Sumunod na araw, mas lalo pang pinag-igihan ni Crystal ang panghaharot kay Harold. Kahit na madalas ay naiinis na sa kaniya si Harold ay todo pa rin siya sa paghaharot sa binata. Naniniwala kasi siya nabibigay din sa kaniya si Harold.
"Hello, Sir Guwaps! Magandang araw po sa inyo. Ginaganahan na naman akong maglinis dahil nakita ko na naman ang guwapo ninyong mukha," sabi ni Crystal sabay kindat.
Naiilang na nagpigil ng ngiti si Harold. "Maglinis ka na lang diyan, Crystal. Ang dami mo pang sinasabi eh. Ang aga-aga, puro ka na naman daldal diyan," sabi niya sabay takip ng folder sa kaniyang mukha. Napapangiti na talaga siya.
"Ayiie! Huli kita! Napangiti kita! Mukhang kinikilig ka sa mga banat ko sa iyo, ah," nakatawang sabi ni Crystal nang silipin niya ang mukha ni Harold.
"Ano ba? Bakit ka ba sumisilip diyan?" sabi ni Harold habang nagpipigil ng tawa.
Tumawa naman si Crystal. "Ay bawal po ba Sir Guwaps?"
"Bawal!" Nanlalaki matang sabi ni Harold.
"Okay po. Hindi na po mauulit Sir kong ubod ng guwapo to the highest level!" sabi pa ni Crystal bago tuluyang naglinis.
"Nga pala Sir Guwaps, wala po kayong girlfriend 'no?" Biglang sabi ni Crystal habang naglilinis.
"Wala. Bakit?" sagot naman ni Harold.
"Yown! Mabuti naman para wala akong karibal!" sabi ni Crystal sabay tawa.
"Ha? Ano na namang pinagsasabi mo diyan? Ang hilig mo talagang mangarap ng gising 'no?" wika niya sabay iling.
"Syempre hanggang pangarap lang muna ako ngayon, pero alam kong darating ang araw na magiging akin ka Sir! Dahil sa iyo ko lang ibibigay ang fresh kong petchay! Ikaw lang ang dapat tumusok nito!"
Bigla namang natawa si Harold. "Grabe talaga ang babaeng 'to. Hindi talaga nahihiya," bulong niya sabay iling.
"Huwag kang mag-alala, Sir Guwaps, magiging mabuting asawa ako sa iyo pagdating ng araw. Magiging masaya ang pamilya natin," sabi pa ni Crystal sabay hagikgik.
Napakamot ng ulo si Harold. "Malala ka na talagang babae ka. Ibang klase na ang mga pinagsasabi mo. Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para sabihin sa akin 'yan."
Pilyang ngumiti si Crystal. "Sa iyo Sir. Sa iyo po ako kumukuha ng lakas ng loob dahil ikaw ang lakas ko."
Mahinang natawa si Harold sabay kamot sa kaniyang ulo. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya dahil napapangiti siya sa sinasabi ni Crystal.
"Alam mo...hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa iyo," natatawang sabi ni Harold.
"Bakit naman po Sir? Nakakalimutan niyo bang magsalita dahil kinikilig kayo sa mga pinagsasabi ko?" Mapanuksong sabi ni Crystal.
Pinilit ni Harold na sumeryoso. "Maglinis ka na nga lang! Naiinis na ako sa kadaldalan mo," sabi niya sabay muling takip ng folder sa kaniyang mukha.
Pagkauwi ni Harold, biglang pumasok sa isipan niya ang masayang mukha ni Crystal. Mas lalong gumaganda si Crystal kapag nakangiti ito. Artistahin nga ang dating ng dalaga. At kapag inayusan ito, sigurado siyang hindi mahahalatang mahirap lang si Crystal.
"Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang natutuwa ako sa mga walang kuwentang sinasabi niya?" inis na bulong ni Harold sa kaniyang sarili.
Sa bawat banat kasi ni Cystal sa kaniya, hindi talaga siya naiinis. Natutuwa pa nga siya at para bang kinikilig siya na hindi niya alam kung bakit. At ito ang unang beses na kinilig siya ng sobra. Sabagay, si Crystal lang naman ang babaeng mahilig magsabi ng mga ganoong salita sa kaniya.
Lumabas siya ng terrace para magpahangin. Pero nanatili pa rin sa isipan niya ang dalaga. Sinakop na yata ni Crystal ang isipan niya.
"Hay ewan! Nababaliw na yata ako. Nahahawa na yata ako ng kabaliwan sa manyakis na babaeng 'yon!" maktol ni Harold sabay sabunot sa kaniyang sarili.
Hindi mawari ni Harold sa kaniyang sarili kung bakit simula nang unang pagkikita nila ni Crystal, hindi na naalis pa sa kaniyang isipan ang dalaga.
"Hindi puwede ito. Hindi ako puwedeng magkagusto sa manyakis na babaeng 'yon. Panigurado magiging magulo ang mundo kong tahimik," bulong ni Harold sa kaniyang sarili bago pumasok ng kaniyang kuwarto.
Lumipas ang dalawang buwan, patuloy pa rin sa paghaharot si Crystal kay Harold. At dahil doon, mas lalong nahuhulog sa kaniya ang binata. Mas lalong hindi mapigilan ni Harold ang umuusbong niyang damdamin para kay Crystal.
"Ay!" bulaslas ni Crystal nang mabasag niya ang nakadisplay na vase sa opisina ni Harold.
"I'm sorry po, Sir Guwaps. Hindi ko po sinasadya. Pasensya na po talaga. Huwag po sana kayong magalit sa akin," sabi niya sabay pulot ng nabasag na vase.
"Aray ko..." daing ni Crystal nang masugatan siya ng bubog. Nagmamadali kasi siya sa pagpulot ng bubog.
Awtomatiko namang napatayo si Harold sabay lapit sa dalaga. Agad niyang kinuha ang kamay nito sabay tingin sa daliri ni Crystal na may sugat.
Nanlaki ang mata ni Crystal nang isubo ni Harold ang daliri niya at sinipsip ang dugo. Pagkatapos ay kumuha si Harold ng band aid at inilagay iyon sa daliri ni Crystal.
"Sa susunod, huwag mo ng pupulutin pa ang bubog para hindi ka masugatan. Walisin mo na agad ito. Mag-iingat ka sa susunod. Kahit na simpleng sugat lang 'yan, sugat pa rin 'yan'" sabi ni Harold sabay balik sa kaniyang table.
Napaawang naman ang bibig ni Crystal. Hindi kita kasi inasahan ang ginawa ni Harold.
"May gusto na kaya sa akin si Sir Guwaps?" bulong ni Crystal sa sarili habang nakatingin pa rin sa binata.
Parang wala lang nangyari nang bumalik si Harold sa kaniyang table. Kaya naman nagpatuloy na lang sa paglilinis si Crystal. Pero sa loob-loob niya, hindi maipaliwanag na saya ang kaniyang nadarama.
Napanguso si Crystal nang makita niyang wala na pala siyang pamasahe. Malayo pa kasi ang sahod kaya naman wala pa talaga siyang sapat na pera. Kaya naman hinintay ni Crystal na lumabas si Harold para makisuyo na siya ay ihatid.
"Marami pong salamat Sir Guwaps sa pagpayag na ihatid ninyo ako. Pasensya na po pala sa abala," sabi ni Crystal habang sila ay nasa byahe.
"Walang ano man. Hayaan mo na..simpleng bagay lang naman ito at hindi mo naman ako naabala," sabi ni Harold habang ang mga mata nito ay nakatutok sa kalsada. Dumaan muna sila sa grocery store para mamili.
Nang makarating sila sa bahay ni Crystal, nagluto si Harold. Hinayaan naman siya ni Crystal.
"Wow! Ang sarap naman nito! Amoy pa lang, alam na agad na masarap!" sabi ni Crystal sabay kain.
Ngumiti naman si Harold habang nakatingin sa dalaga na masayang kumakain. "Syempre naman. Sige na, kumain la na," sabi Harold sabay subo.
Pasimple namang sumusulyap si Crystal kay Harold habang sila ay kumakain. Kahit sa pagkain ay napakaguwapong kumain ni Harold. Mas lalo tuloy nai-in love sa kaniya si Crystal.
"Nga pala, Sir Guwaps, bakit ang bait mo sa akin? Bakit pumapayag ka na maging close na tayo. Nahuhulog ka na sa alindog kong taglay 'no?" sabi ni Crystal sabay ngisi.
Bigla namang natawa si Harold. "Anong nahuhulog? Naaawa lang ako sa iyo kaya okay lang sa akin ang mga pinaggagawa mo. Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano diyan. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak mo. "
Naningkit naman ang mata ni Crystal. "Sus! Kunwari ka pa! Naaakit ka lang talaga! Ayiee!" Hirit pa ni Crystal sabay hagikhik.
Nakangiting umiling naman si Harold. "Hindi. Kumain ka na nga lang diyan. Ang dami mo na namang sinasabi eh. Masamang maging madaldal sa harap ng pagkain."
Nagpatuloy naman sa pagkain si Crystal. Saglit silang nagkuwentuhan bago umuwi si Crystal. Napagtanto ni Harold na kahit simple lang buhay na mayroon si Crystal, masaya ito. At isa pa, iba si Crystal sa mga babaeng nakasama niya sa bahay. Hindi siya nito inakit para may maganap sa kanila. Bagkus ay wala itong ibang ikinuwento kun'di puro kalokohan kaya naman natatawa siya.