HAROLD X CRYSTAL 13

1735 Words
"Oh? Kumusta first day mo sa kompanya ng Harold na 'yon?" tanong sa kaniya ni Maria nang makauwi siya. Pilyang ngumisi si Crystal. "Ayon...hinalikan ko agad si Harold." Nanlaki naman ang mata ni Maria. "Ha? Weh? Di nga?" Malakas na tumawa si Crystal. "Charis! Syempre hindi 'no! Baka matanggal agad ako sa trabaho kapag ginawa ko 'yon. Hinaharot ko lang muna siya para mapalapit siya sa akin. Dahil siya ang lalaking ibinigay sa akin ni Lord." "Okay sige sabi mo eh. Basta kapag wala talagang pag-asa, sumuko ka na. Marami pang lalaki diyan," sabi naman ni Maria. "Sira ka ba? Matanggal na ang matres ko! Kaya kailangang mabuntis na agad ako bago pa ito matanggal," himutok ni Crystal. Sa totoo lang, masakit para kay Crystal na matatanggalan siya ng matres kaya ginagawa niya ang lahat para mahanap ang lalaking bubuntis sa kaniya. Kailangan kasi talagang matanggal ang matres niya bago pa ito maging cancerous na magiging sanhi ng pagkamatay niya. "Eh bakit ba kasi ayaw mo na lang magpabuntis sa kung sinong lalaki diyan?" Hirit pa ni Maria. Inirapan siya ni Crystal. "Ewan ko ba sa iyo kung bakit ka ganiyan. Eh 'di parang ang lalabas, basta kung sinong lalaki na lang ang bubuntis sa akin? Ayoko ng ganoon. Gusto ko 'yong matinong lalaki at may masasabi sa buhay. Hindi naman sa kailangan ko ng pera niya, para magkaroon ng maayos na buhay ang magiging anak namin. Kahit wala na siyang ibigay sa akin basta sa anak ko na lang," sabi ni Crystal sabay ngiti. Ngumiwi naman si Maria. "Naiintindihan naman kita. Ang kaso, parang ang hirap abutin ng lalaking gusto mo. Ibang klase ka rin kasi humanap ng lalaki. To the highest level ang datingan at cannot be reach!" "Ewan ko sa iyo! Basta watch and learn ka na lang diyan!" sabi ni Crystal bago tuluyang umalis. Pagkarating ni Crystal sa bahay na naiwan sa kaniya ng mga magulang niya, malungkot siyang naupo sa sofa. Sa kanilang pamilya, siya na lang ang natitira. Wala na ang mga magulang niya at isa niyang kapatid. Naaksidente kasi ang sinasakyan nito patungo sa isang okasyon. "Hays...sana maging maayos ang lahat. Sana magkaroon ako ng anak kahit isa lang masaya na ako," bulong ni Crystal sa kaniyang sarili bago pumikit. Kinabukasan, malawak ang ngiti ni Crystal nang pumasok siya. Hindi maalis ang ngiti niya habang siya ay naglilinis. Gusto niya kasing ipakita na masaya siya. "Good morning, Sir! Nandito na naman po ako para maglinis ng opisina ninyo!" masayang sabi niya. Ngumiwi naman si Harold. "Dito ka ba talaga naka-assigned maglinis? Sa pagkakaalam ko, may bawat floor ang mga janitress at janitor na lilinisin nila. May naglilinis din dito sa hapon, ano 'yon? Dalawa-dalawa kayo?" Kumamot naman ng ulo si Crystal. "Hindi po talaga, Sir Guwaps pero kasi, gusto ko kayong makita eh. Kaya umaakyat talaga ako dito para malinisan ang opisina ninyo." Natatawa namang tumaas ang kilay ni Harold. "Ha? Nasisiraan ka na yata ng bait." "Nasisiraan ng pait ng dahil sa iyo, Sir Guwaps," sabi ni Crystal sabay kindat. "Umayos ka nga. Ang daldal mo. Ang mga empleyado ko dito ay hindi ganiyan makipag-usap sa akin. Pero ikaw, bago ka pa lang pero parang kaibigan mo lang ako kausapin." Ngumuso naman si Crystal. "Sorry na po, Sir Guwaps. Sadyang komportable lang ako sa iyo. Kasi naniniwala ako na ikaw ang ibinigay sa akin ni Lord para buntisin ako." Natawa bigla si Harold. "Ha? Nababaliw ka na yatang talaga. Hindi mo na alam ang mga sinasabi mo." Mabilis na umiling si Crystal. "Hindi po ako nababaliw, Sir Guwaps. Malakas ang pananalig ko kay Lord na ikaw talaga ang para sa akin. Kaya nga nagkatagpo tayo sa simbahan, 'di ba? Kaya hindi ako papayag na mawala ka pa sa akin." Gustong matawa ni Harold dahil sa mga pinagsasabi ni Crystal. Mas malala pa pala ang kadaldalan niya kaysa kay Yvonne. "Maglinis ka na lang bago pa ako mabuwisit sa mga pinagsasabi mo," naiiling na sabi ni Harold at saka ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Binagalan ni Crystal ang paglilinis para mapagmasdan niya ng matagal si Harold. "Wait ka lang, Sir Guwaps, hindi mo namamalayan na mahuhulog ka na sa alindog kong taglay," bulong ni Crystal sa kaniyang sarili. "Nga pala, Sir...puwede po bang i-request niyo na dito na po ako palagi maglilinis sa opisina ninyo?" Biglang sabi ni Crystal. "Ayoko," agad na sagot ni Harold. Yumuko naman si Crystal. "Okay po, Sir Guwaps," wika niya sabay balik sa paglilinis. "Puwede naman pero bawas-bawasan mo ang kadaldalan mo para hindi ako mabuwisit sa iyo," biglang sabi ni Harold. Namilog naman ang mata ni Crystal sabay lingon. "Talaga Sir Guwaps? The best ka talaga! I love you na po sagad!" Mahinang natawa si Harold. "Ewan ko sa iyo. Maglinis ka na." Matapos maglinis ni Crystal, tinitigan niya muna si Harold. Tinaasan siya ng kilay ni Crystal. "Ano?" "Wala po. Bye na, Sir! I miss you sagad!" sabi ni Crystal sabay labas ng kaniyang opisina. "Hays..." wika ni Crystal sabay buntong-hininga. "Sana lang talaga tumalab ang panghaharot ko kay Sir Harold. Sana talaga maakit siya sa alindog ko..." bulong niya bago sumakay ng elevator. Pagsapit ng gabi, pauwi na sana si Crystal nang mapansin siyang wala na pala siyang pera. Wala na siyang pamasahe. Lugmok ang mukha niyang naupo sa tabi. Sakto namang papalabas na si Harold nang makita niya si Crystal. "Crystal?" banggit niya sa pangalan ng dalaga bago naglakad palapit dito. "Anong ginagawa mo diyan? Mukha kang kawawa," sabi niya kay Crystal. Agad namang tumayo ito. "Ay pasensya ka na Sir Guwaps. Nagpa-praktis lang ako mamalimos for today." Kumunot naman ang noo ni Harold. "Ha? Mamalimos? Bakit?" Nahihiyang kumamot ng ulo si Crystal. "Eh kasi po, naubos na ang pera ko pamasahe. Pinagkasya ko lang kasi 'yong pera ko pamasahe tapos pangkain. Eh hindi ko napansin na wala na pala akong pera sa wallet kaya ayon...tumambay muna ako dito saglit at nag-iisip kung paano makakauwi," malungkot na sabi ni Crystal sabay yuko. Nakaramdam naman ng awa si Harold. "Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita." Awtomatikong gumalaw ang labi ni Crystal. "Talaga Sir Guwaps? Naku! Marami mong salamat! Ikaw na talaga ang anghel ng buhay ko! Salamat po Sir!" Masayang sabi ni Crystal. Natawa na lang si Harold. "Halika na. Ihahatid na kita dahil gabi na." Tahimik lang si Crystal sa byahe. Pagod din kasi siya kalilinis. Hindi rin biro ang nililinisan niya dahil malaki ang kompanya ni Harold. Dahil hindi naman siya basta lang naglilinis. Inaayos niya ang bawat kilos niya. "Dito na po ang bahay ko, Sir," sabi ni Crystal. Bumaba na ng sasakyan si Crystal. Nakaramdam naman ng hiya si Crystal nang pasadahan ng tingin ni Harold ang bahay na tinutuluyan niya. "Pasensya na po kayo sa bahay ko, Sir Guwaps kung pangit man sa inyong paningin. Kapag nakaipon naman ako ay ipaaayos ko 'yon." Umiling naman si Harold. "Hindi mo kailangang humingi ng pasensya. Bakit parang walang tao? Ikaw lang ba ang nakatira dito?" Mabilis na tumango si Crystal. "Opo. Wala na po kasi ang pamilya ko. Kinuha na sila sa akin ni Lord." Napalunok naman si Harold. "I'm sorry to hear that." Mabilis namang umiling si Crystal. "Naku ayos lang po. Sige na Sir Guwaps, uwi na po kayo dahil gabi na. Salamat po sa paghatid ninyo sa akin." Tumaas naman ang kilay ni Harold. "Pauuwiin mo na agad ako? Hindi mo man lang ako papapasukin sa bahay mo?" "Ha? Pero po kasi...nakakahiya. Pangit po kasi ang bahay ko," nahihiyang sabi ng dalaga. "Ano naman? Pakialam ko ba? Halika na. Pumasok na tayo sa loob," sabi naman ng binata sa kaniya. Wala ng nagawa si Crystal. Hinayaan na lang niya na pumasok sa loob si Harold. Malinis naman ang loob ng bahay niya kahit na may kalumaan na ang mga gamit. Mabilis na nagpalit ng damit si Crystal. "Maupo na muna kayo Sir Guwaps. Pagpasensyahan niyo na ang T.V. ko medyo bulok na kasi. Kailangan pang paluin para luminaw," sabi niya sabay palo sa likuran ng T.V. Luminaw nga ang itsura nito. "Ayos lang. Nga pala, mag-o-order na lang ako ng pagkain natin. Dito na ako kakain," sabi ni Harold sabay kuha ng cellphone niya. Nagpasalamat naman si Crystal bago nagtungo ng banyo. Tiningnan niya kasi kung malinis ba ang banyo. Nilinisan niya muna ito saglit bago lumabas ng banyo. Nagtungo rin siya sa kusina para tingnan kung malinis din ito. Ilang saglit pa ay dumating na ang order na pagkain ni Harold. Namilog naman ang mata ni Crystal dahil sa dami nito. "Ang dami naman 'yan Sir Guwaps!" Gulat na sabi ni Crystal. "Malamang matakaw ka eh. Baka kasi kapag kaunti ang in-order ko, magkulang pa," saad ni Harold sabay tawa. "Grabe ka naman sa akin, Sir Guwaps ha! Parang lumalabas na halimaw ako kumain!" sabi ni Crystal sabay laki ng butas ng ilong. Natawa na lang si Harold. Tinulungan na ni Crystal ang binata na mag-ayos ng pagkain nila. Ganadong-ganado kumain si Crystal dahil ang sasarap ng pagkaing in-order ni Harold. "Hay salamat busog din sa wakas," mahinang usal ni Crystal sabay hawak sa kaniyang tiyan. "Ako na po ang bahala sa mga linisin at hugasan. Chill ka na lang po muna diyan, Sir," sabi ni Crystal sabay ligpit ng pinagkainan nilang dalawa. Nagtungo na siya sa kusina at saka naghugas. Nagwalis na rin siya. Pagkabalik niya sa sala, nakahiga na sa sofa si Harold at nakapikit ang mata. Nilapitan niya ito. "Hala...tulog na si Sir Guwaps, gigisingin ko ba siya?" mahinang sabi ni Crystal sa kaniyang sarili. "Ang guwapo talaga ng lalaking 'to. Kaya kapag nagkaroon kami ng anak, maganda o guwapo ang kalalabasan," sabi niya pa habang pinagmamasdan ang binata. Napadako ang paningin niya sa harapan ng dalaga. Namilog ang mata niya. "Ang bongga naman ng umbok sa pagitan ng hita ni Sir Guwaps! Mukhang jumbo ang kaniyang hotdog," sabi ni Crystal sabay ngisi. Pilya siyang ngumisi. Nakaisip kasi siya ng kalokohan. At dahil tulog si Harold, bigla niya itong hinalikan sa labi. "Hmm...yummy!" sabi ni Crystal matapos niyang nakawan ng halik si Harold. Pagkatapos ay bumaling siya sa pagitan ng hita ni Harold. "May nakita ako sa social media na nakahiga sa harapan ng mga jowa nila. Masubukan ko nga," sabi ni Crystal sabay lapag ng ulo niya sa pagitan ng hita ni Harold. At pagod at antok na rin si Crystal, hindi na niya napansing nakatulog na pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD