HENRY X YVONNE 10

1101 Words
Sumunod na mga araw, naging abala sina Yvonne at Henry sa kasal nilang dalawa. Excited na excited na sila. Tumulong na rin sa pag-aasikaso si Harold. Nakahanap na sila ng magiging catering nila, photo and video, lights and sounds at iba pang kakailanganin sa kasal. Hapon na nang makauwi ang dalawa. Nagtungo muna si Yvonne sa kusina dahil nakaramdam siya ng gutom. "Yvonne…" tawag ni Harold sa kaniya. "Yes? Bakit? May kailangan ka ba?" tanong naman niya kay Harold. "Wala naman. Gusto ko lang sabihin na masaya ako para sa inyo ng kapatid ko. Pero sana, hiling ko lang na huwag mong sasaktan si Henry. Mukha lang siyang babaero pero matinong tao siya. Kapag nagmahal siya, isa lang talaga. Faithful na tao ang kapatid ko," sabi ni Harold kay Yvonne. Ngumiti naman si Yvonne. "Alam mo, hindi ko naman magagawa 'yon. Minsan na rin akong naloko ng nauna kong nobyo pero ni minsan hindi ko naisip na manloko ng iba para gumanti. Mas ayos pa nga sa akin na ako ang lokohin kaysa ako ang manloloko. Hindi kasi biro ang masaktan. Kaya naman wala sa bokabularyo ko ang magloko at hindi ko magagawa 'yon sa kapatid mo," mahabang sabi ni Yvonne. Tipif na ngumiti si Harold. "Mabuti naman kung ganoon. Nasabi ko lang sa iyo ito kasi minsan nang naloko ang kapatid ko. Na ang dating naging nobya niya ay pera lang ang habol sa kaniya." "Oo alam ko na 'yon. Naikuwento na nga niya sa akin. May mga ganoon talagang tao. Kaya suwertihan na lang kung matinong babae ang mahahanap ng isang lalaki. Kaya nga dapat, bago pumasok sa isang relasyon ay kilalanin muna ang isa't isa," saad naman ni Yvonne. "Tama ka. Ganoon nga dapat. Basta, magmahalan kayong dalawa ng kapatid ko habambuhay. At masaya ako para sa inyo," wika ni Harold sabay ngiti. "Maraming salamat sa iyo. Hiling ko na mahanap mo na rin ang babaeng magmamahal sa iyo ng totoo," sabi naman sa kaniya ni Yvonne sabay ngiti. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Harold at saka lumabas na siya ng bahay para umalis. At habang nasa byahe siya, naisip niya na sana ay matagpuan na niya ang babaeng mamahalin niya. Dumating ang araw ng kasal nina Henry at Yvonne. Si Harold ang naging bestman nila. Tuluyan nang tinanggap ni Harold sa kaniyang sarili na Yvonne ang nararapat sa kaniyang kapatid. Samantala, naiiyak naman sa sobrang saya si Henry habang naglalakad palapit sa kaniya si Yvonne. Hindi na niya mapigilang maluha hanggang sa makarating sa kaniyang harapan si Yvonne. "Oh? Bakit ka umiiyak?" tanong sa kaniya ni Yvonne. "Masaya lang kasi ako nandito na tayo ngayon. Na ginaganap na ang kasal nating dalawa," umiiyak na sambit ni Henry. Hinawakan siya ni Yvonne sa pisngi at pinahid ang kaniyang mga luha. Nagsimula ng magsalita si father upang umpisahan ang kanilang kasal. Pagkatapos ay nagpalitan silang dalawa ng wedding vows. "Yvonne…hindi man maganda ang naging unang pagsasama natin pero hindi ko akalain na ganito ang kalalabasan. Na ikaw pala ang bibihag sa aking puso. Na ikaw pala ang bukod tanging babae na magpapaibig sa aking muli. Bukod tangi ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maging mabuting tao. Hindi man naging maganda ang nangyari sa ating nakaraan, naging maganda naman ang kinalabasan ngayon dahil ikaw ay magiging akin ng tuluyan. Ipinapangako ko sa iyo na mamamahalin kita ng buong puso. Sa iyo lang ako iibig at hindi kailanman titingin sa iba," naiiyak na sabi ni Henry. Ngumiti naman si Yvonne kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha. "Herny…hindi ko akalain na ikaw pala ang lalaking mamahalin ko ng husto. Masaya ako dahil nagkaroon ka ng malaking pagbabago. Wala na akong pakialam kung ano man ang hindi magandang nangyari sa atin noon. Basta, ang importante ay magiging isa na tayong dalawa. Ipinapangako ko na magiging mabuting asawa ako sa iyo at ina sa magiging anak natin. Ikaw lang ang mamahalin ko ng buong puso at wala ng iba pa," sabi ni Yvonne sabay ngiti. Ilang saglit pa ay in-announce na ni father na sila ay mag-asawa na. Isang matamis na halik ang ginawad ni Henry kay Yvonne. Malakas namang nagpalakpakan ang mga tao sa simbahan. Malakas ding pumalakpak si Harold. Binuhat ni Henry palabas ng simbahan si Yvonne. Nakatanaw naman mula sa malayo sa kanilang dalawa si Harold. "Halika na, Harold! Pupunta na tayo sa reception," sabi ng kaibigan ni Harold sa kaniya. "Sige mauna ka na. Magpapaiwan lang ako dito saglit," tugon naman ni Harold. Malalim na bumuntong hiningi si Harold habang nakatingin sa mga taong unti-unting nagsialisan. Siya na lang ang naiwan sa simbahan. Naisip niya kasi na magdasal muna. Uupo na sana siya sa simbahan nang makita niya ang isang magandang dilig na nagmamadaling pumasok sa loob ng simbahan pagkatapos ay nagtungo sa unahan at lumuhod. Pinagsalop ng babae ang kaniyang dalawang kamay. "Lord….please Lord nagmamakaawa po sa inyo. Ibigay niyo na po sa akin ang matinong lalaki na wawasak sa aking petchay. Lord…tatanggalin na po ang matris ko dahil may bukol na dito pero kapag dumating kaagad ang lalaking karapat-dapat sa akin, maaari pa akong magkaroon ng anak bago ito tuluyang tanggalin. Please Lord…ibigay niyo na sa akin ang lalaking 'yon," sabi ni Crystal habang nakapikit. Napatingin lang saglit si Harold kay Crystal at nagsimula ng magdasal. "Lord…hiling ko po na sana dumating na ang babaeng magmamahal sa akin ng totoo. Ibigay niyo na po sana sa akin siya. Nagmamakaawa po ako. Maraming salamat po," sabi ni Henry sabay mulat ng mata. Tumayo na siya at handa nang magtungo sa reception ng kaniyang kapatid. Pero bumangga naman sa kaniya si Crystal. Sa kamamadali kasi nitong lumabas ng simbahan, hindi niya napansin si Harold. Mabuti na lamang at nahawakan siya sa baywang ng binata dahil kung hindi, lagapak ang mukha niya sa sahig. Dahan-dahang iminulat ni Crystal ang kaniyang mga mata at namilog ang mata niya nang makita niya ang pagmumukha ni Harold. "Lord….grabe naman po kayo! Napakabilis niyo namang dinggin ang hiling ko. Ito na po ba ang lalaking ibinigay niyo sa akin?" Mabilis na sabi ni Crystal habang nakangiti. Nangunot naman ang noo ni Harold dahil sa sinabi ni Crystal. "Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan? Nangangarap ka ba ng gising?" sabi ni Harold sabay bitaw sa babae. Nakangiti pa ring sinundan ni Crystal ng tingin si Harold habang papalabas ng simbahan. "Hindi ako puwedeng magkamali. Ikaw na ang lalaking ibinigay sa akin ni Lord! Ang lalaking wawasak ng aking petchay!" wika ni Crystal sabay sunod kay Harold. Wakas.... Susunod na kabanata ang kuwentong pag-ibig nina HAROLD AT CRYSTAL.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD