Irap
Nakatingin lamang ako kay sir J.M na kasalukuyang itinuturo sa amin ang isa sa mga lektura n'ya. Malapit man ako sa gulo ngunit nakikinig naman ako sa mga lessons, ngunit ngayon ay iba. Masyadong occupied ang isipan ko.
At ang nakakainis pa ay dahil sa masungit na lalaking iyon. Sabay tingin ko sa lalaking nasulatan ko ang kaniyang uniform at ang mas nakakainis pa ay kaklase ko s'ya. Ganoon na ba talaga kalala ang mga kasalanan ko? Magbabagong buhay na nga ako eh tapos ganito. Badtrip ha.
Bumuntong-hininga na lamang ako at saka tinanggal ang tingin sa lalaking kinaiinisan ko ngayon habang nakapatong ang aking siko sa mesa at nakapatong naman ang aking baba sa aking kamay.
Nakakairita. Tuwing dumadapo ang aking mga mata sakaniya ay kumukulo ang aking dugo. He's more like a nerd. May salamin, para s'yang abogadong masungit. Nalaman ko pang s'ya ang nangunguna rito, una sa mga achievers. Tss.
"Okay grade 7, nakalimutan ko nga pala, kailangan nating mag nomination para sa mga officers dito sa classroom." Natapos na pala si sir sa lecture n'ya hindi ko napansin dahil sa mga iniisip ko na hindi ko naman dapat iniisip. Tss. Nagsimula ng magsulat sa whiteboard si sir ng mga iba't-ibang titles ng officers. As usual, wala akong pake sa ganiyan dahil ang iba naman sa mga tinatawag nilang 'officers' ay wala namang naiaambag.
"Let us start with President. Sino-sino ang mga i-nonominate ninyo class? 'Yong maayos naman ha, hindi katulad no'ng dati." Pang-sesermon pa ni sir sa mga dating nag-aaral na rito. Obvious naman. "Sir I nominate Zonlego." Sabi ng isa naming kaklaseng lalaki sabay asar pa sa lalaking hindi ko alam kung bakit ko kinaiinisan.
"Perfect 'yan sir, full package!" Komento pa ng isa pang lalaki naming kaklase. S'yempre ang mga nag-aral na rito dati lamang ang nangahas na magsalita at magkomento. Kami-kaming mga bago ay tahimik lang. Pero hindi kasali sa mga bagong tahimik ang mga katabi ko ngayon. Naririnig ko ang pag-bubulungan nila. Hindi ko na lamang sila pinansin at tinuon sa harap ang tingin.
Segundo lamang ang nakalipas ay may pumindot sa aking balikat. Lumingon ako at nadatnan ko ang nakangising-aso na sila Jamaica. Kumunot ang aking noo. "Bakit?" Tanong ko sakanila dahil mukha silang mga tanga. "'Wag ka sana magalit ha." Sabay bungisngis nilang sabay-sabay. "E-eh? Bakit-" Hindi natuloy ang pagtanong ko dahil pinutol ni Shanali iyon.
"Sir! I nominate Blist po!" Malakas niyang sabi. Napatingin ako bigla sakaniya at lumaki ang aking mga mata. "W-woi! Ayoko, tumahimik ka!" Mahina kong sabi sakaniya habang ang mga kamay ko ay nakahawak sa kaniyang kamay dahil tumayo pa talaga s'ya upang I-nominate ako. Nag-pipigil lamang ako na gamitin muli ang aking kamao dahil sa inis. Umupo na s'ya at tumingin sa akin.
"Sige, very good Shanali. May bagong estudyanteng na nominate, anyone else?" Sabi at pasunod na tanong ni sir J.M. Napalingon muna ako kay sir saka muling ibinalik ang pansin kaila Shalani. "Bakit mo ginawa 'yon?" Nakakunot noong sabi ko. Nag-pipigil na lamang talaga ako dahil sinabi kong hindi na ako lilikha ng gulo. "Eh sorry na, parang leader material ka kasi Blist, kaya napag-usapan namin. 'Wag ka na magalit." Sabi pa ni Jamaica. Nagmala asong-matang humihingi ng tawad pa ang kaniyang mata at saka nag-pout. Tss, ano pa nga ba?
"H-hindi ako galit, hayaan n'yo na nga." Ngumisi na lamang ako at saka binalik ang tuon sa harapan. Narinig ko pa ang kanilang pag celebrate ng kanilang tagumpay. Hayst, wala na akong magagawa. Nakakainis.
"Okay wala ng gustong dumagdag. Botohan na tayo, itaas ang kamay sa mga boto kay Blist muna tayo." May galak na sabi ni sir. Nahihiya akong tumungo na lamang dahil ayoko naman talagang masali sa officers na iyan. "Good, marami-rami." Tumingin ako sakaniya na kasalukuyan ng isinusulat ang bilang ng mga bumuto sa akin. Tss, kainis naman oh.
"Ngayon, kay Zonlego naman. Sino-sino ang boto sakaniya." Hindi ko na lamang sinayang ang oras ko para tingnan ang paligid, tumungo na lamang muli ako. Tahimik na binilang ni sir ang mga bumoto. Tumingin muli ako sa whiteboard at isinusulat na muli ni sir ang bilang ng bumoto sa kay Zonlego pala ang ngalan. Tss. Pang-mayaman pangalan nento. "Ang President natin ay si Zonlego! Ngayon para maganda ay ang Vice President ay si Blist." Nagagalak na sabi ni sir J.M.
Apaka naman oh. Ayoko nga, wala naman akong maiaambag diyan. Sapol na tuloy ako sa sinabi ko kanina sa patungkol sa mga officers. Badtrip. "Owmay Blist! Success na 'yan atleast may president pa rin sa title, may Vice nga lang." Sabay tawa. Tumingin ako sa kay Meuza na ngayon lamang naki-siksik sa usapan. Kasama rin pala s'ya sa 'usapan'. Tumawa na lamang ako ng sarkasmo, dahil doon ay natawa pa sila ng husto.
Ibinalik ko na lamang ang aking tingin sa harapan. Hindi sinasadyang dumapo ang aking mga mata kay Zonlego na naka-tingin sa akin ng walang emosyon. Hindi ko napigilang taasan siya ng isang kilay. Wala s'yang ni-react at mas nakakainis pa roon ay ilang segundo lang siyang tumingin at saka ibinalik na ang tingin sa harapan.
Wow. Napaka wow. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa likod niya. Napaka-suplado ha. Sobra ka na, dahil ba roon sa uniform mo Mr. Zonlego the tadtad ng kasupladuhan? Humingi na nga ng sorry 'yong tao eh. 'Pag ako talaga napuno, didikit 'tong kamao ko sa mukha mo.
"Huy! Blist!" Panggugulo na tawag sa akin ni Shanali. "Ano!?" Inis kong sabi sabay baling ko ka agad sakaniya. "Ay galit? Magkakilala ba kayo ng president ngayon? 'Yong lalaking 'yon oh." Sabay turo n'ya kay Zonlego gamit ang kaniyang nguso. Kilala ko s'ya hindi na kailangang ituro. "Tss, hindi." Tinry ko ang best ko para itago ang aking inis. "Ah, akala ko magkakilala kayo. Makatingin ka kasi parang mangangain ka." Sabay tawa muli nila.
Tss, hindi nakakatawa, ngunit tumawa na lamang ako ng kaonti sabay buntong-hininga. Ibinalik ko na lamang ang pansin ko sa harapan at nag-nonominate na sila ng iba't-ibang officers. Tinapunan ko muli ng tingin si Zonlego. Bakit ko ba ginagamit ang pangalan niya? Hindi naman kami close, tss.
Malapit man ako sa gulo dati ngunit ang mga kaibigan ko na kalimitan ay mga lalaki talaga ay hindi naman ganoong kasama at kasuplado katulad niya. I think. Basta ayoko sakaniya. Tss.
