Sorry
"Blist, high school ka na kaya pumirmi ka ha?" Paalala sa akin ni Kuya habang kumakain kami rito sa hapag kainan. "Parang napaka-sama ko naman kuya, ano ba ginagawa ko?" May pagkain pa sa aking bibig habang nagsasalita. Bumuntong-hininga s'ya na parang sanay na. "Don't go around kicking and punching people Blist." Mataman n'yang sabi sa akin habang nakatingin.
Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. "Wow english. Kuya, mga masasamang bata naman 'yong mga sinasapak ko eh, parang hero nga ako eh." Sabay bulalas ko ng tawa. "Ang astig kaya ni ate, kuya." Sabat ng bunso kong kapatid na si Ben. "Oh tingnan mo kuya, may naastigan pa sa'kin, yeah." Sabay pakita ko ng aking braso at nag-pakita kunwari ng muscles.
"Tumigil nga kayo, kumain kayo. 'Staka hindi ako nakikipag-biruan Blist, buti nga tinanggap ka pa sa paaralan ulit ngayon." Hindi ko na lamang s'ya pinansin at kumain na lang.
"Nasaan pala sila papa?" Pang babasag ng katahimikan ni Ben. Napatigil kami sa pag-kain at nagkatinginan muna kami ni Kuya saka sumagot si kuya sa tanong ng aming bunsong kapatid. "Nasa trabaho nila bunso. Oh s'ya bilisan n'yo na riyan, tapos na ako oh." Sabay tayo para ilapag ang kaniyang pinggan sa lababo. Pagkatapos ay umakyat s'ya sa taas. "Bilisan n'yo na riyan, kukuwanin ko na lang mga gamit n'yo!" Sigaw n'ya sa amin habang umaakyat sa hagdanan.
"Opo!" Sigaw naming sabay ni Ben kay kuya. "Ang saya no'n ate, parehas ka na ulit ng school ng pinapasukan namin ni Kuya. Yehey!" Sabay taas pa n'ya ng kaniyang mga kamay na may hawak na kutsara at tinidor. "Ibaba mo nga 'yan! Kakalat mga kanin baka ako pa pag-linisin n'yan." Saway ko sa kaniya. Binaba naman n'ya ka agad dahil alam n'yang madadamay s'ya. "Parang baby ka umasta. Hindi ko sinabing parang bata kasi bata ka pa naman talaga." Sabay kindat ko sakaniya.
Binigyan n'ya lang ako ng pandidiring ekspresyon.
~
"Shala, hindi na magulo rito kuya. Hindi tulad sa school ko dati." Sabay tango-tango ko pang sabi. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng paaralan na sabi ni kuya ay CALA ang pangalan. "Alangan ate public 'yon eh, private 'to." Sabay tumuro-turo pa. Tumango lamang ako at napa-ahh sa sinabi n'ya. Akala mo namang hindi ko alam.
"Oi tol, wazzup! long time no see!" Nagulat kami sa biglaang pag-sulpot na sa palagay ko ay kaibigan ni kuya. "Uy, tol!" Sabay tawa ni kuya. Pinag-dikit nila ang kanilang kamao at walang pasubaling umakbay kay Ben. "Ehy Ben, kumusta? hindi ka naman binubugbog ng kuya mo 'no?" Sabay tinaas baba ang kaniyang kilay. "Hindi naman po kuya." Sabay bulalas ng tawa. "Anong hindi naman? hindi talaga, gagawin mo pa akong masama." Inis na sabi ni kuya kay Ben.
Okay? so, ano ng gagawin ko rito, tutunga?
Matagal bago nila ako napansing narito pa ako sa harapan nila. "Ehy! 'to ba 'yong sinasabi mong babae mong kapatid tol?" Gulat n'yang tanong kay kuya. "Ah! oo, si Blist, pangalawa sa aming magkakapatid." Sagot naman ni kuya.
Nagulat ako dahil lumapit s'ya sa akin at bumulong. Nasilayan ko rin ang gulat na ekspresyon ng aking mga kapatid, si kuya ay nasa ere pa ang kamay. Akma siguro n'yang pipigilan 'tong kaibigan n'ya sa kung ano mang gagawin kaso hinayaan n'ya na lang. "Ang ganda mo." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi n'ya, at nag-init ang aking mukha. Ngumisi s'ya sa akin pag katapos ng kaniyang sinabi.
