Chapter 47 - Engagement ~Vincent~ Nandito kami ngayon sa music room nila Carlo at Sophia pero nag-aalala talaga ako kasi hindi pumasok si Winter ngayon. Pati ‘yung mayabang na Russell na yon, hindi rin pumasok. Ano kayang nangyari at hindi sila pumasok pareho. Sinubukan ko na ring tawagan si Winter sa phone niya pero nakapatay ‘yon. Ngayong nagpapractice kami ay wala ako sa wisyo kaya nawawala sa tono ‘yung paggigitara ko. "Vincent. Anong problema? Kanina ka pa lutang ah." tanong sa’kin ni Carlo. "Pasensya na, sige aayusin ko na,” sabi ko na lang. Nakakapagpractice naman kami kahit kaming tatlo lang pero hindi ko pa rin maalis tong sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Pano kaya kung absent sila pareho ni Russell kasi magkasama sila ngayon? Sumasakit talaga ang puso ko sa pag-iis

