Irap
Umalis na ako at naghintay na lamang sa may gate. Nakita kong may waiting area pala sa may kaliwa kung kaya ay umupo na lamang ako ro'n. Nagsisidatingan ang iba't-ibang transportasyon upang kuwanin ang kanilang mga anak. Bumuntong-hininga na lamang ako at hinintay sila kuya. Nakita ko pa ang lalaking nasulatan ko sa uniform kanina. Halatang-halata ang guhit doon.
Napangiwi ako no'ng nakita ko iyon sa bandang may puwitan n'ya. Kahihiyan Blist. Unang araw pa lang. Mariin akong napa-pikit. Ilang oras akong nakapikit ng biglang, "Hoy sisa! Bakit ka nakapikit? Mukha kang tanga." Nagulat ako sa biglaang pag-sulpot ni Kuya na kasama n'ya na rin si Ben na pinipigilang tumawa. "S-sumakit lang ulo ko! ang init eh." Inis kong sabi. "Ulol. Tara na, nagugutom na 'ko." Sabi ni kuya. Tumayo na ako saka sumunod sakanila.
Palihim kong binatukan si Ben dahil hindi tumitigil sa pag-tawa. "A-aray! Kuya oh!" Sumbong n'ya kay kuya habang nakahawak sa kaniyang ulo at nakaturo sa akin. Pumikit na lamang ako ng mariin. "Blist!" Pagsuway sa akin ni kuya na hindi ko na lamang pinansin at saka naunang mag-lakad sa kanila.
"Woi! Ikaw talagang bata ka!" Pahabol na sigaw ni kuya. "Tss." Napaka-ingay, ang dami-dami pang tao sa paligid.
~
"Maglalakad na lang ulit ako." Sabi ko sakanila pag-dating nila. "Ako na lang maglalakad pag-uwi ate." Boluntaryo ni Ben. "Hindi na, baka mawala ka pa. Mahirap na." Kinindatan ko s'ya a hindi naman n'ya pinansin. "Eh malaki na 'ko eh!" Sabay kamot n'ya sa kaniyang ulo.
"Tangkaran mo muna ako, papayagan na kitang umuwing mag-isa." Sabi ko sakaniya. "Deal! Basic lang pala." Sabay bulalas niya ng tawa. Sa tingin ko ay alam ko na ang ibig sabihin n'ya kaya binatukan ko muli s'ya. "A-aray! Joke lang ih!"
"Aysus, tama na 'yan. Halika na rito Ben." Ka agad namang sumakay si Ben sa motor. Umiiwas na sa akin at baka masuntok ko pa. Humarurot na sila pa alis, si Ben ay inasar pa ako sa pamamagitan ng pag-dila at ginawang baril ang kaniyang kamay saka umastang binaril ako. Peste 'to, tumawa pa. Tss.
Nagsimula na akong maglakad pa uwi dahil gutom na gutom na rin ako. Mapaparami nanaman ng kain amp.
~
"Hoy! dahan-dahan nga!" Sabay palo pa sa aking kamay. "Ano ba kuya!? mind your own business ha, nakain 'yong tao eh." Inis na sabi ko sakaniya na may laman pa ng pagkain ang aking bibig. "Umayos ka Blist!" Pinalakihan pa ni kuya ang kaniyang nakakainis na mata. "Tss."
"Yuck! kadiri ka naman ate! may tumalsik na kanin sa akin oh!" Halos masugatan na ang kaniyang balat sa kaka-kuskus upang matanggal ang tumalsik na kanin sakaniya na nagmula sa akin. "Loh, oa lang?" Sabay inambahan ko siya ng suntok.
"Tigilan n'yo nga 'yan! rinig na rinig kayo sa labas!" Galit na salubong sa amin ni papa at saka ibinagsak ang pag-sara sa pinto. Nagulat naman kami kaya tumahimik kami. Tumingin ako kay kuya at Ben na parehas na nakayuko. Palihim akong tumingin sa paligid dahil baka may maganap nanamang gulo kapag may natirang kahit katiting na kalat sa bahay.
Bumuntong-hininga ako ng makumpirmang na-ayos nanamin ang mga dapat ayusin kanina, ngunit hindi pa rin kami makakahinga ng maayos. "Kanina pa kayo riyan!? Bangayan ng bangayan! siguraduhin n'yong wala akong makikitang kalat! mga peste!" Ibinato ni papa ang kaniyang bag sa kung saan. Saktong doon pa sa may gilid ng sofa na may vase naihagis kung kaya ay nabasag ito. "De puta! Linisin n'yo 'yan!" Sabay padabog na umakyat at ibinagsak ang pinto sa kanilang kuwarto. Halos masira ang pinto sakaniyang gawain.
Ilang minutong katahimikan. Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni kuya. "Kain na kayo." Tumingin kami sa isa't-isa at saka tumawa ng mahina at baka marinig kami ni papa. "The first monster has arrived. Do your best to survive crew." Sabay itinaas ko ang aking kamao. Itinaas din nila Ben at kuya ang kanilang kamao at saka sabay-sabay naming ipinag-dikit iyon. Tumawa ulit kami ng mahina at saka itinapos ang pag-kain. Pagkatapos naming kumain ay naghugas si Ben ng plato. Si kuya ay iniligpit ang nabasag na vase. Ako naman ay tinulungan si Ben sa pag-aayos ng mesa at saka pagkatapos noon ay tinulungan naman si kuya.
Lagi-lagi ng ganito ang eksena. Sanay na sanay na kami. Kung kaya ay idinadaan na lamang namin sa tawa at biro. Oo, ramdam ko pa rin sa aming isa't-isa ang kaonting kirot. Ngunit kasama naman namin ang isa't-isa upang malagpasan ang prisintong ito.
We are survivals of a house which does not feel like a 'house' itself. It is more like a cage. A cage filled with two monsters, who we thought are our gurdian angels . A cage that we no longer want to get in, but we 'must'. It is like we are sentenced to a lifetime imprisonment.
~
"Rawr!" Sabi ko sa sarili kong replesyon sa salamin. Kasalukuyan akong nagbibihis ng uniporme. Tumunog ang aking cellphone hudyat na may nag-text. Eh? hindi naman ako nag-load ah? Wala namang nagcha-chat sa akin. Nanliit pa ang aking mata habang nakatitig sa aking cellphone. Nang matauhan ay tinapos ko muna ang pagbibihis saka ko binigyang pansin ang aking cellphone.
Kuya:
Bilisan mo na riyan Blist, kumain na kayo ni Ben. May ihahatid lang ako. Urgent.
Puwede naman siguro s'yang sumigaw no'ng nandito pa s'ya? Ahy, oo nga pala. Baka mapatay s'ya ng mga tinatawag naming 'Halimaw' rito. Bumuntong-hininga na lamang ako. I'm feeling dissapointed. Wow, english. Akala ko naman kasi galing sa mga kaklase ko, kaso nakalimutan ko palang sabihin sakanila number ko or name ko sa f*******:. Tss. Iniwan ko na lamang ang cellphone ko sa aking silid at saka bumaba na upang kumain.
"Ayusin n'yo muna 'to bago pumunta sa school. Ayokong umuwi ng may kalat, baka kung anong gawin ko sainyo. 'Staka umayos-ayos kayo sa pag-aaral n'yo ha!? 'wag kayong maging pabigat!" Rinig ko ka agad ng lumabas ako sa aking silid. Habang sinasabi ni papa ang kaniyang 'speech of goodbye' isinara ko ng dahan-dahan ang aking pinto at hindi muna bumaba dahil alam kong ako nanaman ang bida sa mga mata ni papa.
Pagkatapos magsalita ni papa ay narinig ko muli ang pabagsak niyang sara sa pinto. Dali-dali akong bumaba ng maalalang si Ben pala ang kinakausap ni papa kanina. More like sinisigawan Blist, Tss. Pagkababa ko ay pumatungo ako sa harapan ng pinto at tumingin muna sa aking kaliwa. Roon nadatnan ko si Ben na kumakain ng tahimik. Alam kong sanay na s'ya sa araw-araw na ganoon.
Batid ko pa rin na nasasaktan s'ya sa ganoong bungad araw-araw. Bumuntong-hininga muna ako. "Pst." Pagtawag ko sakaniya. Lumingon naman s'ya at ilang segundo pang tumitig saka ngumiti. Genuinely. Ngumisi rin ako pabalik at saka tumingin sa pintong nasa harap ko. "Wews, ang tibay ng pintong 'to 'no?" Tanong ko kay Ben sabay lingon sakaniya. "Kaya pa naman n'ya ate, meant to be s'yang maging pinto natin dito." Tumawa pa ng kaonti.
Tumayo siya at lumapit sa kinatatayuan ko. Lumapit kami sa pinto at hinawakan ito. Tumingin muna kami sa isa't-isa at saka tumingin muli sa pinto upang gawin namin ang aming lagi-laging ginagawang katarantaduhan. " Good job Doorly! We are proud of you!" Sabay naming sabi kay 'Doorly' na binigyan pa namin ng pangalan. Pagkatapos noon ay bumulalas kami ng tawa at saka bumalik na si Ben sa mesa.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng plato at pagkain at saka pumunta na pabalik sa mesa. "Saan ba raw pupunta si kuya?" Tanong ko kay Ben habang kumukuha ng ulam. "I dunno." Sabay kibit-balikat pa n'ya. Tumingin ako sakaniya na animoy hindi makapaniwala. "Anong 'I dunno'!? Sapakin kaya kita 'no!?" Inis kong sabi sakaniya saka sumubo.
Sumubo muna si Ben bago nagsalita. "Eh ate, wala namang binanggit si kuya. Kumain na lang daw muna tayo tapos kapag 7:45 wala pa s'ya rito, e'di maglakad na lang daw tayo papunta sa school." Tumingin muna s'ya sa akin habang nagsasalita sabay kumain na muli. "Eh anong oras na oh? Mapapalakad yata tayo." Sabi ko sabay kain na muli. Tumango lamang si Ben at saka nagpatuloy na rin sa pagkain.
Ilang segundong katahimikan ay tumayo siya at pumatungo sa kusina. Hindi ko na lamang sana s'ya papansinin ng bumalik s'ya sa mesa na may dalang pinggan muli at may alam na muli ito. "Oh!? kaya ka tumataba n'yan eh!" Sabi ko habang nakaturo sa pinggan n'ya. "Hindi ako kumain kagabi ate eh." Sabi n'ya habang nilalagyan ng ulam ang kaniyang pinggan. Nagulat ako sa sinabi n'ya. "Eh? hindi kaba sumabay sakanila? o kay kuya kumain? Sorry, wala ako kagabi eh. Buti nakatakas ako." Nakatingin lamang ako sakaniya habang sinasabi iyon.
Sumubo muna muli s'ya. "Eh, hindi sumabay si kuya kaila mama at papa kumain ate. Hinintay kong kumain si kuya kaso wala. Wala naman akong lakas na loob para sumabay kaila mama, awkward masyado, tapos mag-aaway nanaman sila sa harapan ko, Kakairita." Inis n'yang sabi ngunit nagawa pang tumawa. Bumuntong-hininga ako sa kuwento n'ya. "Sorry kung nagutom ka, hayaan mo kapag umaalis ako sa gabi tapos hindi nanaman lumabas ng kuwarto si kuya, hahatidan ko na lang kayo. Ochie?" Sabi ko sakaniya.
"Psh. Ochie!" Sabay tawa naming dalawa. "O s'ya bilisan na natin. Maglalakad pa tayo."
"Ang busy na ni kuya 'no ate? Ano kaya pinagkaka-abalahan no'n?" Nakatingin lamang s'ya sa kaniyang plato habang nagtatanong sa akin. "Baka sa school works lang. Next year pa naman eh senior high na 'yon." Tumango lamang si Ben. Nagpatuloy na rin ako sa pag-kain at baka ma-late pa kami sa pangalawang araw ng pasukan.
~
"Sige na ate, okay na ako rito. Baka binabalak mo pang pumasok sa room tapos ilapag bag ko sa loob." Pang-aasar na sambit sa akin ni Ben. Kasalukuyan na kaming nasa paaralan at nag-boluntaryo akong ihatid s'ya dahil gusto kong makita ang kaniyang silid. "Tss, bakit gusto mo? Akin na bag mo." Pang-aasar kong balik sa kaniya.
Nagulat naman s'ya dahil akala n'ya ay sineryoso ko ang kaniyang pang-aasar. "H-hindi na! Bahala ka nga riyan ate. Bye na!" Pansin kong namula ang kaniyang hindi masyadong matabang pisngi. Bumulalas ako ng tawa at saka nagpaalam na rin sakaniya.
Pumatungo na ako sa aking silid at baka ma-late pa ako sa pangalawang araw. Pansin kong maayos na ang aircon sa iba't-ibang silid habang naglalakad ako patungo sa aking silid. Nakasara na kasi ang mga pinto kung kaya ay siguro maayos na.
Nang makarating ako sa tapat ng aking silid ay naka-sara na rin ang pinto nito. Kumatok muna ako, iyon ang turo sa amin bilang galang. Shala, ibang-iba sa dati kong school, wala ng katok-katok pasok na ka agad. Natawa ako ng palihim sa aking naisip. Binuksan ko na ang pinto at saka akmang ng papasok ng magulat ako sa bumungad sa akin.
Iyong lalaking na sulatan ko sa may pwet. Gagi. Nanlaki ng kaonti ang aking mga mata at saka natulala; s'ya ay nakatingin lang din sa akin. Makalipas ng ilang segundo ay lumabas na s'ya sa silid. Maling timing pa dahil papasok na rin sana ako sa silid.
Hindi sinasadyang nagka-banggaan kami sa balikat. Napaatras ka agad ako bigla at napatigil kami. "A-ahy, sorry." Sabi ko sakaniya sabay tingin sakaniya. Tumingin lamang s'ya sa akin ng ilang segundo at saka walang-sabing tuluyan ng lumabas at nagtungo sa direksyon ng canteen. Sinundan ko s'ya ng tingin na hindi makapaniwala.
Amp. Attitude ka sis? Hindi man lang nag-. Pinigilan ko ang aking sarili. Tumingin ka agad ako sa silid at buti naman ay walang nakapansin. Pumasok na ka agad ako at sinara ang pinto. Dali-dali akong umupo sa aking upuan at pinakalma ang sarili. Nakatulong pa ang hangin na malamig na nanggagaling sa aircon na ayos na.
Breath in, breath out. Sabi ko habang naka-pikit at ginagawa iyon. "Hoy Blist! Morning, sama ka? Pupunta kami sa canteen." Dumilat ka agad ako ng marinig ang boses ni Jamaica at ng napansing nandito na pala sila. "A-ahm, kayo na lang." Sabay ngiti ko ng kaonti. "Sige, bilhan ka na lang namin." Sabay takbo na ka agad palabas. "Woi, 'wag na!-" Sigaw ko sakanila, ngunit naputol ng mapagtantong may iba pa palang estudyante sa silid.
Bumuntong-hininga na lamang ako. Tss, kainis 'yong lalaking 'yon. Dahil ba ro'n sa nasulatan ko 'yong uniform n'ya? Nag-sorry naman ako amp. Inis kong sabi sa aking isip habang nakatingin sa kawalan.
Napaka-attitude; 'Staka nob! Parehas lang 'yon Blist, tss. Maging kaibigan ko na ang lahat ng lalaki rito sa mundo 'wag lang 'yong gunggong na 'yon. I bet walang nagkakagusto sakaniya, ang sama ng ugali. Umirap pa ako sa sobrang inis.
.....