"Ate, nakalimutan ko ibigay sa iyo kagabi, umuwi na kasi kayo kaagad.” Salubong na lang sa kanya ni Alissa pakapasok na pakapasok sa bahay. "Ano ito?" Kunot noong tingin niya na lang sa envelope na iniaabot nito sa kanya. "Pinabibigay ni kuya Jordan. Nakalimutan mo raw," pagbibigay alam na lang ni Alissa. "Huh?" Lalo lang tuloy siya napakunot ng noo sa sinabi ng kapatid. Dulot na rin ng kung anong panghihina kahapon ay napa-uwi na sila ng wala sa oras pakagising ng anak. Gulong-gulo kasi ang isipan niya sa kung anong dapat gawin. "Ma, papasok na po ako," paalam na lang ni Alissa. "Issa! Sandali." Agad niya na lang na habol sa kapatid. "Bakit ate?" ngiting baling na lang nito sa kanya. "Wag ka na lang kaya tumuloy," kabado niya na lang na sagot sa kapatid. "Bakit naman? Diba okay n

