"Mam, rent to own!" Buong lapad na ngiti niya sa dumaang ginang sa kanyang harapan. Pero tinitigan lamang siya nito at ang hawak niyang papel, kahit na ganoon ay hindi niya pa rin inaalis ang matamis na ngiting iginawad dito hanggang sa makalayo ang babae. Napabuntong hininga na lamang siya matapos lampasan ng ilan pang mga naglalakad doon kaya Nagpasya na muna siyang maupo dulot na rin ng pagod. Matapos kasi ng mga nangyari ay nagdesisyon siya na magpahinga muna mula sa trabaho, pero dulot na rin noon ay nahirapan na siyang makabalik, idagdag pa na tuluyan ng nakaapekto sa kanya ang mga eskandalong kinasangkutan, kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang maghanap ng iba pang pwedeng pagkakitaan para masuportahan ang anak. "Mommy, mommy!" malakas na tili na lamang ng isang matin

