Chapter 49 - Her Past ~Winter~ Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakaupo sa kama. Hawak hawak ko ang picture ng pamilya ko at nakatitig lang doon. Kuha ‘to no’ng 5 years old pa lang ako. Tiningnan ko ang Mom ko na nakangiti habang nakayakap sa’kin. Napakaganda niya talaga. Ang sabi sa’min noon ay sa kaniya ako nagmana at magkamukha kami. Parehas kami ng hugis ng mata, ng ilong at ng hugis ng labi. Tiningnan ko naman si Dad. Ang lawak ng pagkakangiti niya at nakaakbay siya sa Mom ko at nakaakbay din siya sa kabila niya na si Ate Maxine na nakangiti rin. Nakayakap naman siya kay Dad. Ang gwapo ni Dad at sa kaniya nagmana si Ate Maxine. Parehas na parehas ‘yung ilong nila tsaka mata pati ‘yung hugis ng mukha kaya ang ganda ni Ate Maxine. Napangiti ako sa pagtingin ko ng larawan namin.

