Chapter 48 - Suicide ~Russell~ "Whaaaatt?!" sigaw ko kay Mom dahil sa sinabi niya. Napatakip naman siya ng bibig niya. "Ooppsss. Nadulas ako." nakangiwi n’yang sabi. "Spill it Mom. What do you mean about that engagement thing?" panggigisa ko sa kaniya. Ano na naman ba ang pinaplano ni Dad?! Ni hindi man lang nila ako sinasabihan. Ngumiti siya ng painosente. "Why? doon rin naman kayo pupunta? Bakit ‘di pa agahan? Tsaka engagement pa lang naman eh, hindi pa kasal." parang wala lang na sabi niya. Napanganga kami pareho ni Winter sa sinabi niya. "Ehhh kasi... No’ng una, hindi ako pumayag doon sa plano ni Charlie na engagement party n’yo kasi masyado pa kayong bata para sa gan’ong bagay. No’ng birthday mo nga Baby Gino ‘yun dapat gaganapin. Isasabay sana ‘yung engagement doon sa birt

