bc

To Apricate With You

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
independent
self-improved
drama
bxg
city
enimies to lovers
first love
lies
slice of life
classmates
like
intro-logo
Blurb

I always thought that crying is a symbol for weak persons. So I promised not to cry.

I always thought that I can handle myself. So I promised to take care of myself.

I always thought that the sunset is my home. But when you came, what have you done?

"I'm feeling hiraeth towards you. You're my home that I can never return to. And I'm lost in the middle of a caligo still finding a way to go back home."

chap-preview
Free preview
Prologue
I'm back The color of the sunsetting, that surrounds the every corner of my eyes. hinding-hindi ako mapapagod na titigan ang pag-lubog ng araw. Saksi ng lahat ng aking napagdaanan, ang aking pag hinagpis, lahat ng tungkol sa akin. Bumuntong-hininga ako sa aking mga sinabi sa aking isip habang naka-tulala sa magandang paglubog ng araw. Kasalukuyan akong naka-sandal sa railing ng balkonahe namin. Sa dinami-dami kong napag-daanan ay ito ako, binibisita pa rin ng tingin ang paglubog ng araw. "Hoy señorita! mag-impake ka na nga ro'n, puro ka tambay riyan." Salubong na sermon ka agad sa akin ni Meuza, ang matalik kong kaibigan. Inabutan n'ya ako ng kape at saka umupo sa upuan na naka-lagay sa may gilid ng balkonahe. "Tss. Ikaw nga puro tulog." Pabalang kong sagot sakaniya. Malapit na siyang masamid sa sinabi ko. Nilapag n'ya 'yong kapeng iniinom n'ya sa mesa na nasa harap ng upuan, pinunasan niya ang kaniyang bibig habang naka-turo s'ya sa akin. Tss. Tumayo siya at tinuro-turo ako habang sinesermonan. "Hoy babaita! FYI! kakagising ko lang kasi nag impake ako kaninang umaga at nag karoon pa ng emergency sa trabaho kaninang tanghali kaya late nanaman ako nakapag-lunch! Tapos hindi pa ako naka-tulog ng maaga kagabi kasi nga busy ako kaka-ayos ng mga next projects ko! Tapos pag-gising ko 'to madadatnan ko!? Hindi ka pa tapos mag-impake!? Tapos ako pa sasabihan mong 'Ikaw nga puro tulog' Kung gusto mo kayang ihagis kita riyan!?" Sabay turo n'ya sa kalsada. Napaka-ingay ng bunganga. Sinilip ko 'yong tinuro n'ya. Ngumiwi muna ako. "P'wede naman, pero ikaw una. Ikaw nag insist eh." Blanko kong sabi sakan'ya para lalo s'yang mainis. "Sa dinami-dami ng sinabi ko, 'yan lang irereply mo!?" Hindi ko na lamang siya pinansin at sumimsim na lamang sa kapeng binigay n'ya sa akin. Naka-tingin pa rin s'ya sa akin habang naka-turo sa akin. Tumingin lamang ako sa papalubog na araw at hinintay ang susunod n'yang walang k'wentang pahayag. "You are unbelievable!" Sabay pa-dabog na upo muli sa upuan at naka-simangot na sumimsim sa kape n'ya. Ngumisi lamang ako at pinagpatuloy ang pag titig sa palubog na araw, at pag-inom din ng kape. Ilang minutong katahimikan at nagsimula nanaman ang pag-andar ng bibig ng aking kaibigan. Bumuntong-hininga ng malakas si Meuza at saka nagsalita. "Settled na tayo pagdating sa Pinas." "A-hum." Pagsagot ko lamang sa sinabi n'ya. "Sa Quezon ako kumuha ng condo, ang ganda naman kaso, mag-iba ka ng kaonti ro'n pag-dating natin. Para mas bet ang surrounding hehe." Hindi ko man s'ya nilingon pero rinig ang pag-inom n'ya muli ng kape pag-katapos magsalita. "A-hum." Walang-gana kong sagot muli. Bumuntong-hininga muli s'ya ng malakas. " Bumili na rin ako ng kotse 'staka ng motor. Kilalang-kilala na kita kapatid! mwehehehe." "A-hum." Wala sa wisyo kong sagot. Rinig ko ang pagbulong-bulong ni Meuza sa hangin. Ilang minutong nakalipas ay nagsalita nanaman muli s'ya. "Dahil pag-dating natin do'n eh ,ay one week pa tayong pareho na free time, Nagpa book ako sa Palawan. Para chill-chill." "A-hum." Sabay simsim ko muli sa kape. Ng rumehistro sa utak ko ang kaniyang sinabi ay lumaki ang aking mga mata. Hindi ko pa rin na ilulunok ang ininom kong kape kani-kanina lamang. Lumingon ako sakan'ya ng malaking pa rin ang mga mata. Nakangisi na s'ya habang naka pang-dekwatro ang upo. Uminom muna s'ya sa kaniyang kape ng elegante kunwari at saka lumingon sa akin. "Ininvite ko na rin s'ya, para happy tayong lahat. 'Di ba ang saya ng surprise ko? Surprise mehn!" Dali-dali s'yang tumayo pa-tungo sa akin para akmang yakapin ako. Dahil sa gulat ko ay na ibuga ko sakaniya ang kapeng hindi ko pa na ilulunok. "Tangi- para namang engot Blist!" Inis n'yang sabi sa akin habang pinupunasan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang damit. Dahil do'n ay nakikita na ang kaniyang bra. "Ibaba mo nga 'yan! Ang tataas ng mga building dito oh! baka makita ka, pumasok ka na nga ro'n!" Sermon ko sakaniya at nagligpit na ng kalat. "Tangina, ikaw pa may ganang manermon." Naka-simangot niyang sabi saka pumasok na sa loob habang bumubulong-bulong pa. Napaka-kulit kasi. Alam kong biro lamang ang sinabi n'ya ngunit hindi ko naiwasang magulat. Bumuntong-hininga ako. Nang natapos ko ng linisin ang mga kalat ay kinuha ko na ang mga basong pinag-lagyan ng kape na halos ubos na. Tumingin muna muli ako sa papalubog na talagang araw at ipinikit ang mga mata. Handa na ako. Sabi ko sa kaloob-looban ko at minulat ang mga mata. Bumuntong-hininga muna muli ako at saka pumasok na sa loob. ~ "Hay nako Blist, gusto ko pa namang matulog ng maaga." Sambit niya habang tinutulungan ako sa pag-iimpake. Kung kailan malapit na kaming matapos saka s'ya magrereklamo amp. "Woi! Ikaw nag-sabi na tutulong ka, kung puro ka reklamo matulog ka na nga riyan!" Sabay turo ko sa kama gamit lamang ang aking ulo. "Papaano naman kasi, damay rin ako kapag late tayo bukas! Panira ka ng excitement eh." Sabay tayo n'ya muli upang kuwanin pa ang mga kinuha kong damit ko na inilapag ko sa gilid ng kama. "Patapos na oh! Ako na rito, ro'n ka na nga" Inis kong sabi sakaniya. "Ba't ka galit? Kakatapos mo lang magkaroon ah? Hindi ka ba nakakain kaya ka gan'yan?" Sumisilip pa s'ya sa mukha ko habang nagsasalita. "Oo, hindi pa 'ko nakain, kaya umalis ka na baka ikaw kainin ko." Pabalang kong sabi sakaniya habang hindi lumilingon sakaniya dahil inilalagay ko ang mga huling damit para matapos na ako. "Ay bet. Rawr!" Sabay bulalas n'ya ng tawa. "Fine! Bilisan mo na magkakainan na tayo, I mean kakain na." Sabay alis n'ya sa kwarto namin at sara ng pinto. Wala pang ilang segundo ay bumukas muli ang pinto. Hindi na lamang ako lumingon ddahil baka may nakalimutan lang. "Blist." Lumingon ako sakaniya. Naka-silip ang kaniyang ulo sa pinto. "Ano?" Naka-kunot noo kong tanong sakaniya. "Rawr!" Ginamit pa niya ang kaniyang kamay na animong tigre. Sabay bumulalas siya ng tawa at ibinagsak pa pasara ang pinto. "Baliw amp." Nanatili ang tingin ko sa pinto sabay umiling-iling ako. Pinagpatuloy ko ang pag-iimpake. Hindi ako sanay sa katahimikan hindi dahil sa kaingayan ni Mueza kun'di ay dahil hindi talaga ako sanay. Kinuha ko ang aking cellphone at nakinig ng mga opening song ng mga anime. Sumasabay ako sa mga liriko ng kanta. Kahit na salitang Nihongo ang kanta ay kabisado ko dahil sa talagang binibigyang oras ko ang pag kakabisa ng mismong kanta. Isasara ko na sana ang aking bagahe ng mahagip ng aking mata ang isang karton. Tinitigan ko muna iyon bago napag-pasiyahang kuwanin iyon. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nag-tungo sa maliit na karton na iyon. Nilabas ko nga pala 'to kanina. Buti hindi nakita ni Mueza. Kinuha ko ang karton na iyon at umupo sa gilid ng kama. Binuksan ko iyon at kinuha ang nasa loob na laman. Isa iyong itim na pinag-halong asul na kulay na relo. Bagong-bago pa iyon. Naalala kong pinag-hirapan kong mag-trabaho at mag-ipon upang maibili ko ang relong ito. Bumuntong-hininga ako at saka ibinalik ang relong iyon sa karton. Bumaba ako sa sahig at binuksan muli ang aking maleta. Inilagay ko ang karton na iyon sa maliit na space na pupuwede pang pag-lagyan ng karton na iyon. Sinara ko na muli ang aking maleta pag katapos mailagay ang karton. itinayo ko na ang maleta at inilagay sa may gilid ng sofa. Lumabas na ako at nagtungo sa kusina upang kumain na. Ibibigay ko sakaniya 'yon, kapag itinadhanang magkita ulit kami. ~ "Hello Philippines I'm f*****g back!" Malakas na sigaw ni Meuza pag-kalabas ng airport. Kanina pa 'to gustong sumigaw pagka-lapag ng eroplano, buti na pigilan ko. Hindi nga lang ngayon. "Tangina Meuza! May bata ro'n oh, tatanggalin ko 'yang dila mo!" May diin kong bulong sakaniya. "Ahy sorry po!" Pag-hingi n'ya ng tawad sa nanay ng bata na masama ang tingin sakaniya pati na rin sa mga iba pang taong naka-tingin sakaniya. "Tarantado ka, nakakahiya ka talagang kasama kahit pa dati! Tumabi ka nga!" Pag-taboy ko sakaniya dahil pinag-titinginan na kami ngayon ng mga tao. "Gaga, naexcite lang, bawal ba ha!?" Sabay irap n'ya sa akin at nauna ng mag-lakad. "Bobo! hindi riyan dito!" Napalakas kong sabi. Dali-dali siyang nagtungo sa akin. "Oh tingnan mo! Pati 'yang bibig! 'Wag kang mag malinis ghorl!" Sabay hawi n'ya ng kaniyang buhok at nauna na muling mag-lakad sa tamang direksyon. Hindi ko na lamang pinansin ang mga matang naka-tingin sa amin. Maka-tingin parang nakakita ng aswang ah. "Meuza, Woi!" pag-habol ko sakaniya. Talaga namang iniwan pa sa akin 'yong maleta n'ya. 'Pag 'to iniwan ko rito iyak 'to. Naghintay kami sa kuya kong mag-susundo sa amin. "Ang tagal naman ni kuya Nev! Ang init talaga basta rito 'no Blist?" Tumango lamang ako sakaniya dahil totoong ang init at nanibago ka agad ako. Maka-lipas ang limang minutong pag-hihintay ay nasa harap nanamin ang kotse ni kuya. "O.M.G! Kuya!" Sabay yakap n'ya kay kuya. 'Yong totoo, sino ba 'yong totoong kapatid? "Meuza! Ang tangkad mo pa rin! na miss kita!" Umirap lamang ako sa sabi ni kuya. "Enebe kuya Nev, ako lang 'to" Sabay lagay ng kaonting takas na hibla ng buhok sa likod ng kaniyang tainga. Talandi amp. Tumawa lamang si kuya at saka nilipat ang tingin sa akin. Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay hudyat na gusto n'yang bigyan ko s'ya ng yakap. Bumuntong-hininga lamang ako at saka pumatungo sakaniya at niyakap s'ya. "Namiss mo ko 'no?" Asar na tanong sa akin kuya. Bumitaw ka agad ako sakaniya at nilagay ko ang aking isang kamay sa kaniyang pisngi. Ngumiti muna ako sakaniya. "Oo naman, halos hindi nga ako maka-tulog kakaisip kung nalason ka na ba o hindi" Habang sinasabi ko iyon ay sinasampal-sampal ko ang kaniyang pisngi. Umilag na s'ya ng mas lumakas pa ang pag-sasampal ko sakaniya. "Blist! Tsk!" Sabi niya sa akin habang nakahawak ang kaniyang isang kamay sa kaniyang kanang pisngi na namumula. "Halika na nga kuya! iwanan natin 'yan napaka brutal! Kaso nakakainis ka rin kuya." "Ha? Bakit?" Inosenteng tanong ni kuya. "Bakit ba ang puti puti n'yo ha!? Maygash." Sigaw niya sa amin sabay bukas na ng pinto ng kotse sa likod. "Tara na! ang babagal n'yong magkapatid kahit kailan." Sabay padabog na sara sa pinto. "Tss." Sabi ko na lamang saka tinulungan si kuya na ilagay ang mga maleta sa likod ng kotse. Mala prinsesa nanaman ang peg ng isa. Pag katapos naming mailagay ang mga bagahe ay pumasok na kami sa kotse. "Ang prinsesa n'yo ay nahimbing na at sana hindi na magising." Sarkastiko kong sabi habang ikinakabit ang seat belt. "Hayaan mo gising pa ako Blist. Hindi pa pupuwedeng mamatay ang fairy Godmother mo." Sabay salpak ng headset sa tainga. Nasa likod siya naka-upo mag-isa, nasa harap ako at si kuya ang nagdadrive. Isinalpak ko na lamang din ang aking headset sa aking tainga at nakinig ng mga kanta ng iniidolo kong si Britney Spears upang hindi ako antukin. Habang nakikinig sa kanta ay naglalakbay rin ang aking mga mata at isip. Ilang taon na simula ng umalis ako sa bansang ito. Hindi na rin ako bumisita rito tuwing pasko o bagong taon, hindi tulad ng ibang mga Pinoy. Ngayon lamang ako naging handa upang bumalik dito. Masasabi kong isang magandang karanasan na rin na nangyari sa akin ang lahat ng iyon. Kung wala ang mga iyon, ay wala ang ibang bersyon na Blist ngayon. Hindi ko pa rin nanaising balikan ang mga ganap sa aking buhay dati. Nakakatakot. Masakit. Ngunit kaya ng maka move on sa daloy ng buhay. Naisip ko dati na kaya ko ng mag-isa. Oo nga, kinaya ko. Ngunit hindi kinaya ng husto dahil kinakailangan pa rin natin ng tulong ng iba. Ngunit may nanatili pa ring kulang sa aking puso. Isang puwang sa aking puso na hindi na muling maibubuo. Hindi ko na gustong muling umasa. Kung ang iba man ay sinasabing "Think positive". Mas mabuti na ring isipin mo ang pupuwedeng masamang mangyari o hindi magandang pangyayari, upang maging handa ka, hindi ka mageexpect. less pain we say. But pain makes you wise. Pain makes you strong. That is why we sometimes choose to love the pain. Bumuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa paligid. Ilang taon na kung kaya't hindi nakakagulat na mayroon mga nagbago sa paligid. Matagal-tagal ako rito, ipagkakaloob ko na lamang sa nasa itaas ang kung ano mang mangyari sa akin. Kayo na ho ang bahala. Ngumiti ako sa kawalan at saka ipinikit ang aking mga mata. ~ "Hoy gising na, matutulog na tayo!" Inuga-uga pa ako ng lintik na 'to. "Ano ba! kailangan bang mang-uga, ha!?" Inis kong tanong sakaniya. "Naikarga na namin sa condo 'yong mga bagahe, baka gusto mong ikarga ka rin namin papasok!?" "Kailangang sumigaw!?" Sigaw ko ring sabi sakaniya. "Oo nasigaw ka rin naman ah!" Mas malakas n'yang sigaw sa akin. Lumabas ako ng kotse at binatukan s'ya. "Aray!" Mas malakas pa talaga n'yang sigaw na tinakpan ko na ang tainga ko. "Tangin-" Sigaw kong mas malakas na hindi natuloy dahil kay kuya. "Blist! sige ituloy mo." Pananakot sa akin ni kuya. "Akala mo namang hindi nagmumura!" Sigaw ko sakaniya ng deretso sa mukha. "Put- ano ba!?" Sigaw rin n'ya sa akin. Para kaming tanga ritong sigaw ng sigaw sa isa't isa. Pinag titinginan tuloy kami ng mga tao rito sa parking lot. "Wala, Arat na." Kalmado ko ng sabi sakaniya at saka nagtungo na sa building. Naulinigan ko pa ang pag bubulungan nila. "May enery si madam infernes kuya." Rinig kong bulong ni Meuza kay kuya. Hindi ko na narinig ang iba dahil dumiretso na ako. Papasok na sana ako ng elevator ng makalimutan kong hindi ko nga pala alam kung nasaan ang condominium namin ni Meuza. Napaka obob. Kinailangan ko pang maghintay sakanila. Aasarin nanaman nila ako, tss. "Oh madam, hindi n'yo po ba alam kung nasaan? what a shame." Panlalaki pa n'ya ng kaniyang mata at ngumiti pa. "Ang creepy gagi." pandidiri kong sabi sakan'ya. "At your service madam!" "Halika na nga. Alam kong pagod kayo." Sabi ni kuya. "Ahy buti alam mo kuya Nev, tara na guys." Sabay pasok sa elevator na bumukas na. Pumasok kaming lahat at pinindot ni Kuya ang 9th floor button. Hindi na lamang ako umimik. Alam ko namang si Kuya ang tatawagan ni Meuza. ~ "Bakit ka nanaman ba nag-iimpake!?" Gulat kong tanong kay Meuza. Kakagising ko lang at pag-iimpake nanaman nadadatnan ko. Umagang-umaga jusmeyo naman oh. "Alam mo Blist, alam kong matalino ka pero papaano ka nakakapasa ng hindi nakikinig ha? Walang use 'yang talino mo kung hindi ka nakikinig." Lumingon lamang siya ng tinanong ko s'ya kung bakit s'ya nag-iimpake at saka binalik muli ang atensyon sa pag-iimpake. "Anong kinig-kinig!? anong connect no'n sa pag-iimpake!?" Pahisterya kong tanong sakaniya. "Tanga! Sinabi ko 'di ba no'ng nasa Japan pa tayo? May isang linggo pa tayong free time kaya pupunta tayo sa Palawan!" Pasigaw n'yang sabi. "Eh!? 'kala ko ba joke lang 'yon?" gulat kong tanong. "Alam mo, mag-impake ka na lang, at bilisan mo! Malapit na kami matapos ng kuya mo. Hindi ka n'ya magising kanina kaya 'yan." Sabay turo n'ya sa akin. "Tss. Kabadtrip naman kayo." Saka bangon ko para makapag-impake. Late na late na nga ako, nakapag-ligo na si Meuza amp. "Aba! Kami pa ha, ang sabihin mo hindi ka nakikinig! puro ka kasi 'a-hum' engot!" Sabay sara ng kaniyang bag at tumulong s'ya sa akin. "Hindi ba p'wedeng dalhin na lang 'yong maleta natin? Bakit pa mag-iimpake kung nag impake naman tayo sa Japan?" Inis kong tanong. "Gaga ka ba!? ang dami no'ng inimpake natin sa Japan. Isang linggo lang naman tayo sa Palawan, kaya nga bag lang dinala ko 'di ba? Jusko!" Sabay pinaypayan ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang kamay. "Naiistress ako sa'yo Blist! Maligo ka na nga ro'n, ako na bahala rito." Tumayo s'ya at kumuha ng bag. Hindi pa ako kumilos dahil natutulala pa ako dahil kakagising ko pa lang. "Woi! Blist!" Binato pa n'ya sa akin ang bag na nakuha n'ya. "Ano ba!?" Inis kong tanong sakaniya. "Ma.li.go.ka.na!" paputol-putol n'yang sabi. "Tss." sambit ko sabay tungo sa banyo. Sinara ko ang pinto at narinig ko pa ang sigaw sa akin ni Meuza. "Bilisan mo ha!" Hindi ko na lamang siya pinansin at nagsimula ng maligo. ~ "Hindi ba tayo mag-aalmusal muna?" Inis ko pa ring tanong habang bumabyahe kami pabalik sa airport. "Doon na tayo sa airport kakain." Sagot ni kuya habang nagdadrive. "Saan mo ipapark 'tong kotse mo? iiwan mo?" "Oo, Mayroon naman do'ng lugar kung saan puwedeng iwanan 'yong kotse at safe." "Eh. Puwede naman tayong dimiretso na lang kahapon sa Palawan? Bakit pa tayo dumaan sa condo kung doon din naman tayo uuwi next week?" "Blist. 'Yong mga bagahe n'yo marami. Atsaka kailangang ma-secure ka agad 'yong room n'yo." "Hindi ba puwedeng pakiusapan na lang 'yon sa receptionist? tutal may mga pera nanaman na tayo?" "Oo nga, pero 'yong bagahe ha Blist. magiging pabigat." "Eh-" "Katulad mo Blist pabigat. Ang dami mong tanong! hindi ba puwedeng mag-relax ka riyan, Umupo ng maayos, itikom ang bibig, tumingin-tingin sa paligid, 'wag ka nga lang matulog ha?" Malambing na sabi kunwari ni Meuza sa akin. "Tss, papaano 'yong almusal? masarap ba mga pagkain sa airport?" Inis kong tanong sakaniya na naka-harap pa ako sa likod. "Kumalma ka madam dahil masasarap ang mga kainan do'n, okay?" Nilakihan pa n'ya ang kaniyang mga mata habang nakangiti. 'Yan nanaman s'ya. "Kaya umupo ka riyan ng maayos, relax madam." Nakangiti pa rin s'ya habang nilalakihan ang mata. Pinasandal n'ya ako sa upuan at hinawakan pa ang aking pisngi, sasampalin n'ya sana kaso napigilan ko ang kaniyang kamay at hinigpitan ko ang pag-hawak sa kamay niya. "A-aray naman!" Sabay hablot n'ya sa kamay n'ya. Ngumisi lamang ako sakaniya sabay ibinalik ang tingin sa harapan. Ilang oras lang ang nakalipas ay nakarating na ulit kami sa airport. Kinuha namin ang mga bag namin at pumatungo na sa loob ng airport. ~ "Oh dahan-dahan Blist." Sabay inabutan ako ni kuya ng tissue, tumingin muna ako sakaniya sabay kuha ng tissue. "Para kang baboy legit tol." Sabi sa akin ni Meuza habang kumakain din pero mas kalmado. "Gutom na gutom na ako eh, anong magagawa n'yo?" Sabay lamon muli sa pagkain. "'Papaano almusal? Masarap ba ro'n?' Nag tanong pa tapos, hay nako." Umiiling-iling pang sabi ni Meuza habang pinag-patuloy ang pagkain. Hindi ko na lamang sila pinansin at tinapos ang pag-kain. Mamaya ay mag-tutungo na kami sa eroplano at sa susunod niyon ay lalapag na kami sa Palawan. Palawan. Ang lugar na pinaka-gusto ko, ang pinaka-minahal kong lugar at ang lugar din kung saan sinaktan ako ng sobra-sobra. .....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook