HAROLD X CRYSTAL 14

1057 Words
Kinabukasan, marahang iminulat ni Harold ang mga mata niya. At nagulat siya nang makita si Crystal na nakalagay ang ulo sa pagitan ng hita niya. "Aray ko naman!" Malakas na sigaw ni Crystal nang masipa siya ni Harold. "Anong ginawa mo sa akin? Minanyak mo ako?" sigaw ni Harold sa kaniya. Ngumuso naman si Crystal. "Hala? Grabe judgmental! Natulog lang ako sa ano mo! Ang lambot kasi!" Matalim siyang tinitigan ni Harold. "Loko kang babae ka! Anong karapatan mong matulog sa ano ko!" Natawa naman si Crystal. "Grabe ka naman maka-react Sir Guwaps! Para namang hinawakan o sinubo ko 'yang jumbo hotdog mo. Hinigaan ko lang. Wala po akong ibang ginawa. Ginaya ko lang 'yong napanuod ko sa social media. Okay rin pala ang matulog sa ano ng lalaki. Malambot!" "Manahimik ka! Manyakis kang babae ka!" sigaw ni Harold bago nagmamadaling umalis. Sinundan na lang siya ng tingin ni Crystal sabay tawa. "Grabe naman ang lalaking 'yon. Parang hinigaan lang eh. Akala mo naman, pinagsamantalahan ko siya kung makapag-react. Wala naman akong ibang ginawa. Buti sana kung sinubo ko ang tit* niya," natatawang sabi ni Crystal sabay iling. Pagdating ni Crystal sa opisina ni Harold, hindi siya agad nito pinansin. Simpleng ngumiti si Harold. "Sir Guwaps...bakit parang badtrip po kayo? May problema ba?" sabi ni Crystal sabay lapit sa binata. "Oo ikaw. Ikaw ang problema ko. Manyakis kang babae ka," inis na sabi ni Harold sa kaniya. Napahawak naman sa dibdib si Crystal. "Ay grabe siya oh. Ginahasa ba kita Sir Guwaps? Hindi naman po ah?" Salubong ang kilay ni Harold na nakatingin kay Crystal. "Kahit na. Hindi mo dapat ginawa 'yon. Manyak ka," sabi naman ni Harold. "Sorry na po, Sir. Sinubukan ko lang naman eh. Masarap pala matulog sa hotdog niyo. Malambot. Solid." Matalim siyang tinitigan ni Harold. "Manyak kang babae ka." "Ito naman! Natulog lang naman ako! Wala naman akong ibang ginawa sa inyo eh. Huwag na po kayong magalit Sir Guwaps. Hindi na po 'yon mauulit," sabi ni Crystal sabay ngiti. Napailing na lang si Harold. "Bilisan mong maglinis diyan para umalis ka na. Naiinis lang ako sa iyo." "Okay po, Sir Guwaps," sabi ni Crystal at saka nagpatuloy na sa paglilinis. Kinagabihan, masayang umuwi si Crystal. Sinalubong siya ng kaibigan niyang si Maria. "Oh? Bakit parang ang saya-saya mo yata? Mukhang may nangyaring kakaiba sa iyo ngayong araw, ah?" Nakangiting tanong sa kaniya ni Maria. Ngumisi naman si Crystal. "Mayroon talaga! At alam mo ba kung ano?" Nanlaki ang mata ni Maria. "Ano?" "Ninakawan ko ng halik si Harold tapos doon pa ako nakatulog sa jumbo hotdog niya!" masayang sabi ni Crystal sabay kisay-kisay. Nanlaki ang mata ni Maria sabay hampas kay Crystal. "Hoy! Sira ka! Bakit mo ginawa 'yon at paano?" "Ganito kasi 'yan, nakatulog siya sa bahay kasi hinatid niya ako tapos ayon na nga, gumalaw na ako! Ninakawan ko siya ng halik at doon ako sa jumbo hotdog niya natulog! Ang bongga! Talagang nakatulog ako ng mahimbing!" Natatawang kuwento ni Crystal. "Loka-loka ka talaga! Grabe na 'yang kalokohan mo! Hindi ko na keri!" sabi ni Maria sabay tawa ng malakas. "Oh ano ka ngayon? Nagsisimula na akong gumalaw, panis ka na naman!" sabi pa ni Crystal sabay tawa ng malakas. "Oo na sige na. Naniniwala na ako sa galing mo. Na kahit wala pang nakakawasak ng petchay mo, manyakis ka talaga. Basta huwag mo kalimutang magkuwento ha?" Mabilis na tumango si Crystal. "Oo naman! Basta ikukuwento ko sa iyo kung ano ang susunod na kabanata." Masayang pumasok sa trabaho si Crystal. Ang ganda kasi ng napanaginipan niya. At tungkol ito sa kanilang dalawa ni Harold. "Good morning Sir Guwaps!" masayang bati ni Crystal sa binata. "Nga pala Sir Guwaps, may sasabihin ako sa inyo," sabi ni Crystal habang naglilinis. "Ano na naman 'yon?" Kunot-noong tanong ni Harold. "Napanaginipan ko po kayo. Grabe ang ganda ng panaginip ko Sir! Parang ayoko na ngang magising eh. Kaso kailangan kong magising dahil baka matigok ako bigla." Natawa naman si Harold. "Loko talaga ang babaeng 'to kahit kailan," bulong niya sa kaniyang sarili. "Ano nga ba ang napaginipan mo?" Ngumisi si Crystal. "Gumigiling ka raw po sa harapan ko na naka-brief lang. Grabe napapahiyaw talaga ako sa bawat giling mo Sir. Tawa ako nang tawa. Tapos nakaldag ka pa kaya naalog ang hotdog ninyo." Humagalpak ng tawa si Harold. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Niloloko mo ba ako?" Mabilis na umiling si Crystal. "Hindi po ako nagbibiro, Sir Guwaps. Iyon talaga ang napanaginipan ko. Totoo! Peksman mamatay man ikaw." "Ha?" Namilog ang mata Crystal. "Sabi ko po, totoo peksman mamatay man ako. Ayon talaga ang napaginipan ko. Tawa nga ako nang tawa. Enjoy na enjoy ako sa paggiling niyo sa akin. Siguro mas maganda pa rin kung in real life niyo ako gigilingan. Sample ka nga diyan Sir Guwaps." Sinamaan siya ng tingin ni Harold. "Manahimik ka na nga lang! Ang dami mo na namang sinasabi. Puro na nga kalokohan eh. Kakaiba kang babae ka." Naiiling na sabi ni Harold. "Talaga pong kakaiba ako Sir Guwaps. Unique po kasi ako. Walang katulad," proud na sabi ni Crystal. "Oo proud ka pa. Proud ka na maingay ka," sabi pa ni Harold. Nagpatuloy na lang sa paglilinis si Crystal. Sa totoo lang, wala naman siya masyadong nililinis sa opisina ni Harold. Mga alikabok lang ang nawawalis niya at mga papel. Binabagalan niya lang talaga ang paglilinis para makasama niya ng matagal ang binata. "Huwag mo nga ako masyadong titigan? Baka matunaw na ako sa kakatitig mo sa akin," biglang sabi ni Harold sabay tingin sa kaniya. Agad namang nag-iwas ng tingin si Crystal. "Hala si Sir Guwaps oh. Akala niya yata siya ang tinitingnan ko. Nakatingin lang po ako sa ballpen na nasa harapan ninyo." Tumaas naman ang kilay ni Harold. "Talaga lang ha. Sige. Sabi mo eh." Napalunok naman si Crystal. Talaga kasing napapatitig siya sa mukha ni Harold. Para kasing may kusang paggalaw ang mata niya na mapatitig sa binata. Na para bang kaya niya itong titigan ng matagal o kahit ilang oras pa. "Tapos na po ako maglinis Sir Guwaps. Wala po ba kayong kiss sa akin?" sabi ni Crystal sabay hagikhik. Ngumiwi si Harold. "Ha? Anong kiss ka diyan?" "Charis lang! Pero sana next time kiss niyo na ako ah? Bye Sir Guwaps!" kumaway pa si Crystal bago isinara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD