Kabanata 2
"Long time no see, Catherine. Sa wakas nagkita na rin tayo." Nagdala ng kilabot sa akin ang sinabi ng lalaki dahilan upang lumayo ako rito.
'Paanong narito ito? Hindi ba't kay John ang kopanyang ito? Magkasabwat ba ang dalawa?' Tanong ko sa isip.
Ang nasa harap ko ay ang lalaking matagal ko nang pinagtataguan at iniiwasan. Walang iba kundi si Tyson Jefferson Hammond.
Sa takot akma palang sana kong tatalikod nang hawakan nito ang braso ko at idikit sa kaniya. Pinulupot din niya ang braso sa bewang ko dahilan upang matulos ako sa kinatatayuan at magulat
Sasaktan na ba ako nito? Totohanin na ba niya ang sinabi noon na papatayin niya ako? Pero ang tanong, alam din ba nito na hindi ko talaga pinaglaglag ang anak namin?
Sumakit ang ulo ko dahil sa dami ng iniisip.
Hindi na 'ko nag-abala pa na alisin ang braso niya sa takot na masaktan nito. "Hmm, scared? Don't be Catherine. Hindi naman ako nangangagat. Just kidding. I'll bite, lick, suck, sipped and many more. Also I can make you scream in pleasure." Humalakhak pa ito ng sabihin sa akin 'yon.
Hindi ko mapigilan na mamula kahit natatakot ako rito.
Tinakpan ko ang mukha.
Sandali lamang, hinarap ako nito upang haplusin ang pisngi na kinaawang ng labi ko. Naalis ko ang pagkakatakip sa mukha.
Tinitigan ako nito at ngumiti, binaon ang ulo sa leeg ko. Inalis din nito ang pagkakapulupot.
Napabuntong hininga, "P*t*ngina, Catherine. Miss na miss na kita. Ba't kase kailangan mong umalis nang walang pasabi?" Naglaho ang takot ko sa tanong niya.
"Sorry..." Sambit ko at kinagat ang labi.
Heto't sinabi ko na sisiguraduhin ko na pagsisisihan niya ang binitawan na salita at ginawa sa akin. May pasabi sabi pa ako na sa oras na mag-krus ang landas natin. Hinding hindi siya agad makakalapit sa akin. Pero wala 'kong magawa at matulos lamang sa kinatatayuan ko.
Gusto ko sanang sabihin dito na hindi naman talaga ako aalis kung hindi lang nito sinabi ang mga salitang nakakadurog sa puso ko.
Ang salita na kung saan napakasakit at hanggang ngayon naalala ko pa rin.
"Alam mo bang naghirap ako sa paghahanap sa'yo. T*ngina, hindi ko alam kung bakit hindi kita mahanap hanap gayong narito ka lang naman pala sa Pilipinas. Kung hindi ba naman kase b*b* ang mga naghahanap sa'yo." Saad niya pa at umiling.
"Ngayon, gusto kong sagutin mo ang tanong ko. Ba't ka umalis ng walang pasabi? Anong rason?" Seryoso niyang tanong dahilan upang lumunok ako.
Biglang pumasok sa isip ko ang masasakit na salita na sinabi nito.
"Hindi naman ako b*b*, Catherine alam kong gusto mo na mas higit ang ibigay ko sa'yo. Pero kung akala mo gagawin ko 'yon dahil lang sa nalaman ko pwes nagkakamali ka. Ngayon, gawin mo ang sasabihin ko, ab*rt that child or you'll die."
"T*ngna, hindi ka bingi at lalong hindi b*b*! Marami pa akong gagawin kaya aalis muna ako. Gusto ko pagbalik ko magawa mo na 'yung pinagagawa ko. Kung hindi ako mismo ang papatay sa batang dinadala mo at pati na sa'yo."
"Hindi ko 'yan anak. Wala 'kong anak sa maruming babae na tulad mo. Kung magkaka-anak man ako sa asawa ko lang, Catherine at wala ng iba."
"Sorry..." 'Yon lamang ang nasambit ko dahilan upang magbago ang reaksiyon ng mukha niya.
Umigting ang panga niya at kumuyom ang kamao. "T*ngina Catherine. Tinatanong ko ang dahilan. Sorry? May dahilan bang sorry?!
