"Sige, dito na lang ako mine!" Tinapik na lang ni Cassady ang balikat ng kasintahan nang makitang pwede niya ng tawirin ang lugar ng kanilang shoot. Matraffic kasi nang araw na iyon at halos hindi umaandar ang ilang mga sasakyan sa kalsada, alam niyang kung magpapahatid pa siya sa kabila ay aabutin na sila ng siyam-siyam. Agad naman sinilip ni Jordan ang lugar kung saan papunta ang kasintahan, agad nitong napansin na kailangan pa palang umakyat ng babae sa overpass para makapunta sa pagdadausan ng shoot nito. "Are you sure muffin? Ang layo o, kaunti na lang naman nasa U turn na tayo." Pigil na lang ni Jordan sa kasintahan nang akmang bababa na ito. "Mine, baka malate ka pa sa meeting mo, tsaka tingnan mo nga o, thirty minutes na tayong usad pagong, matatagalan ka lang kung liliko k

