MARIA X VALERINO 20

1642 Words
"Mag-iingat ka po doon, Ate ah?" sabi ng kapatid ni Maria. "Oo naman. Kayo rin dito. Palagi kayong susunod kila Mama at Papa," sabi naman ni Maria bago tuluyang lumabas ng kanilang bahay. Sa may kanto, nakaabang kaibigan niyang si Crystal. Malawak itong ngumiti ng makita siya. "Wow! Iba ka na talaga ngayon! May sasakyan na! Ang bongga! San all nakahanap ng jumbo hotdog na mayaman at guwapo!" bulaslas ni Maria nang lumapit sa kaniyang kaibigan. "Malay mo naman, 'di ba? Doon mo makikita ang didilig sa iyo. Kawawa naman kasi 'yang petchay mo, lantang-lanta na. Kumbaga sa lupa, tigang ka na," sabi ni Crystal sabay tawa. "Huwag mo nga akong asarin diyan! Makakahanap din ako ng lalaking didilig sa akin ng bongga! To the max like balibagan sa kama! 'Yon ang bet ko," sabi ni Maria sabay hagalpak ng tawa. Nagtawanan naman silang magkaibigan. Kumain muna sila saglit bago tuluyang inihatid ni Crystal ang kaibigan niya sa sakayan ng bus. Matutungo kasi sa probinsya si Maria kung saan aalagaan niya ang Lola niyang may sakit. Sa sobrang labo na kasi ng mata nito, hirap ng makakita ang Lola niya. At dahil siya ang panganay, siya ang paboritong apo ng Lola niya. Pagkarating niya sa probinsya, naabutan niyang natutulog ang kaniyang Lola. Lumapit siya dito at saka nagmano. "Lola, nandito na po ako," sabi niya sabay ngiti. Kumapa-kapa naman ang kaniyang Lola Elsa. "Talaga? Ikaw na ba 'yan, Maria? Pasensya ka na at hindi ko masyadong makita ang mukha mo. Pero alam kong napakaganda mo." Ngumisi naman si Maria. "Syempre naman, Lola! Ako pa ba? Kaso maganda lang, wala namang jowa," sabi niya sabay tawa. Inasikaso na niya ang kaniyang Lola Elsa. Nagluto siya ng makakain nila at pagkatapos ay naglinis ng bahay. Pagdating ng hapon, nakatulog na ang kaniyang Lola. Nakaramdam naman ng pagka-boring si Maria kaya naman lumabas siya ng bahay at nagtungo sa kanilang bakuran. "Uy! Bago ka rito 'no?" sabi ng isang babae sa kaniya. Tumango naman si Maria. "Oo. Apo ako ni Lola Elsa. Kararating ko lang din kaninang umaga." "Ay pasensya ka na feeling close lang ang peg ko. Ako nga pala si Josephine. Jopay na lang for short," sabi ng babae sabay tawa. "Hello, Jopay. Ako naman si Maria." "Wow! Ang gandang pangalan! Pang virgin! Mahinhin!" sabi ni Jopay sabay tawa. Natawa na rin si Maria. "Sa pangalan na lang ako virgin pero mahihindutin 'to! Joke! Masikip pa rin naman ako dahil tatlong taon na akong walang jowa. Mag-aapat na nga ngayon eh." Tumaas ang kilay ni Jopay. "Ha? Bakit naman? Ang ganda mo kaya! Kakainggit nga ang kakinisan ng balat mo eh. Samantalang ako, morena. Pero maganda naman ako kaya maraming gustong tumikim sa akin pero duhh! Ayoko sa kanila. Sa guwapo lang ako papatikim." Malakas na natawa si Maria. "Oo sa guwapo na lang. Para pagniloko ka, at least guwapo. May mga lalaki kasi ngayon na kahit pangit, manloloko eh. Ang kapal ng libag." "Siyang tunay! Akala mo malalaki ang talong! Mga kikiam naman! 'Yong iba maitim pa!" sabi ni Jopay sabay tawa. "Alam mo, mukhang magkakasundo tayo. Balahura din kasi bunganga mo eh!" Natatawang saad ni Maria. "Siyang tunay! Ayaw kasi akong kausapin ng iba dahil pasmado raw ang bibig ko. Pero kahit ganito ako, hindi naman ako maharot na kung kani-kanino na lang nagpapasundot! Eh 'yong iba nga diyan, tahimik pero malupit pala," saad pa ni Jopay. Tumagal pa ang kuwentuhan nilang dalawa bago pumasok si Maria sa loob ng kanilang bahay. Mabuti na lang at may naging kaibigan agad siya. Kinagabihan, naisipan niyang magluto ng sinigang na baboy kaya nagtungo siya sa talipapa. Pauwi na sana siya nang may mapansin siyang kakaibang bagay sa damuhan. At nanlaki ang mata ni Maria nang makita niya ito ng tuluyan. Isang lalaki na may sugat sa katawan at ulo ang nakahandusay sa damuhan. Kaagad itong nilapitan ni Maria at hinawakan sa pulso. "Uy! Buhay pa si Kuya," bulong ni Maria sabay kuha ng cellphone niya. Inilawan niya ang mukha ng lalaki. "Oh my gosh! Ang guwapo naman ng nilalang na ito! Ang sarap! Teka...ito na ba ang sagot sa dasal ko? Ito na ba talaga?" Nagpalinga-linga si Maria sa paligid. Mabuti na lang at wala pang taong dumadaan. "Marami pong salamat Lord sa handog niyong lalaki sa akin. Siguradong mabubusog po ako sa kaniya gabi-gabi!" sabi ni Maria sabay tawa. Pasimple niyang itinaas ang suot na damit ng lalaki. Napangisi siya nang makita niya ang magandang katawan nito. Dumako ang mata niya sa pagitan ng hita ng lalaki. Napalunok siya. "Wala naman sigurong masama kung hahawakan ko 'to, 'di ba? Matagal na rin akong hindi nakakahawak ng hotdog," bulong ni Maria sabay dakma sa kargada ng lalaki. Mahina namang umungol ang lalaki nang dakmain ni Maria ang hotdog nito. "Oh my! Ang laki! Tulog pa ang hotdog niya pero malaki na! Paano pa kaya kung nagising ito at galit na galit? Eh di mahaba at mataba na ito! Grabe! Parang basa na agad ang panty ko!" Malokong sabi ni Maria sabay buhat sa lalaki. "Iuuwi muna kita, ha? Tapos pasimpleng mamanyakin," mahinang usal ni Maria. Kahit mabigat ang lalaki, kinaya ito ni Maria para lang makarating sa kanilang bahay. Dinala ni Maria sa kaniyang kuwarto ang lalaki. Ginamot niya ang sugat nito sa ulo at katawan. "Ay teka, medyo dirty ka na. Bibihisan lang kita. Ayos lang naman siguro 'no? Bihis lang naman eh," sabi ni Maria habang nakatingin sa lalaki. Wala pa rin itong malay. Naghanap ng malaking t-shirt si Maria. At pagkatapos, hinanap niya rin ang malalaking short na puwede sa lalaki. "Wala kang brief, ha? Kasi hindi ko naman puwedeng ipasuot sa iyo ang panty ko," sabi niya pa at saka nagsimula nang bihisan ang lalaki. Napalunok si Maria nang hubarin na niya ang brief ng lalaki. "Oh my! Magubat! Grabe naman ang lago ng 'yong pugad! Ang cute ng hotdog mo, ha. Color pink!" Nanggigil na sabi ni Maria sabay hawak sa hotdog ng lalaki. Inamoy ito ni Maria. "Ay. Medyo maasim siya, ha. Siguro wala pang ligo 'tong si Kuya. Ano kayang nangyari sa iyo?" sabi niya habang nakahawak pa rin sa hotdog ng lalaki. Nanlaki ang mata ni Maria nang gumalaw ang lalaki. Kaya naman agad niyang isinuot ang short nito. Pero tumagilid lang pala ang lalaki at natulog pa rin ito. Nakahinga naman ng maluwag si Maria sabay upo sa gilid ng kaniyang kama. "Nasaan ako?" tanong ng lalaki kay Maria. "Nasa kuwarto ko malamang," sagot naman ni Maria. Marahang bumangon ang lalaki. "Bakit ako nandito? Ano ang nangyari sa akin?" Kumunot ang noo ni Maria. "Ha? Wala ka bang maalala?" Marahang umiling ang lalaki. "Wala. Kahit pangalan ko hindi ko alam." Napalunok si Maria habang nakatingin sa lalaki. Kung walang maalala ang lalaki, ibig sabihin, hindi nito alam kung sino ba talaga siya at kung saan siya galing. Kaya naman may naisip si Maria. "Ikaw naman kasi eh! Masyado kang excited sa pagsunod sa akin dito sa probinsya," biglang sabi ni Maria sabay tawa. "Ha? Anong sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ng lalaki. "Alam ko na hindi mo 'to maaalala pa sa ngayon pero mag-live in partner tayo sa Maynila. Nagpunta lang ako dito sa probinsya para alagaan ang Lola ko. Siguro, na-miss mo ako ng sobra kaya sinundan mo ako dito. Nakita na lang kita sa isang tabi na nakahandusay. Siguro nahimatay ka sa pagod at gutom kakahanap sa akin dito," palusot ni Maria sabay kagat labi. Pinagdarasal niya na sana gumana ang palusot niyang kakaiba. Naguguluhan pa rin ang lalaki. "Ha? Sigurado ka ba diyan?" "Oo! Balak mo na nga akong gawing asawa eh. Gusto mo na nga akong pakasalan kasi matagal na tayong nagsasama. Pero wala pa kasi tayong anak kasi mahirap pa ang buhay. Baka hindi natin kayanin," saad ni Maria sabay ngiti. "Kung totoo nga ang sinasabi mo, nasaan ang picture na magkasama tayo?" Nanlaki naman ang mata ni Maria sabay kamot ng ulo. "Ah…ano eh…oo nga pala hindi mo nga pala naaalala na na-hold up ako. Kinuha ang cellphone ko pati pera." Nanatiling naguguluhan ang mukha ng lalaki. "Eh 'yong cellphone ko? Nasaan?" "Aba malay ko sa iyo! Nakita nga lang kita sa isang tabi. Bakit ka pa kasi sumunod sa akin dito? Hindi ba sinabi ko naman sa iyo na babalik din agad ako?" sabi ni Maria sabay lapit sa lalaki. Nakatingin lang ito sa kaniya. Naguguluhan pa rin 'to. Hindi niya agad mapaniwalaan ang sinasabi ni Maria. "Wala ba tayong social media account para mapatunayan mo sa akin na may relasyon tayong dalawa?" sabi pa ng lalaki kay Maria. "Mayroon. Kaso hindi mo naman ako pino-post eh. At saka…nag-deactivate ka sa social media account mo dahil ayaw mong magkaroon ng koneksyon sa magulang mo. Hindi kasi nila tanggap ang relasyon natin. Mayaman ka kasi eh. Tapos ako ay mahirap lang. Hindi nila ako tanggap," palungkot-lungkutang sabi ni Maria. Napalunok naman ang lalaki. Tiningnan niyang maigi si Maria kung nagsasabi ba ito ng totoo. Ginalingan naman ni Maria ang pag-arte na kunwari ay malungkot talaga siya. "Hindi ka pa rin ba naniniwala? Sige, ikaw ang bahala. Pero ito ang tandaan mo, mahal na mahal kita Palito," sabi ni Maria sabay yuko. "Palito? 'Yon ang ang pangalan ko?" tanong ng lalaki sa kaniya. Mabilis na tumango si Maria. "Oo. 'Yon ang pangalan mo. Pero ang tawagan natin ay 'asawa ko." Malalim na bumuntong hininga si Palito. Sa isip niya, marahil ay nagsasabi naman ng totoo sa kaniya si Maria. Kaya naman niyakap na lang niya ito. "Pasensya ka na kung marami akong tanong at hindi kita pinaniwalaan. Syempre, wala akong maalala. Malay ko ba kung niloloko mo ako?" sabi ni Palito habang nakayakap kay Maria. Ngumisi naman si Maria. Sa loob-loob niya, nagtagumpay siya sa pagpapanggap niya. "Hayaan mo na. Wala 'yon. Ang importante, ligtas ka at magkasama na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD