Sumunod na araw, bumisita si Crystal kasama ang anak niya sa opisina ni Harold. Masaya nilang nilalaro ang kanilang anak.
"Wow! Happy family!" sabi ng kararating na si Bethrice.
"Oh? Bakit nagpapasok ka ng impakta dito?" tanong ni Crystal kay Harold.
"Ewan ko ba diyan. Bigla na lang sumusulpot," natatawang sabi ni Harold.
Tumaas ang kilay ni Bethrice. "Wow, ha? Mayabang ka na ngayon porke napangasawa mo ang mayamang kagaya ni Harold. Eh kung hindi lang naman dahil sa kaniya, janitress ka pa rin ngayon."
Ngumisi naman si Crystal. "Eh ikaw? Mayaman ka nga, pero may asawa ka bang kagaya ni Harold? Wala naman, 'di ba? Kaya ngayon, nanggugulo ka. Ibang klase na talaga ang mga babae ngayon 'no? Ang kapal ng mukhang magpakita pa sa lalaking may asawa na. Talagang manggugulo pa."
"Hoy! Baka nakakalimutan mo, unang naging akin si Harold," sabi ni Crystal sabay ngisi.
"Okay? Tapos? 'Yon na 'yon? Eh sa akin? Ako akg pinakasalan. Bleh!" sabi ni Crystal sabay dila.
"Anong sabi mo? Nakakainis ka na talaga!" Gigil na sabi ni Bethrice sabay sugod kay Crystal.
At dahil sanay si Crystal sa pakikipag-away, naging madali lang patumbahin para sa kaniya si Bethrice. Sinuntok niya ito sa mukha at pagkatapos ay sinipa ang petchay ni Bethrice. Tumalsik naman si Bethrice.
"Okay! 1 point para kay Crystal!" Natatawang sabi ni Harold.
"Yes naman! Akala yata sa akin ng babaeng 'to mahinang nilalang eh," natatawang sabi ni Crystal.
Gigil namang bumango si Bethrice at saka muling sumugod kay Crystal. Pero kagaya ng una, sinuntok lang siya sa mukha nito. Nagdugo na tuloy ang ilong ni Bethrice.
"Aray ko..." naiiyak na sabi ni Bethrice.
"Ano? Lalaban ka pa, ha? Kawawa ka lang talaga sa akin. Umalis ka na dito bago pa mandilim ang paningin ko sa iyong babae ka. Mapapatay kita," seryosong sabi ni Crystal.
"Huwag mo akong subukan, babae. Hindi ako kagaya ng iba na kinakaya mo lang. Bugbog talaga ang aabutin mo sa akin sinasabi ko sa iyo. Wala kang lugar sa pamilya ko. Kung gusto mong maging kabit. Doon ka sa iba, huwag sa akin," dagdag pa ni Crystal sabay kuyom ng kamao.
Dahan-dahan namang tumayo si Bethrice sabay labas ng opisina ni Harold. Bumuntong hininga naman si Crystal.
"Ang galing mo doon, babe. Kawawa siya eh. Sarap tawanan ng malakas," sabi ni Harold sabay ngisi.
"Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon! Hindi na nahiya. May gana pang magpunta dito. Alala yata niya, baliw na baliw ka sa kaniya," inis na sabi ni Crystal.
"Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Abnormal. Kaya dapat lang nabugbugin mo eh," sabi pa ni Harold.
Lumipas pa ang mga araw, hindi pa rin sumuko si Bethrice. Umaasa pa rin siyang babalik sa kaniya si Harold.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Bungad ni Crystal kay Bethrice.
"Dinadalaw ko lang si Harold," mataray na sabi ni Crystal.
"Wow naman. Ang kapal ng mukha. Ibang klaseng kabit. Harap-harapan kung gumalaw. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?"
Umiling si Bethrice. "Hindi. Dahil alam kong mahal pa rin ako ni Harold. Siguro pinikot mo lang siya o ginayuma."
Tumawa si Crystal. "Talaga lang ha? Ganiyan ba talaga ang iniisip ng baliw na babaeng kagaya mo? Kaya ka iniiwan eh, dahil abnormal ka. May gana ka pang magpakita dito. Umalis ka na nga! Bago pa mandilim ang paningin ko sa iyo."
Nginisihan siya ni Bethrice. "Eh paano kung ayoko?"
Ngumiti si Crystal. "Eh 'di iuuntog ko 'yang ulo mo sa pinto."
Pumalakpak si Bethrice. "Gawin mo nga? Kaya mo?"
Malawak na ngumiti si Crystal at saka mabilis na hinatak si Bethrice at saka malakas na inuntog sa pinto. Pagkatapos ay itinulak niya pa ito.
"Bagay lang 'yan sa malanding kagaya mo! Gumana na sana ang utak mo namg ma-realize mo na kahit kailan, hindi ka na babalikan ni Harold dahil akin lang siya!" Malakas na sigaw ni Crystal sabay sara ng pinto.
Naiiyak namang hinawakan ni Bethrice ang kaniyang ulo. Pakiramdam niya ay naalog ang utak niya dahil sa lakas ng pagkakaumpog niya. Hindi naman niya inasahan na gagawin talaga ni Crystal ang sinabi niya.
Pagkauwi ni Harold sinalubong siya ng yakap at halik ni Crystal.
"Ang kapal talaga ng ex mo na 'yon. Nagawa pang pumunta dito. Sinasabi ko talaga sa iyo, babasagin ko ang pagmumukha niya," gigil na sabi ni Crystal sa kaniyang asawa.
"Basagin mo na. Wala naman ang pakialam. Parang wala ngang kahihiyan ang babaeng 'yan. Kaya tama lang talaga na iniwan ko siya noon. Masyado pa 'yang selosa na wala sa lugar. Tapos ngayon parang asong humahabol sa akin. Nakakahiya talaga. Kaya bahala ka kung anong gagawin mo sa kaniya," tugon naman ni Harold.
"Isa pang panggugulo niya sa akin, sa ospital na talaga siya dadalhin. Tingnan ko lang kung hindi pa siya tumigil," gigil na wika ni Crystal.
Sumunod pang mga araw, naglalakad pabalik si Crystal nang biglang may malakas na bumusina sa kaniyang likuran. Bumaba sa sasakyan si Bethrice.
"Hello babaeng mukhang pera? Kumusta naman pagiging buhay mayaman? Enjoy ka ba sa pera ni Harold?" Nakangiting sabi sa kaniya ni Bethrice.
"Hindi. Mas enjoy ako sa hotdog niya. Solid sa laki. Sarap na sarap ako. Ikaw ba? Miss mo na? Sayang, sa akin na ang hotdog ni Harold eh," pang-aasar na sabi ni Crystal.
Nagsalubong ang kilay ni Bethrice. "Ikaw babae ka, nanggigigil na talaga ako sa iyo!"
"Mas lalo naman ako. Ang kapal ng mukha mong dalawin pa ang asawa ko na wala namang pakialam sa iyo. Hindi ka ba nahihiya? O sadyang wala kang kahihiyan? Pamilyado at kasal na tao na si Harold pero naghahabol ka pa rin? Hindi mo matanggap na kasal na siya sa akin?"
"Hindi! Talagang hindi ko matatanggap!" Gigil na sigaw sa kaniya ni Bethrice.
"Puwes tanggapin mo! Matagal nang walang kayo. Kaya huwag kang ilusyonada na ikaw pa rin ang mahal niya. Huwag kang siraulo. Huwag kang mangarap ng gising. Alam mo sa totoo lang, nakakaawa kang bugbugin eh. Pero kasi talagang nang-aasar ka pa kaya ayan ang inaabot mo sa akin," inis na sabi ni Crystal.
"Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Basta ang importante sa akin ay mabawi ko ang lalaking mahal ko! Babawiin ko siya sa iyo!"
Malalim na bumuntong hininga si Crystal. Pinipigilan niya ang kaniyang sarili na masaktan si Bethrice. Kawawa na kasi ang itsura nito. May kaunting bangas na sa mukha.
"Nagsasayang lang ako ng oras sa iyo. Bahala ka sa buhay mo," sabi ni Crystal sabay talikod.
"Hindi pa tayo tapos!" gigil na sabi ni Bethrice sabay sabunot kay Crystal.
"Aray ko!" sigaw ni Crystal sabay harap kay Bethrice.
"Hayop ka! Inagaw mo sa akin si Harold!" sabi ni Bethrice habang sabunot pa rin si Crystal.
"Wala akong inagaw sa iyo dahil akin lang si Harold! Ako ang pinakasalan niya at hindi ikaw! Kaya huwag kang mangarap ng gising diyan!" sigaw naman ni Crystal.
At dahil nakayuko si Crystal, nakikita niya kung ano ang nasa lapag. Kaya naman nang makita niya ang tae ng aso sa kalsada, walang ano-ano'y bigla niyang pinulot 'yon at saka ipinasok sa bibig ni Bethrice.
"'Yan ang bagay sa malanding kagaya mo! May balak ka pang kumabit sa asawa ko ha? Sinasabi ko sa iyo, mapapatay lang kita!" Gigil na sabi ni Crystal.
Nagpalakpakan naman ang mga taong nanunuod sa kanila. Naiwan namang naiiyak si Bethrice habang suka nang suka dahil nakagat niya ang tae ng asong inilagay sa bunganga niya ni Crystal.
"Yan kasi! Nanggugulo pa sa buhay ng mag-asawa kaya ayan ang inaabot!" sabi ng isang babae kay Bethrice.
"Deserve mo 'yan girl dahil malandi ka! May asawa na pala 'yong tao, hindi ka pa tumitigil?" sabi pa ng isang babae.
Napahiyang pumasok sa sasakyan si Bethrice. Pinagbabato pa nga ng ibang babae ang sasakyan niya. Samantala, naghugas naman ng kamay si Crystal. Hinugasan niya ito ng maigi.
"Buti nga sa kaniya. Masyado kang makati, ha. Bagay lang sa kaniya ang kumain ng tae ng aso," sabi ni Crystal sabay ngisi.
Lumipas ang ilang araw, hindi na muling nagparamdam pa si Bethrice. Naisip ni Crystal na baka sumuko na ang babaeng 'yon. Pauwi na sana siya nang makita niya ang isang babae na hinihila ng isang lalaki. Huminto siya sa may tabi.
"Ano ba? Bitiwan mo nga ako!"
"Bakit ba ang arte mo? Gusto ko lang naman paligayahin ka ha? Ano pang inaarte mo diyan?" sabi ng lalaki sabay hila sa babae.
Namilog ang mata ni Crystal nang malaman niya kung sino ang babae. Lumapit siya sa mga ito.
"Crystal?" banggit ni Bethrice sa pangalan niya.
"Hoy ikaw? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Manyakis kang hayop ka?" Mariing sabi ni Crystal sabay titig ng matalim sa lalaki.
"Eh ano bang pakialam mo? At sino ka ba sa inaakala mo?" sabi ng lalaki sabay lapit kay Crystal.
"Ah ganoon, ha?" Biglang sinipa ni Crystal ang harapan ng lalaki.
Napaupo ito sa sakit. Pagkatapos ay muli niya pang sinipa ang mukha nito.
"Umalis ka na dito, Bethrice. Sumakay ka na sa sasakyan mo!" sigaw sa kaniya ni Crystal. Agad namang sumunod si Bethrice.
"Hayop kang babae ka! Magbabayad ka!" sigaw ng lalaki kay Crystal.
Kumuha naman ng bato si Crystal at saka ibinato ito sa mukha ng lalaki bago tuluyang umalis. Samantala, binabalot pa rin ng matinding kilabot si Bethrice. Akala talaga niya may mangyayari nang masama sa kaniya. Mabuti na lang talaga, dumating si Crystal. Dahil doon, napagtanto niya kung bakit pinakasalan ni Harold si Crystal. Bukod sa iba ito sa kaniya, palaban pa si Crystal. Hindi kagaya niya na puro bunganga na lang pero mahina.
Sumunod na araw, nagulat si Crystal nang mag-message sa kaniya si Bethrice at gusto nitong makipagkita.
"Ha? Paano nakuha ng babaeng 'yon ang number ko?" bulong niya sa kaniyang sarili.
"Babe! Aalis ako saglit ha? Makikipagkita lang ako sa kaibigan ko. Ikaw na muna ang bahala sa anak natin," sabi ni Crystal sa kaniyang asawa.
"Okay sige. Ingat ka babe," sagot naman ni Harold.
Pinuntahan ni Crystal ang restaurant na pagkikitaan nila ni Bethrice. Napangiti si Bethrice nang makita siya nito. Alanganin namang gumanti ng ngiti si Crystal.
"Bakit? Anong mayroon?" takang tanong ni Crystal nang maupo siya sa harapan ni Bethrice.
"Gusto ko lang sana na humingi ng tawad sa iyo. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa panggugulo ko sa pamilya mo. Patawarin mo ako dahil nagawa kong kapalan ang mukha ko dahil inaakala ko na makukuha ko pa muli si Harold. Pero naisip ko na, malaking katangahan pala ang ginawa ko," sabi ni Bethrice sabay yuko.
"Okay lang. Pinapatawad na kita. Pasensya ka na rin dahil nabugbog kita. Nakakapang-init ka kasi ng ulo eh. 'Yan tuloy, nagkabangas ka," sabi ni Crystal sabay tawa.
Natawa na lang din si Bethrice. "Hayaan mo na. Okay lang. Kasalanan ko rin naman. Nakipagkita ako sa iyo dahil gusto kong humingi ng tawad. At isa pa, aalis na rin kasi ako. Pupunta na ako ng ibang bansa."
Namilog ang mata ni Crystal. "Ha? Anong gagawin mo doon?"
"Nandoon na kasi ang family ko eh. Kaya doon na rin ako. At para na rin makalimutan ko ng tuluyan si Harold. At saka malay mo, 'di ba? Doon ko makita ang lalaking para sa akin."
Tumango naman si Crystal. "Oo naman! Maraming lalaki doon na malalaki pa ang tit*! Solid 'yon."
Natawa naman si Bethrice. "Loko ka. Tit* takaga?" sabi ni Bethrice sabay tawa. Naglahad siya ng kamay.
Tinanggap naman 'yon ni Crystal. "Wish ko na sana tumibay pa ang pagsasama ninyo ni Harold. Mahalin niyo ang isa't isa," sabi ni Bethrice sabay ngiti.
"Oo naman. Salamat. Wish ko rin sa iyo na sana, mahanap mo na ang lalaking mamahalin ka na may jumbo hotdog," sabi ni Crystal sabay ngisi.
Natawa na lang din si Bethrice. Nagkuwentuhan muna silang dalawa bago umuwi.
Lumipas pa ang ilang buwan, tuluyan ng umalis ng bansa si Bethrice. Masaya si Crystal na kahit papaano ay naging okay muna silang dalawa ni Bethrice bago ito tuluyang umalis.
"Mukhang malalim ang iniisip ng pinakamamahal kong babae ah," sabi ni Harold mula sa kaniyang likuran.
"Hindi naman. Kumusta sa work mo? Kumain ka na. Nagluto na ako," sabi ni Crystal sabay yakap sa kaniyang asawa.
"Mamaya na. Yakapin muna kita. Na-miss kita eh," sabi ni Harold sabay yakap ng mahigpit sa kaniyang asawa.
Dinama niya ang mainit na katawan ni Crystal. Sinimulan na niyang halikan ang leeg nito.
"Ano ba...nakikiliti ako," sabi ni Crystal sabay tawa.
Ngumisi si Harold. "Tara...birahin muna kita bago ako kumain."
Ngumuso naman si Crystal. "Loko ka. Kumain ka muna."
Umiling si Harold. "Ayoko. Baka sumakit lang ang tiyan ko kapag binira kita pagtapos kumain. Mas maganda ngayon na hangga't tulog pa ang anak natin."
Binuhat ni Harold ang kaniyang asawa patungo sa kanilang kuwarto. Natatawa na lang si Crystal at hinayaan si Harold. Agad na inihiga siya sa kama ni Harold sabay patong kay Crystal.
"Bibirahin kita ng sagad ngayon kaya humanda ka," bulong ni Harold sabay halik sa labi ni Crystal.
Wakas...
SUSUNOD NA ANG KUWENTONG PAG-IBIG NG KAIBIGAN NI CRYSTAL NA SI MARIA.
MARIA AND VALERINO LOVE STORY...