~
"Grabe 'yon, sarap sampalin no'n" Kuwento pa ni Shanali sa amin. Napansin ko ka agad sakaniya na mukhang malapit din ito sa gulo. Ngunit hindi ang gulong katulad ng napapasukan ko, ang sakaniya ay ang gulong pang-babae. Iyong tipong puro parinigan o kung ganoon man ang dapat na tawag sa away-babae.
Tahimik lang akong naka-upo sa aking upuan at nakikinig sa mga kuwento ni Shanali. Naghihintay kami sa susunod na teacher na mag-tuturo sa amin. Bakit ba ang tagal? Pangalawang araw pa lang ah, may free time na yata. "'Di ba Blist? 'no!?" Biglang tanong sa akin ni Shanali na nanlalaki pa ang mata. "E-eh? A-hum." Tugon ko na lamang sabay tango. Ano ba 'yon? Pasensya na Godbless.
Magsasalita pa sana si Shanali ng may pumasok ng guro. Hindi ko alam kung magagalak ba ako o ano, dahil kung wala namang guro ay tutunga lamang ako rito pero kapag may guro naman baka tumunganga lang din ako kasi occupied nga 'yong isip ko. Kahit wala ka namang iniisip buang.
"Good morning grade 7. I'm Sir Ram, your MAPEH teacher. Mukhang madaming bago ah? Get 1/4 sheet of paper para sa mga bago, then sulat n'yo pangalan n'yo, age and teka ito." Sabi at utos ng bagong teacher na nakilala namin, para sa aming mga bago. Isinulat ni sir sa white board kung ano ang mga dapat na isulat namin sa papel. "Oh Blist, sa'yo 'to." Biglang alok ni Jamaica ng 1/4 na papel. "A-ah, thank you." Sabay ngiti ko. Nakatunganga kasi ba naman ako kanina, tss.
Nagsimula na akong isulat ang mga dapat isulat. Ipinasa naming mga bago iyon. Buti naman hindi katulad ng ibang teacher na papa-puntahin pa sa harap para ipakilala ako sarili, nakaka-kaba pa rin kaya 'yong ganoon. Bumuntong-hininga na lamang ako, pagka-tapos ng ilang sandali ay nagsimula ng mag-turo si sir Ram sa bagong lesson na hindi ko nanaman mabigyang-pansin dahil naglalakbay ang aking isip. Sa susunod na lamang ako makikinig. He.
Maayos lamang akong naka-upo at naka-tulala sa White board ng kalabitin ako ni Jamaica. "Eh? Bakit?" Lumingon ka agad ako at saka nakakunot-noong nag-tanong sa kaniya. Bakit naka-tingin 'to sa harap? Lumingon din ako sa harap at pansin ko ang mga titig ng lahat sa akin, mas malala pa ay naka-tingin din sa akin si sir. "Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ni sir.
Lumunok ako ng palihim. Hala, ano nanaman bang ginawa ko? "P-po? Ah! Blist po." Utal-utal ko pang sagot. "Okay Blist, paki-basa ng Synthesis sa page 6" Sabay ngiti niya sa akin. Grabe ah, akala ko naman kung anong ginawa ko. Tumango ako ng may kaonting ngiti at saka nagsimula ng hanapin kung nasaan ang ipina-pabasa ni sir. Gg naman, hindi kasi nakikinig. Nang mahanap ko na ay nagsimula na akong magbasa. "Synthesis, The music of the Highlands of Luzon Cordil-"
"Please stand-up." Pag-putol ni sir Ram sa pag-babasa ko. "Po!?" Gulat kong tanong. Bakit ako pinapatayo!? Mali ba? Amp naman. "Tumayo ka kapag nagbabasa Blist." May diin na bulong sa akin ni Meuza na nasa likod. Tumayo ka agad ako. "S-sorry po." Sabi ko kay sir. Nakaka-kaba kayo, Legit! "Okay lang, continue." Sabi ni sir na naka-ngiti. Ngumiti rin ako ng awkward.
Magbabasa na sana ako ng mabilis na dumapo ang aking mga mata kay Zonlego. Biglang lumamig, gagi. Inilihis ko ang aking tingin at saka nagsimula ng magbasa. "Synthesis, The music of the Highlands of Luzon Cordillera, helps us discover the way of life of the Cordillera people through themes about nature, family life, work inthe field as well as the spiritual matters. In addition to songs and chanted poetry, Cordillera music is distinctively made up of two sound characteristics of instruments based on their respective materials. The first, made of bamboo flutes, percussion instruments, and the second, made of metal gongs. These traditions are on their way to extinction due to the modernisation of the way of life among the youth of the Cordillera region. Less and less of the young generation are taught,learning the traditional music of their forefathers. Other threats to their music and most especially, their way of life are the conflict between state policies and their ancestral rights on land ownership, megatourism, militarization, and the shift from manual farming to machine-processed farming. Despite all these, several non-governmental organizations and international organizations like UNESCO ensure the protection not only of the rich culture and tradition of the Cordillera region but also of their people." Mahaba kong basa.
"Thank you, ang galing mong mag-basa ah!" Sabi pa ni sir sa akin. Wow, compliments. Tumawa lang ako ng mahina. Naka-hiligan ko naman ang pag-babasa, na-enjoy ko naman ang pag-basa kani-kanina lang ngunit nakaka-kaba ang mga matang naka-tingin sa akin. Speaking of naka-tingin. Nahagip muli ng aking mga mata ang titig ni Zonlego. Dahil sa nainis ako ng hindi malamang dahilan ay tinitigan ko rin s'ya pabalik. "You may seat na, Blayn-narie? Is it right?" Tanong sa akin ni sir. Bumitiw ako sa tingin at saka sumagot kay sir. "A-hum, P'wede pong Blist na lang para mas madali, hehe." Sabay awkward ko nanamang tawa.
Sumang-ayon naman si sir. Bago umupo ay tumingin muli ako kay Zonlego na naka-tingin pa rin. Binigyan ko s'ya ng matinding irap at saka umupo at iniwas ang titig sakaniya. Ipinatong ko muli ang aking siko sa mesa at ang baba ko sa aking kamay. Nagsimula na muli si sir sa kaniyang lektura.
~
"Huy! Pansin namin ha, tingin ng tingin sa'yo 'yong president natin." May nahimigan pa akong pang-aasar sa boses ni Shanali sa sinabi n'yang iyon. "Tss, guni-guni mo lang 'yan" Sabi ko rin sakaniya. Nagliligpit at ayos na kami ng aming mga gamit dahil uwian na. "Shocks! wala pa tayong ibang friends, tayo-tayo pa lang." Sabi ni Jamaica habang inilalagay ang mga gamit sa bag niya. "Ito oh, si Aly." Sabay tawag n'ya sa babaeng nasa may kanan kong likuran kong titingin ka sa likod. Ipinakilala kami ni Meuza sa kaniya at nakipag-usap na rin sakaniya. Except sa akin.
"Ah, sibat na ako. Baka nsghihintay na mga kapatid ko." Paalam ko na sakanila. "'Di ba mga boys kapatid mo Blist? Beke nemen." Sabay laro ni Jamaica sakaniya buhok. Tss, never. Ang sama mo Blist. Pinigilan kong tumawa. "Eh? sige na, bukas na lang ulit." Ngumiti ako ng kaonti sabay alis na sa silid; Dumiretso na ako sa waiting area ng masilayan kong naroon na si Ben naka-upo at may kausap na siguro ay bago n'yang tropa. Hindi ko pa nakikita si kuya ngayong araw ah? Late lumabas, baka cleaners. Wala pa kami no'n.
Bumuntong hininga na lamang ako at saka pumatungo na roon.
.....