HAROLD X CRYSTAL 11

1055 Words
"Hoy! Nababaliw ka na yata! 'Yang sinasabi mong lalaking wawasak sa petchay mo ay kilalang tao at isang mayamang negosyante! Imposibleng patulan ka ng lalaking 'yan!" sabi ni Maria sa kaniya. Umirap si Crystal. "Grabe ka naman sa imposible! Kung sa palabas nga nagkakatuluyan ang mahirap at mayaman, sa totoong buhay pa kaya?" Natawa naman si Maria. "Sira ka talaga! Syempre sa palabas lang 'yon! Lahat ng nangyayari sa palabas ay imposible. Kaya nga huwag ka nang mangarap pa ng kagaya ni Harold. Imposible talaga ang gusto mong mangyari!" "Eh basta! Gagawa ako ng paraan para kami ang magkatuluyan sa huli! Malakas ang pananalig ko na siya ang binigay sa akin ni Lord!" Buong determinasyon na wika ni Crystal. Napailing na lang ang kaniyang kaibigan na si Maria. "Bakit ba wala kang tiwala sa akin, ha? Kaibigan ba talaga kita?" Nakataas na kilay na sabi ni Crystal. "Kaibigan mo ako syempre. Sadyang medyo imposible lang kasi talaga ang gusto mo. Kakaiba ka talagang babae ka!" Tumawa naman si Crystal. "Basta ito lang ang sasabihin ko sa iyo, isang araw makikita mo na lang ako na ikakasal na sa kaniya." Malakas na tumawa si Maria. "Ibang klase ka rin mangarap, Crystal. Sobrang taas. Baka kapag umabot na ng kalawakan ang taas ng lipad ng pangarap mo, tapos bigla kang lagapak, iyak ka talaga. Ikaw rin, sinasabi ko sa iyo." Inirapan siya ni Crystal. "Anong pinagsasabi mo diyang abot kalawakan? May pangarap ba na umaabot ng kalawakan? At saka paano naman nagkaroon ng pakpak ang pangarap ko? Para kang tanga diyan." Naiiling na wika ni Crystal. Hinampas siya sa braso ni Maria. "Loka-loka ka rin, 'no? Ang lakas mong mang-asar! Sinasabihan lang kita!" Tumawa si Crystal. "Eh huwag mo na kasi akong pagsabihan kung ayaw mong mapilosopo kita. At saka, hayaan mo na ako. Parang hindi mo naman ako kilala! Alam mo naman na kapag nangarap ako, talaga gumagawa ako ng paraan para maabot 'yon!" Bakas sa pananalita ni Crystal ang determinasyon. Marahas na kumamot ng ulo si Maria. Natatawa na lang siya sa sinasabi ng kaniyang kaibigan. Talaga naman kasing imposibleng mapansin si Crystal ni Harold dahil kilalang tao 'yon. "Basta, bahala ka na sa buhay mo. Sinabihan na kita. Ayoko na mag-talk pa," sabi ni Maria sabay irap. Humagikhik naman si Crystal. "Alam mo, naisip ko lang, kung sakaling ikasal na kami ni Harold...tapos magho-honeymoon na kami, malaki kaya ang tit* niya?" Biglang natawa ng malakas si Maria. Hindi niya inasahan ang sinabi ni Crystal. "Loka-loka ka talaga! Bakit naman 'yan ang naisip mo? Grabe ka talaga mangarap! Hindi ka pa nga napapansin ni Harold, honeymoon na kaagad ang nasa isip mo!" sabi ni Maria at saka muling natawa. "Syempre! Ganoon talaga ako mag-isip. Mas maigi ng advance, 'di ba? At saka wala namang masamang maging advance. Pero tingin ko talaga malaki ang tit* nitong si Harold. Sa mga nakikita kong picture niya online, may pabakat eh." Napailing si Maria. "Iyon ba talaga ang hanap mo sa isang lalaki? Ang malaki ang tit*? Eh paano kapag maliit? Kapag kikiam lang? Ayaw mo na ganoon?" Umiling si Crystal. "Loka! Wala naman akong sinabi na ayaw ko na kaaagad sa lalaking maliit ang tit*. Kumbaga, bonus na kapag ang lalaking mapapangasawa mo ay malaki at mahaba ang tit*. Solid talaga ang bakbakan no'n! At saka kung maliit naman, wala namang problema 'yon. Puwede namang bumawi sa performance." Napahawak ng sintido si Maria. "Hay naku, Crystal. Umaatake na naman ang pagkamanyakis mo. Ayoko na talaga sa iyo." Hinampas ni Crystal si Maria sa braso. "Hoy! Huwag ka ngang magmalinis diyan! Kilala kita! Mas manyakis ka pa sa akin! Kaya huwag ako, Maria. Basta sinasabi ko sa iyo, mapapangasawa ko si Harold at matitikman ko ang tit* niya!" Natawa na lang ng malakas si Maria. Nagkuwentuhan pa sila saglit ni Crystal bago ito tuluyang nagpaalam kay Maria. Pagkauwi ni Crystal ay agad niyang kinuha abg kaniyang cellphone. Nag-search si Crystal tungkol kay Harold. Tila nagniningning ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa larawan ni Harold. SAMANTALA, naiinis naman si Harold dahil hindi maalis sa kaniyang isipan ang mukha ng babaeng nakabangga niya sa simbahan. "Kainis! Bakit ba ginugulo ng babaeng 'yon ang isipan ko?" inis na sabi ni Harold sa kaniyang sarili. "Oh? Bakit naman ganiyan ang itsura mo?" Natatawang tanong sa kaniya ni Henry. Mariing napapikit si Harold. "Naalala mo 'yong sinasabi ko sa iyong babae na nakabangga ko sa simbahan?" Tumango si Henry. "Oo bakit? Huwag mo sabihing ginugulo ka ng babaeng 'yon?" "Ginugulo niya ako pero ang isipan ko," saad naman ni Harold. Biglang natawa si Henry. "Ha? Sigurado ka? Hindi ba sinabi mo sa akin na nagdasal ka ng araw na 'yon? Na dumating na ang babaeng para sa iyo? Hindi kaya...ang babaeng 'yon ang nakatadhana sa iyo?" Natatawa namang napakamot ng ulo si Harold. "Hindi ko alam eh. Pero kasi.... basta! Hindi ko masabi talaga kung siya nga ba. Baka talagang nabangga ko lang siya?" Nagkibit-balikat si Henry. "Hindi natin alam. Pero kung ganito ang mangyayari, kung tadhana na ang kikilos para sa inyo, baka siya nga ang babaeng para sa iyo." Napakamot na lang ng ulo si Harold. Nagbackground check kasi siya sa babae. At mukhang pasaway ito. Lumipas ang dalawang araw, nagtungo si Crystal sa kompanya na pagmamay-ari nila Harold. "May kambal pala siya at Henry ang pangalan. Pero kasal na. Kaya malakas talaga ang paniniwala ko na si Harold ang lalaking ibinigay sa akin!" Kinikilig na sabi ni Crystal. "Yes po, Ma'am? Ano pong kailangan nila?" tanong sa kaniya ng guard. "Ahm...mag-aapply po ako bilang janitress. Kasi nakita ko po online na hiring po sila," tugon naman ni Crystal. "Ay oo! Sige po, pumasok na po kayo," sabi ng guard sabay turo kung saang floor siya pupunta. Mabilis naman ang naging proseso. Nasagot naman ni Crystal ang mga tanong sa kaniya dahil sanay naman siyang maglinis. Naging kasambahay kasi siya ng ilang taon. At ito ang unang pagiging janitress niya sa isang kompanya. "Nasabi ko naman sa iyo ang lahat ng rules sa kompanyang ito. Basta pag-igihan mo lang ang trabaho mo dito dahil mabait ang may-ari ng kompanyang ito. At kapag napansin ka niya, malay mo mabigyan ka ng mataas na posisyon bukod sa pagiging janitress lang," sabi ng babae kay Crystal. "Opo! Pag-iigihan ko po!" Masayang sabi ni Crystal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD