HENRY X YVONNE 5

1703 Words
Kinabukasan, bumulaga kay Yvonne ang maraming bote ng alak na nagkalat sa sala. Binalot pa ng mabahong amoy ang sala dahil may suka sa lapag. "Grabe talaga ang dalawang ito! Mga bagra!" Inis na sabi ni Yvonne. "Ang baho! Kadiri talaga 'tong si Henry! Yvonne, pakilinis nga ng mabuti ang suka ni Henry. Madami kasing ininom eh kaya nagsuka," sabi ni Harold na kababa lang ng hagdan. Tumango na lang si Yvonne. Nakita niyang uminom ng tubig si Harold bago muling nagtungo sa kuwarto nito. Naiiling naman na nagpulot ng mga bote si Yvonne. Napangiwi pa siya nang makitang may suka rin sa sofa. "Grabe talaga! Nakakainis ang kabagraan!" Inis na bulong niya. Ilang oras din ang lumipas bago natapos maglinis si Yvonne. Wala ng bakas ng dumi sa sala. Malinis na din ang sofa. Matapos niyang maglinis ay nagluto na siya ng kakainin ng dalawa. Hindi na nakakain pa si Harold dahil umalis ito kaagad. Samantala, napahawak naman si Henry sa ulo niya dahil sobrang sakit nito. Marahan siyang bumaba ng hagdan patungo sa kusina. "Magluto ka nga ng corn soup diyan. Ang sakit ng ulo ko," utos ni Henry sa dalaga. Sumunod naman agad si Yvonne. Nagluto siya ng corn soup at saka ibinigay ito kay Henry. Humigop ng sabaw si Henry sabay pikit. "'Yan laklak pa more," biglang sabi ni Yvonne. "Anong sinabi mo?" Kunot-noong tanong ni Henry. Mabilis na umiling si Yvonne. "Wala po. Ang sabi ko ay damihan niyo ang pagkain ng soup para matanggal ang hang over niyo." Pilit na ngumiti si Yvonne. Napailing naman si Henry. Nagtungo na si Yvonne sa kuwarto ng dalawa para makapaglinis na. Napatakip na nga lang siya ng ilong dahil mayroon din pa lang suka sa banyo si Henry. "Kainis talaga ang lalaking 'yon! Pahirap!" maktol ni Yvonne habang naglilinis ng suka ni Henry. "Humanda siya sa akin. Gagantihan ko talaga siya ng malupit," gigil na sabi ni Yvonne sa kaniyang sarili. Lumipas ang isang buwan na pananatili ni Yvonne sa bahay ng kambal, kahit papaano ay nasasanay na rin siya. Naiinis nga lang siya kay Henry dahil ang hilig nitong mang-asar sa kaniya at pahirapan siya ng sobra. "Ano ba 'yan? Ang bagal mo namang maglinis sa banyo. Kanina pa ako gustong maligo," maktol sa kaniya ni Henry. "Puwede ko namang bilisan pero hindi ganoon kalinis. Ayos lang sa iyo?" sagot naman sa kaniya ni Yvonne. Pinanlakihan siya ng mata ni Henry. "Subukan mong hindi linisin ng maayos 'yan, humanda ka sa akin." Pananakot naman sa kaniya ng binata. Inis na umirap si Yvonne habang nagpatuloy na sa paglilinis. Nang matapos siyang maglinis, agad naman siyang natungo sa kuwarto ni Harold para sunod itong linisan. "Labhan mo nga ang mga damit ko diyan ngayon. Ayoko ng may labahan na natambak sa kuwarto ko. Bilisan mo ang kilos," utos sa kaniya ni Harold. Hindi na lang umimik si Yvonne. Nagpatuloy siya sa paglilinis ng kuwarto ni Harold. Pagkatapos ay isinalang na niya sa washing ang damit nito. At habang nakasalang ang damit ni Harold, naglinis naman si Yvonne sa buong bahay. Medyo nahihilo na nga siya sa laki ng bahay ng kambal. "Nagluto ka na ba ang pagkain? Bilisan mong magluto dahil nagugutom na ako," singhal sa kaniya ni Henry. Napahawak naman sa sintindo si Yvonne. Medyo kasi nakakaramdam siya ng pagkahilo. Matapos niyang maglinis ay nagtungo na siya sa kusina para magluto. At nang matapos siyang magluto, inasikaso na niya ang mga damit ni Harold. "Nasaan na ang babaeng 'yon?" Bulong ni Henry dahil hinahanap niya si Yvonne. "Yvonne! Pagsandukan mo na kami! Ihanda mo na ang pagkain naming dalawa!" sigaw ni Henry pero walang Yvonne na nagpakita sa kaniya. Nilibot niya ang buong bahay pero wala si Yvonne. Naisipan niyang magtungo sa likod bahay nila dahil naalala niyang may dalang damit si Yvonne kanina. Nanlaki ang mata niya nang makitang nakahiga sa lapag si Yvonne. Agad na lumapit si Henry. "Yvonne…. gumising ka!" sabi ni Henry sabay tapik sa mukha ng dalaga. Binuhat niya ito at dinala sa kuwarto. Agad niyang tinawagan ang personal doctor niya. Nalaman niyang bumaba ang dugo ni Yvonne dahil sa puyat. Madalas kasi na gabing-gabi na rin matulog ang dalaga dahil sa dami nitong ginagawa lalo na't mag-isa lang itong kumikilos. Tapos maaga pa itong nagigising. "Mamaya rin ay magigising na rin siya. Nahimatay lang siya. Siguro dahil na rin sa pagbaba ang dugo niya at pagod," sabi ng doctor ni Henry. Malalim namang huminga si Henry. Bigla siyang nakaramdam ng awa para kay Yvonne. Nilapitan niya ito at marahang hinaplos ang buhok. "Pasensya ka na, Yvonne kung ikaw ang pinapahirapan namin. Sadyang hindi mo lang kami masisisi dahil kasalanan ng ama mo kung bakit namatay ang mga magulang namin. Galit na galit lang talaga kami sa Papa mo," bulong ni Henry habang nakahawak sa kamay ni Yvonne. "Kumusta ang kalagayan niya?" tanong naman ni Harold. "Mamaya raw magiging na siya. Nagkulang siya sa dugo. Bibili ako ng gamot niya at vitamins. Kawawa naman kasi eh," sabi naman ni Henry sabay alis. Pinagmasdan muna saglit ni Harold si Yvonne bago nito marahang sinara ang pinto. Habang si Henry naman ay nagtungo sa drugstore para bilhan ng gamot ang vitamins si Yvonne. Ilang oras din ang lumipas bago nagising si Yvonne. Nagtataka siya nang makita niyang nakahiga siya sa kan'yang kuwarto. "Bakit ako nandito? Sa pagkakaalam ko, nagsasamapay ako, ha?" nagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili. Napansin niya ang medicine kit sa kaniyang mini table at may note doon. Kinuha ni Yvonne iyon at binasa. "Kumain ka muna bago ka uminom niyan. Bumaba ang dugo mo. Magpahinga ka muna saglit bago ka kumilos. Hindi ka pa puwedeng mamatay dahil hindi pa tapos ang tatlong buwan mo," natatawang basa ni Yvonne sa sulat. Napailing na lang siya. "Grabe talaga ang lalaking 'yon. Natatawa na lang ako sa inis sa kaniya. Hindi ko alam kung concern ba o hindi eh," natatawang sabi ni Yvonne sabay bangon. Naabutan ni Yvonne na nagkakalikot ng cellphone si Henry habang nakaupo sa sala. Nang makita siya nito, agad itong lumapit sa kaniya. "Kumusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Henry. Gustong matawa ni Yvonne. Ngayon niya lang kasi nakita ang ganitong side ni Henry. Palagi kasi itong nakasigaw sa kaniya at ngayon lang naging mahinahon ang boses nito. "Hindi na masyado. Nagugutom lang ako ngayon," sabi ni Yvonne sabay ngiti. "Tamang-tama. Nagluto ako ng carbonara. Favorite ko kasi ito kaya naisipan kong magluto. Kumain ka na. Tikman mo ang luto ko," sabi ng binata sa kaniya na inalayan pa siya patungo sa kusina. Nagpatianod na lang si Yvonne kahit sa totoo lang, hindi siya sanay na ganito ang trato sa kaniya ni Henry. Pinagsandukan siya nito ng carbonara. Nanlaki pa ang mata ni Amira nang matikman niya ang carbonara na luto ni Heny. "Anong masasabi mo? Ayos lang ba ang lasa?" tanong sa kaniya ni Henry. Nag-thumbs up si Yvonne. "Oo. Ang sarap. The best. Tama ang timple ng tamis at creaminess nito. Basta masarap siya," sabi niya sabay muling sumubo. Napangiti naman si Henry. Natuwa siya dahil nagustuhan ni Yvonne ang luto niya. "Kumain ka lang ng marami. Tapos mamaya ka na kumilos. Wala na rin namang lilinisin dahil hindi naman makalat," wika niya sabay ngiti. "Salamat pala, Henry dito sa carbonara. Paborito ko rin ito. Kaya nga napasimangot ako noong inubos mo ang carbonara na dala ni Harold," sabi ni Yvonne sabay irap. Natawa naman si Henry. "Sorry na. Huwag ka na magalit. Inaasar lang talaga kita no'n. Kaya nga ako nagluto niyan para bumawi sa iyo." Matamis namang ngumiti si Yvonne sa kaniya. Napangiti na lang din si Henry. Nanlaki pa ang mata niya nang napagtanto niya sa kaniyang sarili na matagal na pala siyang nakatitig kay Yvonne. Agad siyang nag-iwas ng tingin kasabay ng pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. "Henry? Ayos ka lang ba? Bakit namumula ang mukha mo?" Takang tanong sa kaniya ni Yvonne. Napaatras naman siya. "Ha? Wala! Wala ito. Sige na. Kumain ka na muna diyan," wika niya sabay alis. Mabilis na nagtungo si Henry sa kaniyang kuwarto habang si Yvonne naman ay nagtataka sa naging reaksyon ni Henry. Napasandal naman sa pinto si Henry sabay hawak sa kaniyang dibdib. "Anong nangyayari sa akin? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?" Naguguluhang tanong niya sa kaniyang sarili. Umuwi si Harold nang may dalang prutas kay Yvonne. Nagpasalamat naman si Yvonne sa kaniya. "Naku ang dami naman nito. Salamat pala dito. Hayaan mo, pagbubutihin ko pa ang pagiging alipin ko sa inyo," sabi ni Yvonne sabay ngiti. Natawa naman si Harold. "Huwag mo munang isipin 'yon. Ang mahalaga ay ang kalusugan mo. Magpalakas ka muna bago ka maging mabuting alipin ulit," sabi ni Harold sabay kindat. Natawa naman si Yvonne. Hindi niya akalain na makakausap niya ng ganito si Harold. "Nga pala, kumain ka na ba? Nakapagluto na ako. Halika na kumain ka na. Pagsasandukan kita," sabi ni Yvonne sabay tungo sa kusina. "Okay sige. Salamat! Bigla tuloy akong nagutom nang maamoy ko ang mabangong niluto mo," sabi ni Harold sabay tawa. Mula sa itaas ay nakatanaw sa kanila si Henry na ngayon ay magkasalubong ang kilay at nakakuyom ang kamao. Hindi niya alam sa kaniyang sarili ang dahilan kung bakit hindi siya natutuwang makita ang kapatid niya na masayang nakikipag-usap kay Amira. Hindi niya nagugustuhan ang kaniyang nakikita kaya bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa kinaroroonan ng dalawa. "Wow! Ang sarap naman niyan amoy pa lang!" Biglang sabi ni Henry. "Syempre naman luto ko 'yan eh! Maupo ka na, pagsasandukan na rin kita," sabi ni Yvonne sabay ngiti. Napangiti na lang si Henry habang hinihintay ang pagkain niya. "Ay sorry…" sabi ni Yvonne nang mahawakan niya ang kamay ni Henry. Napatingin naman doon si Harold sabay tikom ng bibig. "Ayos lang. Sige na. Kumain ka na rin. Sabayan mo kami," sabi sa kaniya ni Henry. "Sige. Salamat," saad naman ni Yvonne habang nakangiti. Sabay silang kumain tatlo. Medyo nanibago lang si Yvonne dahil sa biglang pagiging mabait sa kaniya ng dalawa. Pero hindi pa rin siya nagpakampante dahil naisip niya na baka may kapalit ang pagiging mabait sa kaniya ng kambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD