“IT'S YOUR duty to take care of the kids here in this school! Pero ikaw mismo ang nagpabaya sa mga bata! Pinabayaan mong magpagala-gala, at ngayon, nawawala ang anak ko!” galit na sigaw ni Kyo sa principal, nanginginig ang boses habang namumula ang mga mata sa galit. “I-I’m sorry, sir, I’ll—” “Keep your fvcking sorry to yourself Bibigyan kita ng dalawang minuto. Kung hindi mo maibabalik sa akin ang anak ko, I’ll shut down this prison you call a school!” sigaw niya. Napalunok ang principal, at takot na takot habang pinapanood si Kyo na parang sasabog sa galit. Halos tatlong oras na silang naghahanap sa buong campus pero wala pa ring bakas ni Saoirse. Tahimik ang buong paligid na parang sementeryo. Pababa na ang araw, at ang dilim ay unti-unting lumalamon sa buong lugar. Kasama sa paghah

