President
"Ehy, Bunso." Bungad ko ka agad kay Ben. Ginulo ko pa ang kaniyang buhok. "Ate naman!" Sabay ayos n'ya sa kaniyang buhok. Umupo ako sa tabi n'ya at saka sumilip sa kausap n'ya. "Bagong kaibigan mo?" Tanong ko sakaniya. "Hindi ba obvious?" Inis n'yang tanong. Hindi ko s'ya pinansin at saka nagpakilala sa bago n'yang kaibigan.
"Yow, Ako nga pala astig na ate n'ya." Sabay lagay ko sa may bandang mata ko ng aking kamay na naka-peace sign. Ngumiti naman ako kaibigan ni Ben at nagpakilala rin. "'Wag mo pansinin 'yan, masyadong mataas tingin sa sarili." Sabay tawa nilang dalawa. "Aba! masyado ka ha. Bantayan mo 'tong bag ko, kapag dumating na si kuya sabihin mo umihi lang ako." Utos ko sakaniya. "Bahala ka riyan ate." Sagot n'ya lang. "Tss." Sabat nag-tungo na ako sa palikuran.
Kinakailangan ko pang dumaan sa hallway, kaonti nanaman na ang mga estudyante dahil ang iba ay naka-uwi na. Tss, pero kapag nasa kalahating buwan na, halos gabi na magsi-uwian. Nang makarating na sa cr ay pumasok na ako at saka nagsimula ng umihi. Pagkalabas ko ay nadatnan ko ang mga babaeng nag-aayos ng kanilang sarili sa may salamin. Mga nasa higher grade na 'to dahil obvious naman dahil wala sila sa grade 7 room, at saka mga mukhang matured na. Binalewala ko na lamang sila at saka pumunta sa may gilid nila dahil kinakailangan kong mag-hugas ng kamay.
Hindi ko sila binigyan ng isang tingin saka lumabas na. Sana naman ay naroon na si kuya, nagugutom na 'ko. Bumalik na ako sa hallway at saka nagsimulang mag-lakad. Nag-lakad lamang ako ng nag-lakad ng matanaw ko na papunta sa aking direksyon ang isang pigura ng lalaki. Nang palapit na ay nakita kong si Zonlego iyon. Napaka-husay, bakit hindi pa 'to na-uwi? Binalewala ko na lamang s'ya at saka diniretso ang tingin sa daan kahit kinakabahan ako. Kaonti lang. Nang naka-lagpas na siya ay roon lamang ako naka-hinga.
"Blist." napatigil ako sa pag-lakad ng marinig kong tinawag niya ang aking pangalan. Bumalik nanaman si kaba. s**t. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Nadatnan kong naka-harap siya sa akin at saka medyo malayo ang distansya, ngunit nag-lakad siya patungo sa akin upang lumapit. Pinigilan ko pa ang pag-hinga. Ano bang nangyayari sa 'kin?
Nang maka-lapit, nag-titigan lamang kami ng matagal. Hindi ako nag-patalo sa pag-tititigan namin kahit na kinakabahan ako sa kaloob-looban. Nang hindi na kinaya ng aking sistema ay nagsimula na akong magsalita. "Ahem, bakit?" Pinanatili kong malamig ang tono noon. Hindi s'ya sumagot at tiningnan lamang ako. Nainis ako sa hindi niya pag-sagot, kung kaya ay hindi ko napigilang sumalubong ang aking mga kilay.
Ilang segundo pa muli ay bigla s'yang tumingin sa gilid n'ya at saka tumikhim. "Kanina no'ng nagbabasa ka." Wow, buti naman nagsalita na, para akong kumakausap ng pipi amp. "Oh? Ano mayro'n?" Ahy s**t. Bakit ang taray Blist? Hindi ko mapigilan nakakainis kasi. Tumaas ang isang kilay n'ya ng marinig siguro ang mataray kong tono ng pagsagot. Tumikhim na lamang ako. "Tama bang, inirapan mo 'ko kanina?" Kalmado n'yang tanong sa akin.
Buti naman nakita mo. Tinagilid ko sa may kaliwa ang aking ulo habang namamanghang tumingin sa kaniya. "Bakit pres, mayroon bang batas na nagsasabing bawal kang irapan?" Nang-aasar kong tanong sakaniya. Nanatiling kalmado ang kaniyang ekspresyon. "Hindi gano'n ang ibig kong sabihin." Sagot n'ya "What I meant was-"
Hindi ko na s'ya pinatapos dahil alam ko naman ang ibig n'yang sabihin. Kailangan pa akong i-english. Pinutol ko ang kaniyang pag-eenglish sa pamamagitan ng pag-tapat ko ng aking palad sa kaniyang mukha. "Hep! Pasensya, us nothing english. Our is at tagalog." Sabi ko sakaniya. Pinigilan kong tumawa sa mga sinabi ko. Napansin kong nag-salubong pa ang kaniyang mga kilay. Ibinaba ko na ang aking kamay at saka inilagay ito sa aking gilid.
Naka-pamaywang na ako ngayon at saka naka-turo sa kaniya ang isa kong kamay. "Ikaw 'pres', bakit no'ng nanalo ka sa botohan eh tumingin ka sa akin na parang nag-mamayabang? Paki-explanation." Sabi ko sakaniya sabay pinag-krus ko na ang aking mga kamay. Maslalong nag-salubong ang kaniyang mga kilay. "Hindi ako nagmamayabang. My only concern is-"
Itinapat ko muli ang aking palad sakaniyang mukha, ngayon ay naiinis na talaga ang ipinaakita n'yang ekspresyon. "A-hum. Me said, me no understandable. Ochie?" Nang-aasar kong sagot. Pinag-krus ko muli ang aking mga kamay. Panandalian kong nakita si kuya na kakagaling lang sa palikuran. Ahy s**t, baka ako nanaman puntiryahin nento. Ibinalik ko ang tingin kay Zonlego na mag-sasalita na muli sana ngunit nagmamadali na ako. "Uhm, have a good araw 'pres', kailangan ko ng mag go go. Bye president!"
Mabilisan kong paalam at saka tumalikod na at pumatungo na sa waiting area, narinig ko pa ang pahabol n'yang sabi. "Ikaw yata 'yong naiingit eh-" Pasigaw n'yang habol. Kumaway na lamang ako ng patalikod. "H-hey!" Pasigaw n'ya muling tawag sa akin dahil nag-simula na akong tumakbo. Na-apakan yata 'yong ego. Tumawa na lamang ako habang patakbong pumatungo sa waiting area.
Nang makarating doon ay naroon na nga si kuya at saka naka-tayo na si Ben at mukhang naiinis. "Kuya, bakit ang tagal mo? May cleaners na ba ka agad?" Tanong ko habang kinukuha ang bag ko. "Wala, may inutos lang 'yong teacher. Tara na." Nagmamadaling sabi ni kuya. "Teka naman kuya, maglalakad ulit si ate?" Tinulungan ko na s'ya dahil ang bilis mag-lakad ni kuya. "Oo." Malamig na tugon ni kuya.
Amp, ano bang nangyari rito? Kung dahil sa akin ay dapat sinesermonan na dapat n'ya ako. Bumuntong-hininga na lamang ako at saka sumunod sakanila. Nanatiling tahimik si kuya at kami ay naka-sabay lamang sakaniya. Tumingin sa akin si Ben at nakakunot-noong sumabay sa akin. "Ano mayro'n ate?" Bulong sa akin ni Ben. "Bakit ako tatanungin mo, eh obvious naman na wala rin akong alam." Inis kong bulong.
"Eh akala ko nag-kasalubong kayo kanina." Bulong muli sa akin ni Ben habang kinakamot ang kaniyang ulo. nagkibit-balikat na lamang ako at saka tahimik na lang naming sinundan ni si kuya papunta sa motor n'ya.
Nang makarating doon ay mabilisan n'yang pinasakay si Ben. "Mag-ingat ka Blist. At saka bilisan mo." Sabi sa akin ni kuya ng hindi ako tinatapunan n tingin. "Opo kuya, pero anong-" Hindi ko na na ituloy ang tatanungin ko dapat sa kaniya dahil mabilisan na n'yang pinaharurot ang kaniyang motor. Nainis ka agad ako. Amp, nagmamadali ka ho!? Ka-bastos ha. Inambahan ko pa silang suntok kahit na malayo na sila. "Tss."
Nagsimula na lamang akong mag-lakad dahil nagugutom ako at napapagod na rin. Napangisi ako ng maalala ang pag-uusap namin ni Zonlego. "Tss, close ba kayo Blist? Name-basis na gano'n?" Sabi ko sa aking sarili. Bumuntong-hininga na lamang ako. Ang sarap n'yang asarin dahil mukhang sineseryoso n'ya. Humagikgik na lamang ako at saka nagmamadaling nag-lakad pauwi dahil mukhang uulan.
~
pag-karating ko sa bahay ay binuksan ko na ang pinto na si Doorly at saka isinara ito ng dahan-dahan. Pagka-pasok ko ay inilibot ko ang tingin at saka nakitang naka-upong mag-isa si Ben sa hapag-kainan. "Woi! ang daya, pahingi." Inilapag ko muna ang akingg bag sa sofa at saka nag-tungo na kay Ben. Kumuha ako ng cookies na himalang mayroon ngayon. Isinubo ko na ito at saka nag-tanong kay Ben habang puno ang aking bibig. "Nasaan si kuya?" Itinaasa n'ya lamang ang kaniyang kamay at itinuro ang kusina.
Kumunot ang aking noo sa kaniyang inasta. "Woi, an'yari sa'yo?" Kuryoso kong tanong. "Pinagalitan ka?" Hininaan ko ang aking boses at baka marinig ako ni kuya. Umiling lamang si Ben. "Kausapin mo ro'n ate." Tumingin s'ya sa akin at tinanggal din ang tingin saka kumuha ng cookies muli. Inilapag ko ang cookies na kinakain ko sa plato ni Ben, at saka napa-lunok dahil parang may kasalanan nanaman yata ako.
Dahan-dahan akong tumayo at saka pumatungo na sa kusina ng dahan-dahan din habang nanatili ang tingin ko kay Ben. Baka niloloko lang ako nito, mahirap na. Nang makarating sa pasukan ng kusina ay itinigil ko na ang paninitig kay Ben at saka lumingon sa kusina. Nadatnan ko si kuya na naka-sandal sa may hamba. Biglang dumami ang tanong sa aking isipan ng makitang may yelo sa kaniyang kamay at dahan-dahang idinidikit sa kaniyang pisngi.
Nanlaki ang aking mga mata nang makitang namamaga rin ang kaniyang labi. "Kuyaaaa!" Mahaba at malakas kong pag-tawag sa kaniya. Inis s'yang tumingin sa akin. "Napaka-ingay mo!"
"Ano 'yan!" Itinuro ko pa ang kaniyang mukha dahil matagal-tagal na akong nakakita ng mga pasa sa mukha, kung hindi kay kuya ay sa akin. Hindi muna ako nalapit sakaniya dahil nag-aalala man ay gusto ko s'yang asarin. "E'di mukha!"
"Mukha ba 'yang mukha?" Asar kong sabi. "Kung wala kang sasabihing maganda, pumunta ka na lang doon kay Ben." Sabay tingin na lamang sa kawalan. Bumuntong-hininga ako at saka lumapit na sakaniya. Pumatungo ako sa harapan n'ya at saka pinag-krus ang mga kamay. Tumingin s'ya sa akin at saka itinaas ang isang kilay. Pina-liit ko ang aking mga mata.
"Anong ginawa mo kuya?"
"Huminga."
"Tapos?"
"Kinurap-kurap mga mata."
"Tapos?"
"Nag-lakad."
"Tapos?"
"Umupo."
"Tapos?"
"Tumayo."
"Tapos?"
"Tapos, tapos na. Umalis ka nga sa harapan ko. Nakaka-panget ng view." Halos matumba na ako sa pag-hawi n'ya sa akin. "Kuya naman eh, ano nga!?" Naubos na ang pasensya ko. "Nakipag-bugbugan nga!" Inis n'yang sagot. "Ah, akala ko na-bugbog. tatawanan na sana kita." Tumango-tango pa ako. "At dahil d'yan kami ng bahala riyan sa mga pasa mo, baka walang magkaka-gusto sa'yo n'yan!" Hinila ko s'ya papunta sa hapag-kainan. Hinayaan naman n'ya ako at saka nag-pahila.
"Ano bang ginawa mo kay Ben kuya? Sundan mo 'ko Ben." Sinundan naman n'ya ako sa kusina at saka kumuha kami ng mas marami pang yelo. "Hindi ko 'yan pinagalitan ah." Sigaw n'ya mula sa may hapag-kainan. Bumalik na kami sa hapag-kainan ng may dala-dalang yelo. "Baka natakot. Ang panget mo kasi kuya." Kumuha ng panyo si Ben sa itaas at saka pagka-baba ay ibinalot ito sa yelo. "Kami ng bahala." Sabay nagka-tinginan kami ni Ben at bumulalas ng mala-demonyong tawa.
Nagsimula na kaming idikit ang yelo sa mukha ni kuya. "Gago, A-aray! Dahan-dahan nga Blist!" Sinampal pa n'ya ako ng kaonti. "Bakit kailangan manampal ha!?"
"Umayos ka kasi!"
"Tss." Mag-gagabi na ngunit ganoon pa rin ang ginagawa namin. Minsanan ay idinidiin namin ng sadya ni Ben upang parusahan si kuya. Mukhang hindi uuwi ang mga manenermon sa amin ngayon. Mabuti naman dahil baka malintikan si kuya nito. Buong gabi ay sa amin na muna pansamantala ang buong bahay. Na-ulan pa kung kaya ay libreng-libre kaming manood sa ibaba at mag-saya.
~
Nagising ako dahil sa tunog ng pag-bagsak kay Doorly. Umalis na sila. Bumuntong-hininga na lamang ako at saka tumayo na at inayos ang aking higaan. Pagka-tapos noon ay bumaba na ako upang kumain at maligo. Nadatnan ko sila kuya at Ben na masayang kumakain. "Bakit ang sasaya n'yo?" Kinukusot-kusot ko pa ang aking mga mata. "Himala ate! hindi nag-salita sila papa. Umalis na lang bigla." Sabay tusok ng hotdog gamit ang tinidor at kinain. "Nakaka-sad naman, walang goodbye speech." Kunwari pang bumuntong-hininga si kuya na namamaga pa rin ng kaonti ang mga pasa.
"Buti hindi nakita 'yang pasa mo? 'Staka niluto n'yo 'yan? Saan n'yo 'yan na kuha?" Marami pa akong tanong ngunit yo'n na muna. "Ang dami namang tanong, kay aga-aga. Kumain ka na lang oh." Wala akong nagawa kun'di umupo na lamang at kumain. "First question; Oo, hindi nila nakita 'to dahil kakababa ko lang din kani-kanina." Sagot ni kuya sabay kagat sa hotdog.
"Second question; Opo ate, niluto namin this at ang sarap." Nag-mamayabang pang sabi ni Ben. "Third question; Binili ko 'yan kasi may ipon ako, kaya tumahimik kana at chop chop na."
"Dami n'yong alam." Nagsimula na lamang akong kumain at saka pagka-tapos noon ay nag-ayos na kami at pumatungo na sa paaralan.
~
"Maayos naman pag-aaral mo Blist?" Bungad na tanong sa akin ka agad ni kuya. "Anong masasabi ng guro mo kuya kapag nakita nila 'yan?" Sinagot ko s'ya ng tanong at saka itinaas ang isang kilay. Hindi na lang n'ya ako pinansin at saka nag-tungo sa kay Ben.
Sinundan ko s'ya. "Nasaan na 'yong kaibigan mo kuya?" Saglit lamang ng ma-realize kong magiging mali ang ibig sabihin para kay kuya ang tanong ko. Pinanliit n'ya ang kaniyang mata habang naka-titig sa akin. Binigyan ko s'ya ng pandidiring ekspresyon. "Tss, bahala ka nga. Mali 'yang iniisip mo! Baka kasi no friends ka na, so sad naman. Bye bunso!"
Mabilisan na akong tumakbo at baka ma-upakan ako ni kuya. Patakbo akong pumatungo sa aking silid.
.....