Chapter 37 "Nakagayak na ba lahat ng gamit Ate Delia?" tanong ko sa aming kasambahay ng makita ko siyang nagpupunas ng aming mga vase. Kadarating lang namin galing kina Donovan. Malayo-layo ang biyahe at pagdating namin agad dito ay napagdesisyunang sasakyan ko ang gamitin. Doon kasi nakagayak na ang mga gamit. Magpapalit lang ako ng mas komportableng damit dahil mahaba ang magiging biyahe namin. Hindi na kami nagpahinga dahil maabutan kami ng dilim sa daan. Aabutin ng apat hanggang limang oras papunta sa probinsya nina Lola. Siguradong aabutan na kami ng dilim sa daan. "I can drive" presinta ko kay Donovan. Nasa kamay ko na ang susi dahil kotse ko ang gagamitin. Kanina pagpunta namin sa kanila siya na ang nagdrive tapos ngayon naman siya ulit and it's a long drive. Puwede namang pal

