Chapter 43 - Tension Monday... ~Winter~ Naglalakad ako ngayon papunta sa may Music Room. Iba ‘yung music room na ‘yon doon sa lumang music room na lagi kong pinupuntahan dati. Pansin ko na lahat ng estudyante ay nakatingin sa’kin... sa’min pala dahil kasama ko ngayong maglakad si Gino. Nakapamulsa lang siya habang naglalakad. Ramdam na ramdam ko ang mga malaespadang tingin sa’kin ng mga kababaihan dito sa school. Pangatlong araw ko na tong nararanasan. Kinabukasan kasi n’ong party ay kami na lang palagi ang pinag-uusapan dito. "Sila na pala ni Russell n’ong wednesday pa no?" Nagulat naman ako doon sa narinig ko. Saan naman kaya nila nakuha ang balitang kami na ni Gino? Hindi naman kami dahil nagconfess lang siya sa’kin n’on. "Grabe! Ang swerte naman niya!" "Lalo na n’ong iki

