Chapter 32 - The Proxy Bully
2 days later...
(Friday)
~Russell~
"Sir. Russell!" tawag sa’kin ng isang maid namin kaya lumingon ako sa kaniya at seryosong tiningnan siya.
Nakita ko namang parang natakot siya bigla.
"H-hindi po ba k-kayo m-magbebreakfast?" nauutal na tanong niya sa’kin.
No’ng problema nito?
Bakit naman kaya parang takot na takot ‘to sa’kin?
Pero dahil maganda ang gising ko ngayon at may gusto akong puntahan eh nginitian ko siya.
"Hindi na, nagmamadali kasi ako."
Nakita ko namang napanganga siya at nabitawan niya pa ‘yung feather na hawak niya.
Mukhang parang gulat na gulat siya at nakakita ng multo.
Umalis na ako sa harapan niya kasi mukhang matagal pa siya bago makarecover pero narinig ko pa siyang may sinabi...
"Himala... Ngumiti siya..."
Tss! gan’on na ba ka-rare ang ngiti ko?
Mahal kasi ‘to kaya tinitipid ko...
Naglakad na ako papunta sa driver ko na tinawagan ko kanina.
"Oh! Sir. Russell? Bakit po tayo pupunta ng school n’yo ngayon? Diba po, suspended kayo?" tanong sa’kin ng driver ko na puno ng pagtataka sa mukha.
‘Di ko na siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng kotse kaysa hintayin ko pang siya ang magbukas ng pinto n’on.
Pumasok na rin siya dito sa loob.
Nakatingin pa rin siya sa’kin kaya napahinga na lang ako nang malalim.
"I'll just... just... teka nga! Wag ka ngang masyadong usyoso! Magdrive ka na lang papuntang Primo High!" singhal ko sa kaniya.
Ganda ganda ng umaga ko, sinisira!
"Sorry po..."
Gaya nga ng sabi ko eh nagsimula na siyang magdrive.
Nakashirt lang ako ng black then ripped pants.
Marami akong gan’on na iba't-iba ang style ng pagkarip.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nakababa ang salamin n’on kaya tumatama sa mukha ko ang hangin.
Pinikit ko ang mga mata ko at nagflash sa’kin ‘yung time na hinalikan ni Winter ‘yung noo ko.
"Ginagawa ko ‘yan sa mga taong pinasasalamatan ko..."
Bigla akong napangiti ng malawak tapos parang may naglalarong mga kung anu-ano sa tyan ko.
Alam kong parang tanga lang akong nakangiti ngayon pero I don't mind... Eh sa masaya ako eh!
Naramdaman ko na biglang may kumulbit sa’kin kaya naputol ang napakasayang pag-iimagine ko n’ong time na kasama ko si Winter.
"Sir. Russell, nandito na po tayo sa school n’yo...” sabi nitong driver ko at nakangiti sa’kin.
Napatingin naman agad ako sa paligid at nakita ko ‘yung mga estudyanteng mga nakatingin sa’kin at natatawa pero n’ong makita nilang nakatingin na ako sa kanila eh mga nagsialisan.
Lunch na kasi sigurado ngayon kaya marami ang nasa labas.
Ba't ambilis naman yata naming makarating dito?
Nevermind.
Bumaba na ako ng kotse.
Tiningnan ko ang arkong may nakasulat na Primo High.
Ang aking kaharian.
Isang linggo dapat akong wala dito at sa monday pa dapat ako papasok pero ‘di ko natiis at pumunta ako ngayong friday.
Suspension ng one week ang punishment ko dahil doon sa panununtok ko kina Shin.
Si Shin eh nakick-out dito dahil sa pangrerecruit niya ng mga hindi taga dito para lang gantihan ako.
Isa sa mga policy na huwag magpapapasok ng hindi tagadito kaya ‘yan tuloy ang napala niya.
`Yung mga nahuli namang bumato eh pinagcommunity service lang...
Si naman eh Vincent one week din ang suspension kaya kampante lang ako habang nasa bahay ako kasi alam kong hindi niya malalapitan si Winter.
Dalawang araw lang naman kasing natigil si Winter sa bahay at dito sa school na hindi ko siya kasama kasi nga, n’ong monday eh magkasama kami sa mall tapos n’ong tuesday eh nasa vacation house ko kami nagstay. No’ng naubusan ng gasolina ‘yung motor ko.
Bwahahahah...
Bakit nga ba ako nandito ngayong friday?
Uhmmmm...
Mainit eh... Gusto ko ng taglamig.
Pumasok na ako at napatingin sa’kin ‘yung mga guard.
"Goodmorning Sir." alinlangan nilang bati sa’kin.
Kasi siguradong alam nila na bawal akong papasukin kasi nga suspended ako tapos makikita bigla nila akong papasok.
Nginitian ko sila.
"Goodmorning." nakangiti kong sabi sa kanila at nanlaki naman ang mga mata nila.
Naglakad na ako papasok.
Haaaaayyyy... Ang aliwalas ng paligid dahil sa napakaraming puno at halamang nakahilera.
Ang gaganda ng mga murals sa paligid at ang ganda ng mga building na nakikita ko.
Ba't ngayon ko lang napansin ang mga to?
Naglakad na ako papunta sa building namin nang makasalubong ko si Ms. Ledesma sa hallway.
Halatang nagulat siya nang makita ako.
"Why are you here, Russell? Diba suspended ka?" takang-takang tanong niya.
Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti na ikadiabetis niya sana.
"Don't mind me. I just want to see... my classmates... Namiss ko sila." pagpapalusot ko sa kaniya.
Kuntodo naman ang pagkunot ng noo niya at nang mukhang magtatanong pa siya eh naglakad na akong paalis.
Lahat ng mga nadadaanan ko eh napatingin sa’kin.
Napatigil sila sa paglalakad ng makita nila ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Waaaaahhh! Ba't nandito si Russell?"
"Oo nga no! Da't sa monday pa siya gawa ng one week suspension niya."
"Buti na lang at nandito na siya."
"Yah right, para tumigil na si Kiel sa paghahari-harian niya dito!"
Napatingin ako sa mga babaeng naglalakad kasunod ko.
Huminto ako kaya nabangga sila sa likod ko.
Humarap ako sa kanila para magtanong.
"What did you just say?" ngunot noong tanong ko sa kanila.
Narinig ko kasi ang pangalan ni Kiel.
May kutob ako na mukhang may hindi magandang nangyari dito n’ong dalawang araw na wala ako dito.
"A-Ahhh kasi..." hindi makatingin sa’kin ‘yung tatlong babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Ano nga?!" sigaw ko sa kanila kaya napatalon sila sa gulat.
"Kasi si Kiel Cruz ng third year, last week, nagsimula siyang mambubully ng mambubully ng kung sino-sino n’ong wala ka. Mayron pa nga siyang tinarget nang sobra." mabilisan n’yang sagot pero nacurious ako sa kung sino ang sinasabi niya na tinarget ni Kiel nang sobra.
"Who?" seryosong tanong ko.
Hindi sila makasagot.
Nagsisikuhan sila at nagtuturuan kung sino ang sasagot sa tanong ko.
"I am f*ckin' asking if who is it?" sigaw ko ulit.
Bullsh*t tong mga ‘to! Pinag-iinit ang ulo ko!
Nagtitinginan na sa’min ‘yung mga estudyanteng papasok pa lang.
"Y-`Yung r-robot ng 4-A" nauutal na sabi n’ong isa sa kanila at pagkatapos n’on ay tumakbo na sila paalis.
Natulala naman ako doon sa narinig ko.
Robot? 4-A
Si Winter ‘yon ah!
Biglang may tumakbo sa harapan ko kaya napatingin ako kung sino ‘yon.
Si Vincent at nakita ko sa mukha niya na galit na galit siya.
Nakacivilian lang din siya ng suot.
Mukhang narinig niya ‘yung napag-usapan namin tungkol kay Winter.
Tumakbo na rin ako para dumeretso sa room namin.
If Kiel really did something bad to Winter, I'll not let him go away for doing that!
Naunahan ko si Vincent kasi hinarang siya ni Ms. Gomez at pinapacutan kaya ‘di siya makaalis.
Pagdating ko sa room, pumasok agad ako at hinanap ng mata ko si Winter pero...
"Ano sl*t! Nagtatapang-tapangan ka pa non?! Bakit mo kasama si Russell magmall?! Dapat sa’yo, ipinapahiya nang matigil na yang pagiging higad mo!"
Pilit siyang hinuhubaran ng uniform ng dalawang babae habang nakayuko lang siya at may isa pang nanvivideo sa kaniya na siyang nagsabi n’on kanina.
Pinilas nila ‘yung sando niya kaya kita na ‘yung itaas n’ong dibdib niya pero hinaharangan niya ‘yon ng kamay niya at pilit na ibinabalik ang blazer niya.
Sila Cherry!
Bullsh*t!
Biglang dumating na rin si Vincent at nanlalaki ang mga mata niya nang makita kung ano ang nangyayari kay Winter.
"Winter!" sigaw niya saka nagmamadaling lumapit sa kanila at kasabay naman n’on ang malakas kong pagsipa ng upuan dito sa unahan at nataob ‘yon dahil wala namang nakaupo doon.
Nagulat ang lahat at napatingin sila lahat sa’kin pati ‘yung tatlong babaeng nanghuhubad kay Winter.
Nanlaki ang mga mata nila at napasinghap.
Agad silang napabitaw kay Winter at halatang hindi na malaman ang gagawin.
Agad na nakalapit na si Vincent sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.
May tumusok na naman sa puso ko kasi siya na naman ang naunang makalapit kay Winter pero hindi ko muna inintindi ‘yon.
Kunot na kunot ang noo kong lumapit sa kanila with gritted teeth and clenched fists.
Sumosobra na sila!
Porket hinahayaan ko lang sila noon sa mga pinaggagagawa nila!
Nang maklapit ako kay Cherry ay marahas kong hinawakan ang braso niya na may hawak na cellphone.
"Ooouch!" reklamo niya at pilit na inaalis ang pagkakahawak ko sa braso niya.
Gigil na gigil ako sa paghawak ng braso niya at kung hindi lang siya babae eh baka binali ko na tong kamay niya.
"`’Di ba, sinabihan ko na kayo na wag n’yo siyang gagalawin?! Ano ba talagang gusto n’yong mangyare?! Gusto n’yo ako mismo ang gumawa ng mga bagay na ikamimiserable n’yo dito?!" galit na galit kong sigaw sa kaniya.
Nangangatog naman ang katawan niya at naiiyak na nakatingin sa’kin.
Kinuha ko ‘yung cellphone niya at hinagis ko ‘yon nang malakas sa sahig at pinagtatapak-tapakan ko ‘yon kaya nabasag ‘yung screen.
"Stooooppp! My phone!" sigaw niya at miserableng miserableng nakatingin sa inaapakan kong phone niya.
Hinarap ko naman ‘yung dalawa na nanghuhubad kay Winter kanina at sabay kong hinawakan nang mahigpit ‘yung mga braso nila.
"Ganto ba ang gusto n’yo ha?! Ganto?!" sigaw ko sa kanila at nag-iiyakan na sila.
Walang nangingialam sa’min.
Walang tumatawa o ano.
Lahat tahimik lang dahil alam nilang kapag bayolente na ko, wala akong sinisino.
May biglang humawak sa braso ko at si Winter ‘yon.
Walang emosyon ang mukha niya at umiling-iling siya sa’kin na sinasabing tumigil na ako sa ginagawa ko.
"Russell, she's a thief! Diba nga, ninakaw niya ‘yung phone ko dati!"
Napatingin ako dito kay Kiyu na hawak ko.
"Oo nga! And she's a gold digger too! Ikaw pa ang pinagbayad niya ng pagpapasalon niya doon sa mall kaya why are protecting her?!"
Matalim ko silang tiningnan pareho kaya napatikom sila ng bibig.
"Ako ‘yung kumuha ng phone sa bag mo at inilagay ko sa bag niya. Sinet-up ko lang siya! Ako ‘yung nagnakaw n’on para mapagbintangan siya kasi gusto ko siyang ibully dati kaya hindi siya magnanakaw! At isa pa, ako ‘yung nanghila sa kaniya sa salon na ‘yon para paayusan siya! Kaya stop accusing her!"
Nanlaki ang mga mata nila sa mga inamin ko.
Hanggang ngayon kasi ay magnanakaw pa rin pala ang tingin sa kaniya dahil sa’kin.
"Sinong nagpasimuno nito?!"
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa braso nitong dalawa.
Napatingin sila pareho kay Cherry kaya tumingin rin ako sa kaniya.
Nanlaki naman ang mga mata niya.
"No! It's not me! Sabi sa’kin ni Kiel, I can do whatever I want to that sl*t- I mean to that girl at siya na ang bahala sa mg consequences kasi malakas naman daw siya sa’yo."
Napabitiw ako bigla sa pagkakahawak ko sa braso n’ong dalawa at napanting ang tenga ko nang marinig ko na naman ang pangalan ni Kiel.
Napatingin ako sa mga kay Winter.
Nakasara na ‘yung blazer niya at yakap pa rin siya ni Vincent pero may napansin ako sa mga braso niya.
Puro pasa ‘yon at may band aid din siya sa may ilalim ng leeg niya na natatago gawa n’ong buhok niya.
Natulala ako doon kasi parang alam ko na kung san niya nakuha ‘yon.
"So, ikaw na naman pala ang ma gawa nito?!" galit na galit na sabi sa’kin ni Vincent at lumapit sa’kin sinuntok ako nang malakas sa panga ko kaya napaupo ako sa sahig.
Nahilo ako nang sobra sa suntok niya.
Nakita kong inawat siya ni Winter nang susugod pa siya sa’kin.
"Nang dahil na naman sa’yo, nangyari na naman ‘to kay Winter! Hindi mo ba siya titigilan ha! Kulang pa ba ‘yung ginawa sa kaniya dati ng dahil sa’yo! Ano?! Magsalita ka! Asan na ‘yung nag- uumapaw mong kayabangan ha!" galit na galit siyang nagsisisigaw sa’kin.
Nakayakap na sa likod niya si Winter at kita kong hirap na hirap siyang pigilan si Vincent.
Hindi ako makapagsalita.
Nakita ko kasi ang binti ni Winter.
Puro pasa at sugat ang mga iyon.
Parang biglang nabasag ang puso ko ng makita ko ang mga ‘yon.
Ibig sabihin, n’ong dalawang araw na nasuspend ako ay ginaganito siya dito.
Hindi ko kayang maisip ang pinaggagagawa sa kaniya ni Kiel.
Naisip ko si Kiel.
Biglang uminit ang dugo ko.
Tumayo ako para puntahan siya pero...
"Tapos ano ngayon ha! Aalis ka! Pagkatapos mangyari ‘to kay Winter, aalis ka na lang! Sinasabi ko sa’yo! Layuan mo na si Winter para hindi na siya madamay sa mga kagaguhan mo kung hindi..." tumingin ako ng malamig sa kaniya at kita ko ang nag-aapoy n’yang mga mata sa galit.
"I swear, I'll kill you!" sabi niya at alam kong gagawin niya talaga ‘yon sa mga tingin niya sa’kin.
Hindi ko na pinansin ‘yung sinabi niya at lumabas na ako ng room.
Kiel you bullsh*t!
Prepare your grave today 'cause If I see you, you're f*ckin' dead bigsh*t!
Pumunta ako sa building ng mga Third year at hinalughog ko doon si Kiel.
"Where's Kiel!" sigaw ko ngayon dito sa lalaking nasalubong ko na third year.
Hawak ko siya sa kwelyo niya.
"A-Andun s-sa m-may l-lumang g-gym..." utal-utal na sagot niya at hindi makahinga.
Binitawan ko na siya at pumunta kaagad ako sa may lumang gym.
Nasa labas pa lang ako n’on pero rinig na rinig ko na ang tawa ni Kiel.
Pagpasok ko, kitang-kita ko na may binubully sila ngayon.
Oo, sila... dahil may mga kasamahan siya.
Anim sila ngayon.
"Lick my shoes!" sigaw niya doon sa binubully nila.
Bago pa man nila pilit na ipagawa ‘yon doon sa binubully nila ay naglakad na ako palapit kay Kiel.
Nakita kong napatingin siya sa’kin.
Nginisian niya ko.
Lalong kumulo ang dugo ko dahil sa ngisi n’yang ‘yon.
Kung noon, muntik ko nang mapatay si Shin at ang mga kasamahan niya, pero ngayon sisiguraduhin kong wala ng muntik dahil itutuloy ko talaga!
Nang makalapit ako sa kaniya ay agad ko siyang sinuntok nang malakas sa mukha kaya napaatras siya.
Pumutok naman ang labi niya.
Tumakas naman na papaalis ‘yung binubully nila kanina.
"So, your back..." humarap siya sa’kin at nakangisi pa rin habang pinupunasan ‘yung pumutok n’yang bibig.
