Gabi na nang makauwi si Harold. Marami itong dalang mga pagkain.
"Oh, Yvonne! Kumain ka diyan. May mga dala akong pagkain," sabi sa kan'ya ni Harold.
"Ay salamat po. Saan ito galing?" tanong naman ni Yvonne sabay kuha ng pagkain.
"Doon sa pinuntahan kong birthday party. Nasaan pala si Henry?" tanong ng binata sa kaniya.
"Nandoon pa sa opisina niya. May ginagawa pa yata," tugon naman ni Yvonne.
Tumango-tango naman si Harold. "Ah okay sige."
Nagtungo na sa kuwarto si Harold habang si Yvonne naman ay inilagay sa mga lagayan ang mga pagkaing dala ni Harold.
"May pagbabalot na ginaganap din pala ang mga mayayaman. Pero infairness ang ganda ng lagayan nila, ha kapag nagbabalot ng pagkain. Talagang naka- tupperware pa ito. Hindi kagaya sa mga mahihirap na naka-plastic labo lang," bulong ni Yvonne sa kan'yang sarili.
Habang inihahanda ni Yvonne ang mga pagkain, agad namang bumaba si Henry upang tingnan ang mga pagkain na dala ni Harold.
"Baka naman pinagtitikman mo na 'yan," biglang sabi ni Henry sa kaniyang likuran.
Tumaas ng kilay ni Yvonne. "Anong pinagtitikman? Bakit ko naman gagawin 'yon? Inilalagay ko lang sa mga lagayan ang mga pagkain para maayos tingnan."
Hndi na sumagot ang binata. Sinimulan nitong kainin ang carbonara na dala ni Henry.
"Hmm..ang sarap naman nito!" sabi ni Henry habang kinakain ang carbonara.
Napalunok naman si Yvonne. Paborito kasi niya ang carbonara kaya natakam siya nang makita niya ito.
"Gusto mo?" biglang tanong sa kan'ya ni Henry.
"Opo," mabilis na sagot naman ni Yvonne.
"Asa ka," pang-aasar sa kan'ya ni Henry sabay lamon.
Inis naman na umirap si Yvonne. Napalunok na lamang siya nang makita niyang inubos na ni Henry ang carbonara.
"Paano ba 'yan, naubos ko na. Ang sarap kasi eh. Sayang, hindi mo natikman," pang-aasar sa kanya ni Henry sabay tawa.
Hindi na lang umimik pa si Yvonne. Nagtungo na lamang siya sa sala para malinis. Naiinis lang siya kay Henry dahil sa pang-aasar nito sa kaniya. Para kasing isip bata ang lalaki.
"Grabe naman ang katakawan ng lalaking 'yon. Napakatakaw talaga kaya sumasakit ang tiyan niya eh," bulong ni Yvonne sa sarili habang naglilinis.
Pagbalik ni Yvonne sa kusina, halos maubos na ni Henry ang pagkain.
"Grabe ang sarap ng mga pagkain! Pasensya ka na, 'yan na lang ang natira sa iyo," sabi ni Henry bago tuluyang umalis.
"Oh? Nasaan na ang mga pagkaing dala ko? Naubos na agad? Kinain mo?" gulat na tanong sa kan'ya ni Harold.
Umiling si Yvonne. "Hindi po ako. Iyong kakambal mong si Henry. Inubos niya lahat. Grabe katawan."
Napakamot naman ng ulo si Harold. "Pasaway talaga 'tong Henry. Kaya siya nagtatae dahil sa katakatawan niya," natatawang sabi ng Harold.
"Hayaan mo na. Ayos lang naman sa akin. Alipin lang naman po ako dito," sabi ni Yvonne sabay ngiti.
Nagkibit balikat naman si Harold bago tuluyang lumabas. Naglinis na lang ng kalat sa mesa si Yvonne. Ang hindi niya alam, nakatanaw sa itaas si Henry habang nakangisi.
"Ang sarap talagang asarin ng babaeng 'to. Dapat lang sa kaniya 'yan," bulong ni Henry bago pumasok sa kan'yang kuwarto.
Sumunod na araw, nagpasama mag-shopping si Henry kay Yvonne. Gusto niya talagang pahirapan ang dalaga. Kung ano-anong mamahaling sapatos, damit at accessories ang binili ni Henry. At ang lahat ng ito ay si Amira ang pinagdala niya.
"Bilisan mo namang maglakad. Ang bagal mo," reklamo sa kaniya ni Henry dahil nahuhuli na siya sa paglalakad.
"Teka lang naman po. Marami kasi akong dala," katwiran naman ni Yvonne.
"Eh ano naman? Ganiyan talaga ang alipin. Huwag ka ng magreklamo pa diyan," sabi pa ni Henry at saka nauna nang maglakad.
Mangiyak-ngiyak naman si Yvonne dahil masakit na ang kamay niya. Sa dami niya kasing bitbit, lahat ng daliri niya ay nagamit na niya mahawakan lang ang mga ito. Napatingin si Yvonne sa kamay niya nang magtungo sila sa parking lot. Namumula na ang mga ito. Nakita naman iyon ni Henry at napalunok siya. Kaya naman siya na ang naglagay ng mga binili niya sa loob ng sasakyan niya.
"Oh? Ano pang inaarte mo diyan? Sumakay ka na dahil uuwi na tayo!" singhal sa kaniya ng binata.
Agad namang pumasok sa sasakyan si Yvonne. Masakit ang kaniyang braso dahil sa bigat ng dal niya. Masakit din ang kaniyang binti kakalakad upang sundan si Henry. Hindi nga niya namalayan na nakatulog na pala siya sa byahe. Napatingin sa kaniya si Henry.
"Maganda pala itong si alipin. Joke lang pala. Pangit niya," sabi ni Henry sabay bawi ng tingin sa dalaga.
Aaminin niya sa kan'yang sarili, naaawa siya sa pinaggagawa nila kay Yvonne. Pero kasi sa tuwing maaalala nila ang kasalanan ng ama ni Yvonne, hindi nila mapigilang magalit. Kung buhay lang sana ang ama ni Yvonne, ito sana ang pinahirapan nila.
"Hoy gumising ka na," sabi ni Henry sabay sampal ng mahina sa dalaga.
Nanlaki ang mata niya nang may mahawakan siyang basa sa pisngi ng dalaga. Sa sarap kasi ng tulog ni Yvonne, tumulo na ang kaniyang laway. Inalog-alog naman ni Henry si Yvonne para magising. Naalimputangan naman ang dalaga.
"Gumising ka na diyan! Kadiri ka! Tulo pa laway mo!" sigaw sa kaniya ng binata.
Kumurap-kurap muna si Yvonne bago tuluyang iminulat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang pinunasan ang kaway niyang tumulo sa kaniyang damit.
"Nakakahiya kang babae ka. Dalhin mo sa kuwarto ang mga binili ko," bulyaw pa sa kaniya ni Henry bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Agad namang kumilos si Yvonne. Dinala niya ang mga pinagbibili ni Henry sa kuwarto nito. Pagkatapos ay nagtungo siya sa banyo para maghilamos.
"Magluto ka na ng hapunan para kakain na lang ako pagbalik ko. May aasikasuhin lang ako sa kompanya namin na muntik nang ma-bankcrupt ng dahil sa ama mo," inis na sabi ni Henry bago tuluyang umalis.
Bumuntong hininga na lang si Yvonne at saka naghanda na nang lulutuin niya.
Ilang saglit pa ay dumating na si Harold. Nakangisi ito nang makita si Yvonne.
"Yvonne! Labhan mo na nga ang mga damit ko. Bilisan mo dahil may gusto akong damit na suotin na nasa labahan," sabi nito sabay tungo sa kuwarto.
Nang maisalang ni Yvonne ang lulutuin niya, agad siyang nagpunta sa kuwarto ni Harold para kunin ang mga labahan nito. Pagkatapos ay isinalang na niya ito sa washing machine. Sumunod ay nagtungo na siya sa kusina upang tingnan ang niluluto niya. Nagpahinga lang siya saglit bago inasikaso ang labahan niya. Hindi pa naman luto ang ulam nila kaya nagsampay muna siya.
Gabi na nang makauwi si Henry. Tulog na si Yvonne nang mga oras na 'yon. Naisipan ni Henry na yayain ang kaniyang kapatid na mag-inuman sila dahil sa wakas, naging maayos na ang takbo ng kompanya nila. Medyo naalimpungatan naman si Yvonne sa ingay na kaniyang narinig mula sa sala. Marahan niyang binuksan ang pinto at nakita niya ang magkapatid na nag-iinuman. Muli siyang humiga sa kama at natulog.