HAROLD X CRYSTAL 12

1101 Words
Sumunod na araw, nagsimula na sa trabaho si Crystal. Inalam niya talaga kung saang floor ang opisina ni Harold para doon siya maglinis. At nang matuntunan niya ang opisina ng binata, kaagad siyang kumatok. "Come in," sabi ni Harold mula sa loob ng opisina. "Hello po, Sir! Magandang araw!" Nakangiting bati ni Crystal. Nanlaki naman ang mata ni Harold. "Ikaw?" gulat na sabi niya. "Yes naman, Sir! Talagang sinundan kita dito! Charis! Talagang nandito po ako para magtrabaho. Huwag po kayong mag-alala, Sir dahil kahit anong trabaho po ay kaya kong gawin. At saka binibigay ko ang best ko sa trabahong mayroon ako. Para naman matuwa sa akin ang boss ko. At kahit na isang janitress lang ako dito, masaya na ako dahil marangal naman ang trabaho kong ito," sabi ni Crystal sabay kindat. Napakurap naman si Harold. Hindi niya inasahang makikita niya ang dalaga dito sa kompanya niya. At masasabi niyang maganda talaga ito kahit na ang suot niya ay pang-janitress na uniform. Litaw na litaw ang kagandahan ng dalaga kahit na simple lang ang make up nito sa mukha. "Sige po, Sir...maglilinis na po ako ng opisina ninyo," sabi ni Crystal at saka nagsimula ng maglinis. Habang abala sa paglilinis ang dalaga, hindi maiwasan ni Harold na mapatingin sa dalaga. Tila ba naaakit ang kaniyang mga mata na tingnan si Crystal. At naiinis siya ng dahil doon. Ngayon lang kasi ito nangyari sa kaniya. "Bullshit..." mahinang mura ni Harold nang mapansin niyang nakatitig na naman siya sa kay Crystal. "Hoy!" Napalingon naman si Crystal. "Yes, Sir Guwaps?" Kumunot naman ang noo ni Harold. "Ha? Anong guwaps?" Ngumisi si Crystal. "Guwaps as in guwapo. Bakit po pala?" Napailing na lang si Harold. "Anong pangalan mo?" "Crystal po. Crystal the great," sabi ng dalaga sabay tawa. "Ewan ko sa iyo. Puro ka na naman kalokohan," saad ni Harold sabay iling. "Ito naman si Sir Guwaps! Pinapasaya lang kita. Nakasimangot ka kasi eh. Pero guwapo ka pa rin naman kahit na nakasimangot ka. Pero iba pa rin kapag nakangiti ka Sir. Makalaglag panty ang itsura. 'Yong tipong mapapabukaka talaga ang babae kapag nakita kang nakangiti," sabi ni Crystal sabay tawa. Napailing naman si Harold. Tama nga siya. Talagang maingay si Crystal. Marami agad itong nasasabi. At ang mga sinasabi niyang ito ay nakakatawa. Pero ayaw matawa ni Harold. Baka kasi lalong mag-ingay itong si Crystal. "Maglinis ka na lang kaya kaysa nag-iingay ka na naman. Napakadaldal mong babae ka," sabi ni Harold sabay hawak sa kaniyang sintido. Napakamot ng ulo si Crystal. "Sorry na po Sir Guwaps. Sabi ko nga, maglilinis na ako," sabi ng dalaga at saka nagpatuloy na sa kaniyang ginagawa. Nang matapos si Crystal na maglinis ng opisina, tumingin siya kay Harold. Napansin naman 'yon ng binata kaya napatingin ito sa kaniya. Nagsalubong ang kilay ni Harold. Napakurap naman si Crystal pero kaagad ding ngumiti. Natutuwa siya dahil nagkakatitigan silang dalawa ni Harold. "Bakit? Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Takang tanong ni Harold. Malawak na ngumisi si Crystal. Sa loob-loob niya, kahit mukhang suplado si Harold, bumagay naman ito sa mukha ng lalaki. Mas lalo itong nagbigay ng kaakit-akit na itsura para kay Crystal. "Tapos na po akong maglinis sa opisina ninyo. Aalis na po ako. Wala po ba kayong goodbye kiss diyan?" sabi ni Crystal sabay hagikhik. Biglang natawa si Harold. "Abnormal ka ba?" Natatawang umiling ng mabilis si Crystal. "Charis lang, Sir! Ito naman! Sinubukan ko lang baka pagbigyan niyo ako eh. Pero anyway, bye Sir Guwaps!" sabi ni Crystal sabay alis. Natatawa namang napahawak sa sintido si Harold. Kahit ayaw niyang tumawa ay hindi niya talaga mapigilan. Mabuti na lang at lumabas kaagad ng kaniyang opisina si Crystal. Kaya naman mahina siyang natawa. "Lokong babaeng 'yon. Kabago-bago lang pero kung ano-ano na ang sinasabi. Abnormal talaga yata ang babaeng," sabi niya sabay iling. SAMANTALA, nagpahinga naman si Crystal sa isang tabi. Tanghali na kasi. Nakaramdam siya ng gutom. Tiningnan niya ang pera niya sa kaniyang bulsa. Kakaunti na lang ito at pamasahe lang talaga ito patungo dito sa kompanya. Hindi kasi sapat ang perang nahiram niya kay Maria. Wala rin kasi masyadong pera ang kaibigan niyang iyon. Napahawak si Crystal sa kaniyang tiyan. Narinig niya ang ingay mula doon na senyales na gutom na talaga siya. "Hays...wala na naman akong kakainin nito. Kawawa naman ang mga bulate ko. Nagsasalita na. Gutom na sila," malungkot na bulong ni Crystal. Palabas na nang kompanya si Crystal nang biglang may humawak sa kaniya. "Ay palaka!" gulat na gulat na sabi ni Crystal sabay sampal sa taong humawak sa kaniya. Malakas ang ginawang pagsampal ni Crystal sa taong humawak sa kaniya. At nanlaki ang kaniyang mga mata nang makilala kung sino ito. "Hala ka! Sorry po! Ako'y patawarin ninyo!" Nabiglang sabi ni Crystal sabay takip ng bibig. Napahawak naman sa pisngi si Harold. "Aray ko, ha? Ang lakas mong sumampal!" Napayuko naman si Crystal. "Sorry po, Sir. Nagulat lang po kasi ako. Bakit naman po kasi kayo basta na lang hinawakan ako? Akala ko kung sino ng manyak," nakangusong sabi ni Crystal. "Wow, ha? Ang guwapo ko naman yata para maging manyakis. Ang kapal mo naman," naiiling na sabi ni Harold. Tinawanan na lang siya ni Crystal. "Sige na, Sir. Bye po muna. Hahanap pa ako ng murang makakainan. Gutom na po kasi talaga ako." Aalis na sana si Crystal pero pinigilan siya ni Harold. "Teka lang. Sumabay ka na sa aking kumain. Kakain na rin ako." Nanlaki naman ang mata ni Crystal. "Talaga, Sir Guwaps? Sure ba 'yan? Matakaw po ako, ha. Para alam niyo na. Baka kasi magulat kayo sa kakainin ko. Pero sure po ba talaga? As in ililibre niyo ang isang katulad ko? Tunay po ba talaga?" Mahinang natawa si Harold. "Okay sige. Ayos lang. At saka huwag ka ng maraming sinasabi dahil talagang ililibre kita. Napaingay mo talagang babae ka." "Yown! Thank you po talaga, Sir Guwaps! Mukhang matutuwa ang mga bulate ko nito sa tiyan! Makakakain na rin sila ng masarap!" Masayang sabi ni Crystal sabay hawak sa braso ni Harold. Napatingin naman doon si Harold sabay taas ng kilay. Agad na bumitaw si Crystal. Namilog naman ang mata ni Crystal nang mapagtanto niya ang kaniyang finawa. "Sorry po, Sir Guwaps. Nadala lang po ako ng damdamin ko," sabi niya sabay kamot sa ulo. Pilit siyang ngumiti. Nailing na lang si Harold. Ewan niya ba pero mayroong parte sa sarili niya na gustong mapalapit sa dalaga. Kahit na sa totoo lang, ayaw niya ng babaeng maingay, natatawa siya sa mga pinagsasabi ni Crystal. Kung makipag-usap kasi ito sa kaniya ay parang matagal na silang magkaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD