CHAPTER 17: ENCOUNTER

2318 Words
Habang naglalakad pauwi. “Anne,” tawag ko kay Anne. “Oh?” tugon ni Anne. “Ah, wala,” sambit ko. “Hala, ano nga?” tugon ni Anne. “Hindi may gusto sana akong sabihin,” sambit ko. “Oh, ano, ‘yon?” tugon ni Anne. “Sabihin mo na, makikinig ako.” “Kasi ano, si Julio,” sambit ko. “Oh anong meron sa kanya?” “Tatlong beses ko na siyang nakausap, bago pa natin siya maging kaklase,” kwento ko. “Paano?” tugon ni Anne. “Kasi ano, alam mo naman diba kapag mabigat ang pakiramdam ko o kaya kapag malungkot ako tumatambay ako sa ilog,” pagkukwento ko. “Tapos?” tanong ni Anne. “Wala nag-usap lang kami. Tinanong niya lang ako kung may problema raw ba ako? kung bakit ako umiiyak. Hindi ko pa nga alam pangalan niya noon eh. Nalaman ko lang noong nag transfer na siya sa school natin. Noong nagpakilala siya roon ko lang nalaman ‘yong pangalan niya,” kwento ko. “Oh, kaya ba sinabi mo na mukha siyang mabait kasi nakausap mo na siya?” usisa ni Anne sa akin. “Oo? mukha naman siyang mabait talaga,” sambit ko. “Wala, ikwinento ko lang sa ‘yo, alam mo naman diba? walang lihiman sa atin,” dagdag ko pa. “Salamat sa tiwala, Samantha. Ngayon alam ko na kung bakit ganoon ang mga sagot mo kapag patungkol sa kanya. Kaya pala sumabay siya magrecess sayo, siguro kasi ikaw lang naman ang kilala niya sa room,” sambit ni Anne. “Ganoong na nga. Pero sinabihan ko siya na makipagclose rin siya kina Jeron,” tugon ko. Noong nakarating kami sa crossing ay oras na para maghiwalay kami ni Anne. “Babye, see you bukas,” sambit ko. “Bye, Samantha,” tugon ni Anne. Naglakad na ako pauwi ng bahay namin. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Mang Nestor. “Oh, Samantha? pauwi ka na?” tanong ni tatay Nestor. “Opo tay, kayo po? iikot pa po kayo?” “Oo Samanthaa, hindi pa tapos ang pagpapatrol ko, nga pala Samantha.” “Po?” tugon ko. “May sakit ba ang tatay mo?” habang sinasambit ‘yon ni tatay ay kita ko sa mukha niya ang pagtataka. “Wala naman po, bakit po?” nag aalala kong pagtatanong. “Kasi ilang beses na itong nangyari. Habang nagpapatrol ako malapit sa bahay niyo, naririnig ko ‘yong malakas niyang pag-ubo. Kapag nasa labas naman siya ay lagi kong napapansin na humahawak siya kanyang dibdid na parang may iniinda,” kwento ni tatay Nestor. Habang nagkukwento si tatay Nestor ay may kaba akong naramdaman. Iyong kwento niya ay parehong-pareho sa kwento ni Ate Joana. Nakatulala lang ako noon. “Samantha,” tawag ni tatay. “Samantha,” muling tawag ni tatay Nestor. Sa pangalawang tawag ni tatay ay doon na ako nahimasmasan. “Ah, opo tatay Nestor, may ubo nga po si tatay, pero sabi naman po niya kayang-kaya po ‘yon ng oregano,” sambit ko. “Sinabi niya ba na ‘yon lang ang unang beses na maramdaman niya ‘yon?” usisa ni tatay. “Opo,” tugon ko. “Naku Samantha, hindi kasi ‘yon ang unang beses na nakita ko na ganoon ang sitwasyon ng tatay mo,” sambit ni tatay. “Mabuti nang ipa check-up mo siya, Samantha,” dagdag pa ni tatay. “Opo tay Nestor, sa Sabado po pupunta sa amin si Ate Joana para matignan kung ano ang sitwasyon ni tatay,” tugon ko. “Mabuti naman kung ganoon. Kapag natapos ang check-up mo sa Sabado sabihin mo sa akin kung ano ang kalagayan niya para matulungan ko kayo,” pagpapaalala ni tatay Nestor. “Opo tay, salamat po,” tugon ko. “Mauuna na ako anak,” sambit ni tatay Nestor. “Sige po tay, salamat po,” tugon ko. Umalis na si Tatay Nestor at ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad pauwi ng bahay. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan matulala. Hindi ko kasi lubos maisip kung ano na ba talaga ang kalagayan ni tatay. Base kasi sa kwento ni Ate Joana at Tatay Nestor parang may sakit nga si tatay. Pero ang sabi naman ni tatay, eh wala naman siyang sakit at iyon lang ang unang beses na naramdaman niya ‘yon. Dahil nakatulala lang ako, ay hindi ko na napansin na meron na palang papalapit sa akin. Nagulat na lang ako noong may sumalpok sa akin dahilan para matumba ako at matumba rin ‘yong driver. Noong napahiga ako ay doon ko lang nalaman na nasa gitna na pala ako ng kalsada. Pagkatingin ko sa driver ay pinipilit nitong tumayo. Buti na lamang ay naka helmet ito kaya hindi ito masyadong napuruhan. Gusto ko sana siyang tulungan kaso ay hindi ko maigalaw ang aking binti. Noong tatangkain kong tumayo ay hindi ko magalaw ang aking binti at nakita ko na mayroon akong sugat sa aking binti. Noong tumingin akong muli sa driver ay nakatayo na ito. Lumapit ito sa akin. “Iha, ano bang ginagawa mo sa gitna ng kalsada?” usisa nito. “Pasensya na po, hindi ko po namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada,” paliwanag ko. “Mabuti na lang at sugat lang ang natamo mo,” tugon ng driver. “May masakit pa ba sa ‘yo?” tanong ng driver. “A-ah, hi-hindi ko po ma-magalaw ‘iyong binti ko,” nauutal kong sambit habang nakatingin sa aking binti. Itinayo ako ng driver at isinakay sa kanyang motor. “Saan ang bahay niyo at ihahatid na kita,” sambit ng driver. “A-ah dyan lang po, malapit na po,” tugon ko. “Sabihin mo na lamang kung malapit na at ihihinto ko ang motor,” ani ng driver. “Sige po,” sambit ko. Habang nasa motor ay nakahawak ako sa aking binti. Nilagyan ko kasi ito ng bimpo para maibsan ang pag dugo ng aking sugat. Nagpatuloy ang pag andar ng motor. Dyan lang po sa panlimang bahay at noong nasa tapat na kami ng bahay namin. “Dito na po,” sambit ko sa driver. Hininto niya ang motor. Pagkatapos ay bumababa ang driver at inalalayan ako sa pagbaba. IIka-ika pa ako noon dahil sa sakit ng aking binti. Lumabas si tatay at nagulat sa kalagayan ko. “Naku, anak? Anong nangyari sayo?” nag aalala na tanong ni tatay. “Okay lang po ako ‘tay” sambit ko. Biglang nagsalita ang driver. “Pasensya na po, hindi ko po sinasadya ang nangyari. Nagulat na lang po ako noong nasa gita na po siya ng kalsada. Akala ko po kasi ay tatawid siya. Wala po akong intention na masama, pasensya na po,” paliwanag ng driver. “Tay, wala po siyang kasalanan. Ako po ang may kasalanan tay, hindi ko po namalayan na nasa gitna na po ako ng kalsada,” pagpapaliwanag ko. “Umupo ka muna rito anak,” sambit ni tatay at pinaupo ako sa upuan sa sala. Ang driver naman ay nanatili lang sa pintuan. “Aalis na po ako, may pasok pa po kasi ako. Kapag may masama pong nangyari pakitawagan na lang po ako,” sambit niya at may inabot siyang papel. Kinuha ni tatay ang papel at inilagay sa lamesa. “Sala…” magsasalita pa sana ako kaso nakaalis na agad ang driver. Sa totoo lang, pamilyar ang boses ng driver. Hindi niya inalis ang kanyang helmet. Nakatakip din ang kanyang mga bibig at ang mga braso. Iyong tipong attire ng mga driver ganun ang suot niya. Hindi niya tinanggal ang kanyang helmet kahit isang beses kaya hindi ko nasilayatan ang mukha niya ngunit sa pagkakarining ko sa kanyang boses ay parang narinig ko na ‘yon. “Sino ba ‘yon?” sambit ko. Pinilit kong inaalala kung saan ko narinig ang boses na ‘yon. “Sino ‘yon?” habang malalim akong nag-iisip para maalala kung saan ko narinig ang boses na ‘yon dati. Ay biglang... “Ano ba ang ginawa mo anak?” habang tinatanong ‘yon ni tatay ay kita ko sa mukha niya ang pag aalala. “Wala po ‘tay, hindi ko lang po namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada,” paliwanag ko. “May problema ka ba? may iniisip ka ba?” usisa ni tatay. “Wala po,” tugon ko. Sa totoo lang, ang kalagayan ni tatay ang iniisip ko noong nangyari ito. Pero hindi ko ‘yon magawang sabihin sa kanya, dahil alam kong hindi niya gugustuhin o masasaktan siya kapag nalaman niyang siya ang dahilan. “Dyan ka muna, kukuha muna ako ng dahon ng bayabas, panghugas dyan sa sugat mo,” sambit ni tatay. “Opo,” tugon ko. Umalis si tatay at ako naman ay naiwan lang sa bahay. Nakaupo ako sa sala. Noong tinignan ko ang aking sugat ay tumigil naman na ito sa pagdugo. Tinanggal ko na ang bimpo at pilit na tumayo. Iika-ika akong naglakad papuntang lababo. Doon ay hinugasan ko ang bimpo na puno ng dugo ng aking sugat. Dahil bata pa ako, ay medyo nakaramdam ako ng kaba dahil sa dami ng dugo. Pero patuloy ko lang ‘yong nilabhan. Sinabon ko ‘yon, binanlawan at noong isasampay ko na… “Samantha, bakit ka nariyan?” sigaw ni tatay na ikinagulat ko. “A-ah, nilabhan ko lang po ‘yong bimpo tay,” tugon ko. “Isasampay na lang po,” dagdag ko pa. Lumapit si tatay sa akin. Ako na riyan,” sambit ni tatay. Inupo ako ni tatay muli sa upuan sa sala. Sinampay niya ang bimpo sa bakuran. Pagkatapos ay hinugasan ang dahon ng bayabas. “Itong bayabas ay magandang pampatuyo ng sugat,” sambit ni tatay. Kapag kumulo ito ay huhugasan natin ‘yang sugat mo. “Anak? wala ka ba talagang problema? sa school may problema ba?” muling pag uusisa ni tatay. “Wala po ‘tay. Maayos naman po sa school namin,” tugon ko. “Bakit ka kasi hindi tumitingin sa nilalakaran mo,” sambit ni tatay. “Pasensya na po ‘tay,” tugon ko. “Nga pala tay, may nag transfer po sa amin galing Manila, sa Ateneo po galing,” kwento ko kay tatay. “Ateneo? diba ay mahal doon?” nagtatakang tanong ni tatay. “Opo tay, kaya nga po tay hindi ko alam kung bakit siya dyan nag transfer. Pero kahit mayaman po siya tay ay mukha naman po siyang mabait,” kwento ko. “Julio Cruz po pala ang pangalan niya tay. Ka apelyido po siya ng Cruz, na-na da-dahilan ng pagkawala ni nanay pero feeling ko po wala naman po silang connection,” dagdag ko pa. Noong sinabi ko ‘yon ay napansin ko ang pagbabago sa mukha ni tatay dahil napag usapan na naman ang dahilan ng pagkawala ni nanay. “Tapos na kumulo, hintayin lang natin lumamig at pwede na natin hugasan ‘yang sugat mo,” iyan ang naging sagot ni tatay sa kwento ko. Makalipas ang ilang minuto ay hinugasan na ang aking sugat. Dahan-dahan akong itinayo ni tatay papuntang bakuran at doon ay hinugasan ang aking sugat. Medyo dumudugo pa ng kaunti ang aking sugat. Habang binubuhasan ‘yon ng tubig na pinakuluan sa dahon ng bayabas ay nararamdaman ko ang hapdi. Medyo may kirot akong nararamdaman. Makalipas ang ilang minuto. Pagkatapos hugasan ang aking sugat. Nakita kong tumigil na ang pagdugo nito at medyo natuyo na rin. Ngunit dama ko pa rin ang kirot. Inalalayan ako ni tatay papasok ng bahay at naupo ako sa sala. Kinuha ni tatay ang betadine at kumuha rin siya ng retaso ng tela. Nilagyan ni tatay ng betadine ang aking sugat. “Tay, sorry po,” sambit ko habang nakayuko. “Basta anak, mag iingat ka na sa susunod,” tugon ni tatay. “Opo tay, sorry po.” Binendahan ni tatay ang sugat ko. Medyo makirot pa rin ‘yon. Pagtapos ay inalalayan ako ni tatay papasok ng kwarto upang makapagpahinga. Inayos ni tatay ang banig at unan at doon ay nahiga ako. “Magpahinga ka na muna, magluluto muna ako,” sambit ni tatay. “Sige, po.” Naidlip muna ako para na rin hindi ko maramdaman ang kirot ng aking sugat. Matapos ang ilang oras… “Samantha, maghahapunan na,” sigaw ni tatay. Nagising ako sa sigaw ni tatay. “O-opo,” tugon ko. Pumasok si tatay sa kwarto at inalalayan ako tumayo. Naupo ako at nagsimulang kumain. “Ayan, gulay ang niluto ko para lumakas ka,” sambit ni tatay. “Salamat, tay.” Nagsimula kaming maghapunan. Habang kumakain ay nagulat ako ng biglang may tinanong si tatay. “Iyong kinukwento mo anak kanina, ‘yong transferee ba ‘yon?” sambit ni tatay. “Ah, si Julio po,” tugon ko. “Ka-edaran niyo rin ba siya?” usisa ni tatay. “Opo tay, feeling ko po,” tugon ko. “Ah,” ang naging maikling tugon lang ni tatay. “Ba-bakit po?” nagtataka kong tanong. “Ah wa-wala naman,” tugon ni tatay. “Paano iyan bukas anak? papasok ka ba?” “Titignan ko po muna ‘tay kung hindi na po ganoon kasakit itong binti ko,” sambit ko. “Basta huh, huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya,” pagpapaalala ni tatay. “Opo, tay.” Pagkatapos kumain ay naghilamos na ako. Inalalayan akong muli ni tatay papasok ng kwarto. Bago matulog ay nagdasal muna ako na sana ay hindi labis na napuruhan ang aking binti. Sana ay sugat lamang ito. Ipinagdasal ko rin si nanay, humingi ako ng tulong sa kanya na sana ay patuloy niya akong gabayan pati si tatay. Natulog na ako agad upang makapagpahinga at bukas ay titignan ko pa kung kakayanin kong makapasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD