sa’kin. Ayaw ko pa sanang umuwi pero hindi ko naman pwedeng ikeep siya sa tabi ko parati dahil kailangan niya pa ring pumasok sa school. May tatlong araw siya sa school na wala ako... Sigurado naman ako na wala ng mangingialam sa kaniya dahil napagbantaan ko na ‘yung mga tao doon sa school. Nang makarating kami sa bahay niya ay bumaba na siya. Bumaba na rin ako at inilagay ko muna ‘yung stand n’ong motor para tumayo ‘yon mag-isa. Blank lang ‘yung ekspresyon niya ngayon habang nakatingin sa’kin. Lumapit ako sa kaniya. Hinalikan ko siya sa noo niya at halata kong nagulat siya sa ginawa ko. Lumayo na ako. Nanlalaki ang mga mata n’yang tumingin sa’kin. Nginitian ko siya. "Ginagawa ko rin ‘yan sa mga taong pinasasalamatan ko..." ginaya ko ‘yung sinabi niya n’ong hinalikan niya rin ako sa noo ko kagabi. Halatang gulat pa rin siya. "Thank you for being with me the whole day yesterday. I won't forget it. I hope you don't too." Ibinigay ko sa kaniya ‘yung paper bag na naglalaman n’ong damit na binili ko sa kaniya kahapon pati n’ong sapatos n’on. Pinisil ko rin muna nang mahina ‘yung pisngi niya kasi hangcute niya ring magulat. Walang effect noon sa kaniya ‘yung paghahagis ng bulate sa ulo niya n’ong agriculture class namin sa garden at hindi rin siya takot sa gagamba na kinuha niya pa talaga sa ulo ng baklang teacher namin sa math pero sa kiss ko lang pala siya sa noo magugulat. Wehehehe! Doon ay sumakay na ako sa motor ko at pinaandar ko ‘yung makina n’on. Kita kong tulala pa rin siya sa hanggang ngayon kaya bago pa siya makabawi ay pinaandar ko ng paalis ‘yung motor ko. Napahawak ako sa labi ko habang ‘yung isa ko pang kamay ay nandun sa manibela n’ong motor. Napangiti ako ng malawak. ~Winter~ Ramdam ko pa rin sa noo ko ang malalambot na labi ni Russ- Gino pala... Yun naman ang gusto n’yang itawag ko sa kaniya kaya simula ngayon, ‘yun na ang itatawag ko sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko. Napapikisi ako nang biglang kumahol si Zen mula sa loob ng bahay kaya binuksan ko na ‘yung gate para tingnan siya na masayang masayang nakadungaw sa bintana ng bahay. Mukhang kahapon niya pa ko hinhintay. Pumasok na ako na may ngiti sa mga labi. Mukhang may idadagdag na naman ako sa mga paintings ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD