HENRY X YVONNE 6

1290 Words
Sumunod pang mga araw, tila nagbago na ng tuluyan ang pakikitungo sa kaniya ng dalawa. "Bakit?" tanong ni Henry nang kumatok si Amira kaniyang kuwarto. "Lilinisan ko na ang kuwarto mo," sabi ni Yvonne sabay ngiti. Umiling si Henry. "Ay hindi na. Ako na ang bahala dito. Maglinis ka na lang diyan sa sala." Nanlaki naman ang mata ni Yvonne sa gulat. "Sigurado po kayo?" Tumango si Henry. "Oo. At saka huwag ka na ngang magalang diyan. Para naman akong matanda sa iyo eh." Kumamot naman ng ulo si Yvonne. "Okay sige. Hindi na. Sige na, maglilinis na ako." Nginitian pa siya ng dalaga bago ito bumaba patungo sa sala. Nakangiti namang sinundan ng tingin ni Henry si Yvonne. Naglinis na siya ng kaniyang kuwarto at saka bumaba ng hagdan. Naabutan niyang abala sa pagpupunas ng mga vase si Yvonne. Naisipan niya itong gulatin. "Bulaga!" "Jusmiyo marimar!" sigaw ni Yvonne sa gulat. Muntik na siyang matumba dahil sa sobrang pagkagulat. Mabuti na lamang at nasalo siya ni Henry. Pero nawalan din ng balanse ang binata at natumba silang dalawa. Nadaganan tuloy ni Henry si Yvonne at hindi inaasahang mahalikan ito sa labi. Nanlaki naman ang mata ni Yvonne sa gulat. Mabilis na bumangon si Henry habang nanlalaki rin ang mata. Halos mataranta namang tumayo si Yvonne. "So…sorry…hindi ko sinasadya," nauutal na wika ni Henry habang hindi makatingin sa mga mata ni Yvonne. Bumilis naman ang t***k ng puso ni Yvonne. Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas sa kaniyang bibig. "Sorry, Yvonne. Aksidente lang ang nangyari. Huwag ka sanang magalit sa akin," malumanay na sabi ni Henry. Napakamot na lang ng ulo si Yvonne. "Ano…sige maglilinis na muna ako," wika niya at saka pinagpatuloy ang pagpupunas. Nagmamadali namang umakyat ng kuwarto si Henry. Pinagtatambol ang kaniyang dibdib sa sobrang bilis ng t***k nito. Naririnig na nga niya ang pintig ang kaniyang puso. Habang si Yvonne naman ay ganoon din ang nadarama. Muling pumasok sa isip niya ang aksidenteng mahalikan siya ni Henry. Hindi niya alam pero bigla na lang siyang napangiti. "Teka, bakit ba ako napapangiti? Hindi puwede dahil ginawa nila akong alipin!" sabi ni Yvonne sa kaniyang sarili Kinagabihan, hindi agad makatulog si Yvonne kaya naisipan niya munang magpahangin sa labas. Hindi niya alam kung bakit hindi pa siya dinadalaw ng antok. Ganoon din si Henry kaya naisipan niyang magtungo sa terrace. At sa ibaba, nakita niya si Yvonne na dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Dali-daling bumaba si Henry upang puntahan si Yvonne. "Bakit gising ka pa?" wika ni Henry mula sa likuran ng dalaga. "Ha? Wala lang…hindi lang ako makatulog," alanganing sabi naman ng dalaga sabay hawak sa batok. "Ang ganda ng mga bituin 'no?" Biglang sabi ni Henry. Tumingala naman si Yvonne. "Oo nga eh. Ang sarap pagmasdan." Tumingin si Henry kay Yvonne. "Pero mas masarap kang pagmasdan…" mahinang sabi niya. Nanlaki naman ang mata ni Yvonne sabay tingin kay Henry. "Ha? Anong sinabi mo?" Tila nabigla naman si Henry sa kaniyang sinabi. "Ha? Wala! Ang sabi ko, ang lamig ng simoy ng hangin," wika ng binata sabay tawa ng pilit. Palihim namang ngumiti si Yvonne. Rinig na rinig niya kasi ang sinabi ni Henry. "Nga pala…huwag ka ng maglilinis ng kuwarto ko. Ako na ang bahalang maglinis. Tapos sa sala, huwga ka na masyadong magpakapagod. Magpahinga ka rin. Baka kasi mahimatay ka na naman," sabi ni Henry sabay ngiti. "Ayos lang. At saka, halos isang buwan na lang din naman ako magiging alipin ninyo, 'di ba?" Natatawang sabi ni Yvonne. Mahinang natawa si Henry. "Yvonne…gusto ko lang humingi ng tawad dahil sa ginawa namin sa iyo. Sana maintindihan mo kung bakit namin naisipan 'yong gawin. Mga magulang kasi namin ang nawala sa amin. Sobrang sakit kaya napuno kami ng galit ng kapatid ko." "Naiintindihan ko naman kasi hindi biro ang mawalan ng magulang. Kaya nga lang, mali ang ginawa niyo dahil ako ang pinagbabayad niyo sa kasalanan ng Papa ko na wala naman akong kinalaman," saad naman ni Yvonne. Bumuntong hininga si Henry. "Kaya nga humihingi ako ng tawad sa iyo. Sana mapatawad mo ako pati na ang kapatid ko. Sana kapag umalis ka na dito, maging magkaibigan tayo o 'di naman kaya…." Tumaas ang kilay ni Yvonne. "O 'di naman kaya?" Nahihiyang kumamot sa ulo si Henry. "Mas…higit pa do'n?" Natawa na lang si Yvonne. "Loko. Sige na…papasok na ako sa kuwarto ko. Inaantok na kasi ako." "Sige na. Good night. Sweet dreams," sabi ni Henry sabay ngiti. "Good night din sa iyo," sabi naman ni Yvonne. Nakangiting sinundan ng tingin ni Henry si Yvonne. Habang hindi nila alam, nakatanaw mula sa terrace sa kanilang dalawa si Harold. Malalim itong bumuntong-hininga. Napansin naman kasi talaga niya na parang may nagbago kay Henry simula nang mahimatay si Yvonne. At aaminin ni Harold sa kan'yang sarili na nagugustuhan na niya si Yvonne una pa lang kaya hindi niya ito masyadong pinahihirapan kagaya ni Henry. Kinabukasan, maagang nagising si Henry dahil gusto niya na siya ang magluto ng almusal. "Oh? Bakit masaya ka yata? Mukhang maganda ang gising mo," sabi sa kaniya ng kapatid niyang si Harold. Umiling si Henry. "Hindi naman…sakto lang." Lumapit sa kaniya si Harold. "Henry…umamin ka nga sa akin, gusto mo na ba si Yvonne?" Nabigla naman si Henry sa tanong ng kaniyang kapatid. "Ha? Bakit mo naman naitanong 'yan." Pilit na ngumiti si Harold. "Wala lang. Napapansin ko lang. Huwag kang mag-alala, boto ako sa kaniya para sa iyo. Kitang-kita naman natin ang kasipagan niya at pagiging maasikaso. Kaya sa tingin ko, nababagay kayong dalawa." Lumiwanag naman ang mukha ni Henry. "Talaga? Salamat Harold. Oo tama ka. Gusto ko na nga si Yvonne. Humahanap lang ako ng tiyempo para sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Sa ngayon ay gusto kong mapalapit sa kaniya at makuha ang loob niya," masayang sabi ni Henry. Pilit na ngumiti si Harold. May kirot kasi sa kaniyang dibdib. Pero masaya naman siya na nakikita niyang masaya si Henry. Kaya naman itatago na lang niya ang nararamdaman niya para kay Yvonne. Niyaya ni Henry si Yvonne na lumabas. Nagtataka naman ang dalaga sa kaniyang ikinikilos. Pero hindi naman manhid si Yvonne. Ramdam niyang may pagtingin sa kaniya si Henry. Pero gusto niyang makumpirma iyon sa bibig mismo ng dalaga. "Anong masasabi mo? Masarap ba ang pagkain dito?" tanong sa kaniya ni Henry. "Oo. Tapos ang sarap ng carbonara nila. Kalasa ng niluto mo. Nakaka-enjoy kumain." Nakangiting sabi ni Yvonne. Pinagmasdan naman ni Henry ang dalaga habang kumakain. Tila nahiya naman si Yvonne sa ginawang pagtitig sa kaniya ng binata. "Uy! Baka malusaw naman ako sa katititig mo. Kumain ka na diyan. Para kang timang na nakatingin sa akin," sabi ni Yvonne sabay tawa. Ngumisi naman si Henry. "Ang ganda mo kasi eh. Nakakaadik kang pagmasdan." Hindi na napigilan pa ni Yvonne na matawa ng malakas. "Anong nangyayari sa iyo? Bakit bigla kang nagkaganiyan? Parang dati lang, sinisigawan mo ako at sinusungitan. Tapos pinupuri mo na ako ngayon?" Ilang beses napalunok si Henry. "Huwag mo na ibalik pa ang nakaraan. Ang importante, bati na tayo ngayon." Mas lalong natawa si Yvonne. "Bati? Parang bata lang ah. Hindi ko akalain na may ganiyan ka pa lang side." "Hindi ko naman akalain na isa ka pa lang mabuting babae. Ibang-iba ka sa Papa mo. Sorry talaga sa mga nasabi at mga pinagawa ko sa iyo noon," seryosong sabi ni Henry. "Oh? Akala ko ba hindi na natin babalikan ang nakaraan? Hayaan mo na 'yon! Ang importante ay maayos ka na makitungo sa akin. Huwag mo na ako sisigawan, ha? Masasapak na kita," sabi ni Yvonne sabay tawa. Tumango naman si Henry. "Opo. Hindi na po. Kain ka na po ng marami." Napailing na lang si Yvonne at saka pinagpatuloy ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD