Chapter 42 - One Sided Love ~Sophia~ Bumalik na kami ni Carlo sa may Reception Hall. Umupo muna kami sa may isang vacant na table. Marami pa kasi ang nagsasayaw kaya walang masyadong mga nakaupo sa mga table. Ang tahimik naming dalawa. Hindi ako komportable sa ganitong katahimikan. Napatingin ako kay Carlo habang siya ay nakatingin lang sa kung saan. Namimiss ko na siya pero hindi ko naman siya magawang kausapin nang maayos dahil nahihiya ako sa kaniya at iniisip ko na baka galit siya sa’kin dahil sa mga sinabi at ginawa ko sa kaniya noon n’ong 1st year kami sa dati naming school. Hindi ko naman gustong masabihan siya ng mga bagay na ‘yon noon. Alam ko namang wala siyang kasalanan sa mga nangyayari sa’kin dahil miski siya ay biktima rin pero dahil sa sobrang sama ng loob ko n’on

