Chapter 19
"Anong ireregalo mo kay Haze?" Cerene asked.
Nasa mall kami ngayon. Napakabilis lumipas ng araw simula ng matapos ang semestral break. Naging busy month ang November para sa'min. Si Donovan, sa school works while me katulad lang din ng sa kanya.
I didn't forget what my parents said if I maintain my grades high. We're going to Japan.
Ngayon na nga lang ulit kami ni Cerene nagkaroon ng oras para magmall because I'm buying a gift for Donovan and also to my parents and of course for Cerene.
"I don't know. Hirap na hirap na naman akong isipin kung anong ireregalo ko" namomroblema kong sagot.
Ngumisi si Cerene. Hindi 'to maganda. Last time na nagsuggest siya...nevermind..
"Huwag mo ng ituloy" agad kong sabi.
Ngisi palang niya kinakabahan na ako. Alam ko kasing effective ang suggestion niya pero sigurado akong makamundo na naman ito o kung hindi man, may pagka-naughty. I already know her enough.
"Bakit naman?" may mapaglaro pa ring ngisi sa kanyang mga labi.
"Basta, let's go to men's section" aya ko sa kanya.
Uunahin ko muna ang ireregalo ko kay Papa. Sariling ipon ko ang ibibili ko ng regalo. Kahit naman galing din sa kanila 'yon, syempre iba na pag inipon ko. Akin na 'yon. Parang sariling pera ko na rin.
Ang hirap kayang mag-ipon.
Pumili lang ako ng isang branded na polo shirt kay Papa. Pagkatapos ng kay Papa syempre kay Mama naman. I bought simple yet elegant earrings for her.
"Ayan, tapos ka ng makabili ng para kay Tito at Tita. Pwede ng kumain" masayang sabi ni Cerene.
Hinila niya ako papasok sa fast food. KKB syempre, di na uso ang libre ngayon.
Kapag kasama ko si Cerene, alam na. Hindi ka matatahimik. Madaldal siya na may pagkaoveracting.
Pero since I'm her bestfriend alam ko kung paano siya patahimikin.
"Cerene, ano ngang nangyari noong iwan ko kayo ni Raf sa labas ng classroom?" tanong ko ng nakangisi.
Napatigil naman siya dahil sa tanong ko.
"You!" aniya at dinuro ako habang may hawak na tinidor.
"What?" nakataas kilang kong tanong.
"Nilaglag mo ako. Nasa likod ko na pala di mo man lang sinabi. How dare you!" she said frustatedly na parang inaalala pa ang nangyari.
"Masyado ka lang madaldal. Nahuli ka tuloy" asar ko sa kanya.
Sinamaan naman niya ako ng tingin habang ako masayang nakangisi lang.
"Ano ngang nangyari?" curious na tanong ko na.
Nakapangalumbaba pa ako sa lamesa habang iniintay ang sasabihin niya. Nag-umpisa na siyang magkwento pero..
"Ganito kasi 'yo--" aniya.
Napatigil naman siya dahil napatayo ako. Yung lalaking ikukwento niya sa'kin nakikita ko ngayon habang nakangiti at naka-akbay sa ibang babae.
"Bakit?" takang tanong niya.
"Huwag kang lilingon" tarantang sabi ko pero pasaway si Cerene, lumingon pa rin siya.
And there she saw Raf with other girl. Mukhang masaya pa. Nagtatawanan na sila habang naglalakad. Bakas sa mukha ng kaibigan ko ang sakit at selos.
Oh my god. I knew it. Raf is special to her. Hindi naman siya magiging ganito kung hindi.
"Cerene, don't look" mahina kong sabi.
Inalis na niya ang tingin niya sa direksyon ni Raf at ng kasama niyang babae ng humalo na ito sa maraming tao.
"I-Its o-okay" aniya at ngumiti ng pilit.
"I know it's not okay. Let's go" aya ko sa kanya at hinila na siya palabas ng fast food.
Tapos na rin naman kaming kumain. Mas mabuti pa sigurong umuwi na lang kami o gumala sa ibang lugar.
Cerene's very unusual. Hindi naman siya nagpapahila sa'kin because she's the one who's always dragging me somewhere. Parang wala siya sa sarili. Tulala lang siya at walang buhay na sumusunod sa'kin.
Natauhan lang siya ng palabas na kami ng mall.
"Hindi ka pa tapos bumili ng panregalo diba?" matamlay niyang tanong.
"Oo, pero bukas nalang. Sunday naman bukas e" I said.
"Saan na tayo?" tanong niya pa.
"Uuwi na or we can go somewhere and tell me what's your problem and what's going on between you and Raf" I said habang nag-aabang kami ng jeep.
"No, I think we should go home, dumidilim, mukhang uulan" she said at itinaas ang kanan niyang kamay para pumara ng jeep.
Hindi niya talaga gustong pag-usapan ang nangyari. Pababayaan ko muna siya kung gusto niyang makapag-isip-sip.
Pagdating ko sa bahay wala pang tao. Alas tres pa lang naman ng hapon pero sobrang dilim ng kalangitan. Eksaktong pagdating ko sa bahay bumuhos ang malakas na ulan.
Mabuti naman at hindi ako inabutan ng ulan dahil kung hindi baka magmukha akong basang sisiw dahil wala akong dalang payong.
Pagdating ko sa kuwato ko, nagbihis na ko ng pambahay at tinext si Donovan.
To: Baby
I'm home, what are you doing?
Sa text nalang kami palaging nag-uusap. Napakabusy namin lalo na bago magchristmas break. Mag-eexam na muna kami.
Isama pa na yung exam sa NCAE. November and December are stressful month for me.
Hindi kaaga siya nag-reply. Alam ko namang busy siya kaya nagbuklat na lang ako ng notes ko at nag-aral.
May exam kami sa Monday and the other day. After our exam, isang araw lang ang pahinga then NCAE naman then Christmas Party na.
Hindi ba pwedeng Christmas Party na lang agad?
After kong magreview biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Baby Calling...
Agad ko itong sinagot. I miss him so much. Hindi na niya ako na-iintay minsan sa labas ng subdivision dahil maaga siyang napasok at kapag hapon naman late na siyang nauwi. I understand, he's just busy. Graduating na siya e.
[Baby, I miss you] bungad niya sa'kin.
"I miss you too" malambing kong sabi.
[Sorry hindi ako nakareply kanina sa text mo. Gumagawa kaming project] paliwanag niya
"I understand, baby"
[Haze, let's start na] boses ng maarteng babae ang narinig ko sa background.
Start saan? Ano bang gagawin nila?
"Who's that?" tanong ko. Tumaas pa ang kilay ko habang nagtatanong na parang nakikita niya ang reaksyon ko.
[She's my classmate, thesis partner] I heard him chuckled.
Anong tinatawa-tawa niya dyan? At tsaka nasaan ba sila? Nasa bahay niya? Thesis lang ba talaga ang ginagawa nila? What if may iba pa?
No Zoila, don't think negatively. Donovan loves you.
"Nasaan ba kayo?" tanong ko.
[In my house] bakas sa boses niya ang saya habang sinasagot ang tanong ko.
"What?! Bakit diyan sa bahay niyo? Why not in other place?" he laughed at my questions.
"What's funny?!" pasigaw ko ng tanong. Iritang-irita na rin ako.
[Ang cute mo magselos. Now you know what I felt when I saw you at the cemetery with that childhood friend of yours] he said.
"Hindi ko naman sinasadya, ikaw sinasadya mong pagselosin ako. Congrats, very effective" I said and rolled my eyes, as if nakikita niya ko ngayon.
"Sorry na baby" malambing niyang sabi.
Bakit parang natunaw bigla ang inis ko sa kanya? Dapat galit ako kasi may kasama siyang babae sa bahay niya ng silang dalawa lang.
May tiwala naman ako sa boyfriend ko pero sa babaeng kasama niya, wala.
"Paalisin mo yang babaeng yan!" kunwaring inis na sabi ko.
Bawal marupok Zoila!
Tumawa na naman siya dahil sa sinabi ko.
[Baby, hindi lang naman kaming dalawa dito. Kody and Raf is here] he said.
"Bakit hindi mo agad sinabi? Hindi ba sabi mo thesis partner mo yung babae dyan. Partner means dalawahan lang kaya nga partner e." I said.
[Si Shey lang talaga ang partner ko and don't worry. Bago siyang fling ni Raf] he said.
Yung babaeng 'yon ang bago ni Raf? Yung nakita namin sa mall? Ibig sabihin kararating lang rin nila sa bahay ni Donovan?
"Oh that b***h" bigla kong nasabi.
[Baby] saway sa'kin ni Donovan.
"Why? Akala ko there's something between Raf and may bestfriend tapos biglang may fling ng bago si Raf tapos nakita pa namin kanina si Raf at Shey na yan sa mall" inis kong sabi.
[Haze! Who's your talking ba? Let's start na] maarteng boses na naman ng Shey na 'yon ang narinig ko.
"Gawin mo na muna yang thesis niyo ng makaalis na yang maarteng babaeng yan" I said.
[Yes baby, I love you] masuyo niyang sabi.
"I love you too, don't go near to that girl. Makikita mo hinahanap mo Donovan" nagbabanta kong sabi.
[Opo, baby] he said and I ended our call.
Just like that. Days went blurred again. Tapos na ang exams nami and NCAE namin. Tapos na rin ang Christmas Party. It's kinda boring so I decided to ditch, pagkatapos ng exchange gift umalis na ako.
Nag-date lang kami ni Donovan dahil tumakas lang din siya. And next is Christmas Vacation.
Mamayang gabi, noche buena na. Gustuhin ko man na makasama si Donovan sa Christmas Eve, hindi pwede, just like last year. Nagkikita lang kami tuwing December 25 ng umaga na. Sandaling oras pa.
"Zoila, wear something formal" utos ni Mama.
"Why?" tanong ko.
Kami-kami lang naman ang nagcecelebrate ng Christmas, wala kaming bisita so why wear something formal?
"Mamá will celebrate Christmas here, nasa byahe na sila. Pati na rin ang Tita Lea mo at ang asawa niya, kasama ang mga pinsan mo. Parating na sila" she said.
Agad ko namang sinunod ang utos niya. Naligo ulit ako kahit nakaligo na ako kaninang umaga. I wore a simple white dress and white doll shoes. Naglagay lang din ako ng kaunting liptint at pulto pagkatapos bumaba na.
Pababa pa lang ako ng hagdan naririnig ko na agad ingay sa living room.
Mukhang dumating na sila.
Napatingin naman sa'kin ang mga tao sa sala ng dumating ako.
Hindi kami masyadong close ng mga pinsan ko pero hindi rin naman kami magkaaway sakto lang.
"Ito na ba si Zoila? Habang lumalaki lalong gumaganda" puri sa'kin ni Tita Lea.
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
"Syempre, mana sa Lola" pagsingit naman ni Lola.
Nagkatawanan naman kami dahil sa sinabi ni Lola. Nagmano lang ako sa matatanda bilang paggalang.
Nakita ko namang katabi ni ang dalawa niyang anak na si Leanna at Lyndon. Mas matanda sila sa'kin. Yon ang alam ko.
I greeted my cousins and they did the same. We're very casual. Pagkatapos noon pumunta na ako sa kuwarto. I don't really know kung anong i-aakto ko. I'm not Lola's girl. Mas close ko talaga si Lolo and Papa's parents, hindi ko na sila naabutan.
Lumabas lang ako sa kuwarto ng tawagin ako ni Mama dahil malapit na ang noche buena. Ang mga regalong binili ko para sa parents ko ay nasa ibaba ng Christmas Tree na. Kanina ko pa inilagay 'yon.
"MERRY CHRISTMAS" bati namin sa isa't isa. Nagkainan na kami.
Mas maraming handa ngayon kumpara dati kasi si Lola, ang kapatid ni Mama na si Tita Lea at asawa nitong si Tito Robert at tsaka mga pinsan ko.
Masaya naman ako na maa marami kami pero pagkatapos kumain umakyat na ulit akonsa kuwarto para tawagan si Donovan.
Baby Calling...
Nadatnan kong nagva-vibrate pala ang cellphone ko sa side table. Sinagot ko agad ito.
Video Call kami. Nakita kong nasa kotse siya. Wala ba siya sa bahay nila? Ang sabi niya uuwi siya?
"Merry Christmas, baby" nakangiti niyang bati.
"Merry Christmas din" bati ko pabalik. "Where are you? Bakit nasa kotse ka? Hindi ka umuwi sa inyo?" tanong ko.
Ngiti lang ang isinagot niya.
"I'm here inside your village, few meters away from your house" he said.
He's here? Pero hindi siya puwedeng pumasok dito sa bahay.
"Pupuntahan kita, wair for me" I said pero nagulat biglang bumukas ang pinto ko.
"Don't you know how to knock?" I asked Lyndon.
"Who's that baby? Is it Lean?" Donovan asked. Malakas ang sounds ng cellphone ko at hindi pa ako nakaearphone.
"Ow, Sorry" Lyndon said. "Pinapatawag ka ni Tita" ani Lyndon, mukhang hindi naman big deal sa kanya ang kausap ko sa cellphone.
"Sige susunod na ako" and after that tumango lang siya at sinarado na ang pinto.
"Baby, can you wait? Pinapatawag daw ako ni Mama. Baka magbibigayan ng regalo" I said apologetically.
"Of course, maglalaro na lang muna akong ML" he said.
"Sige, I love you" I said.
"I love you too" and we ended our call.
Bumaba na ako at tama nga ako. Nasa living room na at nagbibigayahan ng regalo. After kong makuha 'yong akin kumuha muna ako ng tyempo para umalis.
Nilagay ko muna sa kwarto ang mga nakuha kong regalo. Bukas ko nalang siguro bubuksan.
Kinuha sa closet ko ang binili kong regalo kay Donovan. Alam ko kasing wala siya nito. Afford naman niya pero hindi siya bumibili.
I text Donovan if he can wait another hour so that I can sneak out on our house.
Kinuha ko ang maliit na paper bag at lumabas na ng kwarto ko after one hour. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ko.
Hangga't maari hindi ako gumagawa ng tunog sa paglalakad ko. Tahimik na at patay na ang ilaw. Tulog na silang lahat.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan pero ng makalapit ako sa living room, buhay ang TV.
May gising pa? Wala na namang tao. Nevermind mamaya ko nalang papatayin pagbalik ko.
Bubuksan ko na sana ang main door para malakabas ng may biglang magsalita. Napatalon pa ako dahil sa gulat.
"Where are you going?" tanong niya habang may hawak na baso ng gatas? Seriously?
"Ano.." nag-isip ako ng pwedeng idahilan pero wala akong maisip.
Ano namang idadahilan ko para lumabas ng madaling araw? Magpapahangin? Hindi naman tanga si Lyndon para maniwala sa ganoong palusot.
"Just go, cousin I won't mind" he said and give me a small smile.
"Thanks, mabilis lang ako" I said at tuluyan ng lumabas.
Agad na sumalubong sa'kin ang malamig na simoy ng hangin pero hindi ko na ito pinansin. Nakadress nga pala ako at sleeveless pa ito.
Dahan-dahan lang din ang pagbukas ko ng gate namin at lumabas na. Hinayaan kong nakaawang din ito ng kaunti.
Sa hindi nga kalayuan nakita ko ang Audi a7 niyang kotse. Nakabukas ang headlights nito. Idagdag na rin na may street lights sa subdivision kaya hindi ganoon kadilim.
Kinatok ko binatana sa may bandang drivers seat. Bumukas naman ito at bumungad sa'kin ang inaantok na mukha ni Donovan.
Agad niyang binuksan ang pintonsa passengers seat kaya pumasok ako doon.
"Merry Christmas" bati ko sa kanya at hinalikan siya sa cheeks.
"Merry Christmas din" paos ang boses niya. Pinatakan niya rin ako ng saglit na halik sa labi ko.
"Here's my gift" nakangiti kong sabi.
"What's this?" tanong niya.
"Open it" ginawa niya naman ang sinabi ko. Pagkakita niya pa lang napangiti na agad siya.
"Thank you baby, I like it" aniya.
"Really?But it's just a simple gift. Nakikita ko kasing yan lang ang wala sa'yo or hindi ka lang talaga bumibili" I said.
"Yeah, it's simple. Pero nakikita kong sinusuportahan mo ako sa paglalaro ko ng ML, kung ibang babae 'yon pinabura na pero ikaw binili mo pa kong game pad" masayang sabi niya.
Napangiti din ako. He really appreciate everything I gave.
Siya naman ngayon ay may kinuha sa dashboard ng kotse niya.
Nakalagay sa parahabang kahon na kulay pula. Hindi siya nakabalot. Binigay niya 'yon sa'kin.
It's a necklace with a pendant of his initials tapos mayroong property na nakalagay sa ibaba ng initials.
"Wow" 'yon lang ang nasabi ko.
"You like it?" he asked.
"Of course baby, talagang inaangkin mo na ko ha" biro ko sa kanya.
"Yes baby, I'm claiming you since you become my girlfriend" he said, paos na ang boses niya.
Mukhang inaantok na rin siya. Kaya pa ba niyang mag-drive?
"Kaya mo pa bang magdrive?" tanong ko.
"I'm sleepy but I can drive" he said.
Nasa sala pa kaya si Lyndon? Hindi niya ba papansinin kahit magpapasok ako ng lalaki sa bahay ng ganitong oras?
"You..can sleep to my room" offer ko.
"But you're parents are there" pagtukoy niya sa bahay namin.
"Tulog na sila pero may isang gising. Si Lyndon, yung pinsan ko, yung tumawag rin sa'kin kanina habang magkavideo call tayo. Nakita niya rin akong lumabas ngayon. He said he didn't mind" paliwanag ko.
"Are you sure?" tanong niya at tumango naman ako.
Lumabas na kami ng kotse niya at nauna na ako. Nakasunod lang siya sa'kin habang ako ay nauuna.
Hinawakan ko ang kamay niya at napansin kong nanlalamig ito.
"Nervous?" I teased him.
"I am, what if they caught us?" he asked.
"Don't worry hindi tayo mahuhuli" I said at maingat ibinuka ang maliit na awang ng gate.
Nang makapasok kami dahan-dahan ko itong sinara at dumiretso na sa main door. Bubuksan ko pa lang sana ng bigla itong bumukas.
"Lyndon" mahina ngunit gulat kong sabi.
Bakas din ang gulat sa mukha niya.
"Who is he?" tanong ng pinsan ko.
"He's my..uh" nag-isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi.
"..boyfriend" pagtutuloy ni Donovan sa sasabihin ko.
"I thought you don't have a boyfriend?" he asked, confused.
Nag-isip pa siya sandali at pinasadahan ng tingin si Donovan. I think magka-age lang sila ni Lyndon.
"I get it. He's your secret boyfriend, isn't he?" straight forward niyang tanong.
"Y-Yes" I stuttered. "Please don't tell to my parents" I said.
"I'm not meddling in others business so you're secret is safe with me" he said.
"Thanks Lyndon, he's sleepy. Goodnight" I said at pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Ikaw hindi ka pa tutulog?" tanong ko sa kanya" umiling naman siya.
"Nah, I'm still watching" he said at itinuro ang palabas na TV na nakapose.
Tuluyan na kaming umakyat sa taas. Agad kong sinara ang pinto at ini-lock 'yon. Si Donovan naman ay umupo sa kama ko.
Sumunod naman ako sa kanya. Hawak ko pa rin ang regalo niya.
"Isuot mo" I said at inilahad sa kanya 'yon.
Sinunod naman niya ang sinabi ko. Agad kong naramdaman ang malamig na metal sa leeg ko.
Humarap ko sa kanya pagkasuot niya sa akin ng kwintas.
"It looks good on you, you're my property and no one can stole you away from me" he said.
---------
3:57 PM. June 10, 2020