DAHAN-DAHANG BUMABA sina Ellie at Kyo sa malapad na hagdanan, at marahang umaalingawngaw sa tahimik na pasilyo ang bawat hakbang ng dalawa. Pagpasok nila sa dining room, nadatnan nilang nakaupo si Caroline sa mesa habang tinutusok-tusok ang pagkain gamit ang tinidor. “Mom,” tawag ni Kyo bago lumapit dito at niyakap ng mahigpit ang ina. “Good morning.” “Good morning, son. How was your night?” tanong ni Caroline habang kumakalas sa yakap at magaan na hinalikan sa pisngi ang anak. “It was... normal. At least with Ellie by my side, I could get a wink of sleep.” Saglit itong ngumiti, saka gumanti ng halik sa pisngi ng ina. Napatingin si Caroline kay Ellie at agad din siyang niyakap. Sa gulat ay hindi siya nakakibo. Ito ang unang beses na yumakap si Caroline sa kanya. “

