Chapter 4

1435 Words
KYO SLOWLY opened the door to Ellie's ward. Pagpasok niya, bumungad sa kanya si Ellie na nakasandal sa headboard ng kama. Nakapikit ang mga mata ng dalaga habang dumadaloy ang luha sa pisngi nito. She looked so fragile, so broken. The pain was written all over her face. Mabigat ang hininga ni Ellie nang dahan-dahang dumilat. Nang magtama ang mga mata nilang dalawa, napasinghap ito. Kita ni Kyo kung paano lumarawan ang takot sa mukha ng babae. “Please… huwag kang lumapit sa akin…” pagsusumamo nito sa nanginginig na boses habang yakap ang sarili. Para itong batang nagtatago sa takot, tila ba anumang sandali ay muli itong masasaktan. Ramdam ni Kyo ang matinding kirot sa dibdib. Natatakot na ba talaga si Ellie sa kanya? “Ellie…” mahina niyang tawag habang lumalapit. Ngunit mabilis na umiling ang dalaga, halos mabali ang leeg sa lakas ng pag-iling. “Huwag!” Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Ellie. Tinakpan nito ang mga tainga gamit ang dalawang palad, habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha. Napatigil si Kyo sa kanyang mga hakbang. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. What was happening to her? Mabilis siyang lumabas ng kwarto at tinawag ang doktor. Ilang minuto lang, bumalik siya kasama ang doktor. Naabutan nila si Ellie na nagpupumiglas sa kama, umiiyak, at inuusal ang parehong mga salita na parang bangungot. “Hayop ka! W-wala kang awa...” nanginginig ang tinig nito. “Tama na! Please, ayaw ko na!” sigaw nito habang nakapikit nang mariin. Agad inilabas ng doktor ang isang syringe na may lamang pampakalma. Lumapit ito kay Ellie, hinawakan nito ng mahigpit ang dalaga, at marahang tinurokan. Unti-unting humina ang paglaban ng babae hanggang sa tuluyang mapagod. “K-kinamumuhian kita husto...” bulong nito bago tuluyang pumikit. Kyo stood frozen, guilt painted across his face. He had destroyed her. Sinira ni Kyo ang bagay na kailanman ay hindi niya na maibabalik pa kahit anong gawin niya. Tumingin ang doktor kay Ellie. Pati ito ay awang-awa sa dalaga. “Kung sino man ang gumawa nito sa kanya dapat maparusahan. He has broken her spirit… now she is traumatized. This is truly a tragedy.” “Can you excuse us?” malamig na tanong ni Kyo. Tumango ang doktor at lumabas ng silid. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Kyo nang maiwan silang dalawa. Lumapit siya kay Ellie at marahang umupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang buhok nito, halos pabulong na nagsasalita. “You’re so stubborn, Ellie… You shouldn’t have worried about me. You should’ve just walked away when I asked you to. Pero dahil sa katigasan ng ulo mo… tignan mo kung anong nangyari sa iyo ngayon.” Tumayo siya at lumapit sa bintana. Sa labas, makikita ang mga ilaw ng siyudad, ngunit sa loob niya ay puro dilim. “And it’s partly my fault… I should have controlled myself,” bulong niya. Muli niyang nilingon si Ellie. Maputla ang mukha nito, tila walang kalaban-laban, at sa kabila ng lahat, isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Kyo. •••••••••••••••• Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Ellie, at halos mabitiwan ni Luna ang hawak nitong bag sa pagmamadali. Naroon na rin si Kyo, nakatayo sa tabi ng kama, halatang hindi alam ang gagawin. Kanina pa nitong sinusubukan na patahanin si Ellie, pero hindi man lang malapitan ng lalaki ang dalaga. “Ellie, anong nangyari? Bakit ka umiiyak nang ganyan?” agad na tanong ni Luna sa kapatid, bakas ang kaba sa tinig. Mabilis itong lumapit at umupo sa gilid ng kama. Hindi na ito nagdalawang-isip, niyakap siya kaagad ni Luna nang mahigpit, para bang binabalutan ng proteksiyon. Marahang hinagod nito ang kanyang likod habang patuloy ang walang tigil na pag-iyak niya. “Shh… tahan na. Sabihin mo sa akin ang nangyari,” bulong ni Luna habang hinahaplos ang buhok niya. “I’ll go get her some food,” mahina nitong sabi. Doon lamang napansin ni Luna ang presensya ng amo ni Ellie. Mahigpit pa rin ang yakap nito sa kapatid nang lumingon ito sa lalaki. “Sir Castillano, narito pala kayo,” anito na may pagtataka. “Yeah,” tipid na sagot ni Kyo. “Lalabas muna ako.” At bago pa makapagsalita ulit si Luna, mabilis na lumabas si Kyo ng silid. Makalipas ang ilang minuto, bahagyang kumalma si Ellie. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo mula sa balikat ni Luna. Namumugto ang mga mata, at namamaga ang pisngi, halatang matagal na siyang umiiyak. Marahang inayos ni Luna ang nakalugay na hibla ng buhok niya, at tinitigan siya nang puno ng pag-aalala. “Ellie, ano ba talaga ang nangyari?” mahinahong tanong nito. Napasinghot siya at nanginginig ang labi. “A-ako… siya… si—” Ngunit hindi niya naituloy ang sasabihin. Tuluyan na namang bumigay ang luha at muling napahagulgol. “Shh… it's okay. Magpahinga ka muna,” ani ni Luna, maingat siyang inihiga nito at inayos ang kumot. “Kapag nakapagpahinga ka na nang maayos, saka mo ikwento sa akin lahat, hmm?” Mahina lang ang pagtango ni Ellie, pagod na pagod siya na halos mawalan ng lakas. Nanatili si Luna sa tabi ng kama, hinahaplos ang buhok niya. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ni Ellie dahil sa kapatid. Unti-unti niyang ipinikit ang uban mga mata. ••••••••••••••••• Kyo strode into Northcrest Medical Institute, may hawak na paper bag sa kanyang kamay. Nakasuot siya ng hoodie, pilit na itinatago ang sarili upang hindi siya makilala ng mga tao. Pagpasok niya sa silid, nadatnan niya si Luna na nakaupo sa tabi ng kama ni Ellie. Nakapako ang mga mata nito sa natutulog na kapatid, at bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. He cleared his throat, dahilan para mapalingon ito sa kanya. “How’s she?” malamig ngunit may halong pag-aalala niyang tanong. Humugot ng buntong-hininga si Luna bago sumagot. “Mas grabe, Sir. Kanina pa siya iyak nang iyak, halos hindi na tumigil.” Lumingon ito kay Ellie na payapa na ngayong nakahiga. “Has she been sedated again?” tanong ulit ni Kyo sa seryosong tono. Umiling si Luna. “Hindi. Ako na lang ang nag-request na magpahinga siya.” Tumango siya, tila nag-isip sandali. “I brought her some food. Paki-bigay na lang kapag nagising siya. I’ll be leaving, kailangan ko pang sunduin si Saoirse sa school.” Iniabot niya ang paper bag kay Luna. “Thank you… uh, Sir,” nahihiyang sagot ni Luna habang inabot iyon. May pag-aalinlangan itong titig bago nag-ipon ng lakas ng loob para magtanong sa kanya. Kyo turned, raising a brow in question. “Uh… alam niyo po ba kung anong totoong nangyari sa kapatid ko?” mahinang tanong ni Luna, ngunit bakas ang kaba sa boses nito. Kumabog ang dibdib ni Kyo. Iyon ang tanong na pilit niyang iniiwasan. Dapat ba niyang sabihin ang totoo? O hayaan na lang niyang si Ellie mismo ang magpaliwanag? Kung ayaw nitong magsalita, wala siyang karapatan. Pero kung sasabihin niya, baka lalo lamang gumulo. “Sir?” tawag muli ni Luna nang mapansin ang katahimikan niya. “She’ll tell you herself,” mabilis niyang sagot, kita ang pag-iwas sa kanyang tinig. “I really have to go.” At bago pa makapagtanong ulit si Luna, dali-dali siyang lumabas ng ward. Pagkalabas ng ospital, mabilis na naglakad si Kyo papunta sa parking lot. As soon as he got into the car, he sank into the seat, his chest weighed down with heaviness, ibinagsak niya ang ulo sa headrest at tinakpan ng palad ang mukha. His life was a complete mess. Una, hindi niya mapigilan ang sarili, he was a slave to his own desires. At ngayon, tinatawag na siyang halimaw ni Ellie. At isa ng rapist. That word echoed in his head, cutting him deeper than any blade could. Sinira niya ang buhay ng isang inosenteng babae. He ruined her. At ngayon, kahit anong gawin niya, hindi na niya mababawi ang nangyari. “What will happen when she wakes up?” bulong niya sa sarili. At kung magdesisyon itong umalis, paano na si Saoirse? She adored her nanny. Kung mawala si Ellie, masasaktan nang husto ang anak niya, isang bagay na ayaw niyang makita kailanman. He had to do something. Kailangan niyang magdesisyon. Kailangan niyang ayusin ito, kahit pa siya ang masaktan. Kyo exhaled heavily with one last glance at the hospital building in his rearview mirror, pinaharurot niya ang sasakyan. Diretsong tungo sa paaralan ni Saoirse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD