HAROLD X CRYSTAL 18

1102 Words
Sumunod pang mga araw, naging komportable na si Harold kay Crystal. At nagpatuloy pa ang nangyayari sa kanilang dalawa. At sigurado na si Harold sa kaniyang sarili na mahal na siya Crystal. Kaya naman, niligawan na ni Harold ang dalaga dahil sigurado naman siyang gusto na niya ang dalaga. Hindi naman na pinatagal pa ni Crystal ang panliligaw ni Harold. Sinagot niya agad ang binata dahil mahal na niya ito. "Paano pala 'yan, hindi mo magagawang ipagmalaki ang isang kagaya ko dahil mahirap lang ako. Napakalayo ng estado natin sa buhay. Malamang, maraming tao ang magsasabi ng masasakit na salita na akin. At lalaitin ka nila dahil bumagsak ka lang sa isang kagaya ko," malungkot na sabi ni Crystal. Hinawakan siya sa kamay ni Harold. "Ano bang pakialam ko sa kanila? Ang mahalaga sa akin ay ikaw, okay? Ikaw ang girlfriend ko. Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Bahala sila diyan. Wala naman silang ambag sa buhay ko, kaya bakit ko sila pakikinggan? Ikaw lang ang mahalaga sa akin, Crystal. Ikaw lang at wala ng iba pa. Kaya sana, huwag mong babaan ang tingin mo sa sarili mo. Dahil para sa akin, ikaw ang pinakamahal sa lahat ng ano mang kayamanan dito sa mundo." Ngumiti naman si Crystal. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Nagulat pa nga ang lahat ng empleyado ni Harold nang ipakilala siya nito bilang girlfriend. Masayang-masaya naman si Crystal dahil nagbunga na ang panghaharot niya kay Harold. "Hoy! Bakit ngayon ka lang? Ilang araw kang wala dito sa bahay mo. Saan ka natutulog ha?" tanong sa kaniya ni Maria nang umuwi siya sa kaniyang bahay. "Saan pa nga ba? Eh 'di sa condo unit ni Harold!" sabi ni Crystal sabay hawi ng buhok. Nanlaki ang mata ni Maria. "Hala ka? Totoo ba 'yan?" Mabilis na tumango si Crystal. "Yes na yes! Totoo 'to! At take note ha, nawasak na ang petchay ko! Nasundot na ako ng jumbo hotdog ni Harold!" Napahawak naman sa bibig si Maria. "Oh my gosh! Nawasak na ngang tunay ang petchay mo!" "Totoo 'yan! Grabe ang laki ng tit* niya! Solid! Kaya talagang napaiyak ako!" sabi ni Crystal sabay tawa. Malakas na tumawa si Maria. "Malamang, malaking lalaki eh. Sana all nakatikim ng malaking hotdog! Sa jowa ko kasi, kikiam lang! Parang nakikiliti lang ako kapag pinasok na niya! Pero ayos lang, mahal ko eh," maktol naman ni Maria. "Grabe ka naman. Ganoon talaga siguro kaya pinoy size. Suwerte na kapag malaki," sabi ni Crystal sabay tawa. "Totoo. Kaya nga ang suwerte ng iba kapag jumbog hotdog ang sa jowa at asawa nila eh," sabi pa ni Maria. "Oh ano ka ngayon? Naniniwala ka na sa kakayahan ko? Napaibig ko lang naman ang mayamang kagaya ni Harold na may jumbo hotdog!" Humagalpak ng tawa si Maria. "Sira ka talaga! Oo na. Naniniwala na ako sa kakayahan mo. Iba ka talaga! Ang suwerte mo girl! Sana dumating din sa buhay ko ang kagaya ng Harold mo! Daig mo pa ang tumama sa lotto!" Nagkuwentuhan pa silang dalawa ng mga kalokohan bago tuluyang nagpahinga si Crystal sa kaniyang bahay. Lumipas pa ang ilang linggo, nalaman na ni Crystal na siya ay buntis na. Tuwang-tuwa naman siya ng dahil doon. "Babe...buntis na ako. Sa wakas buntis na ako," naiiyak na sabi ni Crystal kay Harold. Napangiti naman si Harold. "Talaga? Yes! Magiging Daddy na ako!" masayang sabi niya sabay yakap ng mahigpit kay Crystal. "Aalagaan ko ng maigi ang baby natin. Mag-iingat ako," sabi ni Crystal sabay hawak sa kaniyang tiyan. "Huwag ka na masyadong magpupunta dito. Hindi ka puwedeng byahe nang byahe. Doon ka na tumira sa condo ko. Magpahinga ka lang doon. Maghahanap ako ng makakasama mo doon para hindi ka na kumilos pa," sabi naman sa kaniya ni Harold. Lumipas lang ang isang linggo, niyaya ng magpakasal ni Harold si Crystal. Agad namang pumayag ang dalaga at kaagad din silang ikinasal. Naging mabilis ang paglipas ng panahon at isinilang na ang guwapo nilang anak. Matapos magsilang ni Crystal ay tuluyan ng tinanggal ang kaniyang matres. "Mabuti na lang talaga at lalaki ang anak natin. Maikakalat niya pa ang lahi mo," sabi ni Crystal habang nakatingin sa kanilang anak. "Oo nga eh. Sasabihin ko sa kaniya na dapat isang dosena ang magiging anak niya," sabi ni Harold sabay tawa. "Loko! Ginawa mo namang baboy ang asawa niya. Ang hirap kayang manganak." Natatawang kumamot ng ulo si Harold. "Joke lang. Siya na ang bahala kung ilan ang gusto niyang anak. Napakaguwapo ng anak natin. Sigurado akong maraming babae ang mahuhumaling sa kaniya." Naging maayos ang pagsasama nila Harold at Crystal bilang mag-asawa. Pero bigla namang sumulpot si Bethrice, ang ex ni Harold na baliw na baliw sa kaniya. "Seriously? Pinakasalan mo ang isang janitress?" gulat na sabi ni Bethrice kay Harold. "And so? Ano namang masama doon? Hindi porke janitres siya, wala na siyang karapatang mahalin ng isang kagaya ko. Pare-parehas lang naman tayong tayo. Kaya ka iniiwan ng mga nagiging nobyo mo kasi masama 'yang ugali mo. Ibang-iba ka kay Crystal, mabuting babae siya. Hindi kagaya mo na matapobre!" Gigil na sabi sa kaniya ni Harold. "Wow ha? Ang sakit mo namang magsalita. Hindi ba puwedeng nakakagulat lang dahil ang isang mayamang katulad mo ay nagpakasal sa isang babaeng wala namang masasabi sa buhay?" nakataas kilay na saad ni Bethrice. "Eh ano naman kung mahirap lang siya at mayaman ako? Ang importante ay nagmamahalan kaming dalawa. Inggit ka lang. Palibahasa kasi walang nagmamahal sa iyo ng totoo. Walang nagtatagal sa iyo dahil diyan sa ugali mo." Napakurap naman si Bethrice. Nasaktan siya sa sinabi ni Harold. Sa totoo balak talagang makipagbalikan ni Bethrice kay Harold. Sadyang humahanap lang siya ng tiyempo. Pero nagulat na lang siya nang malaman niyang kasal na pala ito at hindi niya matanggap 'yon. Sa lahat kasi ng lalaking dumating sa buhay niya, si Harold ang pinakaminahal niya. "Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan tayo?" naiiyak na sabi ni Bethrice. Mahinang natawa si Harold. "Ha? Nababaliw ka na ba? Matagal na tayong tapos. At isa pa, wala akong ibang mahal kun'di si Crystal lang. Siya lang ang mahal ko." Malalim na bumuntong hininga si Bethrice. Sa loob-loob niya, may pag-asa pang maagaw niya si Harold mula kay Crystal. At mataas ang kompyansa niya sa kaniyang sarili na magagawa niya iyon. Malawak na ngumiti si Bethrice. "Hindi ako susuko. Aagawin kita sa kaniya." Malakas na tumawa si Harold. "Baliw ka na ngang talaga. Bahala ka sa buhay mo. Tingnan lang natin kung maagaw mo ako sa asawa ko. Baka maging kawawa ka lang sa kaniya," sabi ni Harold sabay ngisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD