Chapter 38 "Finally, nakababa na kayo" tukso ni Leanna ng makasalubong niya kami ni Donovan sa hagdan. Binigyan niya kami ng mapanuring tingin na akala mo may ginawa kaming kababalaghan sa kuwarto kaya ngayon lang kami bumaba. "It's not what you think" I said and rolled my eyes. Dumiretso na ako sa dining. May nakahanda ng pagkain doon. Naabutan kong kumakain doon ang isang babae. Napatigil ako saglit at sinuri ang bawat galaw niya. She's not sophisticated but I can sense that she have the same aura as Ate Hazel but this girl is much lighter. Maganda siya, morena at litaw na litaw ang colar bone niya dahil nakasuot lang ng itim na sando. Naramdaman ko naman ang kamay ni Donovan sa baywang ko dahil naabutan na niya akong maglakad. Napansin na kami ng babae at awkward siyang ngumi