"What the hell did you do to Winter?!" galit na galit na sigaw ko sa kaniya.
Nakangisi pa rin siya.
"Oh! That girl? I just declared that she will be a punching bag of this school while you are not here. Sayang nga at takot ‘yung marami dito na galawin ‘yung babaeng ‘yon dahil sa ipinagbawal mo. Sila lang ang naglakas loob na bugbugin ang isang ‘yon. Wag kang mag-alala... Dalawang araw lang namin siyang pinaglaruan... Umabsent kasi siya n’ong monday at tuesday tapos ngayon eh nandito ka na agad. Sayang naman... Mas pinahirapan ko pa dapat siya non!" puno ng pang-aasar niya na sabi.
Nagtagis ang bagang ko sa narinig ko sa kaniya.
Hindi ko akalaing ginawa nila kay Winter ‘yon.
Babae siya at mahina pero pinagtulungan siya ng mga p*tangnang mga gag*ng ‘to!
Susuntukin ko sana siya pero naramdaman kong may pumalo sa’kin sa likod nang malakas kaya napahiga ako sa sahig.
"F*ck!" mura ko dahil sa sakit ng likod ko.
Narinig ko ring may nagsara ng pinto nitong gym.
Mukhang kinorner na nila ako.
Tumayo ako kahit masakit ‘yung likod ko.
"Bagay nga sa’yo na ikaw ang maging hari ng mga bully dito. Talaga naman pala kasing may ibubuga ka. Akalain mo yon, nakatayo ka pa eh dos por dos ‘yung pinanghampas sa’yo...” sabi pa ni Kiel sa’kin pero ang layo naman ng distansya niya.
Nginisian ko lang siya.
"Eh mahina naman kasi pumalo tong isang ‘to."
Hinarap ko ‘yung namalo sa’kin.
Pinalagutok ko na ‘yung mga daliri ko sa kamay.
"Do you want me to teach you how to use that properly?"
Susugod na siya pero sinipa ko ‘yung binti niya kaya napadapa siya at nabitawan niya ‘yung dos por dos...
Hindi siya makatayo nang maayos ngayon dahil sa sipang nakuha niya sa’kin.
Sinipa ko pa siya sa mukha at namilipit siya sa sakit.
Meron namang may hawak na tubo na ipapalo dapat sa ulo ko pero nailagan ko ‘yon saka ko hinawakan ‘yung tubong hawak niya saka ko siya sinipa sa sikmura niya kaya natumba siya at naiwan sa’kin ‘yung tubo.
Pinaghahampas ko siya n’on pero naramdaman kong may papasugod sa likod kaya tumira agad hampas ng tubo at tinamaan ko siya sa may dibdib niya.
Napaubo-ubo naman siya at masamang tumingin sa’kin.
Naasar naman ako sa pagmumukha niya kaya hinampas ko siya pero nahawakan niya ‘yung tubo at nag-aagawan na kami pareho.
Inagaw ko ‘yon palapit sa’kin saka ko siya hineadbang nang malakas sa ulo niya at binitawan ko ‘yung tubo kaya tumalsik siya.
Ipinilig ko ‘yung ulo ko kasi nahilo ako doon sa pangheheadbang ko.
Dalawa na lang ‘yung nagbabantay sa’kin at si Kyle naman ay nag-aabang lang na may malayong distansya.
Alam ko na ang klase ng isang to, ‘yun bang gumagamit ng lakas ng iba para mang-apak ng kapwa.
Halatang hindi siya marunong lumaban sa pisikal kaya nangggamit siya ng mga marunong n’on.
After I finish this two, you're really f*ckin dead put*ngna ka!
Sinugod na ako n’ong isang may hawak na kalaykay saka winasiwas niya sa’kin ‘yon.
They're really using things na panlaban sa’kin kaysa mano manong kamao.
Tinamaan n’on ‘yung braso ko kaya nagkaroon ako ng mga sugat doon at dumugo ‘yon.
Napahawak naman ako doon at napaatras.
Yumuko ako dahil iwinasiwas niya na naman ‘yung kalaykay saka ko siya sinipa where-it-really-hurts-for-us-boys.
Nabitawan niya ‘yung kalaykay na hawak niya at napahiga siya at namilipit sa sakit.
Hindi ko na nailagan ‘yung isa pang umatake sa gilid ko.
Sinapak niya ko sa mukha.
Buti na lang at wala siyang gamit na ano mang bagay pero pumutok ‘yung labi ko.
Napangisi ako at pinunasan ko ‘yung bibig ko pero sobrang sumeryoso na ako.
Binawian ko siya ng isang malakas na uppercut at umikot pa ko saka ko siya sinipa kaya tumalsik siya.
Napatingin ako sa kanila.
Mga namimilipi sila ng sakit at ‘yung iba ay wala ng malay.
Tiningnan ko si Kiel.
Mukhang natatakot na siya sa’kin.
"I'll ask you one last question. Why did you do that to Winter? Anong pakay mo sa kaniya?!" seryoso kong tanong sa kaniya.
Dito nakasalalay ang ang gagawin ko sa kaniya.
Pag wala akong nakuyhang matinong sagot sa kaniya... Asahan niya na hindi na siya sisikatan ng araw!
"Why did I do that to her?! A very simple question... Naalala mo pa ba ‘yung huling ginawa mong trash bago ‘yung robot na yon?"
Nagtaka naman ako doon sa tanong niya pero naalala ko nga ‘yung sinabi niya.
`Yung kimpee ang buhok na nakasalamin.
Naaalala ko ‘yon kasi natatawa ako sa hairstyle ng isang ‘yon.
"Ano namang koneksyon ng isang ‘yon sa ginawa mo kay Winter?!" naiinis kong tanong sa kaniya.
Ayoko na sanang pahabain ‘to pero gusto ko munang alamin kung ano ba talaga ang naging dahilan niya para gawin ‘yon kay Winter.
"Siya ang kuya ko at pangarap n’yang makapasok dito sa school na to, matagal na. No’ng makapasok siya, nagtransfer out agad siya dahil nilagay mo siya sa trashlist at dahil sa mga pambubully sa kaniya! Alam mo ba kung gano kasakit ‘yon para sa kaniya ha! Nagkaron na siya ng trauma sa school at hindi na siya lumalabas sa kwarto niya! Dahil doon, gusto kong gantihan ka!"
Puno ng poot na sigaw niya sa’kin.
Kung titingnan ko nga ay makahawig silang dalawa n’ong Kimpee na ‘yon.
"Ginawa ko ang lahat para mapalapit sa’yo... Sabi nga nila, "Keep your friends close but keep your enemy closer." Napansin ko na interesado ka kay Winter kaya naman naisip ko na siya ang gagawan ko ng masama para naman masaktan ka at nagtagumpay ako! Tingnan mo ang itsura mo ngay-!" hindi ko na siya pinatapos at sinuntok ko na agad siya sa mukha.
Napaupo siya sa sahig.
Tiningnan niya ko ng masama.
"Masakit , ‘di ba! Masakit na makita mong nasasaktan ang taong mahalaga say—”sinuntok ko ulit siya sa mukha para patahimikin ko na siya.
Pinagsusuntok ko siya.
Biglang pumasok sa isip ko ang mga imahe ng mga pangyayaring dinanas ni Winter n’ong wala ako sa tabi niya at na pinahihirapan siya dito sa school na ‘to...
`Yung mga pinaggagagawa sa kaniya at wala man lang pumupunta sa kaniya para tulungan siya.
Wala man lang nagliligtas sa kaniya!
Sobrang sumasakit ang puso ko.
"Alam mo ba n’ong binuhusan namin siya ng bulok na dugo ng baboy tapos para siyang baliw na nagsisigaw! Grabe! Nakakatawa siyang panoori—”sinapak ko na siya para tumigil na siya dahil ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya.
Akala ko, tapos na kapag sinabi kong tapos na pero hindi.
Mas malala pa ‘to kaysa doon sa dinanas ni Winter sa kamay ni Shin.
"Marami pang iba dyan na galit sa’yo... Hindi lang ako. Marami sila kaya wag kang magtataka kung tatargetin nilang mabuti ‘yung robot na ‘yon dahil sa’yo! Poor Winter... Dahil sa’yo, sinasaktan siya ng iba!"
Napatigil ako doon sa sinabi niya at napangisi naman siya.
Biglang may humampas sa ulo ko kaya napahiga ako.
Sobrang nahilo ako dahil doon.
Dumidilim din ang paningin ko at naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa mukha ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng gym.
At doon ay sumigaw ang isang lalaki.
"Anong nangyayari dito?!"