Tuliro iyon ang matatawag sa hitsura ni Cassady ilang linggo matapos ng pagbisita niya sa hospital. 'We are through, everythings over, but why does it hurt so much? why does it hurt?' Pasimple niya na lang hagulgol habang nakahiga sa kanyang kama, naroon pa rin ang sikip sa kanyang dibdib sa bawat pagkakataong naaalala niya ang kalunos-lunos na kalagayan ni Alex. Ang mga sugat nito sa pulso, sa mukha at ang pangangayayat nito ay parang isang bangungot na paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang isipan na ayaw magpatahimik sa kanya. "Cass anak." Katok na lamang ng mama niya sa pinto. Napabalikwas na lamang ng bangon si Cassady, sunod-sunod ang malalalim na hininga ang kanyang ginawa upang agad na pigilan ang paghikbi. "Ma?" pilit ayos niya na lang na sagot nang magawa niya ng mapigilan a

