Chapter 7

1348 Words

"GOOD MORNING," bati ni Kristoff nang pumasok sa guest room. "Good morning," sagot ni Ellie. Pinasadahan nito ang kanyang suot. Katatapos lamang ni Ellie maligo pero ibinalik niya ang damit na isinuot kahapon. "Bakit suot mo pa rin ang damit na suot mo kahapon?" nakakunot-noong tanong nito. "Wala na kasi akong ibang damit na maisuot, pero huwag kang mag-alala, hindi naman ako magtatagal dito," sabi niya, sabay bigay ng tipid na ngiti upang maibsan ang tensyon. Nagkibit-balikat si Kristoff. "Okay, ipagkukuha kita ng ilang damit para may magamit ka habang narito ka. Eat up, I'll be back." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at lumabas ng silid. Pagkalabas ni Kristoff, biglang bumukas ulit ang pinto. Napalingon si Ellie at umayos ng upo, akala niya ay si Kristoff ito. Ngunit nagulat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD