Week 6: How To Create Dialogue

1920 Words
Chapter Four ELIZIANA Magulo ang classroom nang dumating kami ni Ava, umupo na rin kami sa pwesto namin which is sa dulo pa. Alphabetical ang arrangement ng classroom namin at ang pang-last ay Nuñez pa. Nang makaupo kami sa pwesto namin ay siya namang pagdating ng teacher, nagsiayos ang mga estudyante na kanina'y magugulo at kung saan-saan nakaupo. “Good morning, class. Kindly pass your take home quiz that I gave you, last Friday.” Nagsi-usal naman ng pagprotesta ang mga kaklase ko, maging kami ni Ava. Halos nawala na rin sa isip ko ang take home quiz na ibinigay ni Sir Dela Paz, last Friday, pero buti nalang ay nung Friday ng gabi ko sya nasagutan noon ang kaso nga lang ay nawala sa isip kong i-recheck. Naramdaman ko naman ang pagkulbit sakin ni Ava. Nilingon ko ito, “May gawa ka?” bulong nito sakin. Tumango lang ako bilang sagot at nginitian sya. I heard her sighed so I asked her what's wrong. “I didn't finish it, I totally forgot! Oh my god!” she whisper shouted. Halos mataranta si Ava kung paano nya tatapusin iyon lalo na at nagsipasa na ang mga kaklase namin, pati ako ay nadadamay sa pagkataranta nya. Kalaunan ay pinasa nya paunahan ang notebook kahit may ilan syang hindi nasagutan na pilit nya sanang sasagutan mismo dito sa classroom, ang kaso ay baka mahuli kami ng guro. Kinuha ko ang notebook sa bag ko at walang lingon-lingon kong ipinasa ito, at dahil parang kami ni Ava ang huling nagpasa ay ang notebook pa namin ang mukhang unang checheckan. At una pa nga ata ang sakin. “Kaninong notebook ito at wala man lang pangalan? Mukha lang ng artista ang naandito.” Halos hilingin at dasalan ko na lahat ng santong kilala ko, sa isip ko, nang marinig ko ang sinabi ni Sir. Halos lahat din ng kaklase ko ay napatingin sakin. “Huy, gaga. Sayo ba 'yon?” I heard Ava whispered those question and I slowly nodded. Napa-face palm nalang tuloy sya sa katangahan ko. Nahihiya naman akong kuhanin kay Sir at baka kuwestyunin pa'ko ng kung anu-ano, baka sabihin isip bata ako dahil sa notebook kong spiral na may mukha pa ng artista! Kahihiyan. “Walang kukuha nito?” tanong ulit ni Sir. Ni hindi ko magawang lumapit pa-unahan at kuhanin ang notebook na iyon. Nang walang magsalita samin ay nagkibit balikat si Sir at binuksan nang tuluyan ang notebook. Oh my s**t. Pangangalanan ko na ang mga notebook ko! “May nag-nonotebook pa rin pala ng may mukha ng artista, ano? Ito ba 'yung sikat sa YS Channel? Tsk tsk, kita mo at hindi ang take home quiz ang nakasulat sa loob ng notebook!” sermon ni Sir. Mas lalo akong nahiya at nagtaka din kung bakit hindi take home quiz ko ang nakasulat sa loob ng notebook na 'yon. Sinimulang basahin ni Sir ang nilalaman niyon. “Dear Journal. Today, Jin’s management announced his rest this summer. At plano namin ni Jin na magbakasyon sa Nasugbu buong summer, charot. Umaasa, Eliziana.” Nanlaki ang mata ko nang basahin ni Sir ng malakas ang nakasulat sa notebook na 'yon, at doon ko napagtanto na diary ko pala ang naipasa ko! Bumulalas naman ng tawa ang ilan kong kaklase “Si Zia, ang taas ng pangarap!” “Nyay Zia mag-bake ka nalang 'te!” “'Te gusto mong mabato ng rolling pin nang magising ka sa katotohanan?” “Jin Marquez pa ang nais! Gising na girl!” Mariin akong napapikit nang marinig ko ang mga pang-aasar sakin ng mga kaklase ko. Tse! Libre naman mangarap e, daydream na nga lang kami nagkakatuluyan ni Jin, haharang pa sila. Napa-aray ako nang kurutin ako ni Ava, kaya naman pinanlisikan ko sya ng tingin ngunit binalik ko ulit kay Sir ang atensyon ko. Tinaasan ako ni Sir Dela Paz ng kilay at iminuwestra sakin ang notebook ko na may mukha ng pinakamamahal kong shota, shota sa panaginip. Dali-dali kong hinanap sa loob ng bag ko ang notebook kung saan talaga nakasulat ang take him quiz, kung bakit ba naman kasi parehas sila ng kulay ayun tuloy ay nagkamali ako ng naipasa. Pumunta ako sa unahan bitbit ang tamang notebook, humingi din ako ng pasensya kay Sir at tinanguan nya lang ako. Rinig ko pa rin ang ilang pang-aasar ng mga kaklase ko, lalo na ng ilang babae na mukhang fangirl din ng nasabing artista. Sir silenced them, buti nalang at hindi na nang-usisa pa si Sir about sa notebook. He's not that strict naman. Bumalik ako sa pwesto ko at napatungo sa desk, ito ba yung ‘start your Monday with a little bit of embarrassment.’ Sigh. “Huy, okay ka lang?” Napatingin naman ako kay Ava nang marinig ko syang bumulong sa may gilid ko, tinanguan ko sya at nginitian nalang. “Don’t mind them, girl. Treat kita lunch.” Parang gusto ko nalang mapahiya araw-araw kung ito din naman ang outcome. Charot. Our morning classes went well, at dahil we're on the last page of senior, medyo bigay-bigay nalang ng mga special project and such, ang mga teachers. Lunch came and Ava treat me lunch, tulad ng sinabi nya sakin kanina. Nasa canteen kami at humanap ng puwesto, I told Ava na ako nalang kukuha ng order naming lunch but she insisted since treat nya naman daw. Kaya naman naiwan ako sa lamesa namin. “Look oh, we have our assumerang palaka here.” Napaangat ako ng tingin nang marinig ko iyon. Napairap nalang ako nang matantong si River ito, ang chismosang bully ng kabilang section. Tinaasan ko sya ng kilay at tinanong, “Ano na naman ba, Ilog?” “You’re already turning first year college, yet you still have diary? Ew, cheap.” she uttered. “Ikaw din magka-college na, pero bully pa din. Ew, immature.” I mumbled. “Tsk! Bakit mo naman kasi pinangarap na maging girlfriend ng nag-iisang Jin Marquez? Duh, hibang ka ba?” she asked. Inirapan ko ulit ito. “Tsk. Bakit napakachismosa mo? Reporter ka ba?” Tanong ko dito pabalik at ginaya pa ang tono ng pananalita nya kanina. I heard her minions chuckled at what I have said to their leader. “Tse! Ang akin lang naman ay 'wag ka nang umasa, lalo at artista 'yon at mas malabo pa sa pag-angat ng ekonomiya na mapansin ka nya! Maging girfriend pa kaya?” Asik nya sabay inirapan ako bago mag-walk out. Hanep, concern pala sya sakin. Pagka-alis ng kampon nya ay siya namang pag-dating ni Ava sa puwesto namin kasama ang isa sa tauhan ng kantina bitbit ang isa pang tray, napatayo ako at kinuha mula kay ate ang tray at nagpasalamat. Inilapag ni Ava ang tray ng food nya, gano'n din ako. “Ano na namang kinuda no'n?” Tanong ni Ava pagkaupo at sinundan pa ng tingin ang malayong pigura ni River Marasigan with her friends. Nagkibit balikat ako saka nagsimulang sumubo ng pagkain, pero hindi ako tinigilan ni Ava sa tanong nyang 'yon. “Nalaman nya siguro iyong kahihiyan ko kay Sir Dela Paz kanina, ayun at pinuntahan ako dito para mang-asar,” pagkuwento ko. “Chismosa! Anong gusto mong gawin ko do'n? Buhusan ko ng abo ang bag nya? Ano, dali sabihin mo!” I laughed at Ava’s reaction. “Ano nga?!” she shouted. Agad kong sinipa ang paa nya sa ilalim ng lamesa at nagtinginan sa pwesto namin ang ilang estudyante dahil sa sigaw nya, at pinakalma ko sya, ngunit natatawa pa rin talaga ako. Nang humupa ako pagtawa ay binuksan ko ang bottled water atsaka ininuman ito. “Hay na'ku, Amaranta Varteni. Tigilan mo'ko dahil ang pagpatay nga ng langaw ay hindi mo magawa, iyon pa kayang pag-hahamon kay River.” I said. She just pouted. “Eh kasi naman!” She continues to blabber about what River has done to me for the past years. Buti at tapos na sya mag-lunch at burger nalang ang kinakain, habang hindi ko pa nauubos ang kanin ko. Nakikinig lang ako sa mini rants nya about kay River. Ewan ko nga din ba at kung bakit ang init ng ulo sakin no'n, siguro it all started when we're still a freshmen. Iyong magkalaban kami sa Ms. Intramulas noon at ako iyong nanalo, hindi nya siguro matanggap na mas maganda ako sakanya kaya may grudge pa rin sya sakin na ultimo pag-fafangirl ko kay Jin ay iissue-han nya. The bell rang, signaling us to go back to our respective room since lunch time is finally over. Isinubo ko na ang huling subo ng pagkain ko bago uminom ng tubig at inaya si Ava, bumalik kami sa classroom. And our afternoon class starts. Tapos na rin naman kami sa research paper, we have groupings that time and unfortunately hindi ko kagrupo ang best friend kong si Ava, last week iyon at na-idepend din naman namin sya ng maayos. Some of our teachers just gave us some requirements and portfolio, may ilang maliliit na proyektong ibinigay, dahil tulad nga nung sinabi ko, malapit na rin kaming magbakasyon. Pirmahan nalang ng clearance, next next week. Our classes ended well and I'm thankful na wala na masyadong mabibigat na gawaing ibinigay, thankful din dahil parang wala ng masyadong nakaalala sa mga kaklase ko patungkol do'n sa kaunting kahihiyan ko kanina. Nang magdismiss ang last teacher ay sabay kami ni Ava lumabas ng classroom. Parang excited at makikita nya si Elrhys dahil susunduin namin ito sa building nila. “Hindi mo ba ako ilalakad sa kapatid mo? Bestfriends tayo, 'di ba?” She asked as she cling her arms on me. “Impakta ka, ang bata pa ng kapatid ko!” sabi ko dito. She just pouted. Nang malapit na kami sa parang gitna ng dalawang building, which is the big and spacious quadrangle of our school, ay namataan namin si Elrhys na nakaupo sa may bench sa gilid ng quadrangle, kaya nilapitan namin ito at syempre ay nanguna ang bestfriend ko matapos kalasin ang pagka-angkla ng braso nya sa braso ko kanina. Elrhys smiled at us, inirapan ko 'to. Pakitang gilas din kay Ava, sus hindi ko naman papayagan iyan dahil bata pa sya, kahit pa uso ang age doesn't matter 'no. Atsaka alam naman namin ni Ava na biruan lang iyong kunwari ay may gusto sya sa kapatid ko dahil alam ko namang iba ang gusto ng bestfriend ko, sadya lang na mahirap ding abutin para sakanya. Nagkwentuhan lang kami habang papalabas ng gate, at noong nasa may gate na ay tanaw agad namin ang sundo ni Ava. “Bye, babies!” She kissed both of our cheeks and bid her goodbye. Nagpaalam na rin kami sakanya, hinintay muna namin syang makasakay sa kotse nila at umandar paalis, binuksan nya pa ang bintana at kumaway samin. Nang makaalis ang sasakyang pinaglululan ni Ava ay nagpasya na kami ni Elrhys pumara ng tricycle. Nang makapara ay sumakay kami ni Elrhys, sa loob ako habang sya ay sa may labas. “Kuya, block ten 'ho sa may dulo, dalawa 'ho.” Sabi ko sa driver sabay abot ng bayad, ambagan kami ni Elrhys syempre, aba. Tahimik lang ako buong byahe at inaalala ang kahihiyan ko kanina, muling pumasok sa isipan ko ang nangyari din saaking kahihiyan doon sa may palengke. Na'ku po, naalala ko na naman 'yun! Ipinilig ko ang ulo at pilit winawaglit sa isipan ang mga nangyaring kahihiyan sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD