Ilang araw matapos ang pagtatagpo nila ni "Andrea", sinubukang konsultahin ni Rosemary ang asawa tungkol sa pag-hire ng katulong. "Malalim yata ang iniisip mo dyan, Mahal." pansin ng lalaki kay Rosemary. Nagulat naman siya dahil hindi niya namalayang lumipad na ang atensyon niya mula sa asawa. "Wala, Mahal. Naisip ko lang kumuha tayo ng babysitter para kay Ken," mungkahi niya.
"Napag-usapan na natin 'to eh," reklamo ng asawa. "Pero, Leo.." pagtutol ni Mary. Maiksi lamang ang pisi ng asawa kaya hinigit ang braso nito at mahigpit na hinawakan. "Ang sabi ko. Hindi," wika niya nang may nanlalaking mata at mas mahigpit na hawak sa babae. "Mahal, nasasaktan ako.." pagmamakaawa niya kay Leo. Binitiwan siya nito ngunit nag-iwan na ito ng pasa dahil sa kahigpitan. Huminga ng malalim ang lalaki at tumalikod kay Rosemary. "Sige, pagbibigyan kita. Tatawag ako sa agency, simulan natin mag-interview next week." Hinabol niya ang asawa at napayakap dahil sa sinabi nito. "Salamat, Leo."
Katatapos lamang ayusin ni Alex ang kanyang resumé. Tinawagan siya agad ni Rosemary nang mapapayag ang asawa. Habang naghihintay na ma-print, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya agad ito. "San ka? Kain tayo," agad na sabi ni JM, wala man lamang hi o hello. "I'm busy, may trabaho ako 'di ba?" sagot naman ni Alex na halatang iritado. "Eh kaya nga. Baka sa sobrang busy mo hindi ka na kumakain," sabi naman ni JM. Napabuntong-hininga si Alex nang mapagtanto na hindi pa nga siya kumakain. Sumuko na siya sabay sabing "Fine, pick me up." at saka binaba ang tawag. Inilagay na niya sa isang envelope ang ipirint at inilagay sa drawer. Agad siyang nagpalit ng damit dahil naka-boxer shorts lamang siya sa loob ng suot na robe. Napili niyang mag-short at tinernohan niya ng oversized polo na nabili niya sa ukay-ukay kasama si Demi.
"You know I don't buy clothes unless it's my brand," Hindi talaga ako mahilig sa mga ukay, hindi ako sanay pero pinilit niya pa rin ako. "I know, pero some of these pasok sa style mo. Just.. just stop whining and trust me." sabi niya naman at parang nakampante na ako dahil doon. Kalahating oras na kaming naglilibot pero siya lang talaga yung nakakapili. Napatigil naman ako sa linya ng mga polo. Kinuha ko ang pulang large polong may maliit na burda at kinalabit siya. "I kinda like this one. It says 'five'." Tinignan niya ang damit. "Okay, edi bayaran mo na." saad niya at tinuro ang counter. "Eh.. nahihiya ako. Ikaw na, hintayin na lang kita." pacute kong utos sa kanya. "Hay nako, ikaw talaga," pagrereklamo niya. Napakamot pa siya sa ulo pero siya pa rin ang humarap sa counter.
Natigil ang kanyang paggunita nang may kumatok sa pinto. "It's me, Joe." Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at wallet. Ngunit na pansin niyang nakayapak pa pala siya kaya umupo muna siya sa kama. "Come in," aniya habang nagsusuot ng heeled sandals. Pumasok na si JM at inikot ang tingin sa kwarto.
Nang matapos si Alex, agad niyang tinignan ang bagong dating mula ulo hanggang paa. Suot niya ang Loafers na binili nila at bumagay naman ito sa long sleeves at tailored pants. "Paalala ko lang, this is not a date," sabi ni Alex at napatingin naman si JM sa kanya. "Yeah, I know. You're just impressed with my fit," pang-aasar naman ng binata. "Whatever. Let's go." wika niya at saka pinangunahan ang paglakad patungo sa elevator. Agad naman itong bumukas at inokupa nila. Nang makasakay, agad nagtanong si JM. "Saan tayo?" Naalala naman ni Alex na board member pala ng isang kompanya ang target niya. "Dito na tayo sa hotel kumain, I have to be careful. Board member ng DNT yung tintrabaho ko ngayon." sagot niya. Nakuntento naman ang katabi niya sa kanyang tugon kaya tumango at nanahimik na lamang.
Naupo na sila at inabutan ng menu galing sa waiter. Asian cuisine ang inooffer nila rito. Tempura, ramen, tonkatsu at umeshu plum wine ang mga pili ni Alex habang ang kasama niya naman ay hindi pa rin makapili. "Nakatikim ka na ba ng Japanese foods?" tanong ko sa kanya ni Alex. Napailing si JM bilang tugon. "Eto, subukan mo yung salmon sushi, donburi saka gyoza." payo ng dalaga. Sinuri nya nang mabuti ang mga binaggit ni Alex sa menu.
"Sige, mukhang masarap naman. Saka may tiwala ako sa taste mo." saad niya at isinara ang menu book. "Oh, umorder ka na. Ano pang hinihintay mo?" pagtataka ni Alex sa kasama. "Ikaw na magsabi, baka mabulol ako eh." sabay kamot sa ulo. Natawa naman nang bahagya si Alex, "Ang ganda pa naman ng suot mo, mahihiya ka pa mag-order." Tumawag siya ng waiter at agad namang lumapit sa kanila. "Hi, we'll have tempura, ramen, tonkatsu, donbori, gyoza and salmon sushi." sabi niya sa waiter na nilista naman lahat ito. "How about drinks ma'am?" "I'll have umeshu plum wine. JM, are you okay with wine?" tanong niya kay JM. "Yeah, I'll have that too." sagot niya at umalis na ang waiter.
"Punta lang ako sa mini bar over there," paalam ni Alex. "Di ka pa nga kumakain, alcohol na agad?" pagpigil naman ni JM sa kanya. "Saglit lang ako, don't worry." at naglakad na si Alex sa mini bar. Pinanood niya lamang ang dalaga na umorder ng alak, binabantayan niya sa malayo. Sandali niyang chineck ang kanyang cellphone kung may tumawag o nagtext ngunit wala naman. Ibinalik niya na ang tingin kay Alex at nagulat na may kausap na itong babae sa bar.
Nag-abot rin ang babae ng tissue at umalis. "Ang bilis, may number agad" sabi ni JM sa sarili. Ilang saglit pa ay bumalik na si Alex. "I told you, mabilis lang" pagyayabang niya kay JM ng tissue na may cellphone number. "Hindi mo naman matatawagan" biro ni JM. "Tinest ko lang if my charm's still working," nakangising sagot naman ni Alex. "Always," bulong ng binata. Napalakas yata ang bulong dahil napatingin si Alex. Hindi na niya naitanong kung anong sinabi ni JM dahil dumating na ang kanilang order.