"Ate, ang aga mo yata ngayon?" pansin ni Alissa pakadating niya sa bahay ng mga magulang bitbit ang anak. "May client ako, nagpapa-reserve na," masayang sambit niya sa mga kapatid habang sinisipat ang dalang bag, sinisigurong walang nakalimutan na gamit ng bata. "Wow, congrats ate." Masayang yakap na lang ni Alissa. Napangiti na lang siya rito. "Ikaw?" ngising pansin niya na lang nang mabatid na bihis na bihis din ito. "May interiew ako ngayon." Napapapalakpak na lang nitong turan sa tuwa. "Congrats." Yakap niya na lang din dito. "Oy Martin! Ikaw na muna bahala kay bochog." Senyas ni Alissa sa bunsong kapatid na nag-aalmusal pa lamang. "Okay ate," tila antok na sagot na lang ng binatilyo. "Mama, sama ako!" yakap kaagad ni Asher sa kanyang hita na medyo namumugto na ang mata

