Abby’s POV “Good evening, ma’am!” Bati sa akin ng isang staff. I smiled. “Hi!” Tugon ko. Nilagpasan ko siya at tinungo ang hagdan paakyat sa tree house habang si Caleb ay nasa likuran ko. “Do you really want to go first? Ayaw mong alalayan kita?” “Disney princess lang?” “You are.” “Strong independent woman, ito, Caleb.” Saad ko at nagpatuloy sa pag-akyat hanggang sa marating ko ang mismong tree house. Mas lalo akong namangha sa tanawing bumungad sa ‘kin sa itaas ng tree house. ‘Yung city lights parang fireflies kumukutikutitap. Ang ganda rin ng langit. Napapikit ako nang humampas ang malamig na hangin, breathing it in, letting its freshness fill my lungs. “Ganda no?” Nagmulat ako ng mga mata at nilingon siya. He was looking at me. Nakasandal ang braso sa railings ngunit sa aki

