"DRENTO'S P.O.V."
Ngayon na ang Araw ng pageant na mamayang gabi gaganapin. Nag day off muna kami ni larry, pinayagan naman ako ng manager namin. Ang sabi rin ni Rye sa akin ay manonood siya bilang pagsuporta. Hinanda na din namin ni larry ang gagamitin namin mamaya. Maaga pa naman kaya napagpasyahan ko munang matulog.
Mag-aalas kwatro na ng ginising ako ni larry. Nakabihis na siya at hinahanda ang make up na gagamitin niya, mukha itong bago.
"Bessyy kumilos ka na at anong oras na no! Maligo ka na at aayusan na kita ng buhok! Mamaya na kita me make-upan pag tapos ng rehearsal nyo para di ka agad ma haggard. Inaayos ko lang to. Dali na!"
"Bakit ka ba nag mamadali? E mamaya pa namang ten ang simula." Ani ko
"Baka nakakalimutan mo kailangan 6 andon na. May rehearsal pa kayo, at kukuha ka pa ng number. Ayoko namang maging panghuli ka no." Ani niya
"Oo nga pala. Sige maliligo nako haha" pag bibiro ko sa kanya.
"Bilisan mo gaga ka!" Akmang hahampasin niya ako ng straighteners pero mas mabilis ako naka pasok ng banyo Hehe. Hindi naman ako gaanong nagtagal sa banyo. Kaya pag ka labas ko nasa loob na si inay ng aking kwarto at nakikipag usap kay larry.
"Halika na bes! Umupo ka na rito! At iboblower ko yang buhok mo bago plantsahin." At umupo na nga ako para masimulan na.
"Anak mag meryenda muna kayo bago kayo umalis ah? Iginawa ko kayo ng egg sandwich. Pwede niyo rin namang baunin. Bigyan mo narin si pogi. Iniwan ko lang sa lamesa"
"Opo nay. Baunin na lang po namin"
"Thank you nanay elsa mwaa!" Ani ni larry
"Osye sige na muna at pupuntahan ko na ang tatay mo"
"Opo" sabay naming sabi ni larry.
Wala kaming imikan ni larry habang binoblower niya ang aking buhok. Tinignan ko ang itsura niya. Naka make up na din siya at nag wig. Maganda siya kung naging babae. Nakasuot siya ng maong short at hanging blouse na Red ang kulay, Napansin ko rin na may nakalagay na 'DRENTO FOR THE WIN!' Printed shirt.
"Bessy namaaaan! Napaka supportive mo naman" sabay turo ko sa damit niya.
"Shempre naman no! Ikaw ang nag iisang Bestfriend ko kaya dapat support kita! Love na love kita e!" Sabay flip ng hair nya. May wig na e kaya nag mamaganda na hehe.
"Thank you talaga bes!" Sabay tayo ko at hug sa kanya.
"You're always welcome bessy! Osya tama na ang drama naiiyak nako hahaha. Bilisan mo na bruha ka talaga!" Sabay punas sa naluluha niyang mata. Kahit kailan napaka iyakin.
"Hahaha ikaw nga tong dapat bilisan e" sabi ko. Nakatanggap naman ako ng mahinang batok sa kanya.
Ipinusod niya ng mataas ang plinansya kong buhok(ponytail). Nilinis niya ito para walang matirang hibla. Simple pero ang ganda ng kinalabasan, sabi niya ito daw ang babagay sa yellow coordinates na susuotin ko sa introduction. nilagyan niya pa ng maliliit na bulaklak na silver at ikinalat niya sa magkabilang gilid, pinag bihis na niya ako ng Maong shorts at white fitted crop top. Isinuot ko na rin ang black stiletto, ipinasuot na din nya ang aking sash na may nakalagay na BSD. Cainta Rizal. Inihanda na ni larry lahat ng gagamitin namin. Ako na ang nag dala ng mga damit na nakalagay sa hanger na may platik. Dumaan muna ako sa kwarto nila nanay at tatay. Pag pasok ko nakahiga si tatay sa kanilang kama habang nanonood ngunit ng bumaling sa akin ang kanyang paningin ay ngumiti ito ng malawak.
"Ang ganda naman ng prisesa ko! Halika nga dito. Pa yakap nga ang tatay."
"Tatay talaga, maraming salamat po." Tumabi ako sa kaniya at yumakap.
"Kamusta po ang pakiramdam mo tay?" Si tatay ay nagka mild stroke. Meron na din siyang sakit sa puso. Kaya maigi na lang na dumito na lang sila sa bahay. Niregaluhan naman kami ni rye ng wheel chair para sa tuwing mag papa araw siya ay hindi na mahihirapan pa si nanay. Nakakalakad pa naman si tatay pero lagi siyang nahihilo kaya hindi ko na rin pinagtrabaho si nanay upang siya na lang ang mag bantay kay tatay.
"Ikaw talagang bata ka, napaka maalalahin mo. Okay naman ako anak, wag moko alalahanin. Ipapanalangin ko na sana manalo ka. Kahit na alam kong sigurado naman talagang mananalo ka."
"Tumpak tatay long!" Ani ni larry
"Tatay talaga napaka mapagbiro. Wag ho kayo masyadong umasa baka po ma disappoint kayo."
"Basta lagi mong tatandaan, manalo ka man o hindi ikaw parin ang prisesa ko!" Napuno ng tawanan sa kwarto nila tatay. May narinig na kami na busina, siguro si rye yon. Siya na din kasi ang nagpresinta na maghahatid samin.
"Oh andiyan na si pogi. Sige na anak puntahan mo na." Ani ni tatay
"Tara na bes. Nay mag lock ho kayo ng pinto at isara niyo po ang bintana bago matulog ha. Mauuna na po kami"
"Mag iingat kayo anak" ani ni nanay na ginantihan ko ng tango bago isinarado ang pintuan.
Sinalubong kami ni rye, kinuha niya ang dala ko at pinag buksan at inalalayan akong paupuin sa passenger seat. Inilagay naman niya ang dala ni bes at dala ko sa likod ng kanyang sasakyan. Ngunit ng pag tingin ko sa kanyang damit. Pareho sila ni bes. Red din ang kanya. Tinernohan niya ng leather jacket at pantalon na black.
"Wahh thank you sa support guys! May pa couple shirt pa kayong dalawa ah!" Biro ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako.
Nakarating kami ng 5:40, sinabi ni rye na mauupo na siya sa audience seat hanapin ko lang daw siya sa may bandang unahan at gitna kapag nailang akong tumingin sa ibang tao. sakto namang nagbibigayan na ng numero kaya pumila na ako at kumuha na din. 20 lang kaming natira na kandidata. Ang nakuha kong number ay 11, Natanaw ko na rin si thalia na ang numero ay 7. Nang mag aalas sais na ay pinapila na kami ng aming instructor, ipinagawa niya sa amin ang mga naipractice namin. Mabilis lumipas ang oras at mag aalas otso na, mabuti na lamang at aircon dito. dumadami na rin ang mga manonood. Kaya pinapunta na kami sa back stage, kung saan naghihintay ang aming mga make up artist pati narin ang mga gamit namin. Dahil mamaya pag question and answer na ay hindi na pupwede ang tao sa loob. Kanya kanya na kami ng ayos ng sarili namin mamaya. Sa isang ginawang kwarto lima kaming kandidata ang umuukupa. Ang kasama ko ay ang 12 to 15.
"Hi Drent!"
"Hello jessi!"
"Kinakabahan ako drent. Hindi man ito yong unang sali ko sa pageant pero sigurado akong ito yong magiging best experience ko!!" Kinikilig na sabi niya.
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.
"Eh kasi balita ko ang tagapag mana daw ng F-Group of Companies ay isa sa mga judge ngayon. He's perfect!"
"Ah okayy." Sagot ko dahil hindi ko anman ito kilala.
"good luck satin. Let's do our best!" Ani sakin ni jessi
"Salamat! Goodluck satin" sabay ngiti ko sa kanya at nagtungo na kung saan na aayos ng gamit si larry. Ngunit may narinig ako sa labas na 'Goodluck talaga sayo'. Ngunit ipinag sawalang bahala ko na lang at naupo na.
"Bes ha! Tandaan mo ang mga sinabi ko sayo! Wag kang mag papa apekto sa mga sinasab ng iba. Basta ngumiti ka lang ng may kislap sa mata. At lumakad ng May confidence! Ngumiti ka lang ng tunay. Imaginin mo sila nanay elsa na nanonood sayo."
"Opo Fairy god mother haha"
"Halika na nga at ayusan na kita nakakaloka ka"
Mag aalas nuebe na ng matapos si bes sa pag aayos sa akin. Ang ganda at ang linis ng pag kaka ayos niya sakin. Yong black-brown na kilay ko ay pantay, visible padin yong hair kasi may katamtamang kapal naman talaga ang kilay ko. My eyeshadow is a combination of silver and brown nilagyan din niya ako ng false eyelashes, blush slight pink and peach, and the for the lips is Color of an Old rose. Sobrang ganda hindi na rin na ngangati ang mukha ko. Binanggit niya kasi na branded lahat ng make up na nahiram niya. Nagtataka ako kase lahat bago. Ni re-touch niya rin ang aking buhok. Pinasuot niya na lang ako ng roba upang mabilis na lang akong makapagbihis. Meron naman akong skin-toned na cycling. May silicon brea*t pad din na ibinigay sakin si bes.
"Charaaan! Hanga ka na ba sa kakayahan ko besshy?" Ani ni larry.
"Yes mother hahaha"
"Ito pa pala isuot mo, ingatan mo yan ha." Sabay aboy niya sa akin ng jewelry box. It was a set. Mukha siyang mamahalin.
"Bes tunay ba to? Bakit parang ang mhal niya tignan" nakita kong nag iwas ng tingin si bes sakin, ngunit ibinalik niya agad at ngumiti sakin sabay bulong.
"Nabili ko lang yan sa tiangge, wag kang maingay kaya isuot mo na yan." Bulong niya
"Hahaha okay sige. Akala ko talaga tunay e." Mukha kasi siyang white gold na may pendant na heart pero mukhang tunay din na Diamond. Sinilip ko ang likod at may nakita akong HD.
"Hindi no! Di ko afford yon hahaha!"
"Wow bes! Pina customize mo pa talaga ah! Thank you bes! Babayaran ko sayo to balang araw! Love you bes!" Ani ko. Naputol ang pag uusap namin ng pumasok na ang instructor at pinag bibihis na kami. Yellow ang isusuot naming lahat para sa introduction. Lahat muna kami lalabas ng magkakasunod ayon sa aming numero. Isinara ni bes ang kurtina at tinangal ko na rin ang aking roba. Ipinasuot na sa akin ni bes ang Yellow long sleeve turtle neck, isinunod na niya ang yellow leather pencil skirt na may slit na hangang hita.
"Maupo ka na muna bes at ako na ang mag susuot sayo ng stiletto mo." Umupo na nga ako at isinuot na sa akin.
"Alam mo bes ang swerte ko talaga sayo." Proud na proud kong saad sa kaniya.
"Hmp! Nambola ka pa! Oh eto pa pala yong number mo!" Nilagay niya ito sa itaas ng slit.
"Basta bes ang mga ibinilin ko sayo ha. At wag na wag mong kalilimutan ang pinaka mahalaga!" Ani niya ulit.
"JUST ENJOYYY!" Pareho naming saad at nag tawanan kami.
"ARE YOU READY LADIES?!"
"YES MISS DIANA!" We all said in unison ng papilahin kami ng naayon sa aming numero. Nagsimula ng mag Announce ang isa sa emcees. Its about the judge's Criteria.
"THIRD PERSON POV"
Nagsimula ng batiin ng emcee ang mga judges at mga audiences. Sinabi ng emcee na kada pagpapakilala at interview ay 3-5 minutes lang.
For Top 20
Introduction/Interview = 20% 3-5mins
Talent = 25% 2-3mins
Swim wear = 15%
Question and Answer = 25% 30sec-1min
Evening wear = 15%
"So ayan po ang ating judges criteria! naipakilala ko na po sa inyo ang ating gobernador! Ngayon ay ipapakilala ko sa inyo ang ating Gwapong judges na si MORRIS LUKARIAH FUENZO!" Tumayo na ang binata at tumango ngunit seryoso lang ang kanyang mukha. Ne hindi niya nagawang ngumiti. Napilitan lang naman siya dahil may mahalagang lakad ang kanyang ama. Marami pang ipinakilala ang emcee. Pitong bigating tao at negosyante ang mga hurado. Nasa pinaka gitna si Morris at katabi ang kanyang girlfriend na si drentashi. Isinama ni morris ni drent dahil hindi niya hilig ang ganitong okasyon. Maaring makatulong ang babae sa pagiging judge niya. Nagsimula ng lumakad ang number 1 na kandidata. Sunod sunod na silang nagpakilala. Number 7 na at kitang kita sa number 7 na sanay na sanay na siyang sumali sa mga pageant.
"Hello everyone, My Name is Thalia Jariento. 18 years old, i live in Angono rizal. First year college, Student of University Of Saint Lucas. And I believe that 'people who have goals and dreams will succeed because they know where they're going.' And i thank you."
May mga sinpleng tanong din naman ang emcee. Its about their selves.