"Anong sinabi mo tol?" Rinig ko ang kaonting pagka-inis sa tono ni kuya. Umiiral nanaman ang pagka-protective. "Wala. Tanong ko, bakit ang puputi n'yo" Sabay bulalas ng tawa. "Halika na tol, baka ma-late pa tayo." Sabay akbay kay kuya. Nag-aalinlangang tumango si kuya. "A-ahy teka, hahatid ko lang 'tong mga 'to." Pag tigil n'yang sabi.
"Hindi na kuya, kaya ko na. Big boy na this!" Sabay pakita ng braso at muscles kunwari. Napa-irap na lamang si kuya at saka tumango. "Ikaw na lang Blist. Tara na."
"Hindi na kaya ko rin nama-"
"Bago ka pa lang dito, baka maligaw ka pa. Tara na" Pag putol na sabi n'ya sa akin. "Oo nga Blist, halika na." Sabat pa ng kaibigan n'ya. Palihim akong umirap sakanila at saka sumunod na lang.
~
"Pumasok ka na. Roon pa kami sa dulo. Umayos ka ha." Paalala sa akin ni kuya na may pagbabanta pa. "Oo nga, sige na." nagka-salubong pa ang aking mga kilay sa sinabi ni kuya. "'Ang attitude sis!" pa-llit pang boses na sabi ng kaibigan ni kuya. Loh, papansin.
"Tss." Sabay pasok ko na sa room. Nilingon ko pa sila kuya na dumeretso na rin sakanilang silid. Bumuntong-hininga ako at saka pumasok sa naka-bukas lamang na pinto. Bumungad sa akin ang mangilang-ngilang nanay sa harapan na nag pipicture. Saka tumingin ako sa mga upuan at nakitang ang upuan na lang sa may harapan ang wala pang naka-upo. Kinabahan ka agad ako dahil hindi naman ako marunong maki socalize, at pinaka ayaw ko iyon. Umupo na lamang ako sa harapan at inilapag ang aking bag.
Kapansin-pansin ang pag-kakaiba ko sakanila dahil hindi ako naka-uniform. Naka full black ako ngayon, katulad ng lagi ko namang sinusuot. Pang rakista pa ang logo sa aking itim na damit, naka black rip jeans din ako at black converse. Isama pa ang aking itim na bag na aking paborito. Inilibot ko ang aking tingin sa silid at napansin kong ilan sa iba ay nakatitig na sa akin, pati na rin ang mga nanay sa harapan. Bumuntong-hininga na lamang ako at hindi sila pinansin. Pansin ko rin na may aircon. Mukhang bago, ngunit hindi yata naka-bukas. Tumingin din ako sa paligid upang tingnan kung mag electric fan din.
Amp wala ring electric fan, Kaya pala ang init. 'Kala ko ba private 'to?
Ilang minutong pag-hihintay ay may pumasok ng guro. Ang mga nanay sa harapan ay binati ang guro at lumabas na ng silid. Inilapag muna ng guro ang kaniyang mga gamit at pumatungo sa harapan. "Good morning grade 7. I'm your adviser for this school year. I'm Sir John Mark Nevol, you can call me as Sir J.M. As we see, may mga bagong students, so we'll start from here." Sabay turo ni sir sa may kaliwa ko, may naka upo roo'ng lalaki. "Please introduce yourself, sunod-sunod na 'yan." Sabay upo n'ya sa may kaliwang bahagi kung saan naka-p'westo ang kaniyang mesa at upuan.
Nagtanong ang lalaki kung ano-ano ba raw ang dapat sabihin. "'Yong buong pangalan n'yo ofcourse, Your nickname, then your birthday, Where you live, your favorite subjects and hobbies. Please proceed." Isinulat ni sir ang mga iyon sa white board at saka umupo na muli. Nagsimula na ang lalaki at pagkatapos noon ay ako na ang sunod. Mas kinabahan muli ako at saka nagsalita na lamang. "I'm Blaynnarie Istzie Adrigal Jalcaen, you may call me Blist. Uhm, my birthday's on April 24 2006, I live at Spring Town Villas, m-my favorite subject is English and Arts and I love to read and sketch." Ngumiti muna ako bago tumingin sa kay sir. "Very good, Kapatid mo ba sila Nev at Ben?" Pahabol na tanong sa akin ni ser.
"O-opo."
"Good, you may take a seat." Umupo na ka agad ako at nakahinga ng maluwag. Wews, buti maayos pag kaka-english ko.
Nagpatuloy 'yon hanggang sa maubos na ang mga transferee. "Okay so, hindi talaga 'yan 'yong seating arrangement ninyo. Aayusin natin 'yan base sa mga apelyido ninyo." May isang lalaki na hindi sang-ayon sa sinabi ni sir. Matagal na 'to rito kung kaya. Ang liit n'ya, grade 7 na ba talaga 'yan?
~
Kasalukuyan na akong naka-upo sa pangalawang huli sa bandang kanan. Nice. Katabi ko ngayon ay isang babae at napapalibutan din ako ng mga babae. Tss mas masaya pa namang kasama mga lalaki. Nagulat ako ng may pumasok na bagong babae. Sa tingin ko ay rito rin s'ya, obvious naman Blist. Kinausap muna ni ser ang nanay n'ya at saka lumabas na sa silid ang kaniyang ina.
"Okay, pakilala mo muna sarili mo. Sundan mo lang 'yong nasa White board." Nasa tabi lang si ser sa bagong dating na babae. "English ser?"
"Oo naman."
"U-uhm, I'm Meuza Tegucia Galpa. I don't have a nickname though." Tumawa pa s'ya ng kaonti. "My birthday is on August 24 2007, I live at Spring Town Villas Tanza Cavite, my favorite subject is Filipino, my hobbies is editing and watching, 'yon lang po." Sabay ngiti n'ya. "Okay, very good. Doon ka sa likod ni Shanali maupo." Tumango lamang s'ya at saka umupo sa sinabing upuan.
"Grade 7, itatanong ko lang sa office kung pupwede na bang buksan 'yong aircon, ang init na kasi, teka ah."
"Go ser, ang init!" Sabi pa ng isang lalaking kapansin-pansin ang kulay brown na buhok. Pupwede pa lang may kulay ang buhok dito?
"Hi po, p'wede po makipag-kaibigan?" Tanong ng isang babae na katabi ng katabi ko rito sa kanan. Tinatanong n'ya iyong bagong dating na babae lang na upo sa likod n'ya. "Ah, oo naman." Sabay ngiti ng bagong dati na pag kakatanda ko ay Meuza ang ngalan.
Tinanong n'ya rin ako at ang iba pang babaeng bago rito sa eskwelahan na ito. "Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko ro'n sa nagtanong sa akin kung pupuwede ba kaming maging kaibigan. "Shanali po."
"Ah, ilang taon ka na ba?" Tanong ko sakaniya dahil gumagamit s'ya lagi ng po at hindi ako sanay. "13 years old po."
"Ah, 'wag ka na mag po, hindi ako sanay." Sabay tawa ko ng kaonti. "Ahy, sorry." Sabay tawa n'ya rin. Nakalipas ang oras ay hindi ko napansin na nakikipag tawanan na pala ako sakanila.
Pansin kong kaming apat lamang ang tawa ng tawa. Palihim akong napangiti dahil nakipag kaibigan na ako sa unang araw pa lamang. At mga babae pa. Dati ay puro lalaki lamang ang mga kaibigan ko, ngayon ay naninibago ako.
Ng dumating si ser ay umingay ang buong silid. "Hindi raw pupuwedeng buksan ang aircon kasi nagkaproblema raw. Buksan n'yo muna 'yong mga bintana. Boys, samahan n'yo 'ko, kukuha tayo ng electric fan." Sabi ni ser sa amin ng naka balik s'ya sa silid.
"Ano ba naman 'yan, first day na first day of school, ang init init." Sabi ni Shanali sabay paypay sa sarili. Kami ni Jamaica ay binuksan ang bintana sa gilid namin upang mahanginan kami.
"Kaya nga eh." Sagot ko sabay tumawa ng kaonti. "Mamaya sabay tayo sa canteen ah?" Sabi sa amin ni Jamaica. Sumang-ayon naman kami sakaniya.
Dati-dati ay ang mga lalaking kaibigan ko ang lagi kong kasama para kumain sa canteen. Nakakapanibago 'to. New environment. New friends. Maayos sana ang magiging takbo nito.
~
"'Yan lang bibilhin mo?" Tanong sa akin ni Shanali. "Ah, oo." Nahihiya ko pang sabi. "Nga pala, ang astig ng style mo Blist." Sulpot ni Meuza sa harap ko. Tumawa lamang ako ng mahina.
"Ang init talaga, bakit ba ganito? Gosh." Reklamo ni Jamaica. "Ang hot ko kasi, hayst." Sagot sakaniya ni Meuza. "Loh, assuming!" Sabay bulalas ng tawa ni Shalani. Tumawa na rin silang tatlo kung kaya ay nakisabay na lamang ako kahit hindi ko na gets.
"Tara na nga, naliligo na ako sa pawis, jusko." Sabi pa sa amin ni Meuza. Sumang-ayon muli kami sakaniya. Bumalik na kami sa amin silid at kumain. Nagkuwentuhan muli kami at kami lamang talaga ang maingay sa silid. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula muli ang iba't-ibang klase ng pag-iintroduce sa sarili. Hindi nanaman na ako kinabahan ng ganoon dahil mayroon na akong mga kakilala at nasasanay na sa paligid.
Kapansin-pansin ang pananahimik ng iba. Ang iba naman mga lalaki ay sadyang maiingay na. Alam ko na 'to, kunwari tahimik muna sa unang klase sabay napaka-ingay na sa susunod. Tss, veteran. Mayroon naman ay mukhang inosente ngunit ang mga utak ay marami ng alam. Napangisi ako sa naisip.
Nagpatuloy lamang ang pagpapakilala at pina-uwi na kami no'ng pumatak na ang tanghali dahil hindi gumagana ang aircon. Hindi rin sapat ang electric fan para sa lahat ng klase at isa kami sa hindi pinalad na maka-kuha ng electric fan. "Uuwi ka na ba Blist? Kain muna tayo rito." pag-aaya ni Jamaica sa akin. "Ah, hindi na. Wala rin akong dalang pagkain eh." Kasi na kay kuya, at alam kong mas pipiliin n'yang umuwi kaisa kumain dito sa paaralan. May magiging rason din siya sa amin kung bakit kailangan naming umuwi.
"Ahy, sige sige. Bukas sabay-sabay na tayo ah?" tanong muli sa akin ni Jamaica. Tumango naman ako sakaniya at ngumiti ng kaonti. "Okay grade 7, Puwede na kayong umuwi. Bukas ay maayos na 'yang mga aircon. Sa ngayon ay aayusin na muna 'yan." Sabi sa amin ni ser at tumawag siya ng estudyanteng matagal na sigurong nag-aaral dito at pinagdasal. Pagkatapos ng dasal ay pina-uwi na kami.
Inayos ko na ang aking mga gamit, ipapasok ko na sana ang ballpen sa bag ko, ng mahulog ito. Pumagulong-gulong ito at tumigil sa pangalawang harap na helera ng upuan. Dinampot ko iyon at hindi sinadyang masulatan ang uniform ng lalaking ngayong nasa harapan ko. Sa may bandang puwitan pa naman ng uniform n'ya 'yong nasulatan ko ng guhit. Patay.
Lumingon s'ya sa akin at humingi ako ng paumanhin. "Hala, sorry!" Pahisterya kong sabi sakaniya. Tinapunan n'ya lamang ako ng masungit na tingin at saka bumalik sa pag-aayos ng gamit. Natulala pa ako at saka ng naka-balik sa wisyo ay pumatungo na lamang ako sa aking upuan at ipapasok muli ang makulit na ballpen na ipinahamak pa ako. Dali-dali kong isinukbit ang aking bag at nag-paalam kaila Shanali.
Lumabas na ako ng silid. Nagkataong sabay-sabay kaming lumabas na apat. At naka-salubong pa naman si ser. " First day nag tatawanan na kayo ah, magkakilala ba kayo?" Nakangiting tanong sa amin ni ser. "Ser hindi po." Sagot ni Jamaica kay ser. Tumawa naman kaming apat. "Maganda 'yan, magkakaibigan na kayo. Mag-ingat kayo sa pag-uwi." sabi muli ni ser. Sumang-ayon kami sakaniya at nagpaalam na muli ako sakanila.
.....