Sa lahat ng ayoko 'yung ginag*go ako ng mga tao." Tinignan niya ako ng mataman at ngumisi. Nawala na ang magandang mood nito kanina, at alam kong dahil iyon sa nasabi ko.
"Tandaan mo 'to Catherine. Hindi ko na hayaan na umalis ka ulit. Dahil kung gagawin mo 'yon! Wala 'kong choice kundi tawagan ang lider kung saan kita binili at sabihin na hindi ka sumusunod sa akin na Master mo!"
Natakot naman ako na totohanin nito.
Umiling ako, "Sorry, hindi ko pwedeng sabihin. Please wag mong sabihin sa kaniya. Sasabihin ko rin sa'yo ang dahilan. Hindi pa lang ngayon." wika ko.
"Kung ayaw mong sabihin Catherine edi huwag! T*ngina ayaw na kitang pilitin na sabihin 'yon. Dahil sasabihin ko nalang mismo."
"Wag!" Pinalibot ko ang braso sa bewang niya katulad ng ginawa nito kanina.
"Please 'wag!" Pakiusap ko. Kaso binaklas lang nito ang pagkakahawak ko sa bewang niya.
Napaiyak naman ako ng walang pasabi na umalis na ito ng office.
Hindi pwede.
Pag nalaman ng lalaking yon na hindi ako sumusunod sa Master ko.
Pa-patayin ako nito.
Kaya hindi pwede.
Paano nalang ang mga anak ko? Sino na ang mag-aalaga sa mga ito pag nawala ako?
Ngunit nagulat din ako ng bumalik ito sa loob ng office. Namumugto na ang mata ko sa kakaiyak ng mag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Madilim ang mukha niya at nakakuyom pa rin ang kamao katulad kanina.
Pinikit ko ang aking mata ng lumapit siya sa akin. Sa pag-aakalang sasaktan niya. Pero ikinataka ko ang ginawa nitong pagpunas sa aking luha.
Baket niya 'to ginagawa? Akala ko ba galit ito sa akin?
Naupo rin siya sa lapag at hinawakan ang baba ko. "Tumingin ka sa akin," Nang-uutos pa ang tinig nito ng sabihin sa akin.
Tumingin naman ako kaagad. Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko upang hilahin sa kaniya.
Lumapit ito sa swivel chair at umupo para ikandong ako.
Lumambot ang ekspresyon niya habang pinagmamasdan ako. Para na itong maamong leon ngayon. Hindi tulad kanina na kamuntikan akong saktan kung hindi lang niya pinigilan. Pero ngayon ay para itong maamong lalaki na hindi gagawa ng masama.
"Patawad.... Catherine.. Hindi ko na ulit gagawin 'yong ginawa ko kanina sa'yo. Lalo na ngayong nalaman ko kung bakit ganun nalang pala ang takot mo ng mabanggit ko ang Boss mo. F*ck him. Hindi ko hahayaan na mawala ka. Isang araw pa nga lang o taon hindi ko na nakaya. Paano pa kaya kung tuluyan ka ng mawala sa akin."
"Hi-hindi mo na ba ako ulit isusumbong?" Marahan kong tanong ng maiintindihan ang sinabi niya.
Ngumiti siya at tumango, "Oo naman. Just don't ever disobey me now. Palalampasin ko na rin ngayon ang dahilan ng pag-alis mo, kung ano man 'yon. Alam ko naman kase na sasabihin mo rin sa'kin 'yon pag handa ka na." Umiwas siya ng tingin.
"Kahit na nakaka-curious ang dahilan non." Naiiling siya at tumingin sa akin.
"Sorry talaga." anas ko at kinagat ang labi.
"Wala naman akong choice kundi intindihin ka. T*ngina, nagalit lang din ako kanina kase ang ayaw ko lang talaga sa lahat puro sorry ang naririnig sa mga tao. Quotang quota na 'ko sa mga ganoon." Turan niya.
"Ba-baket?" Nauutal kong tanong ng kunin nito ang palad ko.
"Wala... Hindi lang talaga ako makapaniwala na nandito ka na."
"Wag kang mag-alala sasabihin ko rin sa'yo ang dahilan kung ba't ako umalis."
"Hindi naman siguro 'yon lame reason?"
"Hi-hindi." Sabi ko.
Hindi lame reason ang pag-alis ko at pag iwan sa'yo. Dahil kung nanatili siguro ako roon ay maaaring patay na ako kase baka totohanin mo.
"Gusto ko nga rin palang mag sorry sa mga nasabi ko noon sa'yo na masasakit na salita."
"F*ck... I can't believe it I'm saying now... Nakakailang beses pa." Hindi ko narinig ang sunod na sinabi nito dahil bulong na yon.
Tumingin din naman siya sa gawi ko.
"I'm a sh*t that time kaya kung ano ano na ang nasabi ko. I--I was just devastated and unintentionally nasasabi ko na 'yon na hindi ko na napigilan. Iniisip ko na baka iyon din ang dahilan kung ba't ka umalis."
Ibig sabihin ba 'non hindi rin niya gusto ang sinabi noon na ipalaglag ang anak namin?
Ngunit sa sunod niyang sasabihin ay nagkamali ako
"But I'm serious when I told you to ab*rt that child before kase iniisip ko imposible naman na maging akin 'yong dinadala mo. Sana rin lang talaga hindi dahil sa sinabi kong 'yon kaya ka umalis dahil kung oo man. D*mn I probably torture you or else papatayin na talaga kita ng totohanan. Hindi ko man gusto."
Napakunot na ang noo ko, "Ba't ba sinasabi mo na imposibleng maging sa'yo 'yung pinagbubuntis ko? Alam mo naman na hindi ako ganon na babae." Paliwanag ko.
Dahil kahit pigain ko man ang utak ko at isipin kung saan niya nahuhugot ang mga salita ay wala 'kong naaalala. Dahil wala namang lalaki ang nakapasok sa buhay ko. Bukod sa pag-aari na 'ko ni Tyson ng binili niya ako. Hindi ko rin makita ang sarili na magkagusto o mahalin ang isang lalaki, para ipagkaloob ulit ang sarili... kase mahal ko ito. Kahit na ba hindi kami parehas ng naramdaman. Kahit na rin parausan nalang ang tingin nito ngayon sa akin.
Mataman niya 'kong tinignan at tumawa. "Hmm talaga ba?"
Napalingon ako at kinagat ang labi at tumango. Nagdilim ang mukha niya at umigting ang panga.
"Oo." Sagot ko.
"Okay, pero hindi pa rin ako maniniwala. Dahil imposible talaga. Kaya nga ginagag* ko ng asawa ko noon. "
"Niloko ka ng asawa mo?" Gulat kong tanong. Ngayon ko lamang nalaman dahil ngayon lang din nito nasabi.
"T*ngina, matagal na. Hindi naman ako ganon katanga upang malaman ang put*ngin*ng dahilan niya.
Pero wala na 'kong pake ngayon sa kaniya, karma na nito ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Tsk... Narealized ko rin kase na hindi ko naman pala talaga siya minahal. May iba pala talaga 'kong mahal. G*go ko lang at narealized ko kung kailan iniwan niya na ako. Kaya ngayon na narito na ulit siya sa akin at nagkita ulit kami. Hindi ko na hahayaang mawala ulit siya at iwan ako. Kung kailangan kalabanin ko rin siya gagawin ko." Tumingin pa ito sa akin ng sabihi.
Napasimangot ako.
Ba't kailangan niyang sabihin sa akin? Nais ba ako nitong hingian ng payo o trip niya lang? Pero hindi ko na dapat iniisip dahil mas dapat ko ngayong pagtuonan at protektahan ang anak ko sa kaniya.
"Okay ka lang? Why are you frowning?"
"Wala.. May iniisip lang ako." Saad ko naman. Tumaas ang kilay niya.
"Ako ba ang iniisip mo kaya ganyan nalang kalungkot ang mukha mo? Galit ka ba sakin, dahil sa ginawa ko kanina? T*ngina sorry. Kailangan bang ulitin ko ang dahilan bakit nagalit ako sa'yo? 'Yon nga Catherine ayaw kong ginag*go. Ayaw ko na paulit ulit nagso-sorry ang tao sa akin lalo na kung wala namang kwenta at dahil din quota na 'ko sa ganoon. F*ck. I'm really sorry." Mahabang sabi niya na hindi ko na nasundan.
"Wag mo 'kong iwan, Catherine."
"Sorry... Hindi na." Sabi ko naman at pinaglaruan ang daliri sa kamay.
Na konsensiya ako sa ginawa ko. Dahil sabi nga ni Boss na oras na binili na kami. Kailangan naming sundin ang Master namin. Kahit na labag man ito sa aking kalooban.
Napakabuti pa rin nito kahit paano. Hindi ko na dapat ulitin ang ginawa ko noon. Pag-iwan dito gaano man kasakit.
"Mangako ka sa akin. Mangako ka." Nang-uutos na sambit niya at hinawakan ang baba ko at tinignan sa mata.
Nailang naman ako lalo na kung gaano siya kaseryoso. Seryosong seryoso ito at natatakot ako.
"Sagot, Catherine!" Inis niya ng sabi.
"Oo. Pangako." Nakahinga ito ng maluwag sa sinabi ko.
"Ipangako mo rin na hindi ka magsi-sekreto sa akin. "
"Huh?"
"No more secrets."
"Pero..."
"So, kung may nililihim ka sa akin ngayon. Sabihin mo na sa akin."
"Wa-wala."
"Okay. Naniniwala 'ko sa'yo."
"Kung may sikreto ba ako, anong gagawin mo?" Tanong ko.
Ngumisi siya, "Hmm sinabi ko na kanina. Torture or K*ll you. Kahit ayoko. T*ngina kase ilang beses na akong ginag*go ng mga taong nasa paligid ko. Ayoko ng paulit ulit nalang lagi. Hindi na pwede.
Hey don't be scared. I won't really do that if your secret was acceptable. 'Yung kaninang pag-alis mo. Baka importante naman."
Importante nga ba? Kung sa sinabi mo kanina na papatayin mo ako sa oras na ang dahilan ko ay tungkol doon? Pero importante naman ang pag-alis ko, huh. Kase anak mo naman talagasila. Hindi ko alam kung baket hindi pwedeng maging iyo. Baka naman dahil ayaw niya lang talaga na magbuntis ako sa kaniya dahil sa iniisip niyang marumi akong babae.
Pinigilan ko ang umiyak. Nahihirapan ako. Kung noon hindi ako nito nahanap. Paano na kung iwan ko ulit ito? Tapos mahanap niya na ako at patayin.
"Sh*t, umiiyak ka ba?"
"Huh? Hindi ah!" Ngumiti ako.
Pinagdikit nito ang noo namin. "Pl-please wag kang umiyak. Hindi ko gusto na nakikita kang umiiyak." Garalgal ang tinig na sabi niya.
Nanlaki ang mata ko at umawang ang labi ng makita na umiiyak ito.
"Sh*t... Please. T*ngina. Ba't ba 'ko naiiyak!" Inis niyang sabi at pinunasan ang luha.
Inalis nito ang pagkakandong ko at tumayo.
Pinasadahan niya ang buhok niya at napahilamos ng mukha.
"T*ngina, Tyson. Bakla ka ba." Pagkakausap niya sa sarili niya.
Naguluhan ako, ba't 'to umiiyak? Higit sa lahat, naguguluhan ako. Ba't ganun nalang ang saya ng nararamdaman ko ng makita na umiiyak ito dahil sa umiyak ako. Hindi man niya alam ang dahilan.
"Catherine,"
"Huh?" Sambit ko sa pangalan niya.
"Ah, wala." Namula ito sa hindi malamang dahilan.
"Nahihiya ka ba?" Tanong ko.
"No." Mariin niyang sabi.
Maya lang tinanong ko ito. "Ikaw ba ang may-ari nitong kompanya? Hindi ba kay John ito?" Nagtataka kase akong paano siya ang humarap sa akin.
Ito na ba ang CEO ng company?
"No.. Hindi sa kaniya 'to. Sa akin na 'to. B*b* niya lang at ako ang kinalaban niya. Kaibigan ko pa naman siya. Ta's gagag*hin niya rin ako. Minsan talaga kung sino pa ang malapit sa'yo. Sila rin ang mang gag*go sa'yo."
"Pwede bang hindi ka magmura." Sambit ko.
Napapansin ko kase na palagi nalang itong nagmumura.
"Sinabi mo bang ayaw mo 'kong magmura?"
"Ahmm. Oo..." Nahihiya kong tugon dahil baka sabihin nito na sino ako para sundin niya, eh master ko nga siya.
"I'll try," 'Yon lang ang sinabi niya pero nagbigay saya sa akin. Parang bumabalik ang lalaki noon na kung saan binili ako, lalaking nirespeto ako at tinuring na katulad niya.
"Sa-salamat. "
"Walang anuman." Tumawa pa ito at habang tinitigan ko ito. Hindi ko maiwasan na isipin ang nakaraan bago ko ito makilala.
--
FLASHBACK
"Kinakabahan ako, Irina." Sambit ko.
Pinaglaruan ko ang daliri sa kamay at kinagat ang labi.
"Shush... Okay lang 'yan." Sabi naman niya.
"Hindi ko alam kung kakayanin ko."
"We're on the same page, Catherine. Pero pinagdadasal ko nalang na sana hindi ako mapunta sa masamang tao. Dahil sa oras na mangyari 'yon. Then wala. Walang kwenta lahat."
"Tuloy pa rin ba ang plano mo, Irina?" Tanong naman ni Dianna.
"Oo naman. Walang magbabago. Sana magkita parin tayong tatlo sa oras na binili na tayo ng kaniya kaniya nating Master." Saad pa niya at ngumiti sa amin.
"Sana nga..." Sabay naman naming sabi ni Dianna.
"Wag kayong mag-alala. Hahanapin ko pa rin kayo." Determinado pa siya ng sabihin sa amin at niyakap kaming pareho ni Dianna.
"Mahal ko kayo.."
"Tama na mga kadramahan niyo diyan! Lumabas ka na Catherine dahil mauuna ka."
Nanginginig ang tuhod ko ng sabihin ni na kailangan ko ng lumabas.
"Kaya mo 'yan!" Pagmotivate naman sa akin ng dalawa.
Tumango ako at sumunod na kay Kenneth. Pero mali ang sinabi nito.
Nararamdaman ko nalang na sinapak nito ang tiyan ko bago naging madilim na sa akin ang lahat.
Nagising nalang ako na hubot hubad na at kinaubabawan niya.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko, natatakot at nanginginig.
"Obvious naman. B*b* mo!" Bulalas niya. Kiniskis niya ang pagkal*lake sa akin.
"Wag please..." Pakiusap ko naman.
Tinutulak ko siya. Pero dahil malakas siya ay hindi ko rin magawa. Mas lalo lamang akong nanghina.
Dinilaan niya ang leeg ko at kinagat kagat na kinangiwi ko at kinaiyak.
"Puk*ngina, Hindi ko gusto na pinapakita lang sa'yo kung gaano kasarap ang s*x at lalong hindi ko gusto na panoorin ka lang na if*nger ang sarili. Gusto na kitang tikman at wala 'kong pake kung-" Hindi niya na natapos ang sasabihin at nanlaki ang mata ko ng makita nalang ito sa harapan ko na bumulagta.
"Boss.." Sambit ko garalgal.
"Kayong mga hinayupak kayo! Hindi ko kayo binibigyan ng pera para pagsamantalahan lang ang mga babaeng bebenta natin! Ito ang pakakatandaan niyo mga dep*ta kayo! Matutulad kayo kay Kenneth kung gagawin niyo ang ginawa niya! Mga malilib*g kayo. Sinabihan ko kayo na turuan sila at hindi pagsamantalahan. Pero ano 'tong pinag-gagawa niyo!"
Lumingon ito sa akin. Nakamaskara man ito pero kita
ko ang galit at nag-aalab niyang tingin.
"Ikaw naman, magbihis ka na at wag tumunganga! It's your turn! Dalian mo na rin! T*ngina kaya naman pala wala ka parin sa stage!" Dinuruan nito si Kenneth. Binalingan niya rin ang mga kasamahan.
"Itapon niyo 'to. Nakakadiring tignan."
"Areglado, Boss!" Agad na kinuha na ito ng mga kasamahan ni Boss na may mga armado pa ng baril.
"Bingi ka ba o b*b*, Catherine?"
Nagmadali na 'kong umalis at naligo ulit pagkatapos ay nagbihis.
Nang matapos pumunta na 'ko sa club ni Boss.
Inumpisahan na ng kasamahan ni Boss ang pagbebenta sa akin ng isang milyon at dahil maraming dumadagdag. Humigit 5 milyon na 'yon.
"10 milyon!" Sigaw ng lalaki na nasa bandang pinto. Habang tinitigan ko ang lalaki naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"10 milyon. May da-dagdag pa ba 'rito?"
Dahil wala ng dumagdag sinabi ni Peter, ang kasamahan ni Boss. Ibig sabihin lang non ay sold na ako sa lalaki.
Dinala muna 'ko ni Boss banda sa lalaking nang-uukit ng mga pangalan nang lalaking bumibili sa amin.
Kinagat ko ang labi ko para maiwasan na sumigaw sa sakit.
Nang matapos pinaharap ako nito sa may salamin at tinignan ko ang pangalan nong lalaki na nakabili sa akin.
Tyson Jefferson Hammond
Nilabas na 'ko ni Boss pagkatapos iukit ang pangalan ng nakabili sa akin.
Nakipag shake hands muna siya kay Boss bago bumaling sa akin, "Magandang Gabi, Miss." Saad niya at ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik.
'Mabait kaya ito?' Natanong ko sa sarili.
Inilabas na niya ako ng club at pinagbuksan ng sasakyan. Nang makapasok sa loob lumingon siya sa akin.
"Ba't ka tahimik riyan? Pwede kang magkwento." Sambit niya at ngumiti bago ipaandar ang sasakyan.
"So-sorry, Master. Hindi ako sanay."
"Master? Call me Tyson,"
"Huh? Pe-pero Master kita!" Hindi ko maipigilan na ibulalas .
"Alam mo ba kung bakit kita binili?" Tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot.
"Ba-baket po ba?" Tanong ko naman.
"Hindi ko rin alam kung baket. Pero baka naaaawa 'ko sa'yo. Siguro nga 'yon ang dahilan." Tumahimik narin ang pagitan namin. Dahil 'di ko alam ang mga sasabihin.
Kinagat ko nalang ang labi ko at pinaglaruan ang kamay. Nang makarating kami sa destinasyon kung saan kami pumunta. Lumapit ito at tinanggal ang seatbelt ko.
Natigilan naman ako at napatingin sa kaniya ng hawakan niya ang labi ko.
"Your lips.. nagdurugo."
"Huh?" 'Yon lamang ang nasabi ko dahil nakatingin nalang ako sa maganda niyang mata.
Napalunok siya at napailing, "T*ngina, ano ba 'tong nangyayari sa akin." Bulong niya ng lumayo. Pero lumapit din upang gamutin ang nagdurugo kong labi dahil sa pagkakagat.
"Next time, wag mong kagatin ang labi mo ng masyadong mariin." Paalala niya pagkatapos gamutin.
Tumango naman ako ng sunod sunod
Napailing siya.
--
"DITO KA na titira ngayon." Sabi niya at pinakita sa akin ang hindi kalakihang bahay. Nang pumasok kami roon, nakita ko na kompleto na ang mga gamit.
"Sa-salamat." Sabi ko at ngumiti.
"You're welcome." Lumingon ako ng sabihin nito ang 'Salamat'.
"Baket?" Tanong niya ng makita ang reaksiyon ko.
"Ba't ka nag 'You're welcome?" Tanong ko rin.
"Hindi ba't yon ang sinasabi pabalik pag nag 'thank you' ang tao?"
"Hi-hindi kase nag sasagot 'non ang mga lalaki kung nasaan ako pag sinasabi ko 'yon." Saad ko naman.
"Hmm iba naman ako sa kanila. Bukod sa magkaiba kami ng pangalan. Hindi ako ganon kasama para kahit thank you mo man lang hindi ko sagutin."
Napaawang ang aking labi.
"Master." Namangha ako sa sinabi nito.
Napabuntong hininga siya at tumaas ang kilay, hinawakan niya rin ang baba ko at tinignan ng mataman sa mata.
"Don't called me Master, Catherine. Tawagin mo ko sa pangalan ko. Tyson."
"A-alam mo ang pangalan ko?"
"Oo naman."
Natutop ko ang bibig. Sunod sunod ang pagkamangha ko 'rito.
"Paano?"
"Simple. Bago kita binili, inalam ko muna ang pangalan mo. No, let me rephrase that term. Bago kita ialis sa masamang tao na nagpahirap sa'yo. Inalam ko muna ang pangalan mo." at katulad kanina habang tinititigan ko ito sa malayo. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.