Chapter 36 "Kinakabahan ako" mahinang usal ko. "Don't be. I'm here" ani Donovan at hinawakan ang kamay ko gamit ang kanan niyang kamay, ang isa naman ay nasa manibela. We're heading to their mansion. It's been seven years since I went there, noong ipinagbubuntis ko pa lang si Zaze. Hindi pa maganda ang ala-ala sa akin ng unang punta doon. Nang tuluyan na kaming makapasok sa kanilang gate. Memories of the past flash back on my mind. Sa may bulwagan nila napirmi ang tingin ko. I can't forget our painful scene there. Kung paano niya hilahin papunta doon ng dumating ang kanyang mga magulang. I can't believe na makakabalik pa ako sa lugar na 'to pagkatapos kong sabihin ang huling salitang binitawan ko sa kanya noon. Ibinalik ko rin sa kanya ang simbolo ng pangako niya.. "Wow! Daddy is

