Bukod yata sa pagbebake ng mga masasarap na mamon ay may isa pang talento si Eliziana; iyon ay ang pag-iimagine, na dala siguro ng kakikrimstix nya.
Eliziana always imagine herself as the actor Jin Marquez’ non-showbiz girlfriend. But what if destiny finds its way to make her imagination happen in real life?
“Parang kahapon lang iniimagine ko na nag-dedate kami sa isang mamahaling restaurant, tapos ngayon— OMG, if this ain’t love then I don’t know what it is!”
Meet Maria Eliziana Mangubat, a typical fangirl, maybe a lowkey one. Ang noong tahimik niyang buhay ay nagulo nang masangkot siya sa issue ng isang sikat na aktor— take note: iyong actor na idol pa nya. Her once beautiful and peaceful life was tainted with the actor’s fans sharp words, does her life will be back to normal?
Join Maria Eliziana ‘the fangirl’ Mangubat as she tells us her fangirl (love) story, where you can perhaps relate to.
Chapter Five
ELIZIANA
Siguro nga na masyado akong lapitin ng kahihiyan sa buhay o sadyang medyo walanghiya din ako kung mag-salita, dahilan kung bakit inilagay ako ni Sir Dela Paz sa receiving area.
It has been a week since the day nung maling notebook ang naipasa ko, and I'm actually doing well at medyo nawawala na rin naman sa isip ko iyong pangyayari noon sa palengke na kung sino nga ba iyong nagshushooting do'n at kung sino nga ba iyong ‘artistang’ nabato ko, dahil medyo occupied ang isip ko dahil sa busy na rin. As for our final examination, we have ten days of work immersion, we got divided into different department dito sa isang hotel. Si Ava ay napunta sa kitchen, at ito nga ako, sa unahan.
Mabuti nalang at kasama ko si Miss Lyra, iyong receptionist talaga dito, para kahit papaano'y ma-iguide ako. After our ten days of work immersion ay gagawa pa kami ng journal at ipapasa sa teacher, this is also for our grade. Kapag bagsak ako ay for sure papaluin ako ni Mama.
Ang hirap mag-aral, pero mas mahirap kung walang pinag-aralan.
Second day na rin naman namin sa immersion, simula six in the morning to five in the afternoon lang kami, for ten days. Siyempre nagrerecord din kami ng time ng in and out.
“Maria, let's go na!” Ava, who's wearing a white tee partnered with her jeans and sneaker, said. Mukhang ready na sya umuwi.
I smiled and nodded at her, “Wait lang.”
Miss Lyra took my post, nag-paalam na rin akong pupunta sa locker para magbihis at nang makauwi na, pinaghintay ko na lang si Ava sa may lobby.
After doing my routine ay binalikan ko na si Ava, and we got out at 5:10 PM. Ang hotel na syang pinag-work immersion namin ay hindi naman gano'n ka-eksklusibo, wala naman mga arti-artistang tumutuloy o nag-bubook.
Or so I thought.
“Sino 'yan?” takang tanong ni Ava nang makalabas kami sa hotel. May isang itim na SUV ang nakaparada malapit sa entrada at napapalibutan pa ng ilang mga kababaihan na may sinisigaw, pangalan siguro nung nakasakay sa SUV na 'yon.
Kibit-balikat lang ang naisagot ko kay Ava dahil hindi ko din alam kung sino 'yan, parang si Joseph Iñigo Nikkolas lang yata ang kilala kong artista dahil sakanya umiikot ang mundo ko.
Medyo nagkakagulo ang mga kababaihan buti na lamang at alerto ang mga security guard nitong hotel, hindi ko yata alam na may bibisitang artistahin. Hindi pa lumalabas ang taong nakasakay sa SUV kaya hindi ko talaga kilala kung sino, pinapahupa pa ng mga security ang mga kababaihang excited sa pagbaba ng kung sino man 'yon, kaya hindi pa lumalabas ng SUV. Kung ganiyan ba naman karami ang nag-aabang sa paglabas nung taong nasa loob ay for sure pagkakaguluhan.
Pumuwesto kami sa gilid ng entrada, malayo-layo sa mga nagkakagulong kababaihan na medyo naging disiplinado na rin at hindi na mukhang mga hayop na excited.
“Hindi pa ba tayo uuwi?” inip na tanong ko kay Ava. She shushed me.
“Mamaya na, hintayin natin iyong nakasakay d'yan.” sabi pa nito. I pouted, gusto ko ng umuwi at magpahinga pero mukhang ayaw pa nitong kasama ko kaya sinabi ko nalang na mauuna nalang ako ngunit pinigalan pa ako.
“Gaga, 'wag mo'kong iwan! Sabay na tayo pero hintayin muna nating makalabas iyong nakasakay d'yan, nakakacurious kasi e.” Pagpigil nito sakin at hinila pa ang braso ko nang makahakbang ako ng isang beses, kaya wala akong choice kung hindi samahan itong bestfriend ko.
“Baka naman hindi artista 'yan.” bulong ko, ngunit narinig pa rin nya.
She tsked and said, “Malay mo si Jin pala 'yan. Sige na uwi ka na, itetext nalang kita kung si Jin nga 'yan.” She chuckled when my mood changed into a little bit of hoping.
After minutes of waiting na lumabas iyong kung sino man ang nakasakay sa SUV na 'yon ay may lumabas ngunit hindi ito iyong artista ata dahil may pinagbuksan pa sya.
“Aray!” mahinang daing ko nang kurutin ako ni Ava. I think she's excited to know who's inside of that damned SUV, hinampas ko ng mahina ang kamay nito.
The girls earlier starts squealing again when a man wearing a black leather jacket partnered with jeans and a Timberland boots got out of the SUV. He's also wearing a bucket hat at nakatungo sya paglabas kaya hindi ko ma-identify kung sino, ngunit nang iniangat nya ang kanyang tingin ay lalong naghurumentado ang mga babae at animo'y kilig na kilig, miski ang bestfriend ko ay kilig na kilig sa gilid ko at hinahampas-hampas pa ang kawawa kong braso. Inis na humarap ako kay Ava para hawakan ang kamay nya nang hindi nya ako mahampas.
Grabe naman 'to kiligin, nanghahampas. Mag-bestfriend nga kami.
“Oh my god! Isn't that Isaac?!” Ava squealed, kaya nang ibinalik ko ang tingin sa lalaking papasok na sa loob ng hotel habang nasa gilid nya ang securities at ang iba ay pinapaalis ang mga kababaihan, ay nanlaki ang mata ko nang matanto kong si Isaac nga iyon. Ang isa ding sikat na actor sa YS Channel at take note, bestfriend nya ang jowa ko!
Pero hindi alam ni Jin na jowa ko sya.
“Oh my god, sis!” Kinikilig na saad ko kay Ava at sabay pa kaming nag-talon-talon habang hawak ang kamay ng isa't-isa.
“Hindi naman si Jin 'yan. Tara na.” Pagkunuwa'y saad ko kaya naman napabitaw si Ava sa kaninang magkahawak naming kamay atsaka muli na namang hinampas ang braso ko.
I groaned, “Aray naman! Uwi na kasi tayo,” I almost pleaded at Ava and finally she agreed on going home. Tutal at nakita nya na rin naman kung sino iyong artista na nakasakay sa SUV na mukhang mag-bubook dito sa hotel na pinag-wowork immersion-an namin.
“Wala kang sundo?” I asked her as we walked side by side on the gutter. Maghahanap pa kami ng masasakyan.
She just shrugged her shoulder and shook her head, “Ayaw ko magpasundo. I want to learn how to commute 'no.”
“Tho, tuwing Sundays kapag nag-sisimba tayo nag-papahatid at sundo ka pa rin.” I laughed. Totoo, dahil tuwing nag-sisimba kami ay nagpapahatid sya sa may labasan ng subdibisyon namin tapos ihahatid kami ng driver nila papuntang simbahan, tapos kapag pauwi ihahatid muna ako pabalik sa may labasan ng subdibisyon namin at doon papara ako ng tricycle.
Ava always insist na ihahatid nya'ko diretso sa tapat mismo ng bahay namin every time we hang out, but I always refuse, for some reason. Hindi naman sa ayaw kong makita o nahihiya akong makita ni Ava ang humble home namin, kung 'di dahil sa medyo masikip ang daanan papasok at mahihirapan kung nasaktuhan pang may makasabay na truck na galing sa kabilang phase o karatig baranggay.
Nang makarating kami sa isang waiting shed ay naupo muna kami habang nag-hihintay ng paparadang jeep or taxi.
“Umasa ka ba na si Jin 'yon?” biglaang tanong nito. Napatingin ako sakanya, inilapag ko muna sa lap ang dalang mini backpack bago ko sya sagutin. She also placed her bag on her lap as she sits comfortably.
“Normal na siguro sa'kin ang umasa, lalo na kanina nung nag-conclude ka na what if si Jin pala 'yon.” We both chuckled hearing my answer. I heard her sighed so also do the same.
“Pero bestfriend pala ni Jin ang lumabas. Ano kayang gagawin no'n do'n?” tanong nito, kibit-balikat lang ang naisagot ko dahil miski ako ay hindi ko din alam. Anong malay ko do'n, aba.
“We never know, malay natin may ka-meet up na girl. Lalabas naman siguro sa balita 'yon lalo na't may mga babaeng fans nya ata ang nag-abang na makalabas sya ng SUV.” I concluded. There's a silence between us after that. May mga tao na ding tumatabi at nakikisilong sa shed. Namataan ko iyong isa naming kaklase na si Zennith, we smilsd at each other at nag-tanguan lang kami bilang bati. Ang alam ko ay kapit-bahay 'to nila Ava pero hindi sila close, well it's not my story to tell naman na.
“Hindi mo ba naisip na, malay mo gumagawa ang tadhana na pag-lapitin kayo ni Jin.” Ava said, napatingin tuloy ako sa gawi nya nang hindi makapaniwala dahil sa kung anu-anong pinagsasasabi nya. She looked at my gaze and muttered, “What?”
“Siraulo, malabo ata iyong mangyari 'no!” I uttered in disbelief.
“Malay nga natin e, kasi tignan mo na-meet mo na bestfriend nya. Tho, hindi mo nilapitan para hingin number ni Jin.” Laglag panga akong napatingin sakanya at binatukan sya.
“Duh! Hindi ako gano'n 'no, lowkey fan ako ni Jin! Hanggang imaginations nalang ako sakanya.” I said.
Ngunit patuloy pa rin si Ava sa mga walang-kabuluhang naiisip nya. Maniniwala na'ko sa sinasabi nyang 'yan kung sa susunod ang sunod kong makikita ay ang nanay or tatay ni Jin, bago sya. Kaso sobrang labo naman ata no'n, kaya ipinagkibit balikat ko nalang din ang naisip.
Natigil lang kami sa pag-aasaran nang may tumigil na taxi sa harap, inaya pa ako ni Ava na kaming dalawa na sa taxi ngunit umayaw ako dahil may jeep na sunod. Kaya ibinigay ko na ang puwesto sa isang pasahero na naghihintay din dito kanina pa sa waiting shed. Tsaka hassle kay kuyang taxi driver lalo na't mag-kaiba ang route namin ni Ava, ang kasabay namang sumakay ni Ava ay si Zennith.
Pagkaalis ng taxi ay sumakay na'ko sa jeep na kasunod nito. Inabot ko ang bayad ko at nagpababa sa may labasan ng subdibisyon. After the long ride ay pumara ako pababa atsaka nag-para ulit ng pedikab papasok ng pabahay.
So this is my routine for the last eight days.
Pagkauwi ko sa bahay ay mag-aalas-syete na, bitbit ang biniling barbeque kila Aling Marta ay sinalubong ako ng kapatid ko sa may pintuan. Nakapamaywang at naka-cross arms pa. Tinaasan ko ito ng kilay at ganoon din ang ginawa sakin, aba ang tibay.
“Anong oras na, uwi ba 'to ng matinong Ate?” He demanded, his voice slightly sounded like full of authority. I arched my brow and crossed my arms too.
“Anong tono ng pananalita 'yan, iyan ba ang tamang pakikipag-usap sa Ate?” Singhal ko dito pabalik, naibaba nya naman ang braso nya and even smiled cutely at me.
“Barbeque ba 'yan, Ate? Akin na, mag-hahain na'ko.” Dahan-dahan nya namang kinuha sa kamay ko ang bitbit na plastic na may lamang barbeque at ilang inihaw para ulam namin. Tuluyan nang pumasok si Elrhys sa loob ng bahay at sumunod na rin ako.
Tumulong na rin si Mama sa pag-handa ng hapag-kainan, nag-timpla na rin ako ng juice. I decided to eat dinned first bago ako mag-bihis ng pangbahay.
Habang nakain kami ay nagtatanong minsan si Mama kung kumusta daw ang immersion at kung kailan matatapos at kung ano pa na sinasagot ko naman para makatulog sya ng mahimbing sa gabi. After dinner ay si Elrhys ay pinaghugas ni Mama para daw makapagbihis at makapagpahinga ako, at ayun nga ang ginawa ko. Bitbit ang bag ay tinahak ko ang hagdan paakyat sa kwarto namin, kumuha ako ng pamalit na pangbahay na damit atsaka muling bumaba para mag-half bath.
After doing my routine ay pumanhik ako pabalik sa kwarto namin at naabutan ko ang tahimik na kwarto. Nasa salas siguro si Elrhys kasama si Mama at paniguradong nanonood ng teleserye. At dahil wala namang bagong project ang idol kong si Jin, the one and only, ay hindi ako nanonood ng TV. I climbed up to my bed and decides to just surf on the internet, at makiki-update lang ako sa idol ko. Binuksan ko ang data ng cellphone ko at nag-open ng account sa f*******:, buti nalang at may natitira pa akong load.
Habang nag-sscroll ako sa newsfeed ko ay may nahagip ang mata ko. Its a post from Jin’s management, posted on their official f*******: page.
Binasa ko ang konteksto at hindi ko napigilan ang sariling mag-dalawang isip.
“Get a chance to date Jin Marquez for the whole summer vacation! The Star Entertainment decided to drop a huge bomb and that will be a Raffle Game Promo that has a chance to be featured in a one time variety show with your Favorite Actor— Jin Marquez. To know more about it visit this link: @https://starentafflegame.mechanics.com. Follow our official f*******: page for more updates, best of luck and see you Jinius!”