"What the hell is your problem!" nanggagalaiting pagwawala na lamang ni Alex nang maabutan siya sa naturang restaurant. Pero ni hindi man lang nagpakita ng takot o kahit anong reaksyon si Jordan. Nanatili lang siyang nakaupo habang nilalasap ang natitirang cake sa plato. Pasimple niya na lang nilingon ang lalake na may pagkabagot. "I don't understand what you're saying." Taas niya na lamang ng isang kilay rito. "Ulol mo!" nagdidikit ngipin na bulyaw na lang ni Alex sa sobrang galit. Pero hindi naman ito makalapit dahil na rin sa mga nakahawak na guwardiya at kasama nito. "Sir, tama na po," makaawa na lang ng kasama nitong bodyguard na halata ang takot. Tiim na tiim ang bagang ni Alex habang pinagmamasdan si Jordan na tumayo sa kina-uupuan. Halatang hindi kasi apektado siya sa p

